Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Kabanata 91

Palaging nagsasalita at binibigkas ng Aking tinig ang Aking Espiritu—ilan sa gitna ninyo ang makakakilala sa Akin? Bakit dapat Akong maging katawang-tao at dumating sa gitna ninyo? Isang malaking hiwaga ito. Nag-iisip kayo tungkol sa Akin at nasasabik sa Akin buong maghapon, at pinupuri ninyo Ako, natatamasa Ako at kinakain at iniinom Ako araw-araw, at gayon man ngayon hindi pa rin ninyo Ako nakikilala. Napaka-mangmang at napaka-bulag! Napakaliit ng pagkakilala ninyo sa Akin! Ilan sa gitna ninyo ang maaaring magsaalang-alang tungo sa kalooban Ko? Iyan ay, ilan sa gitna ninyo ang makakakilala sa Akin? Lahat kayo ay tuso, masasamang tao, at gayon man gusto ninyo pa ring bigyang kasiyahan ang Aking kalooban? Kalimutan ninýo ito! Sinasabi Ko sa iyo, gaano man kaganda ang mga pagkilos ni Satanas, lahat ito ay ginagawa para gibain ang Aking pagtatayo at gambalain ang Aking pamamahala. Gaano man kabuti ito kumikilos, hindi nagbabago ang diwa nito—nilalabanan nito Ako. Kaya nga, maraming tao ang walang kamalay-malay na pinababagsak ng Aking kamay at walang kamalay-malay na tumatakbo mula sa Aking pamilya. Ngayon, walang anumang bagay ( malaki man o maliit) ang isinasaayos ng tao at lahat ay nasa Aking mga kamay. Kung sinasabi ninuman na lahat ng bagay ay nasa ilalim ng kontrol ng tao kung gayon sinasabi Ko na nilalabanan mo Ako, at tiyak na kakastiguhin Kita nang matindi at hindi mag-iiwan sa iyo saanman na mapagpapahingahan ng ulo mo. Ano, mula sa lahat ng bagay, ang hindi nahahawakan sa loob ng Aking mga kamay? Ano ang hindi Ko itinatag, o pinagpasyahan Ko? At nagsasalita ka pa rin ng pagkakilala sa Akin! Isang tahasang pagsisinungaling ito. Nakapandaya ka ng iba kaya iniisip mo na madaraya mo rin Ako? Inisip mo na magtatapos ang usapin kung walang sinuman ang nakaalam tungkol sa ano ang ginawa mo? Huwag isiping madali kang mapapawalang-sala! Dapat Kitang paluhurin sa Aking harapan at pagsalitain. Hindi katanggap-tanggap ang hindi magsalita; ito ang Aking atas administratibo!

Talaga bang nauunawaan ninyo kung sino ang Aking Espiritu, at kung sino Ako na tao? Ano ang kabuluhan ng Aking pagkakatawang-tao? Sino sa gitna ninyo ang maingat na napagbulay-bulayan ang ganoon kahalagang usapin na gaya nito at tumanggap ng ilang pahayag mula sa Akin? Nililinlang ninyong lahat ang inyong mga sarili! Bakit Ko sinasabi na ikaw ang supling ng malaking pulang dragon? Ngayon ibinubunyag Ko sa inyo ang hiwaga ng Aking pagkakatawang-tao, isang hiwaga na hindi nakayanang matuklasan ng tao simula ng paglikha sa mundo, na nagdala sa napakaraming layon ng Aking pagkamuhi sa pagkapahamak. At gayon din ito ngayon. Dahil sa Aking katawang-tao, napaging-ganap na ang marami sa Aking minamahal. Bakit ba talagang dapat Akong maging katawang-tao? At bakit Ako mayroon ng Aking kasalukuyang larawan (lahat ng bagay gaya ng Aking taas, anyo at tayog atbp.)? Sino ang makapagsasabi ng isang bagay tungkol dito? Mayroon napakalaking kabuluhan sa Aking pagkakatawang-tao na hindi ito basta masasabi lahat. Sasabihin Ko lang sa inyo ngayon ang isang bahagi nito (tulad ng ang mga hakbang ng Aking gawain ay nakarating na hanggang dito, kaya dapat Kong gawin ito at sasabihin ito): Pangunahing nakatuon ang Aking pagkakatawang-tao sa Aking mga panganay na anak, upang mapastulan Ko sila at upang maaari silang makipag-usap at magsalita nang harap-harapan sa Akin; lalo pang ipinapakita nito na Ako at ang Aking mga panganay na anak ay matalik sa isa’t isa (ibig sabihin na magkakasama kaming kumakain, nananatiling magkakasama, magkakasamang namumuhay at magkakasamang kumikilos), upang sila ay mapakain Ko sa realidad—hindi ito mga walang lamang salita pero realidad ito. Dati-rati, naniwala ang mga tao sa Akin pero hindi mauunawaan ang realidad, at ito ay dahil sa hindi pa Ako nagkatawang-tao. Ngayon, ang Aking pagkakatawang-tao ay pinapayagan kayong lahat na maunawaan ang realidad at pinapayagan yaong mga taimtim na nagmamahal sa Akin na makilala Ako sa Aking pananalita at pakikitungo at mga prinsipyo sa likod ng paraan nang pangangasiwa Ko ng mga usapin—ang marunong na Diyos Mismo. Pinapayagan din nito yaong mga hindi taimtim na hinahanap Ako na makita ang aspeto Ko ng Aking pagkatao sa Aking mga di-nahahalatang pagkilos at sa gayon nilalabanan Ako, at kung gayon mamatay na “walang anumang dahilang,” pinababagsak Ko. Sa pagpapahiya kay Satanas,ang pagkakatawang-tao ang pinakamalakas na patotoo para sa Akin; hindi Ko lang nakakayang lumabas mula sa katawang-tao pero makakapamuhay din Ako sa loob ng katawang-tao. Hindi Ako nalilimitahan ng espasyo o ng lugar, sa Akin walang anumang mga sagabal at lahat ay maayos na dumadaloy. Pinaka-napapahiya si Satanas sa puntong ito, at kapag lumalabas Ako mula sa katawang-tao, gumagawa pa rin Ako sa pamamagitan ng katawang-tao, at hindi Ako naaapektuhan sa anumang paraan. Humahakbang pa rin Ako sa kabundukan, mga ilog, mga lawa at bawat sulok ng lahat sa sansinukob. Nagkatawang-tao na Ako upang ibunyag yaong lahat na isinilang sa Akin pero nagsibangon para lumaban sa Akin. Kung hindi Ako naging tao, hindi magkakaroon ng paraan para ibunyag sila (ibig sabihin yaong mga kumikilos sa isang paraan sa Aking harapan at iba sa Aking likuran). Kung nanatili Ako bilang Espiritu, sasambahin Ako ng mga tao sa kanilang mga pagkaintindi, at iisipin na Ako ay walang-anyo at di-maaabot na Diyos. Nagkatawang-tao Ako ngayon bilang kabaligtaran ng mga pagkaintindi ng mga tao (pinag-uusapan ang Aking taas at anyo), nakakamukha ng isang karaniwang tao at hindi nagiging napaka-tangkad. Itong puntong ito ang pinaka-nagpapahiya kay Satanas at ang pinaka-makapangyarihang pagsalungat sa mga pagkaintindi ng mga tao (paglapastangan ni Satanas). Kung ang Aking anyo ay napaiba sa lahat ng iba pa kung gayon magiging maligalig iyan—lahat ay pupunta upang sumamba sa Akin at uunawain Ako sa pamamagitan ng kanilang mga sariling pagkaintindi, at hindi nila makakayang magpatotoo nang maganda para sa Akin. Kaya kinuha Ko Mismo ang larawan na mayroon Ako ngayon, at hindi ito mahirap maunawaan sa anumang paraan. Lahat dapat lumabas mula sa kanilang mga pagkaintindi at hindi madaya ng mga tusong pakana ni Satanas. Sa hinaharap sasabihin Ko sa inyo nang magkakasunod ang higit pa, na naaayon sa pangangailangan ng Aking gawain.

Ngayon, matagumpay ang Aking proyekto at isinasakatuparan ang Aking plano. Nakatamo Ako ng isang pangkat ng mga tao na nakikipagtulungan sa Akin sa isang pagkakaisa, at ito rin ang Aking pinaka-maluwalhating panahon. Ang Aking mga minamahal na anak (lahat ng nagmamahal sa Akin) ay kayang maging kaisang puso at isip sa Akin sa paggawang ganap ng kasama Ko sa lahat ng bagay na kailangan Kong gawin—ito ang isang kamangha-manghang bagay. Pagkatapos ngayon, sa mga hindi Ako nasisiyahan ay hindi magkakaroon ng gawain ng Banal na Espiritu. Iyan ay, itatapon Ko ang mga hindi umaayon sa kung ano ang nasabi Ko sa nakaraan. Dapat na perpektong umayon ang mga tao sa kung ano ang sinasabi Ko. Tandaan ito! Ito ang perpektong pag-ayon. Huwag magkamali ng pag-unawa; bahala Ako sa lahat. Mga tao, huwag Akong bigyan ng mga kundisyon. Kung sinasabi Ko na nararapat ka kung gayon nakataga ito sa bato, at kung sinasabi Ko na hindi ka nararapat, huwag magmukhang nasaktan at sinisisi ang Langit at lupa—lahat ng iyan ay Aking pagsasaayos. Sinong dahilan ng paglapastangan mo sa iyong sarili? Sinong nagpagawa sa iyo ng ganyang nakahihiyang kahangalan? Kahit wala kang sinasabi hindi mo maitatago ang katotohanan sa Akin. Sino ang Aking pinupuntirya kapag sinasabi Ko na Ako ang Diyos Mismo na sinusuri ang pinaka-kaloob-looban ng puso ng tao? Sinasabi Ko ito sa mga di-tapat na mga taong iyon. Ang paggawa ng ganyang uri ng bagay sa Aking likuran aynapaka-walanghiya. Ninanasa ba ninyong linlangin Ako? Hindi ganyan kadali ito! Lumayas agad dito! Mga anak ng paghihimagsik! Hindi mo minamahal ang iyong sarili, hindi mo iginagalang ang iyong sarili! Hindi mo kinakalinga ang iyong sarili, pero ninanasa mo pa rin na Ako ay magmahal sa iyo? Kalimutan ito! Hindi Ko nais ang kahit isa sa mga gayong kahabag-habag. Lahat lalayas dito! Nagdadala ito ng pinaka-malubhang kahihiyan sa Aking pangalan at hindi ayos para sa inyo na hindi makita ito nang malinaw. Dapat na ingatan ninyo ang inyong mga sarili sa pagiging nabahiran ng anumang dumi ng masama at mahalay na lumang mundong ito; dapat na kayo ay ganap na banal at walang bahid-dungis. Ngayon, ang mga sapat na karapat-dapat para mamuno bilang mga haring kasama Ko ay ang mga hindi nabahiran ng anumang dumi, dahil sa Ako ang banal na Diyos Mismo at hindi Ko nais ang sinuman na ipinahihiya ang Aking pangalan. Para sa mga ito naman, ipinadadala sila ni Satanas para subukin Ako at lahat sila sa buong katotohanan ay mga alagad ni Satanas na dapat magapi (ihinahagis sa walang-hanggang kalaliman.

Banal at walang bahid-dungis ang Aking pamilya, at ang Aking templo ay kahanga-hanga at makahari (ibig sabihin ay ang mga nagtataglay ng kung ano Ako at kung ano ang mayroon Ako). Sinong nangangahas na pumasok at basta-basta maging sanhi ng kaguluhan? Tiyak na hindi Ko sila papatawarin. Lubusan silang mawawasak at dapat silang matinding ipahiya. Kumikilos Ako nang marunong. Nang walang patalim, walang baril at hindi nag-aangat ng daliri, lubusan Kong tatalunin ang mga lumalaban sa Akin at ipinapahiya ang Aking pangalan. Bukas-palad Ako, at sa di-nagbabagong bilis ipinagpapatuloy Ko ang Aking gawain bagaman lumilikha si Satanas ng gayong paggambala; hindi Ko ito pinapansin at tatalunin Ko ito sa kaganapan ng Aking plano ng pamamahala. Ito ang Aking kapangyarihan at Aking karunungan, at higit pa ito ay isang maliit na bahagi ng Aking walang katapusang kaluwalhatian. Sa Aking paningin, ang mga lumalaban sa Akin ay gaya ng mga surot na gumagapang sa alabok at, ayon sa nais Ko, madudurog Ko sila sa ilalim ng Aking paa anumang oras. Gayunpaman, ginagawa Ko ang mga bagay na may karunungan. Nais Ko na ang Aking mga panganay na anak ay humayo at ayusin sila; hindi Ako nagmamadali. Kumikilos Ako na may sistema, sa isang maayos na paraan, at tiyak na walang anumang kamalian. Ang mga panganay na anak na isinilang sa Akin ay dapat nagtataglay ng kung ano Ako, at makayang makita ang Aking walang katapusang karunungan sa Aking mga gawa!

Sinundan:Kabanata 90

Sumunod:Kabanata 92

Baka Gusto Mo Rin