Kabanata 60

Hindi isang madaling bagay ang paglago ng buhay; nangangailangan ito ng isang proseso at, higit pa riyan, na makaya ninyong bayaran ang halaga at na kayo ay makipagtulungan sa Akin nang kaisa sa puso, at sa gayon kayo ay tatanggap ng Aking papuri. Ang kalangitan at lupa at lahat ng bagay ay itinatatag at ginagawang ganap sa pamamagitan ng mga salitang Aking binibigkas, at sa Akin, anumang bagay ay maisasakatuparan. Ang nais Ko lamang ay na mabilis kayong lumago, kunin ang pasanin mula sa Aking mga balikat at pasanin ito, at gawin ang Aking mga pagpapagal sa Aking ngalan; saka lamang Ako mabibigyang-kasiyahan. Sinong anak ang tatanggi sa mga pasanin ng kanyang ama? Sinong ama ang hindi magpapagal gabi at araw para sa kanyang anak? Gayunpaman, sadyang hindi ninyo nauunawaan ang Aking kalooban, at hindi ninyo isinasaalang-alang ang Aking mga pasanin; walang halaga sa inyo ang Aking mga salita, at hindi ninyo ginagawa ang Aking sinasabi. Palaging kayo ang amo ng inyong mga sarili; napakamakasarili! Iniisip lamang ninyo ang inyong mga sarili!

Tunay bang nauunawaan mo ang Aking kalooban o nagkukunwari ka lamang na hindi? Bakit lagi kang umaasal nang walang pakundangan? Sinasabi ba ng konsensya mo na tama ang ginagawa mo sa Akin sa pagkilos mo nang ganyan? Kapag natagpuan mo na ang sanhi ng pagkakasakit, bakit hindi ka nakikipag-usap sa Akin para malunasan? Sasabihin Ko sa iyo: Mula sa araw na ito, hindi na kayo magkakaroon pa ng mga sakit ng katawan. Kung sakaling may bahagi sa inyo na hindi mabuti ang pakiramdam, huwag kayong mag-abala sa paghahanap ng panlabas na dahilan; sa halip, lumapit kayo sa harap Ko at sikaping malaman ang Aking layunin. Maaari bang tandaan ninyo ito? Ito ang Aking pangako: Mula sa araw na ito, kayo ay ganap na lalakad palayo sa inyong pisikal na katawan at patungo sa espirituwal na mundo; ibig sabihin, hindi na magbabata ang inyong katawan ng karamdaman. Masaya ba kayo riyan? Kayo ba’y nagagalak? Ito ang Aking pangako. Higit pa riyan, ito ang matagal na ninyong inaasam. Ngayong araw, ito ay natutupad sa inyong mga pinagpalang nilalang. Lubhang kahanga-hanga at di-maarok!

Ang Aking gawain ay umuunlad araw at gabi; bawat sandali, hindi ito kailanman humihinto. Ito ay dahil ang madalian Kong ninanasa ay ang gawin kang kaayon ng Aking sariling puso, at na ang Aking puso ay inyong maaliw sa lalong madaling panahon. Aking mga anak! Ang panahon ay dumating na para kayo ay makibahagi sa Aking mga pagpapala ng kabutihan! Noong nakaraan, nagdusa kayo para sa Aking pangalan ngunit ngayon ang mga araw ng inyong pagsubok ay tapos na. Kung ang sinuman ay maglakas-loob na saktan ang isang buhok sa ulo ng Aking mga anak, hindi Ko sila basta patatawarin, ni muli silang makababangon kailanman. Ito ang Aking atas administratibo at sinumang lumabag dito ay malalagay sa panganib. Aking mga anak! Magdiwang hanggang sa ikasisiya ng inyong puso! Umawit at sumigaw sa galak! Hindi na kayo pagmamalupitan at aapihin, at hindi na kayo magiging tampulan ng pang-uusig. Hindi na kayo dapat matakot na manampalataya sa Akin; hayagan kayong manampalataya sa Akin. Tawagin ninyo ang Aking banal na pangalan nang may sapat na lakas na yayanig sa sansinukob at sa mga dulo ng mundo. Hayaang makita nila na ang kanilang mga minaliit, ang ipinahamak at sinaktan nila, ay ngayon nangingibabaw sa kanila at namumuno sa kanila, namamahala sa kanila, at mas mahalaga, humahatol sa kanila.

Ang dapat lamang ninyong alalahanin ay ang inyong pagpasok, at pagkakalooban Ko kayo ng mas mabubuti pang pagpapala na naghihintay na inyong matamasa, at higit ninyong matitikman ang walang-kapantay na katamisan, walang-katapusang mga hiwaga, at kalalimang di-maarok!

Sinundan: Kabanata 59

Sumunod: Kabanata 61

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito