Kabanata 52

Lumilitaw Ako bilang ang Araw ng pagiging matuwid, at kayo at Ako ay magkasamang nagsasalo sa luwalhati at mabubuting pagpapala, magpakailan pa man! Ito ay isang hindi mapag-aalinlanganang katotohanan, at nagsimula na itong mapatunayan sa inyo. Ito ay dahil lahat ng Akin nang ipinangako ay tutuparin Ko para sa inyo; realidad ang lahat ng sinasabi Ko, at hindi magbubunga ng wala. Sumasainyo ang mabubuting pagpapalang ito, at walang ibang maaaring umangkin sa mga ito; bunga ang mga ito ng inyong serbisyo sa pakikipagtulungan sa Akin nang magkaayon. Iwaksi ang inyong mga relihiyosong kuru-kuro; maniwala sa katunayan ng mga salita Ko at huwag maging mapagduda! Hindi Ko kayo binibiro; seryoso Ako sa Aking sinasabi. Ang mga pinagkakalooban Ko ng mga pagpapala ay tinatanggap ang mga ito, habang ang mga hindi Ko pinagkakalooban ng mga pagpapala ay hindi tumatanggap ng anuman. Ako ang nagpapasya ng lahat ng ito. Ang mabuting kapalaran sa lupa ay sadyang hindi mahalaga! Sa Aking pananaw, ito ay walang iba kundi dumi, mas mababa pa ang halaga kaysa isang kusing. Kaya hindi ninyo dapat masyadong pahalagahan ang panlupang kasiyahan. Hindi ba’t ang matamasa ang panlangit na mga pagpapala kasama Ko ay mas higit na makahulugan at nagbibigay-kasiyahan?

Dati, hindi naibunyag ang katotohanan, at hindi Ako hayagang nagpakita; pinagdudahan ninyo Ako noon at hindi kayo nangahas na maging tiyak tungkol sa Akin. Gayunman, ngayon ay naibunyag na ang lahat ng bagay, at Ako ay lumitaw na bilang ang Araw ng pagiging matuwid—kaya kung nagdududa pa rin kayo, anong masasabi ninyo riyan? Noong natatakpan ng kadiliman ang lupa, mapapatawad na hindi ninyo makita ang liwanag, pero ngayong natanglawan na ng araw ang lahat ng madidilim na sulok; ang nakatago ay hindi na nakatago, at ang nakakubli ay hindi na nakakubli—kung nagdududa pa rin kayo, hindi Ko na kayo basta-basta patatawarin! Ngayon na ang panahon para maging lubusang tiyak tungkol sa Akin, ang panahon na maging handang italaga ang inyong mga sarili sa Akin at gumugol para sa Akin. Sinumang sumasalungat sa Akin kahit sa pinakamaliit na paraan ay pagtutuunan pagdaka ng mga apoy ng paghatol nang walang pagdadalawang-isip o ni isang sandaling pagkaantala—dahil ngayon na ang panahon na dumating ang walang-awang paghatol, at para sa mga hindi tama ang isip at puso, magiging mabilis ang paghatol. Ito ang totoong kahulugan ng, “Tulad ng kumikislap na kidlat ang Aking gawain,” gaya ng nasabi na.

Mabilis itong sumusulong; nagugulat nito ang mga tao, natatakot nito ang mga tao, hindi na ito maaaring maantala pa at hindi ito mapipigil. Habang mas isinasakatuparan ang gawain Ko, mas mabilis itong sumusulong; sinumang hindi mapagbantay at handa ay palaging nanganganib na maiwaksi. Hindi na kayo maaaring bumigay sa udyok ng tukso. Lubusan nang nag-umpisa ang Aking gawain at lumalawak ito patungo sa mga bansang Hentil at sa mundo ng sansinukob. Ang mga apoy ng paghatol ay malulupit at walang awa o pag-ibig kaninuman. Ang mga tapat sa Diyos pero nagkikimkim ng mga maling kaisipan at ideya, o kahit tumututol lang nang kaunti, ay walang dudang hahatulan din. Sinumang sinisinagan ng liwanag Ko ay mabubuhay sa loob ng liwanag, at kikilos sa loob ng liwanag, at maglilingkod sa Akin hanggang sa kadulu-duluhan. Ang mga hindi nabubuhay sa loob ng liwanag ay nabubuhay sa kadiliman. Gagawa Ako ng isang pasya matapos silang hatulan, ayon sa kanilang mga saloobin sa kanilang sariling sala.

Dumating na ang Araw Ko. Ang “araw Ko,” na binanggit noong nakaraan, ay nasa harap na ninyo ngayon, dahil bumaba na kayong kasama Ko. Ako kasama mo, at ikaw kasama Ko; nagkita na tayo sa himpapawid, at magkasama tayong nagsasalo sa luwalhati. Talaga ngang ganap nang dumating ang Aking araw!

Sinundan: Kabanata 51

Sumunod: Kabanata 53

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito