Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Ang Ikasandaa’t-dalawang Pagbigkas

Nakapagsalita na Ako hanggang sa isang tiyak na antas at gumawa hanggang sa isang tiyak na lawak; dapat ninyong lahat na tarukin ang Aking kalooban at sa magkakaibang mga antas ay makayang magsaalang-alang sa Aking pasanin. Ngayon ay ang punto ng pagbaling mula sa laman tungo sa espirituwal na mundo, at kayo ang mga nangunguna kasabay ng mga kapanahunan, ang pansansinukob na mga tao na tumatawid sa mga kadulu-duluhan ng sansinukob. Kayo ang Aking pinakamamahal; kayo ang siyang Aking mga minamahal. Maaaring masabi na wala Akong minamahal bukod sa inyo, dahil lahat ng Aking matinding pagsisikap ay para sa inyo—maaari kayang hindi ninyo alam iyan? Bakit Ko lilikhain ang lahat ng mga bagay? Bakit ko imamaniobra ang lahat ng mga bagay para paglingkuran kayo? Lahat ng mga ito ay mga pagpapahayag ng Aking pag-ibig para sa inyo. Ang mga bundok at ang lahat ng mga bagay sa mga bundok, ang lupa at ang lahat ng mga bagay sa lupa ay nagpupuri sa Akin at lumuluwalhati sa Akin dahil natamo Ko kayo. Tunay nga, lahat ay nagawa na, at higit pa, lahat ay ganap nang nagawa. Nakapagtaglay kayo ng umaalingawngaw na pagsaksi sa Akin at hiniya ang mga diyablo at si Satanas para sa Akin. Lahat ng mga tao, mga kaganapan, at mga bagay-bagay sa labas Ko ay nagpapasakop sa ilalim ng Aking awtoridad, at lahat, sanhi ng kaganapan ng Aking planong pamamahala, ay sumusunod sa kanilang sariling uri (Ang Aking bayan ay sa Akin, at ang uri ni Satanas ay tumutungong lahat sa lawa ng apoy—tumutungo sila sa walang-hanggang hukay, kung saan sila ay tatangis nang walang-hanggan at mapapahamak magpakailanman). Kapag nagsasalita Ako tungkol sa “kapahamakan” at “mula sa sandaling iyon kinukuha ang kanilang espiritu, kaluluwa, at katawan,” tinutukoy Ko ang pagpapasa sa kanila kay Satanas at pagpapahintulot na sila ay mayurakan. Sa madaling salita, lahat ng hindi sa Aking bahay ay magiging mga layon ng pagwasak at sila ay hindi na iiral. Hindi ito, gaya ng naguguni-guni ng mga tao, yaong sila ay maglalaho. At maaari ding sabihin na lahat ng nasa labas Ko, sa Aking opinyon, ay hindi umiiral, na siyang tunay na kahulugan ng kapahamakan. Sa mata ng tao sila ay mukha pa ring umiiral, nguni’t sa Aking pananaw sila ay napalitan na ng kawalan at magpasawalang-hanggan nang maglalaho. (Ang diin ay nasa kung sinupaman ang hindi Ko na gagawan at kung sinong nasa labas Ko.) Sa mga tao, paano man sila mag-isip, hindi nila ito makuha, at kung paano man nila ito tingnan, hindi nila ito napapasok. Walang malinaw na nakakaunawa malibang liwanagan Ko sila, ilawan sila, at ituro nang tuwiran. Higit pa, bawa’t isa ay magiging palabô nang palabô tungkol dito, lalo pang makakaramdam ng kahungkagan, at higit pang makakaramdam na walang landas na susundan—sila ay halos parang mga patay na tao. Sa sandaling ito karamihan sa mga tao (ibig sabihin lahat ng mga tao maliban sa mga panganay na anak-na-lalaki) ay nasa kalagayang ito. Sinasabi Ko ang mga bagay na ito nang napakalinaw at ang mga taong ito ay may kaunting reaksiyon at nagpapahalaga pa rin sa kanilang makalamang mga kasiyahan—sila ay kumakain at pagkatapos sila ay natutulog; sila ay natutulog at pagkatapos sila ay kumakain, at hindi nila binubulay-bulay ang Aking mga salita. Kahit na kung sila man ay napasigla, ito ay sandali lamang, at pagkatapos sila ay nananatili pa ring gaya ng dati, ganap na hindi nabago, na para bang hindi sila nakinig sa Akin kahit kailan. Ang mga ito ang karaniwang walang-silbing mga tao na walang mga pasanin—ang pinakahalatang mga pabigat. Sa bandang huli, tatalikdan Ko sila nang isa-isa. Huwag mag-alala! Isa-isa Ko silang pababalikin sa walang-hanggang hukay. Ang Banal na Espiritu ay hindi gumagawa sa ganitong uri ng tao, at lahat ng ginagawa niya ay isang kaloob. Kapag sinasabi Kong kaloob, ibig Kong sabihin ito ay isang taong walang buhay, na siyang Aking tagapaglingkod. Hindi Ko gusto ang sinuman sa kanila at Akin silang aalisin (nguni’t sa sandaling ito sila ay nagagamit pa rin nang bahagya). Kayong mga tagapaglingkod, makinig! Huwag mong isipin na ang paggamit Ko sa iyo ay nangangahulugan na pinapaboran kita. Hindi ito napakadali. Kung gusto mong paboran kita, ikaw ay dapat maging isa na sinasang-ayunan Ko at ikaw ay dapat maging isa na personal Kong gagawing perpekto. Ito ang uri ng tao na Aking minamahal. Kahit na sabihin pa ng mga taong nagkamali Ako, hindi Ko kailanman babawiin. Alam ba ninyo? Yaong mga naglilingkod ay mga baka at mga kabayo. Paano silang magiging Aking mga panganay na anak-na-lalaki? Hindi ba iyan magiging walang-kabuluhan? Hindi ba iyan magiging paglabag sa mga batas ng kalikasan? Sinupamang nagtataglay ng Aking buhay, Aking katangian, ang mga yaon ang siyang Aking mga panganay na anak-na-lalaki. Ito ay isang makatwirang bagay—walang makakapagpasubali rito. Dapat maging ganoon, kung hindi wala nang sinumang makakaganap ng papel, walang sinumang makakahalili. Ito ay hindi isang bagay na ginagawa mula sa emosyon, dahil Ako ay ang matuwid na Diyos Mismo; Ako ang banal na Diyos Mismo; Ako ang makahari at hindi nalalabag na Diyos Mismo!

Lahat ng imposible para sa mga tao ay maayos ang takbo at malaya para sa Akin. Walang sinumang makakapigil nito, at walang sinumang makakapagbago nito. Ang gayong kalaking mundo ay nasa Aking mga kamay lahat, bukod pa sa maliit na diyablong si Satanas. Kung hindi sa Aking planong pamamahala, at kung hindi para sa Aking mga panganay na anak-na-lalaki, matagal Ko na sanang nawasak itong matandang masama at malaswang kapanahunan na lipos ng masangsang na amoy ng kamatayan. Nguni’t Ako ay kumikilos nang maayos at hindi Ako basta nagsasalita. Sa sandaling Ako ay nagsalita ito ay matutupad; kahit na ito ay hindi ganoon, mayroon ng aspeto ng Aking karunungan, na siyang tutupad ng lahat para sa Akin at bubuksan ang daan para sa Aking mga pagkilos. Sapagka’t ang Aking mga salita ay Aking karunungan; Ang Aking mga salita ay ang lahat-lahat. Ang mga tao ay pangunahing nabibigong maunawaan ang mga iyon at hindi maalaman ang mga iyon. Malimit Kong tinutukoy ang “lawa ng apoy.” Ano ang ibig sabihin niyan? Ano ang pagkakaiba nito sa lawa ng apoy at asupre? Ang lawa ng apoy at asupre ay tumutukoy sa impluwensya ni Satanas, at ang lawa ng apoy ay tumutukoy sa buong mundo sa ilalim ng sakop ni Satanas. Bawa’t isa sa mundo ay nasa ilalim ng pagsasakripisyo sa lawa ng apoy (iyan ay, pasámâ sila nang pasámâ at, kapag ang kanilang kasamaan ay umabot sa isang tiyak na antas, sila ay Aking wawasakin nang isa-isa, na madaling gawin para sa Akin nang walang iba kundi isang salita Ko lamang). Mas matindi ang Aking poot, mas matindi ang paglagablab ng apoy sa buong lawa ng apoy. Ito ay tumutukoy sa mga taong pasámâ nang pasámâ. Ang panahon na ang Aking poot ay sumasabog ay magiging panahon din kung kailan ang lawa ng apoy ay sumasabog; iyan ay, magiging panahon din kung kailan ang buong mundo ng sansinukob ay nawawasak. Sa araw na yaon ang Aking kaharian ay lubusang matatanto sa lupa at isang bagong buhay ang magsisimula. Ito ay isang bagay na sa lalong madaling panahon ay matutupad. Yamang Ako ay nagsasalita, ang lahat ay matutupad nang nakikita. Ito ang pantaong pagtanaw sa pangyayari, nguni’t sa Aking pagtanaw ang mga bagay-bagay ay naganap na nang patiuna sapagka’t para sa Akin ang lahat ay madali. Nagsasalita Ako at ito ay ginagawa; nagsasalita Ako at ito ay itinatatag.

Bawa’t araw inyong kinakain ang Aking mga salita; tinatamasa ninyo ang katabaan sa Aking templo; iniinom ninyo ang tubig mula sa Aking ilog ng buhay; pinipitas ninyo ang prutas mula sa Aking puno ng buhay. Ano, kung gayon, ang katabaan sa Aking templo? Ano ang tubig ng Aking ilog ng buhay? Ano ang punò ng buhay? Ano ang bunga ng punò ng buhay? Ang mga karaniwang pariralang ito ay di-kukulangin na hindi maabot ng lahat ng mga tao, na nalilitong lahat, sinasalita ang mga iyon nang iresponsable, ginagamit ang mga iyon nang walang-ingat, at inilalapat ang mga iyon nang patukmu-tukmô. Ang katabaan sa templo ay hindi nangangahulugan ng mga salitang Aking nabigkas ni ng biyayang Aking naibigay sa inyo. Kaya, matapos ang lahat, ano ang ibig sabihin nito? Simula pa sa sinaunang mga panahon hindi pa kailanman nagkaroon ng sinuman na napakapalad upang tamasahin ang katabaan sa Aking templo. Tanging sa mga huling araw, sa gitna ng Aking mga panganay na anak-na-lalaki, makikita ng mga tao na ito ang katabaan sa Aking templo. Ang “templo” na sinasabi sa “katabaan sa Aking templo” ay ang Aking persona, tumutukoy sa Bundok Sion, ang Aking tahanan. Kung wala ang Aking pahintulot walang sinumang makakapasok dito o makakalabas. Ano ang ibig sabihin ng “katabaan”? Ang katabaan ay tumutukoy sa pagpapala ng paghaharing kasama Ko sa katawan. Sa panglahatang pagsasalita, nangangahulugan ito ng pagpapala ng mga panganay na anak-na-lalaki na naghaharing kasama Ko sa katawan, at hindi ito mahirap unawain. Ang tubig ng ilog ng buhay ay may dalawang kahulugan: Sa isang banda tumutukoy ito sa buháy na tubig na dumadaloy mula sa Aking kaloob-loobang kabuuan, iyan ay, bawa’t salitang lumalabas mula sa Aking bibig. Sa kabilang banda, tumutukoy ito sa karunungan at istratehiya ng Aking mga pagkilos, gayundin ay sa kung ano Ako at anong mayroon Ako. Sa Aking mga salita mayroong walang-katapusan at nakatagong mga hiwaga (na ang mga hiwaga ay hindi na natatago ay sinasalita kabaligtaran ng nakaraan, nguni’t kumpara sa hayagang pagbubunyag tungkol sa darating na araw, ang mga iyon ay natatago pa rin. Dito ang “pagiging natatago” ay hindi walang-pasubali, bagkus ito ay depende), na ibig sabihin ay yaong ang tubig ng ilog ng buhay ay laging umaagos. Sa Akin ay may walang-hangganang karunungan, at lubusang hindi-matarok ng mga tao kung ano Ako at kung ano ang mayroon Ako kahit kailan; iyan ay, ang tubig ng ilog ng buhay ay laging umaagos. Sa pantaong pagtanaw maraming uri ng pisikal na punò, nguni’t walang sinuman ang nakakita kahit kailan sa punò ng buhay. Gayunpaman, bagaman ngayon nakikita ito ng mga tao hindi pa rin nila ito nauunawaan, at sila ay nagsasalita pa tungkol sa pagkain mula sa punò ng buhay. Talagang nakakatawa! Kakainin nila ito nang walang-patumangga! Bakit Ko sinasabi na ngayon nakikita ito ng mga tao nguni’t hindi ito nauunawaan? Bakit Ko sinasabi iyan? Nauunawaan mo ba ang kahulugan ng Aking mga salita? Ang praktikal na Diyos Mismo ng ngayon ay Ako, Mismo, at ang punò ng buhay. Huwag kayong gagamit ng pantaong pagkaintindi para sukatin Ako—mula sa panlabas hindi Ako mukhang punò, nguni’t alam ba ninyo na Ako ang punò ng buhay? Ang Aking bawa’t galaw, Aking pananalita at ugali, ay ang bunga ng punò ng buhay, at ang mga iyon ang Aking persona—ang mga iyon ang dapat kainin ng Aking mga panganay na anak-na-lalaki, nang sa gayon sa bandang huli ay tanging ang Aking mga panganay na anak-na-lalaki at Ako ay magiging eksaktong magkapareho. Makakaya nilang isabuhay Ako at makakaya nilang sumaksi sa Akin. (Ang mga ito ang mga bagay na mangyayari pagkatapos naming pumasok sa espirituwal na mundo. Sa katawan lamang kami maaaring maging eksaktong pareho; sa katawang tao maaari lamang kaming medyo magkapareho, nguni’t mayroon pa rin kaming aming sariling mga gusto.)

Hindi Ko lamang ipakikita ang Aking kapangyarihan sa Aking mga panganay na anak-na-lalaki, nguni’t Akin ding ipakikita ang Aking kapangyarihan sa pamamagitan ng pangangasiwa ng Aking mga panganay na anak-na-lalaki sa lahat ng mga bansa at lahat ng mga bayan. Ito ay isang hakbang ng Aking gawain. Ngayon ay ang susi, at ngayon ay lalo pang ang punto ng pagbaling. Kapag ang lahat ay natupad, makikita ninyo kung ano itong ginagawa ng Aking mga kamay, at inyong makikita kung paano Ako magplano at paano Ako mamahala, nguni’t ito ay hindi isang malabong bagay. Ayon sa mga kalakaran ng bawa’t bansa ng mundo, hindi ito gaanong malayo; ito ay isang bagay na hindi maguni-guni ng mga tao, at higit pa, isang bagay na hindi nila nakikita nang patiuna. Kayo ay lubusang hindi dapat maging pabáyâ o tamad nang sa gayon ay hindi malampasan ng oportunidad na mapagpala at magantimpalaan. Ang inaasahang darating na kaharian ay natatanaw na at ang buong mundo ay unti-unting namamatay. Mula sa walang-hanggang hukay at mula sa lawa ng apoy at asupre ay lumalabas ang mga bugsô ng tunog ng pagtangis, nakapanghihilakbot sa mga tao at tinatakot sila at hinihiya. Sinupamang pinili sa Aking pangalan at pagkatapos ay inalis ay mapupunta sa walang-hanggang hukay. Kaya gaya ng nasabi Ko nang maraming ulit, itatapon Ko ang mga layon ng pag-aalis tungo sa walang-hanggang hukay. Kapag ang buong mundo ay winasak ang lahat nang nawasak ay tutungo sa lawa ng apoy at asupre—iyan ay, malilipat ito mula sa lawa ng apoy tungo sa lawa ng apoy at asupre. Sa panahong iyon lahat ay naalaman na alinman ng kung para sa walang-hanggang pagkawasak (ibig sabihin lahat niyaong mga nasa labas Ko) o para sa walang-hanggang buhay (ibig sabihin lahat niyaong nasa loob Ko). Sa panahong iyon Ako at ang Aking mga panganay na anak-na-lalaki ay lilitaw mula sa kaharian at papasok tungo sa kawalang-hanggan. Ito ay isang bagay na matutupad sa bandang huli, at kahit na sabihin Ko pa sa inyo ngayon, hindi ninyo mauunawaan. Maaari lamang ninyong sundan ang Aking pangunguna, lumakad sa Aking liwanag, samahan Ako sa Aking pag-ibig, masiyahang kasama Ko sa Aking bahay, magharing kasama Ko sa Aking kaharian, at mamunong kasama Ko sa ibabaw ng lahat ng mga bansa at lahat ng mga bayan sa Aking awtoridad. Ang nasabi Ko sa itaas ay ang walang-katapusang mga pagpapala na ibinibigay Ko sa inyo.

Sinundan:Ang Ikasandaa’t-isang Pagbigkas

Sumunod:Ang Ikasandaa’t-tatlong Pagbigkas

Baka Gusto Mo Rin