Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Kabanata 5

Kapag humihingi ang Diyos sa sangkatauhan niyaong mahirap para sa kanila na ipaliwanag, at kapag tumatama ang Kanyang mga salita nang tuwiran tungo sa puso ng tao at inaalay ng mga tao ang kanilang tapat na mga puso para Kanyang tamasahin, ang Diyos ay nagbibigay sa mga tao ng pagkakataon upang magbulay-bulay, gumagawa ng pagpapasya, at naghahanap ng daan para sa pagsasagawa. Sa paraang ito, lahat niyaong Kanyang bayan ay minsan pa, nang nakakuyom ang mga kamao sa determinasyon, nag-aalay ng kanilang buong katauhan sa Diyos. Marahil, mayroong ilan na maaaring gumuhit ng isang plano at magtalaga ng isang pang-araw-araw na talaarawan, habang naghahanda sila na pasiglahin ang kanilang mga sarili at magsimulang gumawa, inilalaan ang kanilang bahagi ng kalakasan sa plano ng pamamahala ng Diyos, nang sa gayon ay makapagdala ng luwalhati sa planong ito at mapabilis ang pagtatapos nito. At, gaya ng pagkakapunta ng mga tao sa ganitong katayuang pangkaisipan, hinahawakang mabuti ang mga bagay na ito sa kanilang mga isipan habang gumagawa ng kanilang mga tungkulin, habang sila ay nagsasalita, at habang sila ay gumagawa, ang Diyos, sa mabilis na pagsubaybay dito, ay nagsisimulang muling magsalita: “Kapag ang Aking Espiritu ay nagsasalita, ipinapahayag nito ang Aking buong disposisyon. Malinaw na ba sa inyo ito?” Kung mas determinado ang isang tao, mas matindi niyang nanaising matarok ang kalooban ng Diyos at mas masigasig niyang nanaisin na mayroong hingin sa kanya ang Diyos; kaya’t ibibigay ng Diyos sa mga tao kung ano ang gusto nila, sinasamantala ang pagkakataong ito na maibahagi ang Kanyang mga salita, na matagal nang nakahanda, sa pinaka-kaloob-loobang dako ng kanilang mga katauhan. Bagaman tila masakit o magaspang ang mga salitang ito, sa sangkatauhan ang mga iyon ay walang kasing-tamis. Daglian, ang puso ay bumubukadkad sa kagalakan, na parang nasa langit ang sangkatauhan, o nailipat sa isa pang kinasasaklawan, isang tunay na tunay na paraiso ng imahinasyon, kung saan ang mga pangyayari ng panlabas na mundo ay hindi na tumatalab sa sangkatauhan. Nang sa gayon ang mga tao ay hindi na, gaya ng nakagawian nilang gawin sa nakaraan, magsasalita at kikilos mula sa labas, at sa gayon ay mabigong maglagay ng wastong mga ugat: upang malampasan ang ganitong di-inaasahang pangyayari, kapag nakamit ang ninanasa ng mga tao sa kanilang mga puso, at higit pa rito kapag naghahanda silang tumungo sa gawain nang may marubdob na sigasig, iniaakma pa rin ng Diyos ang Kanyang paraan ng pagsasalita sa kanilang katayuang pang-isipan, at, sa kabuuan at nang walang pag-aatubili, pinasisinungalingan ang lahat ng init at relihiyosong seremonya sa loob ng kanilang mga puso. Gaya ng nasabi ng Diyos: “Tunay ba ninyong nakita ang kahalagahang napapaloob rito?” Maging bago o pagkatapos man na magpasya ang isang tao sa isang bagay, hindi niya binibigyan ng malaking pagpapahalaga ang pagkakilala sa Diyos sa Kanyang mga pagkilos o sa Kanyang mga salita, bagkus ay nagpapatuloy na magbulay sa katanungang: “Ano ang maaari kong gawin para sa Diyos? Iyan ang pangunahing isyu!” Ito ang dahilan kung bakit sinasabi ng Diyos: “At mayroon pa kayong lakas ng loob na tawagin ang inyong mga sarili na bayan Ko sa harap ng Aking mukha—wala kayong nadaramang kahihiyan, lalong walang dahilan!” Sa sandaling nasabi ng Diyos ang mga salitang ito, ay kaagad na natatanto ang mga ito ng mga tao, at para bang dumaranas ng pagka-kuryente, nagmamadali nilang iniuurong ang kanilang mga kamay tungo sa kanilang sinapupunan, natatakot na mapukaw ang poot ng Diyos sa ikalwang pagkakataon. Dagdag pa rito, nasabi rin ng Diyos: “Sa malao’t madali, ang mga taong ganito ay paaalisin mula sa Aking tahanan. Huwag kang lumapit bilang matandang sundalo sa Akin, iniisip na tumayo ka para sa Aking patotoo!” Pagkarinig ng mga salitang tulad ng mga ito, lalong natatakot ang mga tao, na para bang sila ay nakakita ng leon. Alam na alam nila sa kanilang mga puso. Sila ay, sa isang banda, nag-aalala na huwag makain ng leon samantalang sa kabila ay nakadarama ng pagkalito kung saan tatakas. Sa sandaling ito, ang plano sa loob ng puso ng tao ay naglalaho nang walang bakas, lubusan at ganap. Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, Aking nadarama na para bang nakikita Ko ang bawa’t isang aspeto ng kahihiyan ng sangkatauhan: Nakayukong ulo at hiyang-hiyang kilos, tulad ng isang kandidatong bumagsak sa pagsusulit para sa pagpasok sa kolehiyo, ang kanyang mataas na mga simulain, masayang pamilya, maningning na kinabukasan, at marami pang iba, lahat ay naging—kasabay ng Apat na Modernisasyon pagsapit ng Taong 2000—walang-kabuluhang pagsasalita, lumilikha ng isang guni-guning tagpo sa isang pelikulang kathang-isip lang ng siyensiya. Ito ay pagpapalit ng pasibo sa aktibong mga sangkap, ginagawa ang mga tao, sa gitna ng kanilang pagiging walang-kibo, na tumayo sa lugar kung saan sila itinalaga ng Diyos. Ang natatanging mahalaga ay ang katunayang malalim ang pagkatakot ng mga tao na mawala ang katawagang ito, kaya’t kumakapit sila alang-alang sa mahal na buhay sa kanilang sariling mga katungkulan, natatakot na baka may isang umagaw ng mga iyon. Kapag ang sangkatauhan ay nasa ganitong katayuan ng isipan, hindi nag-aalala ang Diyos ay na magiging walang-kibo sila, kaya’t binabago Niya nang naaayon ang Kanyang mga salita ng paghatol tungo sa pagiging mga salita ng pagtatanong. Hindi lamang Niya binibigyan ang mga tao ng pagkakataong makahinga sandali, kundi binibigyan Niya rin sila ngayon ng pagkakataong alalahanin ang mga dati nilang inaasam at uriin ang mga iyon para sa hinaharap na sanggunian: Ang hindi akma ay maaaring mabago. Ito ay dahil hindi pa nasimulan ng Diyos ang Kanyang gawain—ito ay isang piraso ng magandang kapalaran sa kalagitnaan ng matinding kasawian—at, higit pa rito, hindi kinokondena ang mga iyon. Kaya hayaan mo akong magpatuloy upang ibigay sa Kanya ang buo kong katapatan!

Sunod, hindi mo dapat, dahil sa iyong takot, isantabi ang mga salita ng Diyos. Tumingin upang makita kung mayroong anumang bagong mga hinihingi ang Diyos. Tiyak, matutuklasan mo ang uring ito ng hinihingi: “Simula sa oras na ito, sa lahat ng mga bagay ay kailangan mong pumasok sa katotohanan ng pagsasagawa; ang bastang pagdadaldal, katulad ng iyong nakasanayang gawin, ay hindi na uubra.” Dito ay hayag din ang karunungan ng Diyos. Laging naiingatan ng Diyos ang Kanyang sariling patotoo, at kapag ang katunayan ng mga salita ng nakaraan ay nakarating sa katapusan nito, walang kahit sino ang may kakayahang tarukin ang karunungan ng “katotohanan ng pagsasagawa.” Ito ay sapat upang patunayan ang katotohanan ng sinabi ng Diyos “Ako Mismo ang nagkukusang gagawa sa gawain.” May kinalaman ito sa totoong kahulugan ng gawain sa pagka-Diyos, at may kinalaman din sa dahilan kung bakit ang sangkatauhan, pagkatapos marating ang isang bagong punto ng pasimula, gayunpaman ay hindi pa rin kayang tarukin ang totoong kahulugan ng mga salita ng Diyos. Ito ay sa kadahilanang, noong nakaraan, ang higit na karamihan ng mga tao ay nananatiling nakakapit sa realidad ng mga salita ng Diyos, samantalang ngayon wala silang pahiwatig tungkol sa realidad ng pagsasagawa, nguni’t nauunawaan lamang ang mabababaw na mga aspeto ng mga salitang ito nang hindi nauunawaan ang diwa ng mga ito. Lalo pang mas mahalaga, ito ay dahil sa ngayon, sa pagtatayo ng kaharian, walang sinuman ang pinahihintulutang makialam, kundi sumunod lamang sa sinasabi ng Diyos tulad ng mga robot. Tandaan itong mabuti! Sa tuwing binabanggit ng Diyos ang nakaraan, Siya ay nagsisimulang magsalita tungkol sa aktwal na katayuan sa ngayon; isa itong anyo ng pagsasalita na lumilikha ng kapansin-pansing pagkakaiba sa pagitan ng bago at ng pagkatapos, at sa kadahilanang ito ay kayang magkamit ng lalo pang mas mabubuting bunga, binibigyang-kakayahan ang mga tao na pagtabihin ang kasalukuyan at ang nakaraan, at sa paraang ito ay naiiwasan ang gawing magulo ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawa. Isa itong aspeto ng karunungan ng Diyos, at ang layunin nito ay upang makamit ang mga bunga ng gawain. Pagkatapos nito, minsan pang ibinubunyag ng Diyos ang kapangitan ng sangkatauhan, nang sa gayon ay hindi kailanman makalimutan ng sangkatauhan na kumain at uminom ng mga salita ng Diyos araw-araw, at lalong higit pang mahalaga ay upang araw-araw nilang makilala ang kanilang mga sarili at kunin ito bilang ang aral na dapat nilang matutunan araw-araw.

Pagkatapos Niyang bigkasin ang mga salitang ito, nakamit na ng Diyos ang mga bunga na orihinal Niyang nilalayon. Kaya’t, nang walang anumang higit pang pagbibigay-pansin sa kung naunawaan ba Siya ng sangkatauhan o hindi, nilalampasan Niya ito sa ilang mga pangungusap, dahil walang kinalaman sa sangkatauhan ang gawain ni Satanas—tungkol dito ay walang kaalam-alam ang sangkatauhan. Ngayon, sa pag-iwan sa mundo ng espiritu, tingnang mabuti kung paano humihingi ang Diyos sa sangkatauhan: “Habang nagpapahinga sa Aking tahanan, nagmamasid Akong mabuti: Lahat ng mga tao sa mundo ay nagmamadali, “bumibiyahe sa buong mundo” at nagsisihangos paroon at parito, lahat para sa ikabubuti ng kanilang tadhana, ng kanilang hinaharap. Ngunit ni isa ay walang enerhiya upang ilaan para sa pagtatayo ng Aking kaharian, ni kahit katiting katulad ng lakas na ginagamit sa paghinga.” Pagkatapos ng pakikipagpalitang ito ng mga nakagawian sa sangkatauhan, hindi pa rin sila binibigyang-pansin ng Diyos, kundi nagpapatuloy sa pagsasalita mula sa pananaw ng Espiritu, at, sa pamamagitan ng mga salitang ito, ibinubunyag ang pangkalahatang mga kalagayan ng buhay ng lahi ng tao sa kabuuan nito. Maliwanag itong makikita, mula “bumibiyahe sa buong mundo” at “nagsisihangos paroon at parito,” na walang laman ang pantaong buhay. Kung hindi sa walang-hanggang kapangyarihan ng pagliligtas ng Diyos, yaong mga isinilang sa mahihirap na kamag-anakan ng imperyal na lipi ng Tsina ay lalo pang mawawalan ng kabuluhan ang buong buhay at makabubuti pang mahulog sila tungo sa Hades at impiyerno kaysa dumating sa mundo. Sa ilalim ng paghahari ng malaking pulang dragon, sila ay, lingid sa kanilang sariling kaalaman, nagkasala sa Diyos kaya’t, sadya lamang at minsan pa ay lingid sa kaalaman, nahulog sa ilalim ng pagkastigo ng Diyos. Sa kadahilanang ito, kinuha ng Diyos ang “nasagip mula sa kapighatian” at “mga walang utang na loob” at pinagsama silang magkaiba, nang sa gayon ay mas malinaw na makikilala ng mga tao ang kanilang mga sarili, nililikha mula rito ang isang hambingan sa Kanyang nakapagliligtas na biyaya. Hindi ba sinasanhi nito ang isang mas mabisang bunga? Siyempre, nangyayari ito hindi Ko man sabihin nang tahasan, ang mga tao ay maaaring, mula sa nilalaman ng pagsasalita ng Diyos, humugot ng isang sangkap ng pagsaway, at minsan pa, isang sangkap ng pagliligtas at pakikiusap, at muli minsan pa, kaunting himig ng kalungkutan. Sa pagbabasa ng mga salitang ito, di-namamalayang nagsisimulang makaramdam ang mga tao ng isang nag-aalinlangang uri ng pagkabagabag sa kanilang mga puso, at hindi maiwasang mapaiyak …. Nguni’t hindi mapipigil ang Diyos dahil sa bahagyang damdamin ng kalungkutan, ni Kanyang, dahil sa kasamaan ng buong lahi ng tao, tatalikuran ang Kanyang gawain sa pagdisiplina ng Kanyang bayan at paghingi sa kanila. Dahil dito, ang Kanyang mga paksa ay tuwirang humihipo sa mga kalagayang gaya niyaong sa kasalukuyan, at higit pa rito ay ipinahahayag Niya sa sangkatauhan ang kamahalan ng Kanyang mga utos sa pangangasiwa, kaya’t ang Kanyang plano ay patuloy na sumusulong. Ito ang dahilan, sinusundan ito taglay ang nararapat na bilis at kumikilos habang may pagkakataon, na pinagtitibay ng Diyos sa maselang yugto na ito ang isang konstitusyon para sa kapanahunan, isang konstitusyon na dapat mabasa nang may maingat na pagpansin sa bawa’t sugnay bago maunawaan ng sangkatauhan ang kalooban ng Diyos. Hindi na kailangang talakayin ito sa ngayon—kailangan lamang nilang magbasa pa nang mas maingat.

