Kabanata 51

O! Makapangyarihang Diyos! Amen! Sa Iyo ay napapakawalan ang lahat, malaya ang lahat, bukas ang lahat, nabubunyag ang lahat, at maliwanag ang lahat, hindi nakakubli o nakatago nang kahit kaunti. Ikaw ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao. Namuno Ka na bilang hari. Hayagan Ka nang naibunyag—Ikaw ay hindi na isang hiwaga, bagkus ay ganap nang ibinunyag magpakailan pa man! Ako ay totoong lubusan nang naibunyag, hayagan Akong dumating, at nagpakita na bilang Araw ng pagiging matuwid, dahil ang kasalukuyan ay hindi na ang panahon ng pagpapakita ng tala sa umaga, at hindi na rin ito ang yugto ng pagkukubli. Tulad ng kumikislap na kidlat ang Aking gawain; naisasakatuparan ito nang mabilis tulad ng biglaang dagundong ng kulog. Ang Aking gawain ay sumulong sa kasalukuyang yugtong ito, at ang sinumang nagsasayang ng oras o walang ginagawa ay tatanggap lamang ng walang-awang paghatol. Dapat ay partikular mong maunawaan nang malinaw na Ako ang pagiging maharlika at paghatol, at hindi na Ako ang habag at pag-ibig gaya ng iniisip ninyo. Kung hindi pa rin malinaw sa iyo ang puntong ito, ang iyong matatanggap kung gayon ay paghatol lamang, dahil matitikman mo mismo ang hindi mo pa kinikilala; kung hindi ay magkakaroon ka pa rin ng mga pagdududa at hindi ka mangangahas na maging matatag sa iyong paniniwala.

Tungkol naman sa ipinagkatiwala Ko sa inyo, nagawa ba ninyong kumpletuhin ito nang may malasakit? Sinasabi Ko na ang anumang pagsasagawa ay nangangailangan ng karunungan, gayunpaman ay gaano kadalas ninyong paulit-ulit na siniyasat nang husto at pinag-isipan pa ang Aking mga pangaral habang mayroon kayong ginagawa? Kahit na mayroon kayong ilang pagkaunawa sa isang salita ng Aking mga pangaral, at iniisip ninyong mainam kapag naririnig ninyo ito, binabalewala naman ninyo ito kalaunan. Kapag naririnig ninyo ito, itinutuon ninyo ito sa inyong tunay na mga kalagayan at hinahamak ang inyong sarili—pero sa kalaunan ay naniniwala kayong ito ay isang di-mahalagang bagay. Ngayon ang tanong ay kung maaari bang umunlad ang iyong buhay o hindi; hindi pinag-uusapan dito kung paano mo ginagayakan ang iyong panlabas. Wala sa inyo ang mayroong anumang matibay na pagpapasya, at ayaw ninyong maging determinado. Hindi ninyo nais na bayaran ang halaga, hindi ninyo gustong isantabi ang panandaliang panlupang kasiyahan, datapwat kinatatakutan mong mawalan ng mga pagpapalang galing sa langit. Anong uri ka ng tao? Ikaw ay isang hangal! Hindi kayo dapat makaramdam ng pagkaapi; hindi ba totoo ang sinabi Ko? Hindi ba tinukoy lamang nito ang bagay na naisip mo na sa iyong sarili? Wala kang pagkatao! Wala ka man lang ng katangian ng isang normal na tao. Higit pa rito, kahit na ganito ang sitwasyon, hindi mo pa rin nakikita ang sarili mo na naghihikahos. Ikaw ay mapaglibang at walang inaalala maghapon, lubos na kampante! Hindi mo alam kung gaano kalaki ang iyong mga kakulangan o kung ano ang wala sa iyo. Napakahangal!

Hindi ba ninyo nakikita na ang Aking gawain ay nakarating na sa gayong punto? Ang lahat ng Aking kalooban ay nasa inyo. Kailan ninyo magagawang maunawaan ito at magpakita ng ilang pagsasaalang-alang? Mga tamad kayo! Hindi ninyo nais na bayaran ang halaga, hindi kayo handang magsipag, hindi kayo handang maglaan ng oras, at hindi ninyo nais na magsumikap. Hayaan mong sabihin Ko sa iyo ang isang bagay! Kapag mas natatakot kang magdusa ng paghihirap, mas kaunti ang mga pakinabang na magkakaroon sa buhay mo, at bukod diyan, mas maraming hadlang ang makakaharap mo habang lumalago ang buhay mo, at mas malamang na hindi uunlad ang iyong buhay. Hayaan ninyong paalalahanan Ko kayong muli (hindi Ko na sasabihin ulit)! Ang sinumang hindi aako ng pananagutan sa kanyang sariling buhay ay ipagwawalang-bahala Ko at pababayaan Ko. Nagsimula na Akong ipatupad ito; hindi mo pa ba malinaw na nakikita ito? Hindi ito isang transaksyon sa negosyo at hindi rin ito pangangalakal; ito ay buhay. Malinaw ba iyon?

Sinundan: Kabanata 50

Sumunod: Kabanata 52

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito