Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo

Ano ang dapat mong malaman tungkol sa praktikal na Diyos? Ang Espiritu, ang Persona, at ang Salita ang bumubuo sa praktikal na Diyos Mismo, at ito ang tunay na kahulugan ng praktikal na Diyos Mismo. Kung kilala mo lamang ang Persona—kung alam mo ang Kanyang mga gawi at personalidad—ngunit hindi alam ang gawain ng Espiritu, o kung ano ang ginagawa ng Espiritu sa katawang-tao, at kung binibigyang-pansin mo lamang ang Espiritu, at ang Salita, at nananalangin lamang sa Espiritu, ngunit hindi alam ang gawain ng Espiritu ng Diyos sa praktikal na Diyos, nagpapatunay pa rin ito na hindi mo kilala ang praktikal na Diyos. Kabilang sa kaalaman sa praktikal na Diyos ang pagkaalam at pagdanas ng Kanyang mga salita, at pag-unawa sa mga patakaran at mga prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu at kung paano gumagawa ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao. Kabilang din dito ang pagkaalam na pinamamahalaan ng Espiritu ang bawat pagkilos ng Diyos sa katawang-tao, at na direktang pagpapahayag ng Espiritu ang mga salitang sinasabi Niya. Sa gayon, upang makilala ang praktikal na Diyos, pinakamahalagang malaman kung paanong gumagawa ang Diyos sa pagkatao at sa pagka-Diyos; pumapatungkol naman ito sa mga pagpapahayag ng Espiritu, kung saan nakikipag-ugnayan ang lahat ng tao.

Ano ang mga aspeto ng mga pagpapahayag ng Espiritu? Kung minsan, gumagawa ang Diyos sa pagkatao, at kung minsan sa pagka-Diyos—ngunit sa parehong pagkakataon ang Espiritu ang namumuno. Anuman ang espiritu sa loob ng mga tao, gayon ang panlabas na kahayagan nila. Gumagawa nang normal ang Espiritu, ngunit mayroong dalawang bahagi sa Kanyang pangangasiwa sa pamamagitan ng Espiritu: ang gawain Niya sa pagkatao ang isang bahagi, at ang gawain Niya sa pamamagitan ng pagka-Diyos ang isa. Dapat mong malaman ito nang malinaw. Nag-iiba ang gawain ng Espiritu ayon sa mga pangyayari: Kapag kinakailangan ang Kanyang gawaing pantao, pinangangasiwaan ng Espiritu ang gawaing pantaong ito, at kapag kinakailangan ang Kanyang gawain sa pagka-Diyos, direktang nagpapakita ang pagka-Diyos upang isakatuparan ito. Dahil gumagawa sa katawang-tao at nagpapakita sa katawang-tao ang Diyos, parehong gumagawa Siya sa pagkatao at sa pagka-Diyos. Ang Kanyang gawain sa pagkatao ay pinangangasiwaan ng Espiritu at ginagawa upang matugunan ang mga pangangailangang panlaman ng mga tao, upang mapadali ang pakikipag-ugnayan nila sa Kanya, upang tulutan silang mapagmasdan ang realidad at pagiging karaniwan ng Diyos, at upang tulutan silang makita na dumating sa katawang-tao ang Espiritu ng Diyos at kasama ng tao, nabubuhay kasama ng tao, at nakikipag-ugnayan sa tao. Ginagawa ang gawain Niya sa pagka-Diyos upang makapaglaan para sa buhay ng mga tao at upang gabayan ang mga tao sa lahat ng bagay mula sa positibong panig, na binabago ang mga disposisyon ng mga tao at tinutulutan silang tunay na mapagmasdan ang pagpapakita ng Espiritu sa katawang-tao. Sa pangunahin, direktang nakakamit ang paglago sa buhay ng tao sa pamamagitan ng gawain at mga salita ng Diyos sa pagka-Diyos. Kung tinanggap ng mga tao ang gawain ng Diyos sa pagka-Diyos, saka lamang nila makakamit ang mga pagbabago sa disposisyon nila, at saka lamang sila mabubusog sa espiritu nila; dagdag pa rito, kung mayroong gawain sa pagkatao—ang pagpapastol, pag-alalay, at paglalaan ng Diyos sa pagkatao—saka lamang lubos na matatamo ang mga bunga ng gawain ng Diyos. Gumagawa ang praktikal na Diyos Mismo na yaong pinag-uusapan ngayon sa parehong pagkatao at sa pagka-Diyos. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng praktikal na Diyos, natatamo ang Kanyang normal na gawaing pantao at buhay at ang Kanyang gawain sa ganap na pagka-Diyos. Pinagsama bilang isa ang Kanyang pagkatao at pagka-Diyos, at nagagawa ang parehong gawain sa pamamagitan ng mga salita; maging sa pagkatao o pagka-Diyos man, nagpapahayag Siya ng mga salita. Kapag gumagawa sa pagkatao ang Diyos, nagsasalita Siya sa wika ng pagkatao, upang magawang makipag-ugnayan at maunawaan ng mga tao. Malinaw na binibigkas at madaling maunawaan ang Kanyang mga salita, upang maipagkaloob ang mga ito sa lahat ng tao; may taglay mang kaalaman ang mga tao o mabababa ang pinag-aralan, makatatanggap silang lahat ng mga salita ng Diyos. Naisasakatuparan din ang gawain ng Diyos sa pagka-Diyos sa pamamagitan ng mga salita, ngunit puno ito ng pantustos, puno ito ng buhay, wala itong dungis ng mga ideyang pantao, hindi rito kasangkot ang mga kagustuhan ng tao, at wala itong mga limitasyong pantao, nasa labas ito ng hangganan ng anumang normal na pagkatao; isinasakatuparan ito sa katawang-tao, ngunit direkta itong pagpapahayag ng Espiritu. Kung tatanggapin lamang ng mga tao ang gawain ng Diyos sa pagkatao, maikukulong nila ang mga sarili nila sa isang tiyak na saklaw, at sa gayon mangangailangan ng palagiang pakikitungo, pagpupungos, at disiplina upang magkaroon ng kahit bahagyang pagbabago sa kanila. Subalit, kung wala ang gawain o presensiya ng Banal na Espiritu, palagi silang babalik sa mga dati nilang gawi; sa pamamagitan lamang ng gawain ng pagka-Diyos maitatama ang mga karamdaman at mga kakulangang ito, at saka lamang magagawang ganap ang mga tao. Sa halip na patuloy na pakikitungo at pagpupungos, ang kinakailangan ay ang positibong paglalaan, paggamit ng mga salita upang makabawi sa lahat ng pagkukulang, paggamit ng mga salita upang ibunyag ang bawat kalagayan ng mga tao, paggamit ng mga salita upang pangasiwaan ang mga buhay nila, ang bawat pagpapahayag nila, ang bawat pagkilos nila, upang ilantad ang mga layunin at mga pangganyak nila. Ito ang tunay na gawain ng praktikal na Diyos. Sa gayon, sa saloobin mo sa praktikal na Diyos, dapat kang magpasakop agad sa pagkatao Niya, kilalanin at tanggapin Siya, at higit pa rito dapat mong tanggapin at sundin ang Kanyang gawain at mga salita sa pagka-Diyos. Ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao ay nangangahulugang lahat ng gawain at mga salita ng Espiritu ng Diyos ay ginagawa sa pamamagitan ng Kanyang normal na pagkatao at sa pamamagitan ng Kanyang nagkatawang-taong laman. Sa madaling salita, pinangangasiwaan agad ng Espiritu ng Diyos ang Kanyang gawaing pantao at ipinatutupad ang gawain ng pagka-Diyos sa katawang-tao, at sa Diyos na nagkatawang-tao ay pareho mong makikita ang gawain ng Diyos sa pagkatao at ang Kanyang gawain sa ganap na pagka-Diyos. Ito ang aktwal na kabuluhan ng pagpapakita ng praktikal na Diyos sa katawang-tao. Kung nakikita mo ito nang malinaw, magagawa mong pagdugtungin ang lahat ng iba’t ibang bahagi ng Diyos; titigil ka sa pagbibigay ng hindi karapat-dapat na pagpapahalaga sa Kanyang gawain sa pagka-Diyos, at titigil ka sa pagtingin sa Kanyang gawain sa pagkatao nang may hindi karapat-dapat na pagwawalang-bahala, at hindi ka na tutungo sa mga kalabisan, ni liliko kung saan-saan. Sa kabuuan, ang kahulugan ng praktikal na Diyos ay na ang gawain ng Kanyang pagkatao at ng Kanyang pagka-Diyos, sa pangangasiwa ng Espiritu, ay ipinahahayag sa pamamagitan ng Kanyang katawang-tao, upang makita ng mga tao na Siya ay maliwanag at makatotohanan, at tunay at totoo.

Mayroong mga yugto ng pagbabago ang gawain ng Espiritu ng Diyos sa pagkatao. Sa pagpeperpekto sa pagkatao, binibigyang-kakayahan Niya ang Kanyang pagkatao na makatanggap ng pangangasiwa ng Espiritu, at pagkatapos nito ay nakapaglalaan at nakapagpapastol ang Kanyang pagkatao sa mga iglesia. Isa itong pagpapahayag ng normal na gawain ng Diyos. Sa gayon, kung malinaw mong nakikita ang mga prinsipyo ng gawain ng Diyos sa pagkatao, malamang na hindi ka magkikimkim ng mga kuru-kuro tungkol sa gawain ng Diyos sa pagkatao. Anupaman, hindi maaaring magkamali ang Espiritu ng Diyos. Tama Siya at walang kamalian; hindi Siya gumagawa ng anumang bagay nang hindi tama. Direktang pagpapahayag ng kalooban ng Diyos ang gawain sa pagka-Diyos, na walang panghihimasok ng pagkatao. Hindi ito sumasailalim sa pagpeperpekto, kundi direktang nagmumula sa Espiritu. Gayunpaman, ang katotohanang maaari Siyang gumawa sa pagka-Diyos ay dahil sa Kanyang normal na pagkatao; hindi ito higit sa karaniwan ni paano man, at tila isinasakatuparan ito ng isang normal na tao. Bumaba ang Diyos sa lupa mula sa langit pangunahin upang ipahayag ang mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng katawang-tao, upang gawing ganap ang gawain ng Espiritu ng Diyos sa pamamagitan ng katawang-tao.

Ngayon, nananatiling lubhang may kinikilingan ang kaalaman ng mga tao sa praktikal na Diyos, at kakatiting pa rin ang pagkaunawa nila sa kabuluhan ng pagkakatawang-tao. Sa katawang-tao ng Diyos, nakikita ng mga tao sa pamamagitan ng Kanyang gawain at mga salita na malaki ang saklaw ng Espiritu ng Diyos, na napakayaman Niya. Subalit anupaman, sa huli nagmumula sa Espiritu ng Diyos ang patotoo ng Diyos: kung ano ang ginagawa ng Diyos sa katawang-tao, sa kung aling mga prinsipyo Siya gumagawa, kung ano ang ginagawa Niya sa pagkatao, at kung ano ang ginagawa Niya sa pagka-Diyos. Kailangang may kaalaman ang mga tao tungkol dito. Ngayon, nagagawa mong sambahin ang personang ito, habang sa pinakadiwa sinasamba mo ang Espiritu, at iyan ang pinakamaliit na dapat matamo ng mga tao sa kanilang kaalaman sa Diyos na nagkatawang-tao: ang malaman ang diwa ng Espiritu sa pamamagitan ng katawang-tao, ang malaman ang gawain sa pagka-Diyos ng Espiritu sa katawang-tao at gawaing pantao sa katawang-tao, ang matanggap ang lahat ng salita at mga pahayag ng Espiritu sa katawang-tao, at ang makita kung paano pinangangasiwaan ng Espiritu ng Diyos ang katawang-tao at ipinakikita ang Kanyang kapangyarihan sa katawang-tao. Ito ay upang sabihin na makikilala ng tao ang Espiritu sa langit sa pamamagitan ng katawang-tao; ang pagpapakita ng praktikal na Diyos Mismo sa gitna ng tao ay nagwaksi sa malabong Diyos sa mga kuru-kuro ng mga tao. Nadagdagan ng pagsamba ng mga tao sa praktikal na Diyos Mismo ang kanilang pagsunod sa Diyos; at, sa pamamagitan ng gawain sa pagka-Diyos ng Espiritu ng Diyos sa katawang-tao at ng Kanyang gawaing pantao sa katawang-tao, tumatanggap ang tao ng pahayag at pinapastol siya, at natatamo ang mga pagbabago sa disposisyon sa buhay ng tao. Ito ang aktwal na kahulugan ng pagdating ng Espiritu sa katawang-tao, na ang pangunahing layunin ay upang makipag-ugnayan ang mga tao sa Diyos, umasa sa Diyos, at magkaroon ng kaalaman sa Diyos.

Sa pangunahin, anong saloobin dapat mayroon ang mga tao hinggil sa praktikal na Diyos? Ano ang alam mo sa pagkakatawang-tao, sa pagpapakita ng Salita sa katawang-tao, sa pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao, sa mga gawa ng praktikal na Diyos? Ano ang mga pangunahing paksang pinag-uusapan ngayon? Ang pagkakatawang-tao, ang pagdating ng Salita sa katawang-tao, at ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao ay lahat mga usaping dapat maunawaan. Dapat ninyong unti-unting maunawaan ang mga usaping ito at magkaroon ng malinaw na kaalaman sa mga ito sa karanasan ninyo sa buhay, batay sa katayuan ninyo at batay sa kapanahunan. Ang pamamaraan kung paano nararanasan ng mga tao ang mga salita ng Diyos ay kapareho ng pamamaraan kung paano nila nababatid ang pagpapakita ng mga salita ng Diyos sa katawang-tao. Habang mas nararanasan ng mga tao ang mga salita ng Diyos, mas lalo nilang nababatid ang Espiritu ng Diyos; sa pamamagitan ng pagdanas sa mga salita ng Diyos, nauunawaan ng mga tao ang mga prinsipyo ng gawain ng Espiritu at nakikilala ang praktikal na Diyos Mismo. Sa katunayan, kapag ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao at nakakamit sila, ipinaaalam Niya sa kanila ang mga gawa ng praktikal na Diyos; ginagamit Niya ang gawain ng praktikal na Diyos upang ipakita sa mga tao ang aktwal na kabuluhan ng pagkakatawang-tao, upang ipakita sa kanila na talagang nagpakita na sa tao ang Espiritu ng Diyos. Kapag ang mga tao ay nakamtan at nagawang perpekto ng Diyos, nalupig na sila ng mga pagpapahayag ng praktikal na Diyos; binago sila ng mga salita ng praktikal na Diyos at inihalo na ang Kanyang sariling buhay sa kanila, pinupunan sila ng kung ano Siya (maging ito man ay kung ano Siya sa Kanyang pagkatao o kung ano Siya sa Kanyang pagka-Diyos), pinupunan sila ng diwa ng Kanyang mga salita, at ipinasasabuhay sa mga tao ang Kanyang mga salita. Kapag kinakamit ng Diyos ang mga tao, pangunahing ginagawa Niya ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga salita at mga pagpapahayag ng praktikal na Diyos bilang isang paraan upang harapin ang mga kakulangan ng mga tao, at upang hatulan at ibunyag ang kanilang mapanghimagsik na disposisyon, na nagdudulot na makamit nila ang kanilang kinakailangan at ipinakikita sa kanila na ang Diyos ay dumating na sa gitna ng tao. Pinakamahalaga sa lahat, ang pagliligtas sa bawat tao mula sa impluwensya ni Satanas, pag-aalis sa kanila mula sa lupain ng karumihan, at pagwawaksi sa kanilang tiwaling disposisyon ang gawaing ginagawa ng praktikal na Diyos. Ang pinakamalalim na kabuluhan ng pagiging nakamit ng praktikal na Diyos ay ang kakayahang isabuhay ang normal na pagkatao, kasama ang praktikal na Diyos bilang halimbawa at huwaran, kakayahang magsagawa ayon sa mga salita at mga hinihingi ng praktikal na Diyos nang walang kahit katiting na paglihis o pag-alis, pagsasagawa sa anumang paraang sinasabi Niya, at kakayahang matamo ang anumang hinihingi Niya. Sa ganitong paraan, makakamit ka na ng Diyos. Kapag nakamit ka na ng Diyos, hindi mo lamang taglay ang gawain ng Banal na Espiritu; sa pangunahin, naisasabuhay mo ang mga hinihingi ng praktikal na Diyos. Ang pagkakaroon lamang ng gawain ng Banal na Espiritu ay hindi nangangahulugang mayroon ka nang buhay. Ang pinakamahalaga ay kung kaya mo bang kumilos ayon sa mga hinihingi ng praktikal na Diyos sa iyo, na kaugnay sa kung makakamit ka ba ng Diyos. Ito ang mga pinakadakilang kabuluhan ng gawain ng praktikal na Diyos sa katawang-tao. Ito ay upang sabihin na nakakamit ng Diyos ang isang pangkat ng mga tao sa pamamagitan ng tunay at aktwal na pagpapakita sa katawang-tao at ng pagiging maliwanag at makatotohanan, pagiging nakikita ng mga tao, aktwal na paggawa sa gawain ng Espiritu sa katawang-tao, at sa pagkilos bilang isang halimbawa para sa mga tao sa katawang-tao. Ang pagdating ng Diyos sa katawang-tao ay pangunahin upang bigyang-daan ang mga tao na makita ang tunay na mga gawa ng Diyos, upang magbigay ng hugis ng katawang-tao sa walang hugis na Espiritu, at upang tulutan ang mga tao na makita at mahipo Siya. Sa ganitong paraan, yaong mga ginagawa Niyang ganap ay isasabuhay Siya, makakamit Niya, at magiging kaayon ng Kanyang puso. Kung sa langit lamang nagsalita ang Diyos at hindi aktwal na pumarito sa lupa, hindi pa rin makakaya ng mga tao na makilala ang Diyos; maipangangaral lamang nila ang mga gawa ng Diyos gamit ang hungkag na teorya at hindi tataglayin ang mga salita ng Diyos bilang realidad. Pumarito ang Diyos sa lupa pangunahin upang magsilbing isang halimbawa at huwaran para sa yaong mga kakamtin Niya; sa ganito lamang talagang makikilala ng mga tao ang Diyos, mahihipo ang Diyos, at makikita Siya, at saka lamang sila tunay na makakamit ng Diyos.

Sinundan: Pagsunod sa mga Kautusan at Pagsasagawa ng Katotohanan

Sumunod: Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan ang Pagtataglay ng Realidad

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Kaugnay na Nilalaman

Tungkol sa Hantungan

Sa tuwing binabanggit ang hantungan, itinuturing ninyo ito nang may espesyal na kaseryosohan; higit pa riyan, kayong lahat ay partikular na...

Karagdagan: Kabanata 1

Ang hinihiling Kong gawin ninyo ay hindi ang malabo at hungkag na teorya na Aking binabanggit, ni ang hindi mailarawan ng utak ng tao o...

Ang Landas … 3

Sa Aking buhay, lagi Akong nagagalak na ibigay ang Aking buong isip at katawan sa Diyos. Saka lang walang panunumbat ang Aking konsensiya...

Kabanata 11

Bawat tao sa sangkatauhan ay dapat pumayag na masuri ng Aking Espiritu, dapat nilang siyasating mabuti ang bawat salita at kilos nila, at,...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messenger