Kabanata 65

Palaging tinatamaan ng Aking mga salita ang mga kahinaan ninyo, ang ibig sabihin, itinuturo ng mga ito ang inyong nakamamatay na mga kahinaan; kung hindi, magmamabagal pa rin sana kayo, walang ideya kung anong oras na ngayon. Alamin ito! Ginagamit Ko ang paraan ng pag-ibig upang iligtas kayo. Gaano man kayo kumikilos, tiyak na tatapusin Ko ang mga bagay na sinang-ayunan Ko, at hindi gagawa ng anumang pagkakamali. Ako ba, ang matuwid na Makapangyarihang Diyos, ay maaaring magkamali? Hindi ba iyan isang kuru-kuro ng tao? Sabihin ninyo sa Akin: Hindi ba ang lahat ng ginagawa at sinasabi Ko ay para sa inyong kapakanan? Mapagkumbabang sasabihin ng ilang tao, “O Diyos! Ang lahat ng ginagawa Mo ay para sa amin, ngunit hindi namin alam kung paano kumilos kasama Mo.” Anong kamangmangan! Sinasabi pa nga ninyong hindi ninyo alam kung paano makipagtulungan sa Akin! Kahiya-hiyang kasinungalingan ang lahat ng ito! Yamang naisatinig ninyo ang mga ganyang bagay, bakit kayo, sa talagang katunayan, paulit-ulit na nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa laman? Maganda sa pandinig ang sinasabi ninyo, nguni’t hindi kayo kumikilos sa isang madali at kaaya-ayang paraan. Dapat ninyong maunawaan ito: Hindi malaki ang hinihingi Ko sa inyo ngayon, at hindi lampas ang mga ito sa kaya ninyong tarukin; sa halip, kayang makamit ng mga tao ang mga ito. Hindi labis ang pagtantya Ko sa inyo ni anuman. Hindi Ko ba alam kung hanggang saan ang mga kakayahan ng tao? Lubos na malinaw ang pagkaunawa Ko rito.

Palagi kayong nililiwanagan ng Aking mga salita, gayunman masyadong matigas ang inyong mga puso, at hindi ninyo matarok ang Aking kalooban sa loob ng inyong mga espiritu! Sabihin ninyo sa Akin: Ilang beses Ko na bang naipaalala sa inyo na huwag magtuon ng pansin sa pagkain, kasuotan, o inyong itsura, bagkus ay pagtuunan ninyo ang mga panloob na buhay ninyo? Sadyang hindi kayo nakikinig. Pagod na Akong magsalita. Ganito na ba kayo kamanhid? Lubusan ba kayong walang katinuan? Maaari kayang nasayang ang Aking mga salita? May nasabi ba Akong mali? Aking mga anak-na-lalaki! Isaalang-alang ninyo ang Aking masigasig na mga hangarin! Sa sandaling gumulang na ang inyong mga buhay, hindi na kailangang mabalisa pa, at ang lahat ay ipagkakaloob. Walang halaga ang pagtuunan ang mga bagay na iyon sa sandaling ito. Lubusan nang naisakatuparan ang Aking kaharian, at hayagan na itong nakababa sa mundo; lalo itong nangangahulugan na ganap nang dumating ang Aking paghatol. Naranasan mo na ba ito? Ayaw Kong hatulan kayo, nguni’t hindi kayo nagpapakita ng anumang pagsasaalang-alang sa Aking puso. Ninanais Ko na palagi kayong mabigyan ng pangangalaga at pag-iingat ng Aking pag-ibig, sa halip na walang-awang paghatol. Maaari kayang handa kayong mahatulan? Kung hindi, bakit hindi kayo paulit-ulit na lumalapit sa Akin, nagbabahagi sa Akin, at nakikipag-ugnayan sa Akin? Napakalamig ng pagtrato mo sa Akin, ngunit kapag binibigyan ka ng mga ideya ni Satanas ay masayang-masaya ka, iniisip na tumutugma ang mga iyon sa iyong sariling kalooban—nguni’t wala kang anumang ginagawa na para sa Aking kapakanan. Ninanasa ba ninyong laging tratuhin Ako nang napakalupit?

Hindi naman sa hindi Ko nais na magbigay sa iyo, kundi hindi kayo handang magbayad ng halaga. Dahil dito, kayo ay walang-wala, walang anumang pag-aari. Hindi ba ninyo nakikita kung gaano kabilis sumusulong ang gawain ng Banal na Espiritu? Hindi ba ninyo nakikita na nagniningas ang Aking puso sa pagkabalisa? Hinihingi Kong makipagtulungan kayo sa Akin, ngunit ayaw pa rin ninyo. Darating ang lahat ng uri ng sakuna, sunud-sunod; daranas ng mga kalamidad ang lahat ng bansa at lugar: Ang salot, taggutom, baha, tagtuyot, at mga lindol ay nasa lahat ng dako. Ang mga sakunang ito ay hindi lamang nangyayari sa isa o dalawang lugar, ni matatapos ang mga iyon sa loob ng isa o dalawang araw; bagkus, kakalat ang mga iyon sa palawak nang palawak na lugar, at titindi nang titindi. Sa loob ng panahong ito, lilitaw nang sunud-sunod ang lahat ng uri ng mga salot na insekto, at mangyayari ang kababalaghan ng kanibalismo sa lahat ng dako. Ito ang Aking paghatol sa lahat ng bansa at mga bayan. Aking mga anak-na-lalaki! Hindi ninyo dapat pagdusahan ang sakit o ang paghihirap na dulot ng mga sakuna. Inaasam Kong dumating na kayo sa tamang gulang at, sa lalong madaling panahon, akuin ang pasanin na nakaatang sa Aking mga balikat. Bakit hindi ninyo nauunawaan ang Aking kalooban? Ang gawain sa hinaharap ay magiging pabigat nang pabigat. Napakatigas ba ng inyong mga puso para hayaan ninyo Akong abalang-abala, na kailangang mag-isang nagpapagal nang labis? Mas lilinawan Ko pa ang Aking sinasabi: Yaong gugulang ang mga buhay ay papasok sa kanlungan, at hindi magdurusa ng pighati o paghihirap; yaong hindi gugulang ang mga buhay ay dapat magdusa ng pighati at kapahamakan. Malinaw ang Aking mga salita, hindi ba?

Dapat umabot ang Aking pangalan sa lahat ng direksyon at lahat ng dako, upang maaaring malaman ng bawat isa ang Aking banal na pangalan at makilala Ako. Ang mga tao sa lahat ng antas ng pamumuhay sa Estados Unidos, Japan, Canada, Singapore, sa Soviet Union, Macau, Hong Kong at iba pang mga bansa ay agad na magsisiksikan sa Tsina, maghahanap sa totoong daan. Ang Aking pangalan ay napatotohanan na sa kanila; ang natitira na lamang ay ang gumulang kayo sa lalong madaling panahon, upang maaari ninyo silang akayin at pangunahan. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi Ko na mas marami pang higit na gawain na kailangang gawin. Malawak na lalaganap ang pangalan Ko pagsibol ng mga sakuna, at kung hindi kayo maingat, mawawala sa inyo ang bahagi na para sa inyo. Hindi ba kayo natatakot? Umaabot ang Aking pangalan sa lahat ng relihiyon, lahat ng antas ng pamumuhay, lahat ng bansa, at lahat ng denominasyon. Ito ang paggawa ng Aking gawain sa isang maayos na paraan, nang malapit na magkakaugnay; nangyayari ang lahat ng ito ayon sa Aking marunong na pagsasaayos. Ang inaasam Ko lamang ay na kaya ninyong sumulong sa bawat hakbang, nang malapit na sinusundan ang Aking mga yapak.

Sinundan: Kabanata 64

Sumunod: Kabanata 66

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito