Kabanata 30

Maaaring may kaunting kabatiran tungo sa mga salita ng Diyos ang ilang tao, subalit walang sinuman sa kanila ang nagtitiwala sa kanilang mga damdamin; labis silang natatakot na mahulog sa pagkanegatibo. Sa gayon, palagi silang halinhinan sa pagitan ng galak at lungkot. Patas na sabihing puno ng dalamhati ang buhay ng lahat ng tao; upang mas mapalalim pa ito, may pagpipino sa pang-araw-araw na buhay ng lahat ng tao, gayunman masasabi Ko na walang sinuman ang nagkakamit ng anumang pagpapalaya sa kanilang mga espiritu bawa’t araw, at ito ay para bang may tatlong malaking bundok ang dumadagan sa kanilang mga ulo. Walang isa man sa kanilang mga buhay ang masaya at nagagalak sa buong araw—at kahit na kapag medyo masaya sila, pinipilit lang nilang magpakitang-tao. Sa kanilang mga puso, ang mga tao ay laging may pakiramdam na parang may isang bagay na di-tapos. Sa gayon, hindi sila matatag sa kanilang mga puso; sa pamumuhay nang ganito, tila hungkag at di-patas ang mga bagay-bagay, at pagdating sa paniniwala sa Diyos, sila ay abala at kulang sa panahon, o kaya ay wala silang panahon para kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, o hindi alam kung paano kumain at uminom ng mga salita ng Diyos nang maayos. Walang isa man sa kanila ang mapayapa, at malinaw, at matatag sa kanilang mga puso. Para bang lagi na silang nanirahan sa ilalim ng makulimlim na kalangitan, na para bang namumuhay sila sa isang lugar na walang oxygen, at humantong ito sa kalituhan sa kanilang mga buhay. Laging nagsasalita ang Diyos nang diretso sa mga kahinaan ng mga tao, lagi Niya silang pinatatamaan kung saan pinakamadali silang tablan—hindi pa rin ba malinaw na nakikita ang tono ng Kanyang pagsasalita hanggang ngayon? Kailanman ay hindi pa binigyan ng Diyos ang mga tao ng pagkakataong magsisi, at ginagawa Niya ang lahat ng tao na mamuhay sa “buwan” nang walang oxygen. Mula sa pasimula hanggang ngayon, hayagang inilantad na ng mga salita ng Diyos ang kalikasan ng tao, gayunman ay walang sinuman ang malinaw na nakakikita sa diwa ng mga salitang ito. Lumalabas na sa pamamagitan ng paglalantad sa diwa ng tao, nakikilala ng mga tao ang kanilang mga sarili at sa gayon ay nakikilala ang Diyos, gayunman ay hindi ito ang landas sa diwa. Ang tono at higit na kalaliman ng mga salita ng Diyos ay nagpapakita ng malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at tao. Sa kanilang mga damdamin, ginagawa nito ang mga tao na maniwala nang di-namamalayan na ang Diyos ay di-maaabot at di-malalapitan; inilalantad ng Diyos ang lahat, at tila walang sinuman ang kayang magbalik ng ugnayan sa pagitan ng Diyos at tao sa kung paano ito dati. Hindi mahirap makita na ang layon ng lahat ng pagbigkas ng Diyos ay para gamitin ang mga salita upang “pabagsakin” ang lahat ng tao, sa gayon ay naisasakatuparan ang Kanyang gawain. Ito ang mga hakbang ng gawain ng Diyos. Gayunman ay hindi ito ang pinaniniwalaan ng mga tao sa kanilang mga isipan. Naniniwala sila na papalapit na ang gawain ng Diyos sa kasukdulan nito, na papalapit na ito sa pinakanawawaring epekto nito upang malupig ang malaking pulang dragon, na ang ibig sabihin, pinalalakas ang mga iglesia, na walang sinuman ang may mga kuru-kuro tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao, o kaya ang lahat ng tao ay nakikilala ang Diyos. Gayunman ay basahin natin kung ano ang sinasabi ng Diyos: “Sa isipan ng mga tao, ang Diyos ay Diyos, at hindi madaling pakisamahan, habang ang tao ay tao, at hindi dapat madaling maging talipandas. … At bilang resulta, palagi silang mapagpakumbaba at matiyaga sa harap Ko; hindi nila kayang maging kaayon sa Akin, sapagkat masyado silang maraming kuru-kuro.” Mula rito ay makikita na, anuman ang sinasabi ng Diyos o anuman ang ginagawa ng tao, lubos na walang kakayahan ang mga tao na makilala sa Diyos; dahil sa papel na ginagampanan ng kanilang diwa, anuman ang mangyari, sila, sa pagtatapos ng maghapon, ay walang kakayahang makilala ang Diyos. Sa gayon, ang gawain ng Diyos ay magtatapos kapag nakita ng mga tao ang kanilang mga sarili bilang mga anak ng impiyerno. Hindi na kinakailangan ng Diyos na pakawalan ang Kanyang poot sa mga tao, o ikondena sila nang tuwiran, o na hatulan sila ng kamatayan sa huli upang tapusin ang Kanyang buong pamamahala. Nakikibahagi lang Siya sa mababaw na usapan ayon sa Kanyang sariling bilis, na parang ang pagtatapos ng Kanyang gawain ay nagkataon lang, isang bagay na natupad sa Kanyang libreng oras nang wala ni katiting na pagsisikap. Mula sa labas, tila mayroong kaunting pag-aapura sa gawain ng Diyos—gayunman ay hindi gumagawa ng anuman ang Diyos, wala Siyang ginagawa kundi magsalita. Ang gawain sa gitna ng mga iglesia ay hindi kasing-laki ng sa mga nakaraang panahon: ang Diyos ay hindi nagdaragdag ng mga tao, o nagpapaalis sa kanila, o naglalantad sa kanila—masyadong karaniwan ang ganoong gawain. Tila ang Diyos ay walang iniisip na gawin ang gayong gawain. Nagsasalita lang Siya nang kaunti sa kung ano ang Kanyang dapat sabihin, pagkatapos ay tumatalikod Siya at naglalaho nang walang bakas—na, natural, ay ang tagpo ng pagtatapos ng Kanyang mga pagbigkas. At kapag dumating ang sandaling ito, gigising ang lahat ng tao mula sa kanilang pagkakatulog. Ang sangkatauhan ay mahimbing na natutulog sa loob ng libu-libong taon, siya ay tulog na tulog sa buong panahong iyon. At sa loob ng maraming taon, ang mga tao ay nagmamadali paroo’t parito sa kanilang mga panaginip, at humihiyaw pa nga sila sa kanilang mga panaginip, hindi kayang magsalita tungkol sa kawalang-katarungan sa kaibuturan ng kanilang mga puso. Sa gayon, sila ay “nakararamdam ng bahagyang kapanglawan sa kanilang mga puso”—ngunit kapag sila ay nagising, matutuklasan nila ang talagang mga katotohanan, at mapapabulalas: “Ganito pala ang nangyayari!” Kaya sinasabi na “Ngayon, tulog na tulog pa rin ang karamihan sa mga tao. Kapag tumutunog lang ang awit ng kaharian saka sila nagmumulat ng kanilang inaantok na mga mata at nakararamdam ng bahagyang kapanglawan sa kanilang mga puso.”

Wala pang espiritu ninuman ang napalaya kahit kailan, hindi pa kailanman naging walang-alalahanin at masaya ang espiritu ninuman. Kapag ganap nang natapos ang gawain ng Diyos, ang espiritu ng mga tao ay palalayain, sapagkat ang bawat isa ay pagsasama-samahin ayon sa uri, at sa gayon ay magiging matatag silang lahat sa kanilang mga puso. Para bang ang mga tao ay nasa isang paglalakbay sa malalayong bahagi at ang kanilang mga puso ay nagiging matatag kapag umuwi sila. Pagkarating sa tahanan, hindi na mararamdaman ng mga tao na hungkag at di-patas ang mundo, bagkus ay mamumuhay nang mapayapa sa kanilang mga tahanan. Ganoon ang magiging mga kalagayan sa gitna ng buong sangkatauhan. Kaya, sinasabi ng Diyos na “ang mga tao ay hindi kailanman nakayang palayain ang kanilang mga sarili mula sa gapos ni Satanas.” Walang sinumang nakapagpalaya sa kanilang mga sarili mula sa kalagayang ito habang nasa katawang-tao. Pansamantala, isantabi natin ang sinasabi ng Diyos tungkol sa sari-saring aktuwal na kalagayan ng tao, at pag-usapan lang ang mga hiwaga na hindi pa naibubunyag ng Diyos sa tao. “Di-mabilang ang mga pagkakataon na tiningnan Ako ng mga tao nang may mga matang nanunuya, na para bang puno ng mga tinik ang Aking katawan at kasuklam-suklam sa kanila, at sa gayon ay kinamumuhian Ako ng mga tao, at naniniwalang Ako ay walang halaga.” Sa kabaligtaran, sa diwa, nabubunyag ang tunay na mga kulay ng tao sa mga salita ng Diyos: Nababalutan ng mga tinik ang tao, walang anumang nakalulugod tungkol sa kanya, kaya’t ang pagkamuhi ng Diyos sa tao ay tumitindi, sapagkat ang tao ay walang iba kundi isang parkupinong nababalutan ng tinik na walang anumang kahanga-hangang katangian. Sa biglaang tingin, tila inilalarawan ng mga salitang ito ang mga kuru-kuro ng tao ukol sa Diyos—subalit ang totoo, ipinipinta ng Diyos ang larawan ng tao batay sa kanyang imahe. Ang mga salitang ito ang tumpak na paglalarawan ng Diyos sa tao, at para bang winisikan ng Diyos ng pampirmi ang larawan ng tao; sa gayon, ang larawan ng tao ay matatag na nakatindig sa buong sansinukob, at ikinamamangha pa nga ng mga tao. Mula nang Siya ay nagsimulang magsalita, inilalagay na ng Diyos sa posisyon ang Kanyang mga puwersa para sa isang malaking digmaan sa tao. Siya ay tulad ng isang propesor ng algebra sa unibersidad na naglalatag ng mga katunayan para sa tao, at kung ano ang napapatotohanan ng mga katunayang Kanyang inilalatag—ang katibayan at kontra-katibayan—ay ginagawang lubos na kumbinsido ang lahat ng tao. Ito ang layunin ng lahat ng salita ng Diyos, at dahil dito kaya basta sinasabi ng Diyos ang mahiwagang mga salitang ito sa tao: “Ako, sa kabuuan, ay lubos na walang halaga sa puso ng tao, Ako ay isang gamit sa bahay na mapapalitan.” Matapos basahin ang mga salitang ito, walang magawa ang mga tao kundi manalangin sa kanilang mga puso, at nalalaman nila ang kanilang pagkakautang sa Diyos, na nagsasanhi upang kondenahin nila ang kanilang mga sarili, pinapapaniwala sila na ang tao ay dapat mamatay, at walang kahit katiting na halaga. Sinasabi ng Diyos, “Dahil dito kaya nasumpungan Ko ang Aking sarili sa kinalalagyan Ko ngayon,” na, kapag iniugnay sa aktuwal na mga kalagayan ngayon, ay nagsasanhi sa mga tao na kondenahin ang kanilang mga sarili. Hindi ba ito totoo? Kung nilikha ka upang makilala ang iyong sarili, maaari kaya na ang mga salita tulad ng “Tunay na dapat akong mamatay!” ay lalabas sa iyong bibig? Ganoon ang tunay na mga kalagayan ng tao, at ito ay hindi karapat-dapat na lubhang pag-isipan—ito ay naaangkop na halimbawa lang.

Sa isang banda, kapag ang Diyos ay humihingi ng kapatawaran at pagpaparaya ng tao, nakikita ng mga tao na ginagawa silang katatawanan ng Diyos, at sa isa pang banda, nakikita rin nila ang kanilang sariling paghihimagsik—hinihintay lang nila ang Diyos na magpagal nang sukdulan para sa tao. Bukod pa riyan, tungkol sa mga kuru-kuro ng mga tao, sinasabi ng Diyos na hindi Siya bihasa sa pilosopiya sa buhay ng tao o sa wika ng tao. Kaya, sa isang banda ay sinasanhi nito ang mga tao na ikumpara ang mga salitang ito sa praktikal na Diyos, at sa isa pa, nakikita nila ang intensyon ng Diyos sa Kanyang mga salita—tinutuya sila ng Diyos, sapagkat nauunawaan nila na ibinubunyag ng Diyos ang totoong mukha ng tao, at hindi Niya talaga sinasabi sa mga tao ang tungkol sa tunay na mga kalagayan ng Diyos. Ang likas na kahulugan ng mga salita ng Diyos ay puspos ng pangungutya, panlilibak, panunuya, at pagkamuhi sa tao. Ito ay para bang, sa lahat ng ginagawa ng tao, binabaluktot niya ang kautusan at tumatanggap ng mga suhol; ang mga tao ay mga patutot, at kapag ibinubuka ng Diyos ang Kanyang bibig para magsalita, nanginginig sila sa matinding takot, takot na takot na ang katotohanan tungkol sa kanila ay lubusang malalantad, na iiwanan silang lubhang nahihiya na humarap kaninuman. Ngunit ang mga katotohanan ay mga katotohanan. Hindi itinitigil ng Diyos ang Kanyang mga pagbigkas dahil sa “pagsisisi” ng tao; habang mas lalong nagiging di-mabigkas na nahihiya at di-maipaliwanag na napahiya ang mga tao, lalong hindi inaalis ng Diyos ang Kanyang nagbabagang titig sa kanilang mga mukha. Inilalatag ng mga salita mula sa Kanyang bibig ang lahat ng pangit na mga gawa ng tao sa mesa—ito ay pagiging makatarungan at walang kinikilingin, ito ay tinatawag na Qingtian,[a] ito ay paghatol mula sa pinakamataas na hukuman ng mga tao. Kaya, kapag binabasa ng mga tao ang mga salita ng Diyos, sila ay biglang tinatamaan ng atake sa puso, tumataas ang kanilang presyon ng dugo, na para bang sila ay nakararanas ng sakit sa mga ugat sa puso, na para bang ang isang pagdurugo sa utak ay malapit na silang ipadala pabalik sa kanlurang paraiso upang makipagkita sa kanilang mga ninuno—ito ang reaksyon kapag binabasa nila ang mga salita ng Diyos. Ang tao ay pinahina ng mga taon ng pagpapagal, siya ay maysakit sa loob at labas, ang lahat sa kanya ay may karamdaman, mula sa kanyang puso hanggang sa kanyang mga ugat, malaking bituka, maliit na bituka, sikmura, mga baga, mga bato, at iba pa. Walang anuman sa kanyang buong katawan ang malusog. Sa gayon, ang gawain ng Diyos ay hindi nakaaabot sa antas na hindi kayang maabot ng tao, kundi nagsasanhi sa mga tao na makilala ang kanilang mga sarili. Dahil ang katawan ng tao ay napapaliligiran ng mga virus, at dahil tumanda na siya, nalalapit na ang araw ng kanyang kamatayan, at walang daang pabalik. Ngunit ito ay bahagi lang ng kuwento; ang tunay na kahulugan ay hindi pa naibubunyag, sapagkat ang pinagmumulan ng karamdaman ng tao ay hinahanap pa. Sa realidad, ang panahon kung kailan ang kabuuan ng gawain ng Diyos ay natatapos ay hindi ang panahon kung kailan ang gawain Niya sa lupa ay natatapos, sapagkat sa sandaling ang hakbang na ito ng gawain ay natapos na, wala nang magiging paraan upang isakatuparan ang gawain ng hinaharap sa katawang-tao, at ang Espiritu ng Diyos ay kakailanganin upang matapos ito. Sa gayon, sinasabi ng Diyos, “Kapag pormal Ko nang binuksan ang balumbon, iyon ang panahon kung kailan kakastiguhin ang mga tao sa buong sansinukob, kung kailan umaabot ang Aking gawain sa rurok nito, kapag isinailalim ang mga tao sa buong mundo sa mga pagsubok.” Ang panahon kung kailan tapos na ang gawain sa katawang-tao ay hindi kung kailan ang gawain ng Diyos ay umaabot sa rurok nito—ang rurok ng panahong ito ay tumutukoy lang sa gawain sa yugtong ito, at hindi ang rurok ng buong plano ng pamamahala. Kaya, hindi mataas ang hinihingi ng Diyos sa tao. Hinihingi lang Niya na kilalanin ng mga tao ang kanilang mga sarili, sa gayon ay nagsisilbi sa susunod na hakbang ng gawain, kung saan ang kalooban ng Diyos ay maaabot na. Habang nagbabago ang gawain ng Diyos, ang “yunit ng gawain” ng mga tao ay nagbabago rin. Ngayon ay ang yugto ng gawain ng Diyos sa lupa, kaya’t dapat silang gumawa sa pinakapayak na antas. Sa hinaharap, kakailanganing pangasiwaan ang bansa, kaya’t sila ay muling maaatasan sa “Central Committee.” Kung bibisita sila sa ibang bansa, kakailanganin nilang harapin ang mga proseso sa pagtungo sa ibayong-dagat. Sa mga panahong iyon na sila ay nasa ibayong-dagat, malayo sa kanilang sariling bayan—ngunit dahil pa rin ito sa mga hinihingi ng gawain ng Diyos. Gaya ng nasabi ng mga tao, “Itataya namin ang aming mga buhay para sa Diyos kung kinakailangan”—hindi ba ito ang landas na lalakaran sa hinaharap? Sino ang kahit kailan ay nasiyahan sa ganoong buhay? Maaaring maglakbay ang isang tao sa lahat ng lugar, bumisita sa ibayong-dagat, magbigay ng patnubay sa mga kanayunan, makihalubilo sa mga pangkaraniwang tao, at maaari rin silang magsalita tungkol sa mahahalagang usapin ng bansa kasama ang mga kasapi ng matataas na antas na mga organisasyon; at kung kinakailangan, maaari nilang personal na tikman ang buhay sa impiyerno, pagkatapos ay maaari silang bumalik at magagawa pa ring matamasa ang makalangit na mga pagpapala—hindi ba ang mga ito ang mga pagpapala ng tao? Sino ang kahit kailan ay naikumpara na sa Diyos? Sino ang nakapaglakbay na sa lahat ng bansa? Sa katunayan, makakaya ng mga tao na maunawaan ang kaunti sa ilang salita ng Diyos nang walang anumang mga panuro o mga paliwanag—sila nga lang ay walang tiwala sa kanilang mga sarili, na siyang nagpahaba na sa gawain ng Diyos hanggang sa ngayon. Dahil napakalaki ng kulang sa tao—gaya ng sinabi ng Diyos, “wala silang kahit ano”—ang gawain ng ngayon ay nagdudulot ng matitinding paghihirap sa kanila; bukod diyan, ang kanilang kahinaan ay, likas na, kumontrol sa bibig ng Diyos—at hindi ba ang mga bagay na ito ang mismong humahadlang sa gawain ng Diyos? Hindi mo pa rin ba nakikita ito? May natatagong kahulugan sa lahat ng sinasabi ng Diyos. Kapag nagsasalita ang Diyos, ginagamit Niya ang usapin sa kasalukuyan, at tulad ng pabula, lahat ng salitang binibigkas Niya ay nagtataglay ng malalim na mensahe. Ang mga simpleng salitang ito ay nagtataglay ng malalim na kahulugan, at sa gayon ay nagpapaliwanag ng mahahalagang usapin—hindi ba pinakamahusay rito ang mga salita ng Diyos? Alam mo ba ito?

Talababa:

a. Qingtian: Ang katagang ito ay ginagamit upang tukuyin ang isang matuwid na hukom sa imperyal na panahon ng Tsina.

Sinundan: Kabanata 29

Sumunod: Kabanata 31

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito