Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Kabanata 23

Sa lahat ng mga kapatirang nakapakinig ng Aking tinig: Napakinggan ninyo ang tinig ng Aking mahigpit na paghatol at nakapagtiis ng matinding pagdurusa. Gayunman, dapat malaman ninyo na natatago ang Aking mga layunin sa likod ng Aking mahigpit na tinig! Dinidisiplina Ko kayo upang makaligtas kayo. Dapat ninyong malaman na para sa Aking mga minamahal na anak, didisiplinahin Ko kayo at tatabasin Ko kayo at gagawin kayong ganap sa lalong madaling panahon. Sabik na sabik ang puso Ko, pero hindi ninyo nauunawaan ang puso Ko at hindi kumikilos ayon sa salita Ko. Dumarating ngayon ang Aking mga salita sa inyo upang tunay na makilala ninyo na ang Diyos ay maibiging Diyos at naranasan na ninyong lahat ang matapat na pag-ibig ng Diyos. Gayunman, mayroon ding isang maliit na bilang ng mga tao na nagpapanggap dito at kapag nakikita nila ang kalungkutan ng ibang tao ay magkakaroon din sila ng mga luha sa kanilang mga mata. Mayroon namang iba na— sa panlabas—ay nagpapakita na may pagkakautang sa Diyos at nagpapakitang may utang sila sa Diyos at nagdadalamhati sila, pero sa loob nila, hindi nila totoong nauunawaan ang Diyos at ni hindi sila tiyak tungkol sa Kanya; sa halip, pagkukunwari lang ito. Kinasusuklaman Ko ang mga taong ito higit sa lahat! Sa malao’t madali, lilipulin ang mga taong ito mula sa Aking lungsod. Ang layunin Ko’y nais Kong yaong mga taimtim na ninanais Ako, at yaon lang hinahangad Ako na may totoong puso ang mapapasaya Ako—para sa kanila tiyak na susuporta Ako sa sarili Kong mga kamay at sisiguruhing wala silang makakaharap na mga kalamidad. Ang mga taong totoong ninanais ang Diyos ay magiging handa na magsaalang-alang sa puso ng Diyos at gawin ang kalooban Ko. Kaya, dapat kayong pumasok sa realidad sa lalong madaling panahon at tanggapin ang Aking salita bilang inyong buhay—ito ang Aking pinakamalaking pasanin. Kung pumapasok lahat sa realidad ang mga iglesia at mga banal ay kayang tuwirang makisama sa Akin ang lahat, humarap ng mukhaan sa Akin, at isinasagawa ang katotohanan ang katuwiran, saka lamang sila Aking mga minamahal na anak-na-lalaki, yaong kung kanino Ako lubos na nasisiyahan, at sa kanila ipagkakaloob Ko lahat ng malalaking pagpapala.

Sinundan:Kabanata 22

Sumunod:Kabanata 24