Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, Volume I

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos

Ang Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw, na nagpakita upang gawin ang Kanyang gawain, ay ipinahahayag ang lahat ng katotohanang nagdadalisay at nagliligtas sa sangkatauhan, at lahat ng mga ito ay kasama sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Naisakatuparan nito ang nakasulat sa Biblia: “Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Diyos, at ang Verbo ay Diyos(Juan 1:1). Para sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, ito ang unang pagkakataon mula noong paglikha ng mundo na nangusap ang Diyos sa buong sangkatauhan. Ang mga pagbigkas na ito ang bumubuo sa unang tekstong ipinahayag ng Diyos sa sangkatauhan kung saan inilalantad Niya ang mga tao, ginagabayan sila, hinahatulan sila, at nagsasalita Siya nang tapatan sa kanila at ito rin ang unang mga pagbigkas kung saan ipinaaalam ng Diyos sa mga tao ang Kanyang mga yapak, ang lugar na Kanyang pinaghihimlayan, ang disposisyon ng Diyos, kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, ang mga kaisipan ng Diyos, at ang Kanyang pag-aalala sa sangkatauhan. Masasabi na ito ang mga unang pagbigkas na sinambit ng Diyos sa sangkatauhan mula sa ikatlong langit simula noong paglikha, at ang unang pagkakataon na nagamit ng Diyos ang Kanyang likas na pagkakakilanlan upang magpakita at ipahayag ang tinig ng Kanyang puso sa sangkatauhan sa gitna ng mga salita.
Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao (pinaikli bilang Ang Salita), na ipinahayag ni Cristo ng mga Huling Araw, ang Makapangyarihang Diyos, ay kasalukuyang binubuo ng anim na volume: Ang Unang Volume, Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos; ang Ikalawang Volume, Ukol sa Pagkakilala sa Diyos; ang Ikatlong Volume, Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw; ang Ikaapat na Volume, Paglalantad sa mga Anticristo; ang Ikalimang Volume, Ang mga Responsibilidad ng mga Lider at Manggagawa; at ang Ikaanim na Volume, Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan.

Mga Pagbigkas ng Cristo ng mga Huling Araw