Kabanata 37

Tunay na kulang ang inyong pananampalataya sa Aking presensya at malimit kayong umaasa sa sarili ninyo para kumilos. “Wala kayong magagawang anuman kung wala Ako!” Ngunit kayong mga tiwaling tao ay palaging pinapapasok ang Aking mga salita sa isang tainga at pinalalabas sa kabila. Ang buhay sa kasalukuyan ay isang buhay ng mga salita; kung walang mga salita, walang buhay at walang karanasan, at lalo nang walang pananampalataya. Ang pananampalataya ay nasa mga salita; sa pamamagitan lamang ng higit na paglalagak ng inyong mga sarili sa mga salita ng Diyos na kayo ay magkakaroon ng lahat ng bagay. Huwag kayong mag-alala na hindi kayo lalago: Ang buhay ay lumalago, at hindi sa pamamagitan ng pag-aalala ng mga tao.

Lagi kayong may posibilidad na mabahala, at hindi kayo nakikinig sa Aking mga tagubilin. Laging ninyong gustong higitan ang Aking bilis. Ano ba ito? Ito ay ambisyon ng mga tao. Dapat na malinaw ninyong makilala kung ano ang nagbubuhat sa Diyos at ano ang nagbubuhat sa inyong mga sarili. Ang sigasig ay hindi kailanman mapupuri sa Aking presensya. Nais Kong makasunod kayo sa Akin hanggang sa dulo, nang may di-nagbabagong katapatan mula simula. Naniniwala kayong ang kumilos nang ganito ay debosyon sa Diyos. Mga bulag na tao! Bakit hindi kayo mas madalas na lumapit sa harapan Ko upang maghanap, kundi ay nangangapa nang mag-isa? Dapat ninyong makita nang malinaw! Tiyak na hindi isang tao ang gumagawa ngayon, kundi ang Kataas-taasan sa lahat, ang nag-iisang tunay na Diyos—ang Makapangyarihan sa lahat! Hindi kayo dapat magpabaya, sa halip ay laging panghawakan ang lahat ng mayroon kayo, sapagkat ang Aking araw ay malapit na. Talaga bang hindi pa rin kayo gigising sa sandaling ito? Hindi pa rin ba ninyo nakikita nang malinaw? Nakikisama pa rin kayo sa sanlibutan; hindi kayo makahiwalay rito. Bakit? Tunay bang mahal ninyo Ako? Kaya ba ninyong buksan ang inyong mga puso upang makita Ko? Kaya ba ninyong ialay sa Akin ang inyong buong pagkatao?

Pag-isipan pang lalo ang Aking mga salita, at laging magkaroon ng malinaw na pagkaunawa sa mga iyon. Huwag maguluhan o manamlay. Gumugol ng higit pang panahon sa Aking presensya, tanggapin ang mas marami Ko pang dalisay na mga salita, at huwag magkamali ng pagkaunawa sa Aking mga layunin. Ano pa bang maaari Kong sabihin sa inyo? Matigas ang puso ng mga tao; masyadong kargado ng maraming kuru-kuro ang mga tao. Lagi nilang iniisip na sapat na ang makaraos lamang, at lagi nilang ginagawang isang biro ang kanilang mga buhay. Mga hangal na bata! Madaling-araw na, hindi ito panahon para maghanap ng mapaglilibangan. Dapat ninyong buksan ang inyong mga mata at tingnan kung anong oras na. Ang araw ay malapit nang tawirin ang abot-tanaw at tanglawan ang mundo. Buksang mabuti ang inyong mga mata at tumingin; huwag maging pabaya.

Malaking bagay ito, ngunit minamaliit ninyo ito sa ganyang paraan at tinatrato ito sa ganyang paraan! Nababahala Ako, ngunit mayroong ilan na nagsasaalang-alang sa Aking puso, na kayang marinig ang mabubuti Kong pangaral at makinig sa Aking payo! Ang misyon ay nakapapagod, ngunit may ilan sa inyo na kayang makibahagi sa pasanin para sa Akin. Mayroon pa rin kayong ganitong pag-uugali. Kahit nagkaroon na kayo ng kaunting pag-unlad kumpara sa dati, hindi kayo maaaring manatili lagi sa ganitong yugto! Ang Aking mga hakbang ay mabilis na kumikilos pasulong, ngunit nananatili sa dati ang inyong bilis. Paano kayo makasasabay sa liwanag ng kasalukuyan at sa Aking mga hakbang? Huwag nang mag-alinlangan pa. Binigyang-diin Ko na sa inyo nang paulit-ulit: ang Aking araw ay hindi na maaantala pa!

Ang liwanag ng kasalukuyan, na pagmamay-ari ng kasalukuyan, gaya ng dapat, ay hindi maihahambing sa liwanag ng kahapon, ni maihahambing sa liwanag ng bukas. Sa bawat araw na lumilipas, lalong lumalakas at nagniningning ang mga bagong pahayag at bagong liwanag. Huwag nang matulala; huwag nang maging hangal; huwag nang kumapit sa mga dating gawi; at huwag nang mag-antala o sayangin ang Aking oras.

Maging mapagbantay! Maging mapagbantay! Lalo pang manalangin sa Akin at gumugol ng higit pang panahon sa Aking presensya, at tiyak na makukuha ninyo ang lahat ng bagay! Maniwala na sa paggawa nito ay tiyak na matatamo ninyo ang lahat ng bagay!

Sinundan: Kabanata 36

Sumunod: Kabanata 38

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito