Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Ang Ikatatlumpu’t-siyam na Pagbigkas

Bawa’t araw Ako ay gumagalaw sa ibabaw ng mga sansinukob, pinagmamasdan ang lahat ng mga bagay na nilikha ng Aking kamay. Sa ibabaw ng mga kalangitan ang Aking dakong pahingahan, at sa ilalim nila ay ang lupain kung saan Ako ay gumagalaw. Aking pinamumunuan ang lahat sa gitna ng lahat ng umiiral, Aking inuutusan ang lahat sa gitna ng lahat ng mga bagay, sinasanhi ang lahat ng umiiral na sumunod sa daloy ng kalikasan at magpasakop sa utos ng kalikasan. Dahil Aking kinamumuhian silang mga suwail, at ayaw na ayaw Ko yaong mga sumasalungat sa Akin at hindi lumalagay sa kanilang dapat pagkalagyan, gagawin Ko ang lahat na magpasakop sa ilalim ng Aking mga pagsasaayos, nang walang paglaban, gagawin Ko ang lahat ng nasa loob ng sansinukob na magkaroon ng kaayusan. Sino pang nangangahas na lumaban sa Akin hangga’t kanilang ikinasisiya? Sinong nangangahas na hindi tumalima sa mga pagsasaayos ng Aking kamay? Paano magkakaroon ng anumang “interes” ang tao na magrebelde laban sa Akin? Dadalhin Ko ang mga tao sa harapan ng kanilang “mga ninuno,” gagawin ang kanilang mga ninuno na akayin sila pabalik sa kanilang mga pamilya, at sila ay hindi pahihintulutang magrebelde sa kanilang mga ninuno at bumalik sa Aking piling. Ganoon ang Aking plano. Sa kasalukuyan, ang Aking Espiritu ay gumagalaw sa buong lupa, naglalagay ng mga bilang para sa lahat ng mga uri ng tao, nagmamarka ng iba’t ibang tandâ sa bawa’t uri ng tao, upang ang kanilang mga ninuno ay matagumpay na magabayan sila pabalik sa kanilang mga pamilya at hindi Ko na kailangang patuloy na “mag-alala” sa kanila, na masyadong nakakaabala; sa gayon, hinahati Ko rin ang pagpapagal, at ipinamamahagi ang mga pagsisikap. Ito ay bahagi ng Aking plano, at hindi maaaring masira ng sinumang tao. Ako ay pipili ng karapat-dapat na mga kinatawan mula sa lahat ng umiiral upang pamahalaan ang lahat ng mga bagay, ipinatutupad ang maayos na pagpapasakop ng lahat sa Aking harapan. Malimit Akong naggagala sa ibabaw ng mga kalangitan, at malimit na naglalakad sa ilalim ng mga iyon. Binabantayan ang malaking mundo kung saan ang mga tao ay dumarating at umaalis, pinagmamasdan ang sangkatauhan, nagsisiksikan sa lupa, at nakikita ang mga ibon at mga hayop na namumuhay sa planeta, hindi Ko maiwasang mapuno ng damdamin ang Aking puso. Dahil, sa panahon ng paglikha, ginawa Ko ang lahat ng bagay, at ang kabuuan ng lahat ay gumaganap sa tungkulin nito sa sarili nitong kinalalagyan sa ilalim ng Aking mga pagsasaayos, Ako ay humahalakhak mula sa itaas, at kapag ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng mga kalangitan ay narinig ang tunog ng Aking halakhak, sila ay kaagad na napasisigla, sapagka’t sa sandaling ito ang Aking malaking proyekto ay natapos. Idinaragdag Ko ang karunungan ng langit sa loob ng tao, sinasanhi siya na katawanin Ako sa gitna ng lahat ng bagay, sapagka’t nilikha Ko ang tao upang siya ay maging Aking kinatawan, hindi Ako nilalabanan kundi pinupuri Ako sa kaibuturan ng kanyang puso. At sino ang nakatutupad ng mga simpleng salitang ito? Bakit laging itinatago ng tao ang kanyang puso para sa kanyang sarili? Hindi ba ang kanyang puso ay para sa Akin? Hindi sa hinihingi Ko ang mga bagay-bagay ng tao nang walang-kundisyon, kundi sa siya ay laging pag-aari Ko. Paano Kong basta na lamang ibibigay sa iba ang mga bagay na sa Akin? Paano Kong ibibigay ang “damit” na Aking ginawa sa iba upang isuot? Sa paningin ng mga tao, para bang Ako ay nasiraan ng ulo, nagdurusa mula sa isang karamdaman sa isip, at walang nauunawaan sa mga pamamaraan ng tao, na para bang Ako ay isang tanga. Kaya’t lagi Akong tinitingnan ng mga tao bilang isang bagitò, nguni’t hindi nila Ako kailanman tunay na minamahal. Dahil ang lahat ng ginagawa ng tao ay upang sadyang linlangin Ako, winawasak Ko ang buong sangkatauhan sa pagsumpong ng galit. Sa gitna ng lahat ng mga bagay na Aking nilikha, ang sangkatauhan lamang ang laging sumusubok na bumuo ng mga paraan upang linlangin Ako, at dahil dito kaya Aking sinasabi na ang tao ay “pinunò” ng lahat ng mga bagay.

Sa kasalukuyan, itinatapon Ko ang lahat ng mga tao sa “malaking pugón” upang mapino. Tumatayo Ako nang mataas nakabantay nang malapit habang ang mga tao ay nasusunog sa apoy at, napipilit ng mga lagablab, inilalabas ng mga tao ang mga katunayan. Ito ang isa sa mga paraan kung paano Ako gumagawa. Kung hindi ganoon, sasabihin ng mga tao na sila ay “mapagkumbaba,” at walang sinuman ang magiging handang maging unang magbukas ng kanilang mga bibig upang sabihin ang kanilang sariling mga karanasan, kundi lahat ay magtitinginan lamang sa isa’t isa. Ito ang eksaktong pagpapatining ng Aking karunungan, sapagka’t itinalaga Ko ang mga pangyayari ng kasalukuyan bago pa ang mga kapanahunan. Sa gayon, ang mga tao ay walang-kamalayang pumapasok sa pugón, na para bang sila ay nadalá roon ng isang lubid, na para bang sila ay naging manhid. Walang sinuman ang makatatakas sa paglagablab ng ningas, “inaatake” nila ang isa’t isa, sila ay “nagmamadali sa pagbubunyi,” nag-aalala pa rin sa kanilang sariling kapalaran sa pugón, lubhang natatakot na sila ay masusunog hanggang sa kamatayan. Kapag hinalo Ko ang apoy, kaagad itong lumalaki, bumubugso tungo sa himpapawid, at ang mga ningas ay malimit na kumakapit sa Aking mga balabal, na parang sinusubukang hilahin ang mga iyon tungo sa pugón. Pinagmamasdan Ako ng mga tao na nandidilat ang mga mata. Dire-diretso, sinusundan Ko ang apoy tungo sa pugón, at sa sandaling ito, ang mga ningas ay lumalaki, at ang mga tao ay nagsisigawan. Naggagala Ako sa gitna ng lagablab. Dumarami ang mga ningas, nguni’t wala silang hangaring saktan Ako, at inilalapit Ko ang mga balabal sa Aking katawan sa mga ningas minsan pa—gayunma’y nananatili silang malayo sa Akin. Saka lamang malinaw na nakikita ng mga tao ang Aking tunay na mukha sa pamamagitan ng liwanag ng mga ningas. Dahil sila ay nasa kalagitnaan ng pagkasunog ng pugón, sila ay nagsisitakas sa lahat ng direksyon dahil sa Aking mukha, at ang pugón ay agad na nagsisimulang “kumulô.” Ang lahat ng nasa ningas ay namamasdan ang Anak ng tao, na pinipino sa lagablab. Kahit na ang mga damit sa Kanyang katawan ay pangkaraniwan, ang mga iyon ay may sukdulang kagandahan; kahit na ang sapatos sa Kanyang mga paa ay hindi katangi-tangi, ang mga iyon ay lubhang nakakainggit; isang nag-aapoy na kaningningan ang sumisinag mula sa Kanyang mukha, ang Kanyang mga mata ay nangingislap, at tila dahil sa liwanag sa Kanyang mga mata kaya nakikita ng mga tao ang Kanyang tunay na mukha nang malinaw. Ang mga tao ay puno ng pagkamangha, at nakikita nila ang isang puting damit sa Kanyang katawan, at ang Kanyang buhok, puting gaya ng balahibo ng tupa, ay nakalaylay hanggang sa Kanyang mga balikat. Kitang-kita, isang gintong panali sa palibot ng Kanyang dibdib ang nagniningning sa nakasisilaw na liwanag, habang ang sapatos sa Kanyang mga paa ay lalo pang nakasisiya. At dahil ang sapatos na suot ng Anak ng tao ay nananatili sa gitna ng apoy, ang mga tao ay naniniwala na ang mga iyon ay kamangha-mangha. Sa sandali lamang ng mga pagsidhi ng sakit namamasdan ng mga tao ang bibig ng Anak ng tao. Bagaman sila ay nasa kalagitnaan ng pagpipino ng apoy, hindi nila nauunawaan ang anumang mga salita mula sa bibig ng Anak ng tao, at sa gayon, sa sandaling ito, wala silang naririnig pang kasiya-siyang tinig ng Anak ng tao, kundi nakikita ang isang matalas na tabak na tangay ng Kanyang bibig, at hindi na Siya nagsasalita, nguni’t ang Kanyang tabak ay nakasasakit sa tao. Napapalibutan ng mga ningas, tinitiis ng mga tao ang sakit. Dahil sa kanilang pagkamausisa, patuloy silang nakatingin sa di-pangkaraniwang itsura ng Anak ng tao, at sa sandaling ito lamang nila natutuklasan na wala na ang pitong bituin sa Kanyang kamay. Dahil ang Anak ng tao ay nasa pugón, at wala sa lupa, ang pitong bituin sa Kanyang kamay ay wala, sapagka’t ang mga iyon ay sagisag lamang. Sa sandaling ito, hindi na sila nababanggit, kundi inilaan sa iba’t ibang bahagi ng Anak ng tao. Sa mga alaala ng mga tao, ang pag-iral ng pitong bituin ay nagdadala ng paghihirap. Sa kasalukuyan, hindi Ko na pinahihirap ang mga bagay-bagay para sa tao, kinukuha Ko ang pitong bituin mula sa Anak ng tao, at pinagsasama-sama ang lahat ng mga bahagi ng Anak ng tao sa isang buo. Saka lamang sa sandaling ito nakikita ng tao ang Aking buong itsura. Hindi na ihihiwalay ng mga tao ang Aking Espiritu mula sa Aking katawang-tao, sapagka’t nakáákyat na Ako mula sa lupa paitaas. Maaaring namasdan ng mga tao ang Aking tunay na mukha, hindi na nila Ako winawasak, at hindi Ko na tinitiis ang paninira ng tao. Dahil lumalakad Ako sa malaking pugón kasabay ng tao, umaasa pa rin siya sa Akin, nadarama niya ang Aking pag-iral sa kanyang kamalayan. Sa gayon, lahat nang purong ginto ay unti-unting natitipon kasama Ko sa kalagitnaan ng pagsunog ng apoy, na ang mismong sandali kung kailan bawa’t isa ay pinagsasama-sama ayon sa uri. Kinakategorya Ko ang bawa’t uri ng “metal,” sinasanhi silang lahat na bumalik sa kanilang mga pamilya, at ngayon lamang ang lahat ng bagay ay nagsisimulang mapanariwa …

Dahil ang tao ay masyadong narumihan kaya itinatapon Ko siya sa pugón upang masunog. Gayunman hindi siya lubos na nawawasak ng mga ningas, kundi napipino, upang Ako ay maaaring masiyahan sa kanya—sapagka’t ang Aking nais ay isang bagay na gawâ sa purong ginto, walang mga halò, hindi marumi, nahaluang mga bagay. Hindi nauunawaan ng mga tao ang Aking pakiramdam, kaya bago umakyat sa “mesang operahan” sila ay inaatake ng pagkabalisa, na parang, matapos hiwain sila, papatayin Ko sila roon mismo habang nakahiga sa mesang operahan. Nauunawaan Ko ang pakiramdam ng mga tao, at sa gayon Ako ay tila isa sa kasapi ng sangkatauhan. Ako ay may matinding pagkahabag para sa “kasawiangpalad” ng tao, at hindi Ko alam kung bakit ang tao ay “nagkasakit.” Kung siya ay malusog, at walang kapansanan, anong magiging pangangailangan na magbayad ng halaga, at gumugol ng panahon sa mesang operahan? Nguni’t ang mga katunayan ay hindi maaaring mabawi—sinong nagsabi sa tao na hindi magbigay-pansin sa “kalinisan ng pagkain”? Sinong nagsabi sa kanya na hindi magbigay-pansin sa pagiging malusog? Sa kasalukuyan, ano pang ibang paraan Ako mayroon? Upang ipakita ang Aking kahabagan sa tao, pumapasok Ako sa “silid operahan” kasama niya—at sinong nagsabi sa Akin na mahalin ang tao? Sa gayon, personal Kong tinatanganan ang “patalim ng siruhano” at nagsisimulang “operahan” ang tao upang hadlangan ang anumang kumplikasyon. Dahil sa Aking katapatan sa tao, lumuluha ang mga tao sa kalagitnaan ng sakit upang ipakita ang kanilang pasasalamat sa Akin. Naniniwala ang mga tao na pinahahalagahan Ko ang katapatan, na iaaabot Ko ang kamay kapag ang Aking “mga kaibigan” ay nasa paghihirap, at higit pang nagpapasalamat ang mga tao para sa Aking kabaitan, at sinasabing padadalhan nila Ako ng “mga regalo” kapag gumaling na sa karamdaman—nguni’t hindi Ko pinakikinggan ang kanilang pagpapahayag, at sa halip ay nakatuon sa pag-oopera sa tao. Dahil sa pisikal na kahinaan ng tao, sa ilalim ng epekto ng patalim mariin siyang pumipikit at gulát na nakahiga sa mesang operahan—gayunma’y hindi Ko pinapansin, nagpapatuloy lamang Akong gawin ang gawain sa Aking mga kamay. Kapag natapos na ang operasyon, nakatakas na ang mga tao mula sa “mga pangá ng tigre.” Pinalulusog Ko sila ng mga mayamang sustansya, at kahit hindi nila ito nalalaman, ang mga sustansya sa loob nila ay unti-unting dumarami. Pagkatapos ay ngumingiti Ako sa kanila, at nakikita lamang nila nang malinaw ang Aking tunay na mukha matapos nilang mabawi ang kanilang kalusugan, kaya’t minamahal pa nila Ako nang higit, itinuturing nila Ako bilang kanilang ama—at hindi ba’t ito ang pagkakaugnay sa pag-itan ng langit at lupa?

Ika-4 ng Mayo, 1992

Sinundan:Ang Ikatatlumpu’t walong Pagbigkas

Sumunod:Ang Ika-apatnapung Pagbigkas

Baka Gusto Mo Rin