Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Kabanata 104

Lahat nang tao, mga pangyayari at mga bagay sa labas Ko ay lilipas tungo sa kawalan, samantalang lahat nang tao, mga pangyayari at mga bagay sa loob Ko ay makakamit ang lahat ng bagay mula sa Akin at papasok tungo sa kaluwalhatian na kasama Ko, papasok sa Aking Bundok ng Sion, ang Aking tahanan, at mananahang kasama Ko magpakaylanman. Aking nilikha ang lahat nang bagay sa pasimula at tatapusin ang Aking gawa sa huli, at Ako rin ang mamumuno magpakaylanman bilang hari. Sa pagitan, Akin ding pinangungunahan at pinamumunuan ang buong sansinukob. Walang sinumang makaaagaw ng Aking awtoridad, sapagka’t Ako ang iisang Diyos Mismo, at Ako rin ay mayroong kapangyarihang ipasa ang Aking awtoridad sa Aking mga panganay na anak-na-lalaki, upang sa gayon ang Aking mga panganay na anak-na-lalaki ay makapaghaharing katabi Ko. Ito ay umiiral magpasawalang-hanggan at kaylan man ay hindi maaaring mabago. Ito ang Aking atas sa pamamahala. (Saan mang dako na Aking tinatalakay ang Aking atas sa pamamahala ay tumutukoy sa kung anong nangyayari sa Aking kaharian at umiiral magpasawalang-hanggan at hindi kaylan man maaaring mabago.) Bawa’t isa ay dapat mahikayat sa puso at sa pamamagitan ng salita, at dapat na makita ang Aking dakilang kapangyarihan sa Aking mga iniibig. Walang makapagpapahiya sa Aking pangalan -kayong lahat ay dapat umalis dito! Ito ay hindi dahil sa Ako’y walang habag, kundi dahil ikaw ay hindi matuwid. Kung labagin mo ang Aking pagkastigo kung gayon pakikitunguhan kita at magbubuwis ka ng buhay magpakaylanman. (Siyempre, ang lahat nang ito ay nakatutok sa mga taong nasa labas ng Aking mga panganay na anak-na-lalaki.) Ayaw ng Aking bahay ng ganyang basura, kaya magmadaling umalis dito! Huwag aantalahin ng isang minuto o kahit isang segundo! Dapat mong gawin kung ano ang sinasabi Ko, kundi ay wawasakin kita sa isang salita. Mas mabuting huwag ka na ring mag-atubili, mas mabuting huwag ka na ring manlinlang. Yaong mga gumagawa nang walang-kabuluhan sa harap Ko, yaong mga nagsisinungaling sa Aking mukha–umalis nang madali! Ang Aking panahon ay limitado sa mga ganyang bagay. (Kapag oras nang gumawa ng paglilingkod sila’y gagawa ng paglilingkod, kapag oras nang umalis sila ay aalis.) Ako’y gumagawa ng mga bagay-bagay nang may karunungan, hindi nahuhuli nang isang minuto o isang segundo, hindi nang isa mang biting. Lahat ito ay matuwid at tumpak na tumpak.) Nguni’t sa mga panganay Kong anak-na-lalaki, Ako ay walang-hanggang mapagtiis at nagmamahal hanggang sa wakas magpakaylanman, binibigyan kayo ng kakayahan na walang-hanggang magtamasa ng mabubuting pagpapala at walang-hanggang buhay kasama Ko, at pansamantala, hindi kaylanman magtitiis ng kabiguan o paghatol. (Ito ay tumutukoy sa kung kailan kayo nagsisimulang magtamasa ng mga pagpapala.) Ito ang walang-hanggang pagpapala at pangako sa Aking mga panganay na anak-na-lalaki noong likhain Ko ang mundo. Dapat ninyong makita ang Aking katuwiran diyan–minamahal Ko sila na Aking naitinalaga na, kinamumuhian yaong Aking naiwan na at inalis, magpakaylan kaylanman.

Bilang Aking mga panganay na anak-na-lalaki, dapat kayong lahat na mangapit sa inyong mga sariling tungkulin at tumayo sa inyong mga sariling katungkulan, maging ang mga unang hinog na bunga na nadagit sa harap Ko at tanggapin ang Aking pansariling pagsusuri, upang sa ganoon ay maisabuhay ninyo ang Aking maluwalhating wangis at ang liwanag ng Aking kaluwalhatian ay makasisikat sa pamamagitan ng inyong mga mukha, upang ang Aking mga pagbigkas ay maikalat sa pamamagitan ng inyong mga bibig, upang ang Aking kaharian ay inyong mapamahalaan, at upang ang Aking bayan ay inyong mapagharian. Dito ay binabanggit Ko ang “mga unang hinog na bunga” at isa pang salita gaya ng “nadagit”. Ano ang mga unang hinog na bunga? Sa pagkaintindi ng mga tao, kanilang iniisip na ito ay ang unang pangkat ng mga taong dinagit, o na ito’y tumutukoy sa mga mananagumpay o mga tao na mga panganay na anak-na-lalaki. Lahat ng mga ito ay kamalian at mga maling pagkaunawa ng Aking mga salita. Ang mga unang hinog na bunga ay ang mga tao na nakatanggap ng pahayag mula sa Akin at nagkamit ng awtoridad mula sa Akin. Ang sinasabing “unang hinog” ay tumutukoy sa pagiging nasa Aking pag-aari, pagiging patiunang itinalaga at pinilì Ko. Ang “unang hinog” ay hindi nangangahulugan na una sa magkakasunod. Ang “mga unang hinog na bunga” ay hindi isang materyal na bagay sa mata ng tao. Ang sinasabing “mga bunga” ay tumutukoy sa isang bagay na naglalabas ng bango (ito ay nangangahulugan ng iba pang mga bagay), iyan ay, yaong mga maaaring Ako ay isabuhay, ipinamamalas Ako, at nabubuhay kasama Ko magpakaylanman. Kapag sinabi Kong “mga bunga” Ako ay tumutukoy sa lahat ng Aking mga anak-ma-lalaki at bayan, habang ang mga unang hinog na bunga ay tumutukoy sa mga panganay na anak-na-lalaki na maghahari bilang mga haring katabi Ko. Samakatuwid, ang “unang hinog” ay dapat na maipaliwanag bilang nagtataglay ng awtoridad. Iyan ang tunay na kahulugan nito. Ang “pagiging nadagit” ay hindi ang makuha mula sa isang mababang lugar tungo sa isang mataas na lugar gaya ng iniisip ng mga tao. Ito ay isang malaking pagkakamali. Ang pagiging nadagit ay tumutukoy sa Aking patiunang pagtatalaga bago pa man at pagpili. Ito ay nakatutok sa lahat ng Aking patiunang naittalaga na at pinili. Yaong mga nagkamit ng kalagayan ng pagiging mga panganay na anak-na-lalaki, ang kalagayan ng Aking mga anak-na-lalaki, o Aking bayan, ay ang lahat ng mga nadagit na. Ito ay napaka-hindi-ayon sa mga pagkaunawa ng mga tao. Sinuman na may bahagi sa Aking bahay sa hinaharap ay ang lahat ng taong nadagit na sa harap Ko. Ito ay tunay na tunay, hindi-nagbabago-kaylan-man, at hindi kayang pasubalian ng kahit sino. Ito ang Aking ganting-atake laban kay Satanas. Sino mang Aking patiunang itinalaga ay madadagit sa harap Ko.

Paano ipaliliwanag ang “banal na trumpeta”? Ano ang inyong unawa rito? Bakit ito sinasabing banal at pinatunog na? Ito ay dapat ipaliwanag mula sa mga hakbang ng Aking gawain at maunawaan mula sa paraan ng Aking gawain. Ang panahon kapag ang Aking paghatol ay ipinahayag sa publiko ay kung kailan ang Aking disposisyon ay mabubunyag sa lahat nang mga bansa at mga tao. Iyan ang sandali na ang banal na trumpeta ay patutunugin. Iyan ay ang sabihin na lagi kong sinasabi na ang Aking disposisyon ay banal at hindi masasaktan, na siyang dahilan kung bakit “banal” ang ginagamit upang ilarawan ang “trumpeta”. Ito ay makikita rito na ang “trumpeta” ay tumutukoy sa Aking disposisyon at kumakatawan sa kung ano Ako at mayroon Ako. Masasabi rin na ang Aking paghatol ay nangyayari araw-araw, ang Aking galit ay inilalabas araw-araw, at ang Aking sumpa ay sumasapit sa bawa’t bagay na hindi naaayon sa Aking disposisyon araw-araw. Kung gayon ay masasabi na ang panahon na ang Aking paghatol ay nagsisimula ay ang panahon na ang banal na trumpeta ay pinatunog, at ito ay tumutunog araw-araw, hindi tumitigil isa mang saglit at hindi humihinto isa mang minuto o segundo. Mula ngayon, ang banal na trumpeta ay tutunog nang palakas nang palakas kasabay ng unti-unting pagbaba ng malalaking kalamidad. Iyan ay ang sabihin na, kasabay ng pagbubunyag ng Aking matuwid na paghatol, ang Aking disposisyon ay higit pang magiging bukas, at kung ano Ako at mayroon Ako ay idaragdag nang idaragdag sa Aking mga panganay na anak-na-lalaki. Ito ang Aking paraan ng gawain sa hinaharap: sa isang kamay ay pinananatili at inililigtas yaong Aking minamahal, at sa isa ay ginagamit ang Aking mga salita upang ibunyag lahat yaong Aking kinagagalitan. Tandaan! Ito ang paraan ng Aking gawain, ang mga hakbang ng Aking gawain, na ganap na totoo. Ito ay naiplano Ko na mula sa paglikha at hindi maaaring baguhin ng kahit sino.

Mayroon pa ring maraming bahagi ng Aking mga salita na mahirap unawain para sa mga tao, kaya’t pinabuti Ko pang lalo ang Aking istilo ng pagsasalita at ang Aking mga paraan ng pagbubunyag ng mga hiwaga. Sa ibang salita, ang Aking istilo ng pagsasalita ay nagbabago at bumubuti araw-araw, na may ibang anyô at pamamaraan bawa’t araw. Ito ang mga hakbang ng Aking gawain at hindi maaaring baguhin ng kahit sino. Ang mga tao ay maari lamang magsalita at kumilos nang naaayon sa Aking sinasabi. Ito ay isang ganap na tunay na katotohanan. Nakagawa na Ako ng nararapat na pagsasaayos kapwa sa Aking pagka-Diyos at sa Aking laman. Isang aspeto ng karunungan ng Aking pagka-Diyos ay nakapaloob sa lahat ng kilos at asal ng Aking pagkaDiyos. (Dahil ang sangkatauhan ay walang anumang karunungan, ang sabihin na ang mga panganay na anak-na-lalaki ay nagtataglay ng Aking karunungan ay tumutukoy sa mga panganay na anak-na-lalaki na nagtataglay ng Aking makaDiyos na disposisyon sa loob nila.) Kapag ang mga panganay na anak-na-lalaki ay gumagawa ng hangal na mga bagay, ito ay dahil mayroon pa rin kayong elemento ng pagkatao sa loob ninyo. Kayo dapat, samakatuwid, ay mangag-alis ng kahangalan ng pagkatao at gawin ang Aking ibig at itakwil ang Aking kinamumuhian. Sinumang nanggaling sa Akin ay dapat bumalik sa loob Ko. Sinumang ipinanganak sa Akin ay dapat bumalik sa loob ng Aking kaluwalhatian. Yaong Aking kinamumuhian ay dapat iwan at putulin nang isa-isa mula sa Akin. Ang mga ito ang mga hakbang ng Aking gawain, ang Aking pamamahala, at ng 6,000-taong plano na Aking nilikha. Yaong Aking iniwan ay dapat na sumunod at lisanin Ako nang masunurin. Dapat lahat ng Aking minamahal, dahil sa mga pagpapalang ipinagkaloob Ko sa kanila, ay purihin Ako upang ang Aking pangalan ay maging mas maluwalhati pa, at ang maluwalhating liwanag ay maidagdag sa Aking maluwalhating mukha upang mapuno sila ng Aking karunungan sa Aking kaluwalhatian, at mas luwalhatiin ang Aking pangalan sa Aking maluwalhating liwanag!

Sinundan:Kabanata 103

Sumunod:Kabanata 105