Tungkol sa mga Hakbang ng Gawain ng Diyos

Mula sa labas, tila natapos na ang mga hakbang ng kasalukuyang gawain ng Diyos, at naranasan na ng tao ang paghatol, pagkastigo, paghampas, at pagpipino ng mga salita ng Diyos, at sumailalim na sa mga hakbang kagaya ng pagsubok sa mga taga-serbisyo, pagpipino sa panahon ng pagkastigo, pagsubok ng kamatayan, pagsubok sa mga panghambinganan, at panahon ng pagmamahal sa Diyos. Ngunit bagamat dumaranas ng matinding pagdurusa sa bawat hakbang, nanatiling walang alam ang mga tao tungkol sa kalooban ng Diyos. Isaalang-alang ang pagsubok sa mga taga-serbisyo bilang halimbawa: Hindi pa rin malinaw sa kanila kung ano ang natamo nila, kung ano ang nalaman nila, at kung ano ang resultang gusto ng Diyos na makamit. Kung titingnan ang bilis ng gawain ng Diyos, ang mga tao ay tila lubos na walang kakayahang makaagapay sa kasalukuyang tulin nito. Maaaring makita na una munang ibinubunyag ng Diyos ang mga hakbang na ito ng Kanyang gawain sa tao, at sa halip na kailanganing maabot ang antas na kayang ilarawan sa isip ng tao sa alinman sa mga hakbang na ito, Siya ay nagbibigay-liwanag sa isang usapin. Para gawing perpekto ng Diyos ang isang tao upang tunay Niyang makamit ito, kailangan Niyang gawin ang lahat ng hakbang sa itaas. Ang layunin sa paggawa ng gawaing ito ay ang ipakita kung anong mga hakbang ang kinakailangang ipatupad ng Diyos upang gawing perpekto ang isang grupo ng mga tao. Kaya, kung titingnan mula sa labas, ang mga hakbang ng gawain ng Diyos ay natapos na—ngunit sa diwa, opisyal pa lamang Niyang sinimulan ang pagperpekto sa sangkatauhan. Dapat ay malinaw ito sa mga tao: Ang mga hakbang ng Kanyang gawain ang natapos na, ngunit ang mismong gawain ay hindi pa natatapos. Ngunit sa kanilang mga kuru-kuro, naniniwala ang mga tao na ang mga hakbang ng gawain ng Diyos ay nabunyag nang lahat sa tao, at kaya wala nang pag-aalinlangan na natapos na ang Kanyang gawain. Ang paraang ito ng pagtingin sa mga bagay-bagay ay maling-mali. Ang gawain ng Diyos ay salungat sa mga kuru-kuro ng tao at umaatake sa mga kuru-kurong ito sa lahat ng aspeto; ang mga hakbang ng gawain ng Diyos ay partikular na hindi nakaayon sa mga kuru-kuro ng tao. Lahat ng ito ay naglalahad ng karunungan ng Diyos. Maaaring makita rito na ang mga kuru-kuro ng tao ay nagsasanhi ng pagkagambala sa bawat pagkakataon, at gumaganti ang Diyos sa lahat ng inilalarawan sa isip ng tao, na malinaw na makikita sa aktuwal na mga karanasan. Iniisip ng lahat na napakabilis gumawa ng Diyos, at na natatapos na ang gawain ng Diyos bago pa man nila ito malaman, bago pa sila magkaroon ng anumang pagkaunawa rito at habang nalilito pa rin sila. Ganito ang nangyayari sa bawat hakbang ng Kanyang gawain. Karamihan sa mga tao ay naniniwala na pinaglalaruan ng Diyos ang mga tao—ngunit hindi iyan ang layunin ng Kanyang gawain. Ang Kanyang paraan ng paggawa ay sa pamamagitan ng pagninilay: tulad muna ng mabilis na pagsulyap sa mga bulaklak habang sakay ng kabayo, pagkatapos ay pagpunta sa mga detalye, at pagkatapos ay ganap na pagpipino sa mga detalyeng ito—na nakasosorpresa sa mga tao. Sinusubukang linlangin ng mga tao ang Diyos, iniisip na kung makakaraos lamang sila hanggang maabot nila ang isang punto, masisiyahan na ang Diyos. Ang totoo, paano magiging posible na masiyahan ang Diyos sa pagtatangka ng mga tao na makaraos lang? Para makamit ang pinakamainam na epekto, ang Diyos ay gumagawa sa pamamagitan ng pagsorpresa sa mga tao, sa pamamagitan ng pagsalakay habang hindi nila ito namamalayan; nagbibigay ito sa kanila ng mas malaking kaalaman tungkol sa Kanyang karunungan, at ng mas malaking pagkaunawa sa Kanyang pagiging matuwid, pagkamaharlika, at di-nalalabag na disposisyon.

Opisyal nang sinimulan ng Diyos ngayon ang pagperpekto sa mga tao. Upang maperpekto, kailangang sumailalim ng mga tao sa paghahayag, paghatol, at pagkastigo ng Kanyang mga salita, at kailangan nilang maranasan ang mga pagsubok at pagpipino ng Kanyang mga salita (kagaya ng pagsubok sa mga taga-serbisyo), at kailangan nilang matagalan ang pagsubok ng kamatayan. Ang ibig sabihin nito ay na sa gitna ng paghatol, pagkastigo, at mga pagsubok ng Diyos, ang mga tunay na sumusunod sa kalooban ng Diyos ay nagagawang magpapuri sa Diyos mula sa kaibuturan ng kanilang puso, at lubusang sundin ang Diyos at talikuran ang kanilang mga sarili, samakatuwid ay iniibig ang Diyos nang may pusong taimtim, lubos na nakatuon, at dalisay; gayon ang isang perpektong tao, at ito ang mismong gawain na nilalayong isagawa ng Diyos, at ang gawain na Kanyang isasakatuparan. Hindi dapat basta gumawa ng mga konklusyon ang mga tao tungkol sa pamamaraan ng paggawa ng Diyos. Kailangan lamang nilang hangarin ang buhay pagpasok. Ito ay napakahalaga. Huwag busisiin nang madalas ang pamamaraan ng paggawa ng Diyos; hahadlangan lamang nito ang iyong mga inaasahan sa hinaharap. Gaano na karami ang iyong nakita sa Kanyang pamamaraan ng paggawa? Gaano ka ba naging masunurin? Gaano na karami ang iyong nakamit mula sa bawat pamamaraan ng Kanyang gawain? Nakahanda ka bang maperpekto ng Diyos? Hinihiling mo bang maging perpekto? Lahat ng ito ay mga bagay na dapat mong maunawaan nang husto at pasukin.

Sinundan: Ang Pananaw na Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya

Sumunod: Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayahang Kumatawan sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito