Kabanata 9

Nais kitang paalalahanan na hindi ka dapat maging pabasta-basta kahit kaunti o walang-ingat pagdating sa Aking salita; dapat kang magbigay-pansin at sumunod, at kumilos nang ayon sa Aking mga layunin. Dapat palagi kang alerto, at hindi kailanman magkaroon ng isang mapagmataas o mapagmagaling na disposisyon; sa lahat ng oras, dapat kang umasa sa Akin upang maiwaksi ang luma at likas na mga disposisyong nananahan sa loob mo. Dapat kaya mo palaging mapanatili ang isang normal na kondisyon sa harap Ko, at magtaglay ng isang matatag na disposisyon. Ang iyong pag-iisip ay dapat maging matino at malinaw, at hindi dapat malimitahan o maimpluwensiyahan ng sinumang tao, anumang pangyayari, o bagay. Dapat palagi mong kaya na manahimik sa Aking presensya, at palagi at patuloy na mapalapit at makipagbahaginan sa Akin. Dapat kang magpakita ng lakas at katatagan ng loob, at manindigan sa iyong patotoo sa Akin; bumangon ka at magsalita para sa Akin, at huwag kang matakot sa sasabihin ng ibang tao. Tugunan mo lamang ang Aking mga layunin, at huwag mong hayaan ang sinuman na limitahan ka. Ang Aking ibinubunyag sa iyo ay dapat sundin ayon sa Aking mga layunin, at hindi maaaring maantala. Ano ang iyong nararamdaman sa kaibuturan mo? Nababagabag ka ba? Magiging malinaw ito sa iyo. Bakit hindi ka makatindig at makapagsalita para sa Akin at maging mapagsaalang-alang sa Aking pasanin? Ipinipilit mong gawin ang sarili mong maliliit na pagkilos, ngunit nakikita Ko nang malinaw ang lahat. Ako ang iyong suporta at ang iyong kalasag, at lahat ay nasa Aking mga kamay. Ano, kung gayon, ang iyong ikinatatakot? Hindi ba’t masyado kang nagiging sentimental? Dapat mong iwaksi ang iyong mga damdamin sa lalong madaling panahon; hindi Ako kumikilos ayon sa mga damdamin, sa halip ay isinasakatuparan Ko ang katuwiran. Kung may sinumang gumagawa ng isang bagay na hindi nakakabuti sa iglesia, kahit na ang mga magulang mo ito, hindi iyon katanggap-tanggap! Ang Aking mga layunin ay naibunyag na sa iyo, at hindi mo maaaring ipagwalang-bahala ang mga ito. Sa halip, dapat lubos mong pagtuunan ang mga ito. Isantabi mo ang lahat ng iba pa upang sumunod nang buong puso—poprotektahan kita at palagi kang iingatan ng Aking mga kamay. Huwag kang palaging maging matatakutin at magpasailalim sa mga paglilimita ng iyong asawa; dapat mong tulutan na maisakatuparan ang Aking kalooban.

Manalig ka! Manalig ka! Ako ang iyong Makapangyarihan sa lahat. Marahil ay may kaunti kang kabatiran tungkol dito, ngunit kailangan mo pa ring maging mapagbantay. Para sa kapakanan ng iglesia, ng Aking kalooban, at ng Aking pamamahala, dapat kang ganap na maging deboto; ang lahat ng misteryo at kinalabasan ay gagawing malinaw para sa iyo. Wala nang pagkaantala pa; ang mga araw ay dumarating sa isang katapusan. Ano ang dapat mong gawin? Kung paano hangarin ang paglago at pagkahinog sa buhay, kung paano mas mabilis na maging angkop para magamit Ko, kung paano tiyakin na naisasakatuparan ang Aking kalooban—dapat mong pag-isipang mabuti ang mga paksang ito, at makipagbahaginan nang mas malalim sa Akin. Umasa ka sa Akin, maniwala ka sa Akin, huwag kailanman maging walang-ingat, at magkaroon ng kakayahang kumilos nang ayon sa Aking paggabay. Dapat kang lubos na masangkapan ng katotohanan, at dapat kang mas madalas na kumain at uminom nito. Dapat mong isagawa ang bawat katotohanan, sa gayon ka lamang magkakaroon ng malinaw na pagkaunawa.

Nararamdaman mo ba ngayon na wala kang sapat na oras? Iba rin ba ang pakiramdam mo sa loob-loob, na parang ang iyong pasanin ay napakabigat ngayon? Ang Aking mga layunin ay nasa iyo; dapat malinaw ang iyong pag-iisip, at huwag kang humiwalay sa mga ito. Dapat palagi kang manatiling nakaugnay sa Akin, patuloy na napapalapit sa Akin, nakikipagbahaginan sa Akin, maging mapagsaalang-alang sa Aking puso, at magawa mong maglingkod nang nakikipagtulungan sa iba, upang ang Aking mga layunin ay laging maibubunyag sa inyo. Magbigay ka ng masusing pansin sa lahat ng oras! Masusing pansin! Huwag magmabagal kahit na kaunti; iyon ay iyong tungkulin, at nananahan sa loob nito ang Aking gawain.

Sa puntong ito, maaaring mayroon ka nang nakamit na kaunting pagkaunawa, at nadarama mong ito ay lubhang kamangha-mangha. Nagkaroon ka ng ilang pagdududa noong nakaraan, palaging nararamdaman na lubos itong naiiba sa mga kuru-kuro, ideya, at konsepsiyon ng tao, ngunit halos naaarok mo na ito ngayon. Ito ang Aking kamangha-manghang gawain, at ito rin ang kamangha-manghang gawain ng Diyos; talagang dapat ay gising na gising ka at naghihintay at lumakad dito. Ang oras ay nasa Aking mga kamay; huwag mong sayangin ito, at huwag kailanman magpabaya kahit na isang sandali; ang pag-aaksaya ng oras ay umaantala sa Aking gawain at hinahadlangan nito ang Aking kalooban sa iyo. Dapat kang magnilay at makipagbahaginan sa Akin nang madalas. Dapat mo ring dalhin sa harapan Ko ang lahat ng iyong pagkilos, paggalaw, kaisipan, at ideya, pati na ang iyong pamilya, iyong asawa, iyong mga anak na lalaki at babae. Huwag kang umasa sa sarili sa iyong mga kilos, o kung hindi ay magagalit Ako, at malaki ang mawawala sa iyo.

Limitahan mo ang sarili mong mga hakbang sa lahat ng oras, at palaging lumakad alinsunod sa Aking mga salita. Dapat kang magkaroon ng Aking karunungan. Lumapit ka sa harapan Ko kung humaharap ka sa anumang kahirapan, at bibigyan kita ng patnubay. Huwag kang kumilos nang walang pakundangan at makipagbahaginan nang arbitraryo. Hindi iyon kapaki-pakinabang sa iyong buhay, dahil kulang ang iyong kaalaman at hindi mo nakikita ang kaibahan ng mabubuti at masasamang salita. Kapag napinsala ka, nasa masamang kondisyon, at walang presensiya ng Banal na Espiritu, saka mo lang napagtatanto ito, pero sa sandaling iyon, magiging huli na ang lahat. Kulang na kulang na sa oras ngayon, kaya’t hindi ka dapat mahuli kahit na kaunti sa karera ng buhay; dapat mong sundan nang malapit ang Aking mga yapak. Kapag dumating ang anumang kahirapan, makibahagi ka sa madalas na pagninilay-nilay sa pamamagitan ng paglapit sa Akin, at direktang makipagbahaginan sa Akin. Kung maaarok mo ang landas na ito, mapapadali nito ang pagpasok na naghihintay sa iyo.

