Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Ang Ika-pitumpu’t-pitong Pagbigkas

Ang pagiging hindi-tiyak tungkol sa Aking mga salita ay kapareho ng pagkakaroon ng saloobin ng pagtanggi tungo sa Aking mga pagkilos. Ibig sabihin niyan, nakaagos na ang Aking mga salita mula sa loob ng Aking Anak, datapuwa’t hindi ninyo pinahahalagahan ang mga iyon. Masyado kayong hindi-seryoso! Maraming salita ang nakaagos mula sa loob ng Aking Anak, datapuwa’t kayo ay alinlangan, hindi kayo tiyak sa mga iyon. Kayo ay bulag! Hindi ninyo nauunawaan ang layunin ng bawa’t isang bagay na Aking nagáwâ. Ang mga salita ba na Aking ipinahayag sa pamamagitan ng Aking Anak ay hindi Aking mga salita? May ilang bagay na hindi Ako handang sabihin nang tuwiran, kaya nagsasalita Ako sa pamamagitan ng Aking Anak. Nguni’t bakit masyado kayong katawa-tawa na pinipilit ninyong magsalita Ako nang tuwiran? Hindi ninyo Ako nauunawaan, at palagi kayong may duda tungkol sa Aking mga kilos at gawa! Hindi ba’t nasabi Ko na ito dati? Ang bawa’t galaw Ko at bawa’t kilos Ko at gawa ay tama, at hindi dapat pakasuriin ang mga iyon ng mga tao. Iurong mo ang iyong maruruming kamay! Hayaan mong sabihin Ko sa iyo: Lahat ng mga taong ginagamit Ko ay naítálágá na bago Ko pa nilikha ang mundo, at sila rin ay sinasang-ayunan Ko ngayon. Lagi ninyong pinagsisikapan ang ganitong uri ng mga bagay, sinusuri Akong mabuti bilang tao at sinusuring mabuti ang Aking mga pagkilos. Lahat kayo ay may kaisipan ng mga negosyante. Kung mangyayari itong muli kung gayon ay tiyak na pababagsakin kayo ng Aking kamay. Ang Aking sinasabi ay: Huwag Akong pagdudahan, at huwag ding suriin o pag-isipan ang mga bagay na Aking nagáwâ. Higit pa rito, huwag makialam sa gayong mga bagay. Dahil ito ay may kinalaman sa Aking mga utos sa pangangasiwa. Hindi ito maliit na bagay!

Samantalahin ang panahon upang gawin ang lahat ng Aking naituro. Hayaang sabihin Ko itong muli, at bilang isang babálâ rin: Babaha na ang mga dayuhan patungo sa Tsina. Ito ay walang-pasubaling totoo! Alam Kong karamihan ng mga tao ay may duda tungkol dito at hindi sila tiyak, kaya pinaaalalahanan Ko kayo minsan at muli pa upang maari kayong magmadaling maghanap ng paglago sa buhay at mabigyang-kasiyahan ang Aking kalooban sa lalong madaling panahon. Simula ngayon, ang pandaigdigang katayuan ay magiging mas mabigat pa, at iba’t ibang bansa ang magsisimulang bumagsak mula sa loob. Hindi na magkakaroon ng masasayang mga araw sa Tsina. Iyan ay, ang mga manggagawa ay magsisipag-alsa, ang mga mag-aaral ay kusang maglalabasan sa kanilang mga pag-aaral, ang mga negosyante ay tatalikod sa mga pamilihan, at ang mga pagawaan ay mangagsasarang lahat at hindi makakapanatiling buháy. Ang mga cadre ay magsisimulang maghanda ng mga pondo upang tumakas (ito ay para pagsilbihan din ang Aking planong pamamahala), at ang mga pinuno ng pamahalaang sentral sa lahat ng antas ay higit pang magmamalasakit sa kasalukuyan nguni’t hindi sa hinaharap dahil lahat sila ay sumasangkap sa gawain ng paghahanda (ito ay para pagsilbihan ang susunod na hakbang). Tingnan ito nang malinaw! Ito ay isang bagay na nagpapaloob sa buong sansinukob, hindi lamang sa Tsina, dahil ang Aking gawain ay nauukol sa buong mundo, kundi ito ay para din sa paglilingkod na gawin ang pangkat ng mga panganay na anak-na-lalaki na maging mga hari. Nakikita ba ninyo ito nang malinaw? Bilisan ninyo at maghanap! Hindi Ko kayo tatratuhin nang mali; hahayaan Ko kayong dumanas ng pagtatamasa hangga’t ibig ng inyong mga puso.

Ang Aking mga pagkilos ay kamangha-mangha. Kapag may matitinding sakúnâ sa mundo, kapag ang lahat ng mga gumagawa-ng-masama at mga namumuno ay tumatanggap ng kaparusahan—o para maging mas malinaw, kapag ang mga gmagawa-ng-masama sa labas ng Aking pangalan ay nagdurusa—sisimulan Kong ipagkaloob ang Aking mga pagpapala sa inyo. Ito ang nakapaloob na kahulugan ng mga salitang “Hindi ninyo dapat pagdusahan ang sakit o ang mga kahirapan ng mga sakúnâ” na sinabi Ko nang paulit-ulit dati. Nauunawaan ba ninyo ito? Ang “panahong ito” na Aking sinasabi ay tumutukoy sa panahon kung kailan ang mga salita ay lumalabas sa Aking bibig. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay napakabilis; Hindi Ko aantalahin o sasayangin ang isang minuto o isang segundo, bagkus ay kikilos Ako nang naaayon sa Aking mga salita sa sandaling ang mga iyon ay sinambit. Kung sinasabi Ko na ngayon inaalis Ko ang isa o kinamumuhian Ko ang isa, tapos na ito para sa taong iyon sa isang saglit. Ibig sabihin niyan ang Aking Banal na Espiritu ay agad na aalisin mula sa kanila at sila ay magiging patay na naglalakad, isang taong walang-kabuluhan. Maaaring sila ay humihinga pa, naglalakad at nagsasalita, at maaaring nananalangin pa rin sa harap Ko, nguni’t hindi nila matatanto na naiwan Ko na sila. Sila ay ang uri ng walang-kabuluhang mga tao. Ito ay walang-pasubaling totoo at tunay!

Ang Aking mga salita ay kumakatawan sa Akin, Mismo. Tandaan ito! Huwag magkaroon ng mga pag-aalinlangan; dapat kayong maging walang-pasubaling tiyak. Ito ay isang bagay ng buhay at kamatayan! Ito ay isang nakakatakot na bagay! Sa sandaling ang mga salita Ko ay nasambit, ang nais Kong gawin ay nangyari na. Lahat ng mga salitang ito ay dapat na mabigkas sa pamamagitan ng Aking Anak. Sino sa gitna ninyo ang seryosong nakapagbulay-bulay sa bagay na ito? Paano Ko pa ito ipaliliwanag? Huwag laging takót at mahiyain. Ako ba ay isa na walang pagsasaalang-alang sa damdamin ng iba? Basta Ko na lamang ba itatapon yaong Aking mga sinasang-ayunan? Lahat ng Aking ginagawa ay may-prinsipyo. Hindi Ko pupunitin ang tipan na Ako Mismo ang nagtalágá; Hindi Ko sisirain ang sarili Kong plano. Hindi Ako mangmang na gaya ninyo. Ang Aking gawain ay isang dakilang bagay; ito ay isang bagay na walang taong makagagawa. Nasabi Ko na na Ako ay matuwid, at na Ako ay pag-ibig sa mga umiibig sa Akin. Hindi mo ba pinaniniwalaan na ito ay totoo? Patuloy kang mayroong mga agam-agam! Bakit natatakot ka pa rin kung ang budhi mo ay malinis sa lahat? Ito ay dahil lahat sa nagapos mo ang iyong sarili. Anak Ko! Naipaalaala Ko na sa iyo nang maraming ulit na huwag malungkot at huwag lumuha, at hindi Kita itatapon. Hindi mo pa rin ba kayang magtiwala sa Akin? Hahawakan Kita at hindi bibitawan. Palagi Kitang yayakapin sa pag-ibig Ko. Lilingapin Kita, pangangalagaan Kita, at sa lahat ng bagay bibigyan kita ng pagbubunyag at pananaw upang makita mo na Ako ay iyong Ama, iyong suporta. Alam Ko na lagi kang nagbubulay kung paano mo mapapagaan ang pasanin sa mga balikat ng iyong Ama. Ito ang pasaning naibigay Ko sa iyo. Huwag mong subukang ipagkibit-balikat! Ilan sa ngayon ang maaaring maging tapat sa Akin? Umaasa Akong mapapabilis mo ang iyong pagsasanay at mabilis na lalago para bigyang-kasiyahan ang Aking puso. Ang Ama ay nagpapagal para sa anak araw at gabi, kaya ang anak ay dapat ding magsaalang-alang sa planong pamamahala ng Ama bawa’t minuto at bawa’t segundo. Ito ang maagap na pakikipagtulungan sa Akin na lagi Kong sinasabi.

Ako ang may gawa ng lahat nang ito. Aatangan Ko ng pasanin ang mga taong ginagamit Ko ngayon at bibigyan sila ng karunungan, upang ang kanilang ginagawa ay aayon lahat sa Aking kalooban, upang ang Aking kaharian ay matanto, at lilitaw ang bagong langit at lupa. Ang mga taong hindi Ko ginagamit ay ang ganap na kabaligtaran. Sila ay laging tulala, sila’y natutulog pagkatapos nilang kumain, at sila’y kumakain pagkatapos nilang matulog, hindi man lamang nalalaman kung ano ang kahulugan ng pasanin. Ang mga taong ito ay kulang sa gawa ng Banal na Espiritu at sila ay dapat na maalis mula sa Aking iglesia sa lalong madaling panahon. Ngayon ay magpapahayag Ako ng ilang bagay sa aspeto ng mga pangitain: Ang iglesia ay isang paunang kundisyon tungo sa kaharian. Makakapasok lamang ang mga tao sa kaharian sa sandaling ang iglesia ay naitayo hanggang sa isang tiyak na lawak. Walang sinumang makakapasok sa kaharian nang tuwiran (kung hindi Ko ipinangako). Ang iglesia ang unang hakbang, samantalang ang kaharian ang siyang layunin ng Aking planong pamamahala. Lahat ay magkakahugis sa sandaling pumasok ang mga tao tungo sa kaharian at wala nang katatakutan. Ngayon, ang mga panganay na anak Ko lamang at Ako ang nakapasok tungo sa kaharian at nagsimulang pamahalaan ang lahat ng mga bansa at bayan. Iyan ay, ang Aking kaharian ay nagsisimulang maisaayos, at lahat niyaong magiging mga hari o mga tao ay naipahayag na sa madla. Ang mga darating na kaganapan ay sasabihin sa inyo nang isa-isang hakbang at sunud-sunod. Hindi kayo dapat masyadong mabahala o mag-alala. Natatandaan mo ba ang bawa’t salitang nasabi Ko sa iyo? Kung ikaw ay totoong para sa Akin, kung gayon magsasalita Ako nang matapat sa iyo. Para sa mga yaon na nagsasagawa ng pandaraya at kalikuan, lilinlangin Ko rin sila at hahayaan silang makita nang malinaw kung sino ang siyang mawawasak nang gayon!

Sinundan:Ang Ika-pitumpu’t-anim na Pagbigkas

Sumunod:Ang Ika-pitumpu’t-walong Pagbigkas

Baka Gusto Mo Rin