Ngayon, kayo—ang pangkat ng mga tao rito—lamang ang siyang maaaring tunay na makakita sa mga salita ng Diyos. Magkagayunman, sa pagkilala sa Diyos, ang mga tao sa kasalukuyan ay napag-iwanan ng sinumang tao sa nakaraang mga kapanahunan. Mula rito ay malinaw na malinaw ang lawak ng pagsisikap na ginugol ni Satanas sa mga tao sa loob nitong ilang libong taon, at ang lawak ng pagkakapasama nito sa sangkatauhan, na lubhang napakalaki kaya’t, kahit na nakapagsalita ang Diyos ng napakaraming mga salita, hindi pa rin nauunawaan ni nakikilala ng sangkatauhan ang Diyos, bagkus ay nangangahas na tumayo at salungatin Siya nang lantaran. Kaya’t malimit na itinataas ng Diyos ang mga tao ng nakaraang mga kapanahunan bilang isang paghahambing para sa mga tao ng kasalukuyan, upang bigyan ang huli, silang mga manhid at sira-ulo, ng isang makatotohanang punto ng sanggunian. Dahil walang pagkakilala sa Diyos ang mga tao, at dahil kulang sila ng tunay na pananampalataya sa Kanya, hinatulan ng Diyos ang sangkatauhan na kulang sa mga kwalipikasyon at katuwiran, kaya’t Kanyang, muli at muli, naipakita sa mga tao ang pagpapaubaya at binigyan sila ng kaligtasan. Isang digmaan ang pinaglalabanan sa larangang ito sa kinasasaklawan ng espiritu: Ito ang walang kabuluhang pag-asa ni Satanas na pasamain ang sangkatauhan hanggang sa isang tiyak na antas, gawin ang mundong kasuklam-suklam at masama, at sa gayon ay hilahin ang tao pababa sa burak at wasakin ang plano ng Diyos. Nguni’t ang plano ng Diyos ay hindi ang gawin ang buong sangkatauhan na mga taong nakakakilala sa Kanya, bagkus ay ang pumili ng isang bahaging kakatawan sa kabuuan, iniiwan ang natira bilang mga nasayang na produkto, bilang mga produktong may-kasiraan, upang maitapon tungo sa bunton ng basura. Kaya’t, bagaman mula sa pananaw ni Satanas ang pag-angkin sa ilang mga tao ay tila isang napakagaling na pagkakataon ng pagwasak sa plano ng Diyos, anong maaaring malaman ng isang hangal na gaya nito tungkol sa hangarin ng Diyos? Ito ang dahilan kung bakit sinabi ng Diyos, noong matagal na, “Tinakpan Ko ang Aking mukha upang iwasang tumingin sa mundong ito.” Tayo’y may kaunting nalalaman tungkol dito, at hindi hinihingi ng Diyos na magkaroon ang mga tao ng kakayahang gumawa ng kahit ano, bagkus ay na kanilang kilalanin ang Kanyang ginagawa bilang mahimala at di-matarok at bigyan Siya ng paggalang sa kanilang mga puso. Kung, gaya ng naguguni-guni ng tao, kakastiguhin siya ng Diyos nang walang pagsasaalang-alang sa mga kalagayan, ang buong mundo ay matagal nang naglaho. Hindi ba nangangahulugan ito ng pagkahulog nang tuwiran tungo sa bitag ni Satanas? Kaya’t ginagamit lamang ng Diyos ang Kanyang mga salita upang kamtin ang mga bungang nasa Kanyang isipan; madalang magkaroon ng pagdating ng mga katunayan. Hindi ba ito isang halimbawa ng Kanyang sinabi: “Kung hindi Ako naawa sa inyong kakulangan ng pagiging karapat-dapat, katuwiran, at mga kabatiran, lahat kayo ay malilipol sa gitna ng Aking pagkastigo, papawiin mula sa pag-iral. Ngunit hanggang sa matapos ang Aking gawain sa mundo, mananatili Akong maluwag sa sangkatauhan”?

Sinundan:Kabanata 4

Sumunod:Kabanata 6

Baka Gusto Mo Rin