Ang Aking mga salita ay hindi lamang nakadirekta sa iyo; bawat isa sa iglesia ay nagkukulang sa iba’t ibang paraan. Dapat kayong makipagbahaginan nang higit pa, magawang kumain at uminom nang nakapag-iisa sa panahon ng inyong sariling espirituwal na debosyon, at magawang maarok ang mahahalagang katotohanan at maisagawa ang mga ito kaagad. Dapat mong maramdaman ang realidad ng Aking salita, at arukin ang pinakabuod at mga prinsipyo nito at hindi luwagan ang iyong kapit. Palaging magnilay, at palaging makipagbahaginan sa Akin, at unti-unting mabubunyag ang mga bagay-bagay. Hindi ka puwedeng lumapit sa Diyos nang sandaling panahon at, pagkatapos, nang hindi mo hinihintay na tumahimik ang puso mo sa harap Niya, magulo kapag may iba pang nangyari sa iyo. Palagi kang magulo ang isip at nalalabuan sa mga bagay-bagay, at hindi kayang makita ang Aking mukha; kaya’t hindi mo nakakamit ang malinaw na pagkaunawa sa Aking puso—at kahit na nauunawaan mo ito nang kaunti, hindi ka nakatitiyak at nag-aalinlangan pa rin. Kapag lamang taglay Ko ang iyong buong puso, at ang iyong isip ay hindi na nagugulo ng anumang makamundong bagay at nakapaghihintay ka nang tahimik nang may malinaw na isipan, saka Ako magbubunyag sa inyo nang paunti-unti, isa-isa, alinsunod sa Aking mga layunin. Dapat ninyong maarok ang landas na ito ng pagiging malapit sa Akin. Sinumang humahampas o nagmumura sa iyo, o gaano man kaganda ang mga bagay na iniaalok sa iyo ng mga tao, hindi ito katanggap-tanggap kung pinipigilan ka nila na mapalapit sa Diyos; sa ganitong paraan, ang iyong puso ay nasa Aking hawak, at hinding-hindi aalis sa tabi Ko. Sa pamamagitan ng paglapit sa Akin nang ganito at ganitong uri ng pakikipagbahaginan, ang iyong mga magulang, asawa, mga anak, iba pang kaanak, at mga makamundong gusot ay lahat maglalaho, palagi mong tatamasahin ang isang halos di-mailalarawang katamisan sa iyong puso, at mararanasan mo ang isang mabango at masarap na lasa—tunay na hindi ka na mahihiwalay sa Akin. Kung magpapatuloy kayo sa ganitong paraan, mauunawaan ninyo kung ano ang nasa Aking puso. Hindi kayo kailanman maliligaw ng landas habang patuloy kayong sumusulong, sapagkat Ako ang inyong daan, at ang lahat ng bagay ay umiiral dahil sa Akin. Kung magiging gaano kahinog ang inyong buhay, kung kailan ninyo magagawang kumawala sa mundo, kung kailan ninyo maiwawaksi ang inyong mga damdamin, kung kailan ninyo magagawang iwanan ang inyong asawa at mga anak, at kung kailan magiging hinog ang inyong buhay … ang lahat ng bagay na ito ay magaganap alinsunod sa Aking panahon. Walang silbi na mabalisa.

Dapat kang magkamit ng pagpasok mula sa positibong anggulo. Kung pasibo ka lamang na naghihintay, negatibo ka pa rin. Dapat kang maging maagap sa pakikipagtulungan sa Akin; maging masigasig at huwag maging tamad. Palaging makipagbahaginan sa Akin at magkamit ng mas malalim pang malapit na ugnayan sa Akin. Kung hindi mo nauunawaan, huwag kang mainip para sa mabilisang mga resulta. Hindi naman sa hindi Ko sasabihin sa iyo; nais Ko lamang makita kung aasa ka sa Akin sa Aking presensya, at kung mayroon kang pananalig na umasa sa Akin. Dapat palagi kang lumapit sa Akin, at ilagay ang lahat ng bagay sa Aking mga kamay. Huwag umatras nang walang ibinubunga. Kung lalapit ka sa Akin nang ganito sa loob ng ilang panahon, ang Aking mga layunin ay ibubunyag sa iyo bago mo ito mamalayan. Kung maaarok mo ang mga ito, tunay na makakaharap mo Ako—tunay mong matatagpuan ang Aking mukha. Sa loob mo, magtataglay ka ng konsiderableng kalinawan at katatagan, at magkakaroon ka ng isang bagay na maaasahan, kalakasan, pananalig, at ng isang landas pasulong. Ang lahat ay magiging madali sa iyo.

Sinundan: Kabanata 8

Sumunod: Kabanata 10

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito