Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (4)

Ano ang ibig sabihin ng ginawang sakdal? Ano ang ibig sabihin ng nalupig? Ano ang batayan na kailangang matugunan ng isang tao upang malupig? At ano ang batayan na kailangang matugunan ng isang tao upang maging sakdal? Ang paglupig at pagpeperpekto ay parehong para sa hangarin ng paggawa sa tao upang siya ay makabalik sa kanyang orihinal na wangis at makalaya sa kanyang mala-satanas na katangian at sa impluwensya ni Satanas. Ang paglupig ay nauuna sa paraan ng paggawa sa tao, ibig sabihin ay ito ang unang hakbang ng gawain. Ang pagsakdal ay ang pangalawang hakbang, o ang pangwakas na gawain. Ang bawat tao ay kailangang dumaan sa paglulupig; kung hindi man ay hindi niya makikilala ang Diyos at hindi niya malalaman na mayroong Diyos, iyon ay, hindi niya kikilalanin ang Diyos. At kung ang isang tao ay hindi kinikilala ang Diyos, imposibleng siya ay magagawang ganap ng Diyos dahil hindi niya makakamit ang mga batayan ng pagiging ganap. Kung hindi mo man lamang ihahayag ang Diyos, paano mo ninyo makikilala? At paano mo Siya hahanapin? Hindi rin kayo makakapagpatotoo sa Kanya, lalong hindi magkaroon ng pananampalataya upang masiyahan Siya. Sa gayon, sa lahat ng gusto maging ganap, ang unang hakbang ay dumaan sa mapanlupig na gawa. Ito ang unang kondisyon. Ngunit ito man ay paglulupig o pagiging ganap, ang bawat isa ay para sa layunin ng paggawa sa tao at upang siya ay baguhin, at ang bawat isa ay isang bagay sa gawain ng pamamahala sa tao. Ang dalawang hakbang na ito ang kung ano ang mga kinakailangan sa paggawang ganap sa isang tao; hindi maaring lampasan ang kahit alin sa mga hakbang. Tunay nga na ang "pagiging nalupig" ay hindi masyadong magandang pakinggan, ngunit sa katotohanan ay ang paraan ng paglupig sa isang tao ay ang paraan ng pagbago sa kanya. Matapos siyang malupig, maaaring hindi mo pa naalis nang lubusan ang iyong tiwaling katangian, ngunit malalaman mo ito. Sa pamamagitan ng mapanlupig na gawa malalaman mo ang iyong mababang pagkatao at upang malaman mo din ang iyong pagkasuwail. Kahit hindi mo kayang alisin o baguhin ang mga ito sa loob ng maiksing panahon ng mapanlupig na gawa, makikilala mo ang mga ito. Ito ang magsisilbing saligan ng iyong pagiging sakdal. Sa gayon ang paglupig at pagsakdal ay parehong ginawa upang baguhin ang tao, parehong ginawa upang alisin sa tao ang kanyang mala-satanas na katangian upang maihandog niya ang kanyang sarili nang lubusan sa Diyos. Ang pagiging nalupig ang unang hakbang lamang sa pagbago ng katangian ng tao at ito rin ang unang hakbang sa lubusang pag-alay ng tao ng kanyang sarili sa Diyos, isang hakbang na mas mababa sa pagiging sakdal. Ang katangian ng buhay ng isang nilupig ay nababagong mas kaunti kumpara sa isang taong naging sakdal. Ang pagiging nilupig at pagiging nasakdal ay naisipang magkaiba sa bawat isa dahil ito ay mga magkaibang yugto ng gawain at dahil binibigyan nila ang mga tao ng iba't-ibang mga pamantayan, ang panlulupig ay pinananatili sila sa mabababang pamantayan at ang pagiging sakdal ay pinananatili sila sa mas mataas. Ang mga ginawang sakdal ay ang mga matuwid na tao, mga taong ginawang banal at dalisay; sila ang mga pagpapalinaw ng gawain ng pamamahala sa sangkatauhan, o ng resulta. Kahit na hindi sila mga walang salang mga tao, sila ay mga taong nagsisikap mamuhay ng makabuluhang buhay. Ngunit paano ang mga nalupig? Binibigkas lang nila ang pagkakilala nila sa pag-iral ng Diyos; kinikilala nila na ang Diyos ay ang Siyang nagkatawang tao mismo, na ang Salita ay nakita sa laman, at ang Diyos ay pumunta sa lupa upang gawin ang gawain ng paghatol at pagparusa. Kinikilala rin nila na ang paghatol at pagparusa ng Diyos at ang Kanyang pag-usig at pagdalisay ay lubos na kapakipakinabang sa tao. Iyon ay, nag-uumpisa pa lamang silang magkaroon ng wangis ng tao, at mayroon silang kaunting pagkakaunawa sa buhay ngunit may kalabuan pa rin. Sa ibang salita, nag-uumpisa pa lang silang magkaroon ng pagkatao. Ito ang mga bunga ng pagkakalupig. Kapag umapak ang mga tao sa daan ng kasakdalan, ang kanilang lumang katangian ay maaaring mabago. Bukod dito, ang kanilang mga buhay ay magpapatuloy sa paglago habang lumalalim ang pagpasok nila sa katotohanan. Kakayanin nilang kamuhian ang mundo at kamuhian ang lahat ng hindi nagsisikap malaman ang katotohanan. Lalo nilang kinamumuhian ang kanilang mga sarili, ngunit higit pa riyan, malinaw na kilala nila ang kanilang mga sarili. Pumapayag silang mabuhay sa katotohanan at ginagawa nila ang layuning hanapin ang katotohanan. Hindi sila pumapayag na mamuhay sa loob ng kanilang mga isipan na ginawa ng kanilang mga utak, at ramdam nila ang pagkamuhi sa mapagmatuwid-sa-sarili ng tao, kahambugan, at kayabangan. Sila ay nagsasalita nang may matinding moralidad, pinanghahawakan ang mga bagay nang may pag-intindi, at sila ay may taglay na karunungan, at sila ay tapat sa pagiging masunurin sa Diyos. Kung nakararanas sila ng pagkakataon ng pagparusa at paghatol, hindi lamang sila nagiging walang kibo at mahina, kundi Pagkatapos lupigin ang mga tao, kinikilala nila na mayroong isang Diyos. Ngunit anumang mga pagkilos ang dumating sa pagkilala sa pag-iral ng Diyos, ang mga pagkilos na ito ay limitado sa mga ito. Ano ba talaga ang ibig sabihin ng ang Salita ay nagkatawang-tao? Ano ang kahulugan ng pagkakatawang-tao? Ano ang ginawa ng Diyos na nagkatawang-tao? Ano ang layunin at kabuluhan ng Kanyang gawain? Pagkatapos maranasan ang napakarami sa Kanyang gawain, maranasan ang Kanyang mga gawa sa katawang-tao, ano ang iyong nakamit? Pagkatapos maunawaan ang mga bagay na ito saka ka lamang magiging isang taong nilupig. Kung sasabihin mo lang “Kinikilala ko na mayroong isang Diyos,” ngunit hindi iniiwan ang asawang lalaki na dapat mong iwanan at mabibigong isuko ang makalamang mga kagalakan na dapat mong isuko, at sa halip mananatili kang mag-iimbot sa makalaman na mga kaaliwan kagaya ng palagi mong ginagawa, hindi mo nagagawang pakawalan ang anumang diskriminasyon laban sa mga kapatid, at para sa maraming simpleng pagsasagawa na hindi mo nagagawang magbayad ng kaukulan dapat upang tuparin ang mga pagkilos, kung gayon pinatutunayan niyon na hindi ka pa nilupig. Kung magkagayon, kahit na napakarami ng iyong nauunawaan, ito ay magiging walang kabuluhan. Ang nilupig ay ang mga taong nagtamo ng ilang paunang mga pagbabago at paunang pagpasok. Ang pagdanas ng paghatol at pagkastigo ng Diyos ay nagdudulot sa kanila na magkaroon ng paunang kaalaman ukol sa Diyos at isang paunang pagkaunawa ng katotohanan. Bagamat para sa mas malalim, mas maraming butil ng mga katotohanang hindi mo nagagawang ganap na makapasok sa realidad ng mga ito, nagagawa mong naisasagawa ang pangunahing mga katotohanan sa iyong totoong buhay, kagaya niyaong may kinalaman sa iyong makalaman na mga kaaliwan o ang iyong personal na katayuan. Ang lahat nito, mangyari pa, ay ang natatamo niyaong sumasailalim sa panlulupig. Ang ilang mga pagbabago sa disposisyon ay maaari ding makita sa nilupig. Gaya halimbawa, ang kanilang kasuotan at pag-aayos at ang kanilang buhay—ang mga ito ay maaaring magbago. Ang kanilang pangmalas sa paniniwala sa Diyos ay nagbabago, nagkakamit sila ng kaliwanagan sa pakay ng kanilang paghahangad, at ang kanilang mga hangarin ay umaangat. Sa daan ng kanilang pagiging nilupig, ang kanilang disposisyon sa buhay ay maaari ding magbago sa katulad na paraan. Hindi sa hindi sila nagbago sa anumang paraan. Iyon nga lamang ang kanilang pagbabago ay mababaw, sa una lang, at napakaliit kaysa sa pagbabago sa disposisyon at sa pakay ng paghahangad na makikita pagkatapos na ang isa ay naging perpekto. Kung sa daan ng pagiging nilupig, ang disposisyon ng isang tao ay hindi nagbago sa anumang paraan at hindi siya nagkamit ng kahit isang piraso ng katotohanan, kung gayon ang ganitong uri ng tao ay nagiging isang piraso lamang ng basura at ganap na walang silbi! Ang mga tao na hindi nilupig ay hindi maaring gawing perpekto! At kung hinahangad lamang ng isang tao ang malupig, hindi siya maaring lubos na gagawing ganap, kahit na ang kanyang disposisyon ay nagpakita ng ilang kaukulang mga pagbabago sa panahon ng gawaing panlulupig. Mawawala din niya ang paunang katotohanan na kanyang nakamit. Mayroong isang malaking pagkakaiba sa pagitan ng dami ng pagbabago sa disposisyon sa nilupig at sa ginawang perpekto. Ngunit ang pagiging nilupig ay ang unang hakbang sa pagbabago; ito ang saligan. Ang kakulangan sa paunang pagbabagong ito ay katunayan na hindi totoong nakikilala ng isang tao ang Diyos sa anumang paraan sapagkat ang kaalamang ito ay nagmumula sa paghatol, at ang paghatol na ito ay isang pangunahing bagay ng gawaing panlulupig. Kaya, ang bawat taong ginawang perpekto ay sumasailalaim sa pagiging nilupig. Kung hindi, sila ay hindi maaaring gawing perpekto.

Sinasabi mong kinikilala mo ang Diyos na nagkatawang tao at kinikilala mo na ang Salita ay nagpapakita sa laman, ngunit gumagawa ka ng mga bagay nang patago, at hindi ka kumikilos sa paraang gusto Niyang ikilos mo, at hindi ka natatakot sa Kanya. Ito ba ay pagkilala sa Diyos? Kinikilala ninyo ang mga sinasabi Niya, ngunit hindi mo isinasabuhay kahit na iyong mga bagay na kaya mong gawin at hindi mo sinusunod ang Kanyang paraan. Ito ba ang pagkilala? Kinikilala ninyo Siya, ngunit ang iyong pag-iisip ay nakatuon sa pagsanggalang mula sa Kanya, hindi kailanman ang paggalang sa Kanya. Kung nakita mo at kinilala ang Kanyang mga gawain at alam mo na Siya ang Diyos, ngunit nananatili kang maligamgam at lubos na walang pagbabago, sa gayon ikaw ay hindi pa rin nalupig na tao. Ang isang nalupig na tao ay kinakailangang gawin ang lahat ng makakaya niya; gugustuhin niyang pasukin at abutin ang mga mas matataas na katotohanan kahit na hindi pa niya kaya. Ito ay dahil lamang may hangganan ang kaya niyang tanggapin at ang kanyang mga kilos ay nakatali at may hangganan. Ngunit kahit paano ay kinakailangan niyang gawin ang lahat ng kanyang makakaya. Kung kaya mong gawin ang mga bagay na ito, ito ay dahil sa mapanlupig na gawa. Ipagpalagay mong sabihin, "Kung kaya Niyang gumawa ng napakaraming salita na hindi kaya ng tao, kung Siya ay hindi Diyos, sino kaya?" Ang pagkakaroon ng ganitong pag-iisip ay hindi nangangahulugang kinikilala mo ang Diyos. Kung kinikilala mo ang Diyos, dapat ipakita mo sa pamamagitan ng iyong mga gawa. Namumuno sa isang simbahan ngunit hindi nakagagawa ng katuwiran, nagnanasa sa pera at laging patagong inililipat ang pera ng simbahan sa sarili mong mga bulsa-ito ba ang pagkilala na mayroong Diyos? Ang Diyos ay makapangyarihan at dapat na katakutan. Paano ka hindi matatakot kung tunay na kinikilala mo na mayroong Diyos? Paano mo magagawa ang mga kasuklam-suklam na mga bagay? Matatawag ba iyan na paniniwala? Tunay nga bang kinikilala mo Siya? Ang Diyos ba ang iyong pinaniniwalaan? Ang iyong pinaniniwalaan ay isang malabong Diyos; iyan ang dahilan kaya hindi ka natatakot! Silang tunay na kumikilala at nakakakilala sa Kanya at mga takot na gumawa ng kahit na anong bagay na sumasalungat sa Kanya o lumalaban sa kanilang mga konsiyensya; sila ay lalong takot na gumawa ng kahit anong bagay na alam nilang labag sa kalooban ng Diyos. Ito lamang ang maituturing na pagkilala sa pag-iral ng Diyos. Ano ang dapat mong gawin kapag pinipigilan ka ng iyong mga magulang na maniwala sa Diyos? Paano mo iibigin ang Diyos kung ang asawa mong hindi nananampalataya ay mabuti ang pag-trato sa iyo? At paano mo iibigin ang Diyos kung ang mga kapatiran ay kinamumuhian kayo? Kung kinikilala mo ang Diyos, sa gayon kayo ay kikilos nang tama at ipapamuhay ang realidad sa lahat ng mga kalagayang ito. Kung ikaw ay nabigo sa tunay na paggawa ngunit sinasabi lang na kinikilala mo ang pag-iral ng Diyos, sa gayon ikaw ay mabunganga lang! Sinasabi mo na naniniwala ka sa Kanya at kinikilala Siya. Ngunit sa paanong paraan mo Siya kinikilala? Sa paanong paraan mo Siya pinaniniwalaan? Siya ba'y iyong kinatatakutan? Siya ba'y iyong iginagalang? Siya ba'y iyong iniibig hanggang sa kaibuturan? Kapag ikaw ay balisa at walang masandalan, nararamdaman mo na ang Diyos ay dapat ibigin, at matapos iyon nakalilimutan mo ang lahat tungkol dito. Iyan ay hindi pag-ibig sa Diyos o paniniwala sa Diyos! Ano ang kahuli-hulihang nais ng Diyos na makamtan ng tao? Lahat ng mga katayuang aking binanggit, kagaya ng pag-iisip na ikaw ay isang makapangyarihang tao, pakikiramdam na kaya mong matutunan agad ang mga bagay, pagsupil sa iba, pagtingin nang mababa sa iba, paghusga sa iba batay sa kanilang itsura, pang-aapi sa mga matapat na tao, pagnanasa sa pera ng simbahan, at iba pa-ang mawalan ng isang bahagi ng ganitong mga tiwali at mala-satanas na katangian ay ang dapat nakikita sa iyo matapos kang malupig.

Ang mapanlupig na gawa na natapos sa inyong mga tao ang may pinakamalalim na kabuluhan. Sa isang banda, ang layunin ng gawaing ito ay upang gawing sakdal ang pangkat ng mga tao, iyon ay, upang sila'y maging sakdal para maging pangkat ng mga nanaig, bilang ang unang pangkat ng tao na naging ganap, nangangahulugang ang mga unang bunga. Sa kabilang banda, ito ay upang payagan ang mga nilalang na masiyahan sa pag-ibig ng Diyos, tumanggap ng pinakadakilang kaligtasan ng Diyos, at tumanggap ng buong kaligtasan ng Diyos, upang hindi lang masiyahan ang tao sa awa at mapagmahal na kabutihan, kundi mas mahalaga, sa pagpaparusa at paghatol. Magmula nang nilikha ang mundo hanggang sa ngayon, ang lahat ng ginawa ng Diyos ay pag-ibig, na walang kahit anong poot sa tao. Kahit ang pagpaparusa at paghatol na iyong nakita ay pag-ibig din, isang mas totoo at mas tunay na pag-ibig na pumapatnubay sa tao patungo sa tamang landas ng buhay. Sa pangatlong banda, ito ay magsisilbing patotoo sa harap ni Satanas. At sa pang-apat na banda, ito ay upang magtatag ng saligan sa pagpalaganap ng gawaing ebanghelyo sa hinaharap. Ang lahat ng gawain na Kanyang ginawa ay para sa layunin ng patunguhin ang mga tao sa tamang landas ng buhay ng tao, upang maaari silang magkaroon ng normal na buhay ng sangkatauhan, sapagkat hindi alam ng tao kung paano ang mamuhay. Kung wala ang ganitong pamumuno, ikaw ay makakapamuhay lang ng isang buhay na walang saysay, makakapamuhay lang ng isang walang halaga at walang kabuluhang buhay, at hindi mo malalaman kung ano talaga ang pagiging normal na tao. Ito ang pinakamalalim na kabuluhan ng paglupig sa tao. Lahat kayo ay nagmula kay Moab. Ang gumawa ng gawaing panlulupig sa inyo ang siya ninyong dakilang kaligtasan. Kayong lahat ay tumira sa isang lugar ng kasalanan at kahalayan; kayong lahat ay mahalay at makasalanang mga tao. Ngayon hindi ninyo lang nakita ang Diyos, ngunit ang mas mahalaga, tumanggap kayo ng pagparusa at paghatol, tumanggap ng ganyang pinakamalalim na kaligtasan, ito ay, tumanggap ng pinakadakilang pag-ibig ng Diyos. Ang lahat ng Kanyang ginagawa ay ang tunay na pag-ibig Niya sa inyo; wala Siyang masamang balak. Nang dahil sa inyong mga kasalanan, kayo ay hinahatulan Niya, upang kilatisin ninyo ang inyong mga sarili at tanggapin itong napakalaking kaligtasan. Lahat ng ito ay ginawa upang gawin ang tao. Mula sa umpisa hanggang sa huli, ang Diyos ay ginagawa Niya ang Kanyang buong kakayahan upang mailigtas ang tao, at tiyak na Siya ay hindi makapapayag na tuluyang masira ang tao na Kanyang nilikha ng Kanyang mga kamay. Ngayon Siya ay lumapit sa inyo upang gumawa; hindi ba ito ay mas mainam pang kaligtasan? Kung kinamuhian Niya kayo, gagawin pa ba Niya ang gawain na ganoon kalaki upang personal na pamunuan kayo? Bakit Niya kailangang magdusa? Hindi kayo kinamumuhian ng Diyos o mayroong anumang masamang balak ang Diyos sa inyo. Dapat ninyong alamin na ang pag-ibig ng Diyos ay ang pinakatunay na pag-ibig. Dahil lamang sa pagiging suwail ng tao kaya sila ay kailangang iligtas Niya sa pamamagitan ng paghatol; kung hindi, sila ay hindi maliligtas. Dahil hindi ninyo alam kung paano ang manguna sa buhay o kung paano mabuhay, at kayo ay nabubuhay sa mahalay at makasalanang lugar na ito at kayo ay mga mahalay at maruming mga diablo, wala Siyang lakas ng loob para pabayaan kayong maging mas napakasama; wala rin Siyang lakas ng loob para makita kayong nabubuhay sa maruming lugar kagaya nito, tinatapakan ni Satanas kung kailan niya gusto, o ang lakas ng loob para hayaan kayong mahulog sa Hades. Nais lang Niya na makuha itong inyong pangkat at lubusang iligtas kayo. Ito ang pangunahing layunin ng paggawa ng mapanlupig na gawa sa iyo-ito ay para lamang sa kaligtasan. Kung hindi mo makita na ang lahat ng ginawa sa iyo ay pag-ibig at kaligtasan, kung iniisip mo na ito ay isa lang paraan, isang paraan upang pahirapan ang tao at isang bagay na di mapagkakatiwalaan, sa gayon mas mabuti pang bumalik ka sa iyong mundo upang magdusa sa sakit at paghihirap! Kung nais mo na mapasama sa agos na ito at masiyahan sa paghatol na ito at itong napakalaking kaligtasan, masiyahan sa lahat ng pagpapala na hindi matatagpuan kahit saan man sa mundo ng mga tao, at masiyahan sa pag-ibig na ito, kung gayon manatiling may pagpapakumbaba sa agos na ito upang tanggapin ang mapanlupig na gawa upang ikaw ay maging sakdal. Kahit na ikaw ay nagdurusa sa sakit at pagdalisay ngayon dahil sa paghatol, ang sakit na ito ay mahalaga at makabuluhan. Kahit na ang pagparusa at paghatol ay mga pagdalisay at walang awang mga hayag sa tao, na sinadya para parusahan ang kanyang mga kasalanan at parusahan ang kanyang laman, wala sa mga gawain na ito ay itinakda upang isumpa at puksain ang kanyang laman. Ang mga matinding paghahayag na ito ng salita ay lahat para sa layuning pamunuan ka sa tamang landas. Personal ninyong naranasan na ang napakarami sa mga gawaing ito at, malinaw na, hindi kayo dinala sa isang masamang daan! Ang lahat ng ito ay upang makaya mong mamuhay ng isang pagkatao ng normal; ang lahat ng ito ay isang bagay na kayang marating ng iyong normal na pagkatao. Ang bawat hakbang ng gawain ay ginawa ayon sa iyong mga pangangailangan, ayon sa iyong mga kahinaan, at ayon sa inyong mga tunay na katayuan, at walang hindi kakayaning pasanin ang inilagay sa inyo. Kahit na hindi mo makita ito nang malinaw ngayon at nararamdaman mo na tila Ako ay malupit sa iyo, kahit na patuloy mong iniisip na ang dahilan kaya pinaparusahan at hinahatulan Ko kayo araw-araw at dinudusta Ko kayo araw-araw ay dahil sa may poot Ako sa iyo, at kahit na ang iyong tinatanggap ay kaparusahan at paghatol, sa totoo itong lahat ay pag-ibig sa iyo, ito rin ay dakilang sanggalang para sa iyo. Kung hindi mo kayang maunawaan ang mas malalalim na kahulugan ng gawaing ito, sa gayon hindi na ka dapat magpatuloy pa sa iyong karanasan. Kayo ay dapat bigyan ng kaginhawaan para sa ganoong kaligtasan. Huwag ninyong tanggihan ang pagbalik ng iyong kamalayan. Dahil malayo na ang iyong narating, dapat mong makita nang malinaw ang kahalagahan nitong mapanlupig na gawa. Hindi ka na dapat mag-urong-sulong sa iyong pag-iisip!

Sinundan:Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (3)

Sumunod:Pagsasagawa (6)

Baka Gusto Mo Rin