Kabanata 26

Mula sa lahat ng salitang sinambit ng Diyos, makikita na papalapit na ang araw ng Diyos sa bawat araw na lumilipas. Para bang ang araw na ito ay nasa harap mismo ng mga mata ng mga tao, na para bang darating na ito bukas. Sa gayon, matapos basahin ang mga salita ng Diyos, nahintakutan ang lahat ng tao, at nararamdaman din nila ang kapanglawan sa isang bahagi ng mundo, gaya ng mga dahon na nalalaglag sa simoy ng hangin, na sinamahan ng ambon. Nawawala ang mga tao nang walang bakas, na para bang lahat sila ay tuluyan nang naglaho. Masama ang pakiramdam ng lahat, at bagama’t pinagsisikapan at nais nilang palugurin ang kalooban ng Diyos, at ginagamit ng bawat tao ang lahat ng lakas nila upang palugurin ang layunin ng Diyos, upang sumulong nang maayos at walang hadlang ang kalooban ng Diyos, ang gayong saloobin ay laging may kahalong kaba. Halimbawa ay ang mga pagbigkas ngayon: Kung ipinarating ang mga iyon sa masa, ibinalita sa buong sansinukob, lahat ng tao ay yuyukod at mananangis, sapagkat sa mga salitang “Babantayan Ko ang buong daigdig at, habang nagpapakita sa Silangan ng mundo nang may katuwiran, kamahalan, poot, at pagkastigo, ihahayag Ko ang Aking sarili sa napakaraming hukbo ng sangkatauhan!” nakikita ng lahat ng may espirituwal na pang-unawa na walang sinumang makakatakas sa pagkastigo ng Diyos, at na matapos maranasan ang pagdurusa ng pagkastigo, lahat ay paghihiwa-hiwalayin ayon sa kanilang uri. Totoo nga, ito ay isang hakbang ng gawain ng Diyos, at walang sinumang maaaring magbago nito. Nang likhain ng Diyos ang mundo, nang pamunuan Niya ang sangkatauhan, ipinakita Niya ang Kanyang karunungan at pagiging kamangha-mangha, at kapag winawakasan Niya ang kapanahunang ito, saka lamang mamamasdan ng mga tao ang Kanyang tunay na katuwiran, kamahalan, poot at pagkastigo. Bukod pa riyan, nakikita nila ang Kanyang katuwiran, kamahalan at poot sa pamamagitan lamang ng pagkastigo; ito ay isang landas na kailangang tahakin, gaya ng, sa mga huling araw, ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay kailangan at hindi maaaring mawala. Matapos ipahayag ang katapusan ng buong sangkatauhan, ipinapakita ng Diyos sa tao ang gawaing Kanyang ginagawa ngayon. Halimbawa, sinasabi ng Diyos, “Ang dating Israel ay nawala na, at ang Israel sa ngayon ay nagbangon na, nang tuwid at matayog sa mundo, at nakatayo sa puso ng buong sangkatauhan. Tiyak na matatamo ng Israel ngayon ang pinagmumulan ng pag-iral sa pamamagitan ng Aking mga tao!” “Ah, kasuklam-suklam na Ehipto! … Paanong hindi ka makairal sa loob ng Aking pagkastigo?” Sadyang ipinapakita ng Diyos sa mga tao ang mga bungang nakakamit ng dalawang magkasalungat na bansa sa Kanyang mga kamay, na sa isang pahiwatig ay tumutukoy sa Israel, na materyal, at sa isa pa ay tumutukoy sa lahat ng hinirang ng Diyos—na ibig sabihin, sa kung paano nagbabago ang mga hinirang ng Diyos habang nagbabago ang Israel. Kapag lubos nang nakabalik ang Israel sa orihinal nitong anyo, lahat ng hinirang ay magagawang ganap pagkatapos—na ibig sabihin, ang Israel ay isang makahulugang sagisag ng mga minamahal ng Diyos. Samantala, ang Ehipto ang kinatawang pagtatagpo ng mga kinamumuhian ng Diyos. Habang mas nagiging bulok ito, mas nagiging tiwali yaong mga kinamumuhian ng Diyos—at ang Babilonia ay bumabagsak pagkatapos. Bumubuo ito ng malinaw na pagkakaiba. Sa pagpapahayag ng pagwawakas ng Israel at Ehipto, ibinubunyag ng Diyos ang patutunguhan ng lahat ng tao; sa gayon, kapag binabanggit ang Israel, tinutukoy rin ng Diyos ang Ehipto. Mula rito, makikita na ang araw ng pagwasak sa Ehipto ay ang araw ng paglipol sa mundo, ang araw kung kailan kinakastigo ng Diyos ang lahat ng tao. Mangyayari ito sa lalong madaling panahon; malapit na itong tuparin ng Diyos, isang bagay na medyo hindi nakikita ng mata ng tao, subalit hindi maaaring mawala at hindi mababago. Sabi ng Diyos, “Lahat ng laban sa Akin ay tiyak na kakastiguhin Ko nang walang hanggan. Sapagkat Ako ay isang mapanibughuing Diyos at hindi Ko basta patatawarin ang mga tao sa lahat ng kanilang nagawa.” Bakit gayon katiyak magsalita ang Diyos? At bakit Siya personal na naging tao sa bansa ng malaking pulang dragon? Mula sa mga salita ng Diyos, makikita ang Kanyang layunin: Hindi Siya naparito upang iligtas ang mga tao, o pakitaan sila ng habag, o kalingain sila, o protektahan sila—naparito Siya upang kastiguhin ang lahat ng kumokontra sa Kanya. Sapagkat sabi ng Diyos, “Walang makakatakas sa Aking pagkastigo.” Ang Diyos ay nabubuhay sa katawang-tao, at, bukod pa riyan, Siya ay isang normal na tao, subalit hindi Niya pinatatawad ang mga tao para sa kanilang kahinaan sa kawalan ng kakayahang makilala Siya nang personal; sa halip, pinarurusahan Niya ang mga tao para sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng isang “normal na tao,” ginagawa Niya ang lahat ng nakakakita sa Kanyang katawang-tao na yaong mga kinakastigo, at sa gayon ay nagiging mga alay sila para sa lahat ng hindi mga tao ng bansa ng malaking pulang dragon. Ngunit hindi ito isa sa mga pangunahing layunin ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Ang Diyos ay naging tao una sa lahat upang makipaglaban, sa katawang-tao, sa malaking pulang dragon, at upang hiyain ito sa pamamagitan ng pagkikipaglaban. Dahil ang dakilang kapangyarihan ng Diyos ay higit na napapatunayan sa pakikipaglaban sa malaking pulang dragon sa katawang-tao kaysa sa Espiritu, nakikipaglaban ang Diyos sa katawang-tao upang ipakita ang Kanyang mga gawa at walang-hanggang kapangyarihan. Di-mabilang ang mga taong naparusahan nang “walang kasalanan” sa pagkakatawang-tao ng Diyos, at di-mabilang ang mga taong naihagis sa impiyerno at nasadlak sa pagkastigo, at nagdurusa sa laman. Ito ang pagpapamalas ng matuwid na disposisyon ng Diyos, at paano man nagbabago ang mga kumokontra sa Diyos ngayon, hindi magbabago kailanman ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Kapag isinumpa, isinumpa na ang mga tao magpakailanman, at hindi na makakabangong muli kailanman. Ang disposisyon ng tao ay hindi maaaring makatulad ng sa Diyos. Tungo sa mga kumokontra sa Diyos, pabagu-bago ng isip ang mga tao; urong-sulong sila sa kaliwa’t kanan, akyat-baba; hindi nila kayang manatiling hindi nagbabago, na kung minsan ay sagad sa buto ang pagkamuhi sa mga kumokontra sa Diyos, kung minsan ay yakap-yakap ang mga ito. Sumapit na ang sitwasyon ngayon dahil hindi alam ng mga tao ang gawain ng Diyos. Bakit sinasabi ng Diyos ang mga salitang gaya ng, “Ang mga anghel, kunsabagay, ay mga anghel; ang Diyos, kunsabagay, ay Diyos; ang mga demonyo, kunsabagay, ay mga demonyo; ang masasama ay masasama pa rin; at ang mga banal ay mga banal pa rin”? Hindi ba ninyo ito maintindihan? Maaari kayang hindi ito naalaala ng Diyos? Sa gayon, sabi ng Diyos, “Bawat tao ay nakahiwalay ayon sa kanilang uri, at nahahanap ang kanilang landas nang hindi namamalayan pabalik sa sinapupunan ng kanilang pamilya.” Makikita mula rito na ngayon, nauri na ng Diyos ang lahat ng bagay tungo sa kanilang mga pami-pamilya, kaya hindi na ito isang “walang-hanggang mundo,” at hindi na kumakain ang mga tao mula sa iisang malaking palayok, kundi ginagampanan ang sarili nilang tungkulin sa sarili nilang tahanan, gumaganap sa sarili nilang papel. Ito ang orihinal na plano ng Diyos sa paglikha ng mundo; matapos mapaghiwa-hiwalay ayon sa uri, ang mga tao ay “kakainin ang sarili nilang pagkain,” ibig sabihin ay sisimulan ng Diyos ang paghatol. Dahil dito, nagmula sa bibig ng Diyos ang mga salitang ito: “Ipanunumbalik Ko ang dating kalagayan ng paglikha; ipanunumbalik Ko ang lahat ng bagay sa orihinal nitong ayos, na gumagawa ng malaking pagbabago sa lahat ng bagay, upang lahat ng bagay ay mabalik sa pinagmulan ng Aking plano.” Ito mismo ang layunin ng buong gawain ng Diyos, at hindi ito mahirap unawain. Kukumpletuhin ng Diyos ang Kanyang gawain—makakaya kaya ng tao na hadlangan ang Kanyang gawain? At makakaya kaya ng Diyos na pilasin ang tipan na itinatag sa pagitan Niya at ng tao? Sino ang makakapagbago ng ginawa ng Espiritu ng Diyos? Makakaya kayang gawin man lamang ito ng sinumang tao?

Noong araw, may nadampot na isang batas ang mga tao sa mga salita ng Diyos: Kapag sumambit ng mga salita ang Diyos, hindi maglalaon ay magkakatotoo ang mga ito. Walang kabulaanan dito. Dahil sinabi na ng Diyos na kakastiguhin Niya ang lahat ng tao, at, bukod pa riyan, dahil inilabas na Niya ang Kanyang mga atas administratibo, makikita na naisakatuparan na ang gawain ng Diyos hanggang sa isang tiyak na yugto. Ang konstitusyong inilabas sa lahat ng tao ay patungkol sa kanilang buhay at kanilang saloobin sa Diyos. Hindi ito umabot sa ugat; hindi nito sinabi na batay ito sa pagtatalaga ng Diyos, kundi sa pag-uugali ng tao noon. Ang mga atas administratibo ng ngayon ay hindi pangkaraniwan at binabanggit doon kung paanong “lahat ng tao ay paghihiwa-hiwalayin ayon sa sarili nilang uri, at tatanggap ng mga pagkastigo na nararapat sa kanilang mga kilos.” Kung hindi babasahing mabuti, walang makikitang problema rito. Dahil sa panahon lamang ng huling kapanahunan pinaghihiwa-hiwalay ng Diyos ang lahat ng bagay ayon sa kanilang uri, matapos basahin ito, karamihan sa mga tao ay nananatiling tuliro at naguguluhan; malamig pa rin ang pakikitungo nila, hindi nila nakikita ang kahalagahan ng mga panahon, kaya hindi nila ito itinuturing na isang babala. Sa puntong ito, bakit ipinapakita sa tao ang mga atas administratibo ng Diyos, na ipinahayag sa buong sansinukob? Kinakatawan ba ng mga taong ito ang lahat ng nasa buong sansinukob? Maaari kaya, pagkatapos nito, na mas maawa ang Diyos sa mga taong ito? Tinubuan na ba ng dalawang ulo ang mga taong ito? Kapag kinastigo ng Diyos ang mga tao sa buong sansinukob, kapag humagupit ang lahat ng uri ng kalamidad, magkakaroon ng mga pagbabago sa araw at buwan dahil sa mga kalamidad na ito, at, kapag nagwakas ang mga kalamidad na ito, nagbago na ang araw at buwan—at tinatawag itong “paglipat.” Sapat nang sabihin na magiging mas matindi ang mga kalamidad sa hinaharap. Maaaring pumalit ang gabi sa araw, maaaring hindi lumitaw ang araw sa loob ng isang taon, maaaring magkaroon ng ilang buwan ng nakakapasong init, maaaring palaging maranasan ng sangkatauhan ang pagliit ng buwan, maaaring lumitaw ang kakatwang kalagayan na sabay na lumilitaw ang araw at buwan, at iba pa. Kasunod ng ilang paikut-ikot na pagbabago, sa huli, sa paglipas ng panahon, mapapanibago ang mga ito. Nagbibigay ng natatanging pansin ang Diyos sa Kanyang mga plano para sa mga nabibilang sa diyablo. Sa gayon, sadya Niyang sinasabi, “Sa mga tao sa loob ng sansinukob, lahat ng nabibilang sa diyablo ay lilipulin.” Bago naipakita ng “mga tao” na ito ang kanilang tunay na kulay, lagi silang kinakasangkapan ng Diyos upang maglingkod; dahil dito, hindi Niya pinapansin ang kanilang mga ginagawa, hindi Niya sila binibigyan ng anumang “gantimpala” kapag gumagawa sila nang maayos, ni hindi Niya binabawasan ang kanilang “mga kabayaran” kapag masama ang kanilang pagganap. Sa gayon, binabalewala Niya sila at hindi sila pinapansin. Hindi Siya biglang nagbabago dahil sa kanilang “kabutihan,” sapagkat, anumang oras o lugar, hindi nagbabago ang diwa ng tao, gaya lamang ng tipan na itinatag sa pagitan ng Diyos at ng tao, at gaya lamang ng, sabi nga ng tao, “Hindi magkakaroon ng pagbabago kahit na matuyo ang karagatan at gumuho ang batuhan.” Sa gayon, pinagbubukud-bukod lamang ng Diyos ang mga taong iyon ayon sa kanilang uri at hindi sila pinakikinggan kaagad. Mula noong panahon ng paglikha hanggang ngayon, hindi kailanman umasal nang maayos ang diyablo. Lagi itong nagsasanhi ng mga pagkagambala, kaguluhan, at pagtatalo. Kapag kumikilos o nagsasalita ang Diyos, laging sinusubukan ng diyablo na makibahagi, ngunit hindi ito pinapansin ng Diyos. Sa pagbanggit sa diyablo, lumalabas ang galit ng Diyos at hindi mapigilan; dahil hindi sila magkaisa sa diwa, wala silang koneksyon, magkalayo at magkahiwalay lamang sila. Kasunod ng paghahayag sa pitong tatak, palaging lalong lumalala ang kalagayan ng lupa, at lahat ng bagay ay “sumusulong na kasabay ng pitong tatak,” hindi napag-iiwanan ni bahagya. Sa lahat ng salita ng Diyos, ang tingin ng Diyos sa mga tao ay mga natitigilan, subalit hindi nagigising man lamang. Para makaabot sa mas mataas na punto, para mailabas ang lakas ng lahat ng tao, at, bukod pa riyan, para matapos ang gawain ng Diyos sa rurok nito, sunud-sunod ang tanong ng Diyos sa mga tao, na parang pinalalaki ang kanilang tiyan, at sa gayon ay pinupunan Niya ang lahat ng tao. Dahil walang tunay na tayog ang mga taong ito, batay sa aktwal na sitwasyon, yaong mga napalaki ay mga produktong nakaabot sa pamantayan, samantalang yaong hindi ay mga walang-silbing basura. Ito ang kinakailangan ng Diyos sa tao, at ang layunin ng pamamaraan kung paano Siya nagsasalita. Lalo na, kapag sinasabi ng Diyos na, “Maaari kayang Ako, kapag nasa lupa, ay hindi kapareho ng kapag Ako ay nasa langit? Maaari kayang Ako, kapag nasa langit, ay hindi makakababa sa lupa? Maaari kayang Ako, kapag nasa lupa, ay hindi karapat-dapat na madala sa langit?” ang mga katanungang ito ay nagsisilbing mas malinaw na landas upang makilala ng tao ang Diyos. Mula sa mga salita ng Diyos, namasdan ang agarang kalooban ng Diyos; walang kakayahan ang mga tao na makamit ito, at paulit-ulit na nagdaragdag ng mga kundisyon ang Diyos, sa gayon ay ipinapaalala sa lahat ng tao na kilalanin ang Diyos sa langit sa lupa, at kilalanin ang Diyos na nasa langit ngunit nabubuhay sa lupa.

Mula sa mga salita ng Diyos ay makikita ang mga kalagayan ng tao: “Buong sangkatauhan ay nagsisikap sa Aking mga salita, nagsasagawa ng sarili nilang mga pagsisiyasat sa Aking panlabas na hitsura, ngunit lahat sila ay nabibigo, walang ibinubunga ang kanilang mga pagsisikap, at sa halip ay pinababagsak ng Aking mga salita at hindi na nangangahas na tumayong muli.” Sino ang makakaunawa sa kalungkutan ng Diyos? Sino ang makakaaliw sa puso ng Diyos? Sino ang nakaayon sa puso ng Diyos sa Kanyang hinihiling? Kapag walang ibinubunga ang mga tao, tinatanggihan nila ang kanilang sarili at talagang nagpapasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos. Unti-unti, habang ipinakikita nila ang totoong nilalaman ng kanilang puso, bawat isa ay inihihiwalay ayon sa kanilang uri, at sa gayon ay nakikita na ang diwa ng mga anghel ay dalisay na pagsunod sa Diyos. Kaya nga, sabi ng Diyos, “Ang sangkatauhan ay inilalantad sa orihinal na anyo nito.” Kapag umabot ang gawain ng Diyos sa hakbang na ito, natapos nang lahat ito. Mukhang walang sinasabi ang Diyos tungkol sa Kanyang pagiging isang uliran para sa Kanyang mga anak at mga tao, sa halip ay nagtutuon Siya sa pagpapakita ng lahat ng tao ng kanilang orihinal na anyo. Nauunawaan mo ba ang tunay na kahulugan ng mga salitang ito?

Sinundan: Kabanata 24 at 25

Sumunod: Kabanata 27

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito