Sinabi ng Panginoong Jesus na paparito Siyang muli, kaya pagbalik Niya sa mga huling araw, sa anong paraan Siya magpapakita sa mga tao?
Bakit kasama sa pagbalik ng Panginoon ang pagkakatawang-tao—pagbaba nang lihim—gayundin ang pagbaba sa harap ng publiko mula sa mga ulap?
Tungkol sa pagbalik ng Panginoon, malinaw na nakasaad sa Biblia, “Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang” (Mateo 24:36). Walang nakakaalam kung kailan darating ang Panginoon, subalit ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay bumalik na. Paano mo nalaman ito?
Sabi mo nagbalik na ang Panginoong Jesus, kung gayo’y bakit hindi pa namin Siya nakikita? Kailangan muna namin Siyang makita bago kami maniwala at wala kaming tiwala sa sabi-sabi lang. Kung hindi pa namin Siya nakikita, ibig sabihin ay hindi pa Siya nakakabalik; maniniwala ako kapag nakita ko Siya. Sabi mo nagbalik na ang Panginoong Jesus, kung gayo’y nasaan Siya ngayon? Anong gawain ang ginagawa Niya? Anong mga salita ang nasabi na ng Panginoon? Maniniwala ako kapag nalinaw mo na ang mga bagay na ito sa pamamagitan ng pagpapatotoo.
Ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus bilang handog para sa kasalanan ng tao, sa gayo’y tinutubos tayo mula sa kasalanan. Kung lalayo tayo sa Panginoong Jesus at maniniwala sa Makapangyarihang Diyos, hindi ba ito pagkakanulo sa Panginoong Jesus? Hindi ba ito apostasiya?
Malinaw itong nasusulat sa banal na kasulatan: “Si Jesucristo ay Siya ring kahapon at ngayon, at magpakailanman” (Mga Hebreo 13:8). Kaya ang pangalan ng Panginoon ay hindi nagbabago, pero sinasabi mo na ang pangalan ng Panginoong Jesus ay magbabago sa mga huling araw. Paano mo ito ipaliliwanag?
Gaya ng nakatala sa Biblia, “Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Mga Hebreo 13:8). Ipinapakita nito na ang pangalan ng Diyos ay hindi magbabago kailanman. Bakit, kung gayon, kayo nagpapatotoo na ang Panginoon ay may bagong pangalan pagbalik Niya sa mga huling araw, at na Siya ay tinatawag na Makapangyarihang Diyos?
Yamang sinasabi mong ang pangalan ng Diyos sa bawat panahon ay hindi maaaring kumatawan sa Kanyang kabuuan, kung gayon, ano ang kahalagahan ng Kanyang pangalan sa bawat kapanahunan?
Ipinako ang Panginoong Jesus bilang alay sa kasalanan para tubusin ang sangkatauhan. Tinanggap na natin ang Panginoon, at nakamit ang kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang biyaya. Bakit kailangan pa nating tanggapin ang gawaing paghatol at pagdadalisay ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw?
Sabi mo naparito ang Panginoon para gawin ang gawain ng paghatol at pagdadalisay sa mga huling araw, pero sabi ng Panginoong Jesus: “At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol” (Juan 16:8). Napaghiganti na ng mga salita at gawain ng Panginoong Jesus ang mga tao para sa kanilang mga kasalanan, para sa katuwiran, at para sa paghatol. Sa pangungumpisal ng ating mga kasalanan sa Panginoon at pagsisisi, sumailalim na tayo sa Kanyang paghatol, kaya ano talaga ang kaibhan sa pagitan ng sinasabi mong gawain ng paghatol sa mga huling araw at ng gawain ng Panginoong Jesus?
Sabi sa Biblia: “Sapagka’t ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas” (Roma 10:10). Naniniwala kami na napawalang-sala na tayo ng Panginoong Jesus mula sa ating mga kasalanan at ginawa tayong matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya. Bukod pa riyan, naniniwala kami na kung minsang nailigtas ang isang tao, ligtas na sila magpakailanman, at kapag nagbalik ang Panginoon agad tayong dadalhin at papasok sa kaharian ng langit. Kaya bakit mo pinatototohanan na kailangan nating tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw bago tayo maliligtas at madadala sa kaharian ng langit?
Bakit sinasabi na higit na kailangan ng tiwaling sangkatauhan ang pagliligtas ng Diyos na nagkatawang-tao
Bakit hindi ginagamit ng Diyos ang tao para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, bagkusay nagkatawang-tao at ginawa ito Mismo
Ano ang isang mananagumpay at paano ginagawa ng Diyos na mananagumpay ang isang tao bago dumating ang mga sakuna
Sabi sa Biblia, “Sapagka’t sa puso’y nananampalataya ang tao sa ikatutuwid; at ang ginagawang pagpapahayag sa bibig ay sa ikaliligtas” (Roma 10:10). Naligtas na tayo ng ating pananampalataya kay Jesus. Pag naligtas na tayo, magpasawalang-hanggan na ’yon. Pagdating ng Panginoon tiyak na makakapasok tayo sa kaharian ng langit.
Sabi sa Biblia, “Sino ang magsasakdal ng anuman laban sa mga hinirang ng Diyos? Ang Diyos ay ang nagbibigay-katwiran. Sino siya na humahatol?” (Roma 8:33–34). Patunay ’yan na nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus, napatawad na ang lahat ng kasalanan natin. Sa Kanya’y hindi na tayo makasalanan. Sino pang magbibintang sa’tin?
Ang mga tao ay makasalanan, pero ang handog ng Panginoong Jesus para sa kasalanan ay epektibo magpakailanman. Basta’t inamin natin ang ating mga sala sa Panginoon, patatawarin Niya tayo. Wala tayong kasalanan sa paningin ng Panginoon, kaya makakapasok tayo sa kaharian ng langit!
Nakasaad sa Biblia na matapos bautismuhan ang Panginoong Jesus, ang langit ay nabuksan, at ang Banal na Espiritu ay bumaba sa Panginoong Jesus tulad ng isang kalapati, isang tinig ang nagsabing: “Ito ang sinisinta kong anak, na siya kong lubos na kinalulugdan” (Mateo 3:17). At kinikilala naming mga mananampalataya na ang Panginoong Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Diyos. Gayunman nagpatotoo kayo na ang Cristong nagkatawang-tao ay ang pagpapakita ng Diyos, ay Diyos Mismo, na ang Panginoong Jesus ay Diyos Mismo at ang Makapangyarihang Diyos ay Diyos Mismo. Medyo mahiwaga ito para sa amin at naiiba sa dati naming paniniwala. Kung gayon, ang Cristong nagkatawang-tao ba ang Diyos Mismo o ang Anak ng Diyos? Ang parehong situwasyon ay tila makatwiran sa amin, at kapwa ayon sa Biblia. Kung gayon, aling pang-unawa ang tama?
Kung ang Panginoong Jesus ay Diyos Mismo, bakit kapag nagdarasal ang Panginoong Jesus, nagdarasal pa rin Siya sa Diyos Ama? Mayroon talagang hiwaga dito na dapat maihayag. Magbahagi ka naman sa amin.
Sa loob ng dalawang libong taon, naniwala na ang buong relihiyosong komunidad sa Trinidad: ang Banal na Ama, ang Banal na Anak, at ang Banal na Espiritu. Ang Trinidad ay isa sa mga pangunahing ideolohiya ng buong Kristiyanismo, kaya bakit mo sinasabi na ang Trinidad ang pinakamalaking kamalian ng relihiyosong mundo, at na ang Trinidad ay hindi talaga umiiral?
Ayon sa nakasulat sa Biblia, ang Panginoong Jesus ay si Cristo na nagkatawang-tao, Siya ay Anak ng Diyos. Gayunpaman ay nagpatotoo ka na ang nagkatawang-taong si Cristo ay ang pagpapakita ng Diyos, Siya ang Diyos Mismo. Kung ang Panginoong Jesus ay ang Diyos Mismo, paano makapagdarasal ang Panginoong Jesus sa Kanyang Ama kapag Siya ay nanalangin? Ang nagkatawang-taong si Cristo ba ay Anak ng Diyos o Diyos Mismo?