Kabanata 38

Hindi sa mabuti o dalisay ang inyong pananampalataya, kundi, kagila-gilalas ang Aking gawain! Ang lahat ay dahil sa Aking habag! Hindi ka dapat magkaroon ng munti mang tiwaling disposisyon ng pagkamakasarili o pagmamataas, kung hindi ay hindi Ako gagawa sa iyo. Kailangan mong maunawaan nang malinaw na kung bumagsak man o tumayo nang matatag ang mga tao ay hindi dahil sa kanila; ito ay dahil sa Akin. Ngayon, kung hindi mo nauunawaan nang malinaw ang hakbang na ito, tiyak na mabibigo kang makapasok sa kaharian! Kailangan mong maunawaan na ang ginagawa ngayon ay ang kagila-gilalas na gawain ng Diyos; wala itong kinalaman sa tao. Ano ba ang halaga ng mga pagkilos ng tao? Maaaring sila ay nagiging makasarili, mapagmataas, at may labis na pagtingin sa sarili, o ginagambala nila ang pamamahala ng Diyos at sinisira ang Kanyang mga plano. O, ang mga tiwali! Kailangan mong magawang umasa sa Akin ngayon; kung hindi, sasabihin Ko sa iyo ngayon na wala kang anumang makakamit kailanman! Ang lahat ay mauuwi sa wala at ang iyong mga ginagawa ay mawawalan ng halaga!

Huwag kang magbagal o mag-alinlangan; ngayon, isasakatuparan ang Aking kagila-gilalas na gawain sa bawat isa sa mga umiibig sa Akin. Wala Akong paggagamitan sa mga hindi nagpapakumbaba ng kanilang sarili, at ngayon Akin lamang ginagamit ang mga lubusang nagpakumbaba. Ako ay magiging lubusang bukas sa mga nasasainyo lamang na umiibig sa Akin nang may tapat na puso, na minamaliit ng iba, at na kayang buksan nang lubusan ang kanilang mga sarili sa Akin. Hahayaan Kitang maunawaan ang Aking mga layunin at sa lahat ng sandali ay nasa Aking harapan ka na tumatanggap ng Aking mga pagpapala. Hinding-hindi Ko tatratuhin nang masama ang mga gumugugol ng kanilang sarili para sa Akin ngayon, iniaalay ang kanilang mga sarili sa Akin ngayon, at bumabalikat ng mga pasanin para sa Akin ngayon—sa gayon nabubunyag ang Aking pagiging matuwid. Huwag kayong magreklamo tungkol sa Akin; ang Aking biyaya ay sapat para sa inyo. Kung ganoon, lumapit ka na lang at kunin ito nang matikman mo ang walang-kapantay na katamisan. Hindi lamang ito lilikha ng pag-ibig para sa Akin sa loob mo, kundi palalalimin pa nito ang pag-ibig mong iyon.

Ang Aking gawain ay isinasakatuparan nang paisa-isang hakbang, at hinding-hindi ito walang ingat o nalilito. Upang masundan Ako, kailangan din ninyong gawin nang ganito ang mga bagay-bagay. Tingnan ninyo ang Aking kilos at matuto sa Akin; sa ganitong paraan, kung susundan ninyo ang Aking mga yapak, dadalhin kayo sa pagpapamalas ng kaharian. Magsaya kayo nang may iisang tinig! Aking mga anak! Ang gawain ng Diyos ay isasakatuparan sa inyo, sa pangkat na ito ng mga tao. Hindi ba ninyo nararamdaman na pinagpala kayo?

Ito ay tunay ngang mahirap arukin! Dinala Ko na kayo rito ngayon upang maaari ninyong makita ang Aking kagila-gilalas na gawain!

Sinundan: Kabanata 37

Sumunod: Kabanata 39

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito