Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Ang Inyong Pagkatao ay Napakababa!

Kayong lahat ay nakaupo sa magagarang mga upuan, tinuturuan yaong mga nakababatang henerasyon na inyong kauri, pinauupo silang kasama mo. Paanong hindi mo nalaman na ang mga “anak” mong yaon ay wala nang hininga, at matagal nang wala sa kanila ang Aking gawain? Ang Aking kaluwalhatian ay sumisikat mula sa lupain ng Silangan hanggang sa lupain ng Kanluran, nguni’t kapag ang Aking kaluwalhatian ay kumakalat hanggang sa mga dulo ng lupa at kapag nagsisimula itong tumaas at sumikat, Aking aalisin ang kaluwalhatian ng Silangan at dadalhin ito sa Kanluran upang ang mga taong ito ng kadiliman sa Silangan na tumalikod sa Akin ay mawawalan ng pagsikat ng liwanag mula sa sandaling iyon. Sa panahong iyon, kayo ay mabubuhay sa lambak ng anino. Bagaman ang mga tao ngayon ay makaisandaang ulit na higit na mabuti kaysa rati, hindi pa rin nila makatagpo ang Aking mga kinakailangan, at sila ay hindi pa rin isang maluwalhating patotoo sa Akin. Na kaya ninyong maging isandaang ulit na higit na mabuti kaysa rati ay ang buong kinalabasan ng Aking gawain—ito ang naging bunga mula sa Aking gawain sa lupa. Gayunpaman, nakakaramdam pa rin Ako ng pagkamuhi sa inyong mga salita at gawa, at inyong pagkatao, at nakadarama Ako ng di-kapani-paniwalang pagkainis sa inyong mga pagkilos sa harapan Ko, sapagka’t wala kayong anumang pagkaunawa sa Akin. Kaya paano kayong magiging ang pagsasabuhay ng Aking kaluwalhatian, at paano kayong magiging lubusang tapat sa Aking panghinaharap na gawain? Ang inyong pananampalataya ay napakaganda; inyong sinasabi na kayo ay handang ialay ang inyong buhay sa Aking gawain, upang gawin ang kahit ano at lahat para dito, nguni’t ang inyong disposisyon ay hindi gaanong nabago. Nagkaroon lamang ng mayayabang na mga salita, at ang inyong tunay na mga pagkilos ay lubhang nakakalungkot. Tila ang dila at mga labi ng isa ay nasa langit subali’t ang mga binti ng isa ay napakalayo sa lupa, kaya ang kanyang mga salita at gawa at kanyang dangal ay nasa masamang kalagayan pa rin. Ang inyong karangalan ay nawasak, ang inyong bikas ay nakakahiya, ang inyong paraan ng pagsasalita ay mababa, ang inyong buhay ay kasumpa-sumpa, at maging lahat ng inyong buong pagkatao ay mababa. Kayo ay makitid-ang-isip tungo sa mga tao at kayo ay nakikipagtawaran sa bawa’t kaliit-liitang bagay. Kayo ay nakikipag-away sa inyong sariling karangalan at estado, kahit hanggang sa punto na handa kayong bumaba sa impiyerno, tungo sa lawa ng apoy. Ang inyong kasalukuyang mga salita at gawa ay sapat upang Aking malaman na kayo ay makasalanan. Ang inyong pag-uugali tungo sa Aking gawain ay sapat para Aking malaman na kayo ay mga hindi-matuwid na tao, at lahat ng inyong mga disposisyon ay sapat upang sabihin na kayo ay maruruming mga kaluluwa na puno ng mga kahiya-hiyang kalagayan. Ang inyong mga kahayagan at kung ano ang inyong ibinubunyag ay sapat upang sabihin na kayo ay mga tao na nakainom ng sapat na dugo ng di-malinis na mga espiritu.Kapag ang pagpasok sa kaharian ay nasasabi hindi ninyo ipinagkakanulo ang inyong mga damdamin. Naniniwala ba kayo na ang lagay ninyo ngayon ay sapat para sa inyo upang pumasok tungo sa pintuan ng Aking kaharian ng langit? Naniniwala ba kayo na makakapasok kayo tungo sa banal na lupain ng Aking gawain at mga salita nang ang inyong mga salita at gawa ay hindi dumaraan sa Aking pagsubok? Sino ang kayang matagumpay na linlangin ang Aking dalawang mata? Paanong ang inyong kasumpa-sumpa at mababang mga asal at pag-uusap ay makakatakas sa Aking paningin? Ang inyong mga buhay ay natukoy Ko na bilang mga pamumuhay ng pag-inom ng dugo niyaong mga maruming espiritu at pagkain ng laman niyaong mga maruming espiritu dahil dinadala ninyo ang kanilang itsura sa harapan Ko bawa’t araw. Sa harap Ko ang inyong asal ay partikular na masama, kaya paano Ako hindi makadarama ng pagkainis? Sa inyong sinasabi naroon ang mga karumihan ng maruming mga espiritu: Kayo ay nandaraya, nagtatakip, at nam bobola gaya lamang niyaong gumagawa ng pangkukulam, gaya niyaong nandaraya at umiinom ng dugo ng hindi matuwid. Ang buong kahayagan ng sangkatauhan ay lubhang hindi-matuwid, kaya paano ang lahat ng mga tao ay mailalagay sa banal na lupain kung saan naroon ang mga matuwid? Inaakala mo ba na ang iyong karumal-dumal na asal ay magtatangi sa iyo bilang banal mula sa mga yaong hindi-matuwid na mga tao? Ang mala-serpiyente mong dila ay sisirain kalaunan ang iyong laman na gumagawa ng pagwasak at nagsasakatuparan ng mga kasuklam-suklam, at yaong mga kamay mo na nababalutan ng dugo ng maruming mga espiritu ay hihilahin din ang iyong kaluluwa kalaunan sa impiyerno, kaya bakit hindi mo samantalahin ang pagkakataong ito upang linisin ang iyong mga kamay na balot ng dumi? At bakit hindi mo samantalahin ang pagkakataong ito na putulin ang dila mong iyan na nagsasalita ng hindi-matuwid na mga salita? Maaari kaya na handa kang magdusa sa ilalim ng mga ningas ng impiyerno para sa iyong dalawang kamay at iyong dila at mga labi? Nananatili Akong nagbabantay ng Aking dalawang mata sa lahat ng mga puso ng mga tao dahil malaon na bago Ko nilikha ang sangkatauhan, nahawakan Ko ang kanilang mga puso sa Aking mga kamay. Malaon Ko nang nasilip ang puso ng tao, kaya paano ang mga kaisipan sa puso ng tao ay makakatakas sa Aking mga mata? At paano sila sa kalaunan ay makakatakas sa pagsusunog ng Aking Espiritu?

Ang iyong mga labi ay mas mabait kaysa mga kalapati nguni’t ang iyong puso ay mas masama kaysa sinaunang ahas, kahit ang iyong mga labi ay kasingganda ng isang taga-Lebanon na babae, nguni’t ang iyong puso ay hindi kasing bait niyong sa mga taga-Lebanon na babae at ito ay tiyak na hindi maihahambing sa kagandahan niyong mga Canaanita. Ang iyong puso ay napakamandaraya. Ang Aking kinasusuklaman ay hindi lamang ang mga labi ng hindi-matuwid at ang mga puso ng hindi-matuwid. Ang Aking mga kinakailangan sa mga tao ay hindi mas mataas kaysa mga banal, nakakaramdam lamang Ako ng pagkasuklam para sa masamang mga gawa ng di-matuwid at Ako ay umaasa na ang di-matuwid ay makakayang iwaksi ang kanilang karumihan at tumakas mula sa kanilang kasalukuyang kagulumihanan upang sila ay maaaring maiba mula sa mga di-matuwid, at mamuhay kasama at maging banal kasama yaong mga matuwid. Kayo ay nasa kapareho Kong kalagayan, nguni’t kayo ay nababalutan ng dumi, wala sa inyo kahit kaunting pagkakatulad ng mga tao na nilikha sa pasimula at dahil araw-araw inyong ginagaya ang wangis niyaong maruruming mga espiritu at inyong ginagawa ang kanilang ginagawa at sinasabi ang kanilang sinasabi, bawa’t bahagi ninyo at kahit ang inyong mga dila at mga labi ay nakalubog sa kanilang maruming tubig. Hanggang sa punto na kayo ay ganap na nababalutan ng mga mantsang iyon at wala kahit isang bahagi na maaaring magamit para sa Aking gawain. Lubhang nakakadurog ng puso! Kayo ay namumuhay sa ganoong mundo ng mga kabayo at baka gayunman kayo sa katunayan ay hindi naguguluhan; at kayo ay puno ng kagalakan at kayo ay namumuhay nang malaya at madali. Kayo ay lumalangoy sa paligid ng maruming tubig na ito nguni’t tunay na hindi alam na kayo ay nahulog tungo sa mga uring ito ng mga kalagayan. Bawa’t araw ikaw ay nakikisama sa mga maruruming espiritu at may pakikitungo sa “dumi ng tao.” Ang iyong buhay ay napakababa, gayunman hindi mo alam na ikaw ay walang-pasubaling hindi nananatiling buháy sa pantaong mundo at na ikaw ay wala sa loob ng iyong sariling paghawak. Hindi mo ba alam na ang iyong buhay ay matagal nang tinapakan ng maruruming mga espiritu, na ang iyong pagkatao ay matagal nang narumihan ng maruming tubig? Akala mo ba ikaw ay namumuhay sa panlupang paraiso, na ikaw ay nasa kalagitnaan ng kaligayahan? Hindi mo ba alam na ikaw ay namuhay ng isang buhay kasama ng maruruming mga espiritu, at na ikaw ay namuhay ng isang buhay na ang lahat ng mayroon sila ay naihanda para sa iyo? Paanong ang iyong pamumuhay ay magkakaroon ng anumang kahulugan? Paanong ang iyong buhay ay magkakaroon ng anumang kabuluhan? Ikaw ay naging abáláng gumagawa para sa iyong maruruming mga espiritung mga magulang, hanggang ngayon, gayunman hindi mo alam na yaong sumisilo sa iyo ay yaong mga maruruming espiritu, ang iyong mga magulang na nagsilang sa iyo at nagpalaki sa iyo. Higit pa rito, hindi mo alam na ang iyong karumihan sa katunayan ay ibinigay lahat nila sa iyo; ang alam mo lamang ay na mabibigyan ka nila ng “kasiyahan,”hindi ka nila kinakastigo, ni hinahatulan ka nila, at sa partikular ay hindi ka nila sinusumpa. Hindi pa sila kailanman bumulalas ng galit sa iyo, subali’t tinatrato ka nila nang magalang at may-kabaitan. Ang kanilang mga salita ay nagpapalusog sa iyong puso at bumibihag sa iyo kaya ikaw ay nalilito at hindi ito natatanto, ikaw ay nahigop na at handang maglingkod sa kanila, maging kanilang labasan gayundin ay kanilang lingkod. Ikaw ay wala man lamang mga karaingan kundi handang maging nasa kanilang pagpipigil—ikaw ay nadaya nila. Sa dahilang ito, ikaw ay walang-pasubaling walang reaksyon sa gawaing Aking ginagawa—hindi kataka-takang lagi mong nais na palihim na kumawala sa Aking mga kamay, at hindi kataka-takang lagi mong nais gumamit ng matatamis na mga salita upang makapanggulang sa Aking pabor. Lumalabas na mayroon ka nang ibang plano, ibang pagsasaayos. Nakikita mo ang kaunti sa Aking, ang mga pagkilos ng Makapangyarihan, nguni’t hindi mo alam ang kahit kapiraso ng Aking paghatol at pagkastigo. Hindi mo alam kung kailan nagsimula ang Aking pagkastigo; ang alam mo lamang ay kung paano dayain Ako, nguni’t hindi mo alam na hindi Ko kinukunsinti ang paglabag ng tao. Yamang naikasa mo na ang iyong determinasyon na paglingkuran Ako, hindi kita pakakawalan. Ako ay mapanibughuing Diyos, at Ako ay isang Diyos na naninibugho sa tao. Yamang nailagay mo na ang iyong mga salita sa altar, hindi Ko kukunsintihing lumayas ka sa harap ng Akin mismong mga mata, at hindi Ko kukunsintihin ang paglilingkod mo sa dalawang panginoon. Inakala mo ba na maaari kang magkaroon ng ibang pag-ibig matapos mong ilagay ang iyong mga salita sa Aking altar, matapos mong iharap ang mga iyon sa Aking mga mata? Paano kong hahayaan ang mga tao na linlangin Ako sa ganyang paraan? Inakala mo ba na maaari kang basta na lamang gumawa ng mga pangako, gumawa ng mga panata sa Akin gamit ang iyong dila? Paano kang manunumpa ng panata tungo sa trono Ko, ang Kataas-taasan? Inakala mo ba na ang iyong mga panata ay nakalipas na? Sinasabi Ko sa inyo, kahit na ang inyong mga laman ay lumipas, ang inyong mga panata ay hindi maaaring lumipas. Sa katapusan, uusigin Ko kayo batay sa inyong mga panata. Gayunman inyong inaakala na mailalagay ninyo ang inyong mga salita sa harapan Ko upang makatagpo Ako at na ang inyong mga puso ay makapaglilingkod sa maruruming espiritu at masasamang espiritu. Paanong ang Aking poot ay makukunsinti yaong parang-aso, parang-baboy na mga taong nandaraya sa Akin? Dapat Kong isakatuparan ang Aking mga kautusan sa pangangasiwa, at agawin mula sa mga kamay ng maruruming espiritu lahat niyaong mga matitigas at “relihiyosong” tao na naniniwala sa Akin upang “magsilbi sa” Akin sa isang maayos na paraan, maging Aking baka, maging Aking kabayo at maging nasa ilalim ng kahabagan ng Aking pagkatay. Ipababalik Ko sa iyo ang dati mong determinasyon at papapaglingkurin kang muli sa Akin. Hindi Ko kukunsintihin ang sinuman sa nilikha na dayain Ako. Inakala mo bang maaari kang basta humiling at basta magsinungaling sa harap Ko? Inakala mo bang hindi Ko narinig o nakita ang iyong mga salita at gawa? Paanong ang iyong mga salita at gawa ay mawawala sa Aking paningin? Paano Ko pahihintulutan ang mga tao na dayain Ako sa ganyang paraan?

Ako ay nasa gitna ninyo, kasama ninyo sa loob ng maraming mga tagsibol at taglagas, namuhay Ako sa gitna ninyo sa loob ng matagal na panahon, namuhay kasama ninyo—gaano sa inyong karumal-dumal na asal ang nalingid sa mismong harapan ng Aking mga mata? Yaong mga taos-puso ninyong mga salita ay patuloy na umaalingawngaw sa Aking mga tainga; milyun-milyon sa inyong mga inaasam ang nailatag sa Aking altar—hindi kayang mabilang man lamang ang mga iyon. Gayunman hinggil sa inyong pag-aalay at kung anong inyong ginugugol, wala man lamang kahit kaunti. Wala man lamang isang maliit na patak ng inyong katausan sa Aking altar. Nasaan ang mga bunga ng inyong paniniwala sa Akin? Nakatanggap kayo ng walang-hanggang biyaya mula sa Akin at nakakita kayo ng walang-hanggang mga hiwaga mula sa langit, at naípakita Ko pa sa inyo ang mga ningas ng langit nguni’t hindi Ako nagkaroon ng puso upang sunugin kayo, at gaano ang naíbígáy ninyo sa Akin bilang kapalit? Gaano ang handa ninyong ibigay sa Akin? Hawak ang pagkaing ibinigay Ko sa iyo, bumaling ka at iniaalay ito sa Akin, sinasabi pang ito ay isang bagay na iyong pinaghirapan, na ibinibigay mo ang buong sarili mo sa Akin. Paanong hindi mo malalaman na ang iyong “mga kontribusyon” sa Akin ay lahat ng mga bagay na ninakaw mula sa Aking altar? At ngayon ay iniaalay mo iyan sa Akin—hindi ba’t dinadaya mo Ako? Paanong hindi mo malalaman na kung ano ang tinatamasa Ko ngayon ay lahat ng mga handog sa Aking altar, at hindi kung ano ang iyong kinita bilang kapalit ng iyong pagsisikap at pagkatapos ay inialay sa Akin? Sa katunayan ay nangangahas kayong dayain Ako sa paraang ito, kaya paano Ko kayo mapapatawad? Paano Ko pa ito matitiis? Naíbígáy Ko na ang lahat sa inyo. Nabuksan Ko na ang lahat sa inyo, ipinagkaloob ang lahat ng inyong mga pangangailangan, at binuksan ang inyong mga mata, gayunman ay dinadaya ninyo Ako sa paraang ito, binabale-wala ang inyong konsensya. Buong-puso Kong naípágkaloob ang lahat sa inyo, upang kahit na kayo ay magdusa, nakamit ninyo mula sa Akin ang lahat ng nadálá Ko mula sa langit. Nguni’t wala man lamang kayong pag-aalay, at kahit na kayo ay may maliit na kontribusyon, kayo ay nakikipag-ayós sa Akin matapos iyon. Ang iyo bang kontribusyon ay hindi mawawalan ng halaga? Ang naíbígáy mo sa Akin ay wala kundi isang butil ng buhangin, nguni’t ang nahíngî mo sa Akin ay isang toneladang ginto. Hindi ka ba nagiging di-makatwiran? Ako ay gumagawa sa gitna ninyo. Walang-pasubaling walang bakas ng sampung porsyentong dapat Kong makamtan, paano pa ang anumang dagdag na mga pagsasakripisyo. Higit pa, ang sampung porsyentong kontribusyon niyaong mga maka-Diyos ay inaagaw ng masama. Hindi ba kayong lahat ay napahiwalay sa Akin? Hindi ba kayong lahat ay palábán sa Akin? Hindi ba winawasak ninyong lahat ang Aking altar? Paanong ang uring ito ng tao ay makikita bilang isang kayamanan sa Aking paningin? Hindi ba sila ay mga baboy, mga aso na Aking kinamumuhian? Paano Ko matutukoy ang inyong masamang gawain bilang isang kayamanan? Tunay bang para kanino ang Aking gawain? Maaari kayang ito ay para lamang pabagsakin kayong lahat upang ibunyag ang Aking awtoridad? Hindi ba’t ang inyong mga buhay ay hawak lahat ng isang salita mula sa Akin? Bakit kaya gumagamit lamang Ako ng mga salita upang turuan kayo at hindi Ko nagawang mga kaganapan ang mga salita upang pabagsakin kayo sa lalong madaling panahon? Ang Akin bang mga salita at Aking gawain ay para lamang pabagsakin ang sangkatauhan? Ako ba ay Diyos na walang-pakundangang pumapatay sa mga inosente? Sa sandaling ito, ilan sa inyo na nariyan sa harapan Ko ang naghahanap sa tamang landas ng pantaong buhay nang buo nilang mga pagkatao? Ang inyo lamang mga katawan ang nasa harapan Ko, subali’t ang inyong mga puso ay wala, at malayung-malayo sa Akin. Dahil hindi ninyo alam kung ano ang Aking gawain sa katunayan, may ilan sa inyo na nais Akong lisanin, na inilalayo ang kanilang mga sarili sa Akin, at nais mamuhay sa paraisong iyon kung saan walang pagkastigo, walang paghatol. Hindi ba ito ang inaasam ng mga tao sa kanilang puso? Tiyak na hindi Kita pinipilit. Anumang landas ang iyong tahakin ay iyong sariling kagustuhan, at ang landas ng kasalukuyan ay may kasamang paghatol at sumpa, nguni’t dapat ninyong lahat na malaman na kung ano ang naípágkaloob Ko sa inyo, kung paghatol man o pagkastigo, ang mga iyon ang pinakamahusay na mga kaloob na maibibigay Ko sa inyo, at ang mga iyon ang mga bagay na inyong agarang kinakailangan.

Sinundan:Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Ang Gawain Din ng Pagliligtas ng Tao

Sumunod:Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan

Baka Gusto Mo Rin