Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Ang Ikasandaa’t-tatlong Pagbigkas

Isang animo’y kulog na tinig ang lumalabas, nililiglig ang buong sansinukob, binibingi ang mga tao, ginagawa silang huling-huli na para umalis sa daan, at ang ilan ay napapatay, ang ilan ay winawasak, at ang ilan ay hinahatulan. Ito ay talagang isang tanawin na hindi pa nakita ng sinuman noong una. Makinig na mabuti, ang mga pagputok ng kulog ay may kasamang mga tunog ng pagtangis, at ang tunog na ito ay nagmumula sa Hades, ang tunog na ito ay nagmumula sa impiyerno. Ito ang mapait na daing ng mga anak ng paghihimagsik na nahatulan Ko na. Yaong mga hindi nagsasabi ng Aking sinasabi at hindi gumagawa ng Aking ginagawa ay mahigpit na hinahatulan at tumatanggap ng sumpâ ng Aking poot. Ang Aking tinig ay paghatol at poot, at wala Akong pinalilibring sinuman at hindi nagpapakita ng habag kaninuman, sapagka’t Ako ang matuwid na Diyos Mismo at Ako ay punô ng poot, Ako ay nagsusunog, Ako ay naglilinis, at Ako ay nagwawasak. Sa Akin ay walang natatago, walang emosyonal, bagkus lahat ay bukás, matuwid, at walang-kinikilingan. Dahil ang Aking mga panganay na anak-na-lalaki ay kasama Ko na sa trono, namumuno sa lahat ng mga bansa at lahat ng mga bayan, yaong mga hindi-makatarungan at hindi-matuwid na mga bagay at mga tao ay nagsisimula nang mahatulan. Sisiyasatin ko sila nang isa-isa, walang nalilisan, ibinubunyag sila nang ganap. Sapagka’t ang Aking paghatol ay lubusan nang nabunyag at lubusan nang bukás, at walang anumang natitira kahit kailan; itatapon Ko sa labas ang anupamang hindi nakaayon sa Aking kalooban at hahayaan itong maglaho nang walang-hanggan sa walang-hanggang hukay; hahayaan Ko itong masunog nang walang-hanggan sa walang-hanggang hukay. Ito ang Aking pagkamatuwid; ito ang Aking pagiging matuwid. Walang sinumang makapagbabago nito, at ito ay dapat na sa Aking pag-uutos.

Binabalewala ng karamihan sa mga tao ang Aking mga salita at iniisip na ang mga salita ay salita lamang at ang mga katunayan ay mga katunayan. Sila ay bulag! Hindi ba nila alam na Ako ang tapat na Diyos Mismo? Ang Aking mga salita at mga katunayan ay nagaganap nang sabay—hindi ba ito talagang totoo? Hindi lamang nauunawaan ng mga tao ang Aking mga salita, at yaon lamang mga naliwanagan ang tunay na nakakaunawa—ito ay isang katunayan. Sa sandaling nakita ng mga tao ang Aking mga salita takot na takot sila, nagtatago kung saan-saan, bukod pa ang kung kailan babagsak ang Aking paghatol. Nang Aking nilikha ang lahat ng mga bagay, kapag Aking winasak ang mundo, at kapag ginawa Kong ganap ang mga panganay na anak-na-lalaki, lahat ng mga bagay na ito ay natutupad sa pamamagitan ng isang salita mula sa Aking bibig, sapagka’t ang Aking salita mismo ay ang awtoridad, ang paghatol. Maaaring masabi na Ako Mismo ang paghatol, ang makahari, at walang sinumang makakapagbago nito. Ito ay isang panig ng Aking mga utos sa pangangasiwa; isang paraan para Aking hatulan ang mga tao. Sa Aking mga mata, lahat ng mga tao, lahat ng mga pangyayari, at lahat ng mga bagay—walang-pasubaling lahat—ay nasa Aking mga kamay at nasa ilalim ng Aking paghatol, walang sinuman at walang anuman ang nangangahas na mag-asal nang magaspang at walang-pagpapasakop, at lahat ay dapat na matupad nang naaayon sa mga salita ng Aking bibig. Sa pantaong pagkaintindi bawa’t isa ay naniniwala sa Aking mga salita. Kapag ang Aking Espiritu ay nagsasatinig, ang mga tao ay nagdududa. Hindi nila nalalaman kahit kailan ang Aking pagka-makapangyarihan-sa-lahat, at gumagawa sila ng mga pagbibintang laban sa Akin. Sinasabi Ko sa iyo! Sinupaman ang nag-aalinlangan sa Aking mga salita, sinupamang sumasaling sa Aking mga salita, ang mga ito ang siyang wawasakin, sila ang mga walang-hanggang anak ng kapahamakan. Mula rito ay makikita na napakakaunti lamang yaong mga panganay na anak-na-lalaki, dahil ito ang Aking paraan ng paggawa. Gaya ng sinabi Ko, Hindi Ko iginagalaw ang isa mang daliri, bagkus ginagamit Ko lamang ang Aking mga salita upang tuparin ang lahat ng bagay. Dito, kung gayon, naroroon ang Aking pagka-makapangyarihan-sa-lahat. Sa Aking mga salita walang sinuman ang makakakita sa pinagmumulan at sa layunin ng Aking pananalita. Hindi ito makakamit ng mga tao, at maaari lamang silang kumilos ayon sa Aking pangunguna, at maaari lamang gawin ang lahat ng bagay nang tugma sa Aking kalooban ayon sa Aking pagkamatuwid, upang ang Aking pamilya ay magkaroon ng pagkamatuwid at kapayapaan, nabubuhay magpakailanman, magpakailanmang matibay at hindi nauugoy.

Ang paghatol Ko’y dumarating sa bawa’t isa, ang Aking mga utos sa pangangasiwa ay humihipo sa bawa’t isa, at ang Aking mga salita at Aking persona ay ibinubunyag sa bawa’t isa. Ito ang panahon para sa dakilang gawain ng Aking Espiritu (sa panahong ito yaong mga pagpapalain at yaong magdurusa ng kasawiampalad ay pinag-iiba). Sa sandaling ang Aking mga salita ay lumabas, napag-iba Ko na yaong mga pagpapalain at yaong mga magdurusa ng kasawiampalad. Itong lahat ay maliwanag na parang kristal at nakikita Ko ito sa isang sulyap. (Sinasalita ito kaugnay sa Aking pagkatao, kaya hindi nito sinasalungat ang Aking paunang-pagtatálágá at pagpili.) Naggágalâ Ako sa mga kabundukan at mga ilog at sa lahat ng mga bagay, sa espasyo ng sansinukob, pinagmamasdan ang bawa’t lugar at nililinis ang bawa’t lugar, nang sa gayon yaong mga maruruming lugar at yaong mga malalaswang lupain ay hindi na iiral na lahat at masusunog tungo sa kawalan dahil sa Aking mga salita. Para sa Akin, lahat ng bagay ay madali. Kung ngayon ang sandali na Aking paunang-itinálágá na wawasakin ang mundo, maari Ko itong lulunin sa isang salita, nguni’t ngayon ay hindi ang sandali. Lahat ay dapat maging handa bago Ko gawin ang gawaing ito, upang sa gayon ay hindi magambala ang Aking plano at gambalain ang Aking pamamahala. Alam Ko kung paano gawin ito nang makatwiran: mayroon Akong Aking karunungan at mayroon Akong sarili Kong pagsasaayos. Hindi dapat gumalaw ang mga tao kahit isang daliri—maging maingat na hindi mapatay sa Aking kamay; hinihipo na nito ang Aking mga utos sa pangangasiwa. Mula rito ay nakikita ang kabagsikan ng Aking mga utos sa pangangasiwa, at nakikita ang mga panuntunan ng Aking mga utos sa pangangasiwa, na kinapapalooban ng dalawang aspeto: Sa isang banda pinapatay Ko ang lahat ng hindi nakaayon sa Aking kalooban at lumalabag sa Aking mga utos sa pangangasiwa; sa kabilang banda, sa Aking poot isinusumpa Ko ang lahat ng lumalabag sa Aking mga utos sa pangangasiwa. Ang dalawang aspetong ito ay hindi maaring mawala at siyang mga panuntunan sa pamamalakad ng Aking mga utos sa pangangasiwa. Bawa’t isa ay hinahawakan ayon sa dalawang panuntunang ito, nang walang emosyon, kahit na gaano pa katapat ang mga tao. Ito ay sapat upang ipakita ang Aking pagkamatuwid at sapat upang ipakita ang Aking pagkahari at ang Aking poot, na susunog ng lahat ng makalupang mga bagay, lahat ng makamundong mga bagay, at lahat ng mga bagay na hindi nakaayon sa Aking kalooban. Sa Aking mga salita mayroong nakatagong mga hiwaga, at sa Aking mga salita mayroon ding nabunyag na mga hiwaga, kaya sa pantaong pagkaintindi, sa pantaong isipan, ang Aking mga salita ay magpakailanmang hindi-maabot at ang Aking puso ay magpakailanmang hindi maarok. Sa madaling salita, dapat Kong alisin sa mga tao ang kanilang pagkaintindi at iniisip. Ito ang pinakamahalagang aytem ng Aking planong pamamahala. Kailangang gawin ko ito sa ganitong paraan upang matamo ang Aking mga panganay na anak-na-lalaki at upang tuparin ang mga bagay na gusto Kong gawin.

Ang mga sakúnâ ng mundo ay dumarami bawa’t araw, at sa gitna ng Aking pamilya ang mga biglaan at malawak na mga sakúnâ ay patindi nang patindi. Ang mga tao ay tunay na walang mataguan at sila ay nahihiya at hindi maipakita ang kanilang mga mukha. Dahil ang pagpapalit ay ngayon, walang sinumang nakakaalam kung saan sila susunod na hahakbang. Magiging kitang-kita lamang ito pagkatapos ng Aking paghatol. Tandaan! Ito ay isang hakbang ng Aking gawain at ang paraan ng Aking paggawa. Para sa lahat ng Aking mga panganay na anak-na-lalaki, aaliwin Ko silang isa-isa, itataas Ko sila nang isa-isang hakbang; para sa lahat ng mga taga-serbisyo aalisin Ko at tatalikuran silang isa-isa. Ito ay isang bahagi ng Aking planong pamamahala. Pagkatapos na ang lahat ng mga taga-serbisyo ay naibunyag, ang Aking mga panganay na anak-na-lalaki ay ibubunyag din. (Para sa Akin, ito ay napakadali. Pagkatapos nilang marinig ang Aking mga salita, ang lahat ng mga taga-serbisyo ay unti-unting bibitaw sa ilalim ng paghatol at bantâ ng Aking mga salita, at silang mga matitira lamang ay ang Aking mga panganay na anak-na-lalaki. Ito ay hindi isang bagay na gusto lamang gawin at ito ay hindi isang bagay na mababago ng tao; bagkus ito ay ang Aking Espiritu na personal na gumagawa.) Ito ay hindi isang malayong pangyayari, at kahit papaano ay dapat ninyong madama ito mula sa loob ng yugtong ito ng Aking gawain at ng Aking mga salita. Hindi natatarok ng mga tao kung bakit Ako nagsasalita nang ganoong karami at hindi ito nahuhulaan. Nagsasalita Ako sa Aking mga panganay na anak-na-lalaki sa tono ng pang-aaliw, pagkahabag, at pag-ibig (dahil palagi Kong nililiwanagan ang mga taong ito at hindi Ko sila iiwan, dahil sila ay Aking paunang-itinálágá), habang isinasailalim Ko ang mga tao bukod sa Aking mga panganay na anak-na-lalaki sa matinding paghatol, sa mga bantâ, at sa panánákot, ginagawa silang laging takot na takot kaya’t ang kanilang mga himaymay ng katawan ay laging kinakabahan. Kapag ang kalagayan ay nabubuo na hanggang sa isang tiyak na lawak, sila naman ay tatakas mula sa katayuang ito (kapag Aking winasak ang mundo, ang mga taong ito ay mapupunta sa walang-hanggang hukay), nguni’t hindi nila kailanman matatakasan ang Aking kamay ng paghatol, at hindi sila kailanman makakabitaw sa katayuang ito. Ito, kung gayon, ang paghatol sa kanila; ito ang pagkastigo sa kanila. Sa araw kung kailan nagdadatingan ang mga banyaga ibubunyag Ko ang mga taong ito nang isa-isa. Ito ay isang hakbang sa Aking gawain. Ngayon nauunawaan ba ninyo ang hangarin sa likod ng kung bakit ko sinabi dati ang mga salitang yaon? Sa Aking palagay ang isang bagay na hindi natupad ay isa ring bagay na natutupad, nguni’t ang isang bagay na natutupad ay hindi nangangahulugang isang bagay na nakakamit, dahil mayroon Ako ng Aking karunungan, at mayroon Akong Aking paraan ng paggawa, na hindi lamang nababanaag ng mga tao. Kapag nagkakamit na Ako ng mga resulta sa hakbang na ito (kapag Akin nang naibubunyag silang lahat na mga masásámâ na lumalaban sa Akin), sisimulan Ko naman ang susunod na hakbang, dahil ang Aking kalooban ay hindi napipigilan at walang sinumang nangangahas na hadlangan ang Aking planong pamamahala at walang sinumang nangangahas na maglagay ng mga balakid—dapat silang umalis sa daan! Kayong mga anak ng malaking pulang dragon, makinig! Nagmula Ako sa Sion at naging katawang-tao sa mundo upang tamuhin ang Aking mga panganay na anak-na-lalaki, para hiyain ang inyong ama (ito ay nakatuon sa mga inápó ng malaking pulang dragon), para tulungan ang Aking mga panganay na anak-na-lalaki, at itama ang mga maling nagawa sa Aking mga panganay na anak-na-lalaki. Kaya huwag nang maging mabagsik na muli; Hahayaan Ko ang Aking mga panganay na anak-na-lalaki na iayos kayo. Sa nakalipas ang Aking mga anak-na-lalaki ay tinakot at inapi, at yamang ang Ama ay humahawak ng kapangyarihan para sa mga anak-na-lalaki, Ang Aking mga anak-na-lalaki ay magbabalik sa Aking mapagmahal na yakap, para hindi na muling matakot at maapi. Hindi Ako hindi-matuwid; ipinakikita nito ang Aking pagkamatuwid, at ito ay tunay na “pagmamahal sa Aking minamahal at pagkamuhi sa Aking kinamumuhian.” Kung sinasabi ninyo na Ako ay hindi-matuwid, dapat kayong magmadali at umalis. Huwag maging walang-kahihiyan at pabigat sa Aking pamilya. Dapat kang magmadaling umuwi sa iyong tahanan para hindi na kita makikita. Ang walang-hanggang hukay ang inyong hantungan at kung saan kayo namamahinga. Kung kayo ay nasa Aking pamilya walang magiging lugar para sa inyo dahil kayo ay mga hayop na pabigat, kayo ang mga kasangkapang Aking ginagamit. Kapag hindi ko kayo ginagamit itatapon Ko kayo sa apoy upang sunugin kayo. Ito ay Aking utos sa pangangasiwa; kailangang gawin Ko ito sa paraang ito, at ito lamang ang nagpapakita kung paano Ako gumawa at nagpapakita ng Aking pagkamatuwid at Aking pagkahari. Higit na mahalaga, ito lamang ang paraan na magpapahintulot sa Aking mga panganay na anak-na-lalaki ma maghari kasama Ko sa kapangyarihan.

Sinundan:Ang Ikasandaa’t-dalawang Pagbigkas

Sumunod:Ang Ikasandaa’t-limang Pagbigkas

Baka Gusto Mo Rin