Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Kabanata 9

Sa imahinasyon ng mga tao, ang Diyos ay Diyos, at ang tao ay tao. Hindi nagsasalita ang Diyos ng wika ng tao, ni kaya ng tao na magsalita ng wika ng Diyos, at sa Diyos, napakadaling gawin ang mga hinihingi ng tao sa Kanya, samantalang ang mga hinihingi ng Diyos sa tao ay imposible at malayong mangyari. Ang katunayan, gayunpaman, ay talagang ang kasalungat: hinihingi lamang ng Diyos ang “0.1 porsiyento” ng tao. Hindi lamang ito nakakagulat sa lahat, subali’t ginagawa rin silang masyadong litung-lito, na para bang silang lahat ay nasa dagat. Salamat na lamang sa kaliwanagan ng Diyos, at sa biyaya ng Diyos, na nakakatamo ang mga tao ng kaunting kaalaman sa kalooban ng Diyos. Nguni’t noong ika-1 ng Marso, lahat ng mga tao ay minsan pang naiwang nalilito at nagkakamot ng kanilang mga ulo. Hiningi ng Diyos na ang Kanyang bayan ay maging nagliliwanag na niyebe, hindi natatangay na mga ulap. Kaya ano ang tinutukoy nitong “nagliliwanag na niyebe”? At ano ang ipinakikita ng “natatangay na mga ulap”? Sa puntong ito, sadyang walang sinasabi ang Diyos tungkol sa nakapaloob na kahulugan ng mga salitang ito. Isinasadlak nito ang mga tao sa kalituhan, at sa gayon ay pinag-iibayo ang kanilang pananampalataya habang naghahanap sila—dahil talagang kinakailangan ito sa mga tao ng Diyos, at hindi ibang bagay, kaya’t natatagpuan ng lahat ang kanilang mga sarili na bukal sa loob na gumugugol ng higit na panahon sa pag-iisip tungkol sa di-maarok na mga salitang ito. Bilang resulta, sari-saring mga ideya ang sumisibol sa kanilang mga utak, kumikislap sa harap ng kanilang mga mata ang natatangay na mga piraso ng niyebe, at agad na lumilitaw sa kanilang mga isipan ang natatangay na mga ulap sa himpapawid. Bakit hinihingi ng Diyos na maging gaya ng kumikislap na niyebe ang Kanyang bayan, at hindi gaya ng natatangay na mga ulap? Ano ang tunay na kahulugan dito? Ano ang talagang tinutukoy ng mga salitang ito? Hindi lamang pinagmumukhang maganda ng “nagliliwanag na niyebe” ang tanawin, nguni’t mabuti rin ito para sa lupang sakahan—mabuti ito para sa pagpatay ng mga mikrobyo. Pagkatapos ng isang malakas na pag-ulan ng niyebe, lahat ng mga mikrobyo ay natatakpan ng kumikislap na niyebe, at agad na nag-uumapaw sa buhay ang buong lugar. Gayundin, hindi lamang dapat makilala ng bayan ng Diyos ang Diyos na nagkatawang-tao, kundi supilin din ang kanilang mga sarili sa katunayan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at sa gayon ay isabuhay ang normal na pagkatao. Ganito kung paano pinagmumukhang maganda ng yelo ang tanawin; sa kahuli-hulihan, ang paggulang ng mga tao ng Diyos ang magdadala ng katapusan sa malaking pulang dragon, nagtatatag ng kaharian ng Diyos sa lupa, nagpapalaganap at nagluluwalhati sa banal na pangalan ng Diyos, upang ang buong kaharian sa lupa ay napupuno ng pagkamatuwid ng Diyos, isinisinag ang kaningningan ng Diyos, at kumikislap sa luwalhati ng Diyos, at saanman ay mayroong mga tagpo ng kapayapaan at katiwasayan, kaligayahan at katuparan, at palaging-panibagong kagandahan. Ang sari-saring mga salot na umiiral sa kasalukuyang panahon—ang masamang maka-satanas na mga disposisyon, gaya ng di-pagkamakatuwiran, kalikuan at pandaraya, masasamang mga pagnanasa at iba pa—ay pinapawing lahat, at sa gayon ang langit at lupa ay kapwa pinaninibago. Ito ang tunay na kahulugan ng “pagkatapos ng isang malakas na pag-ulan ng niyebe.” Yaong mga lumulutang na mga ulap ay gaya ng uri ng mga tao na sumusunod sa kawan na binanggit ng Diyos; kung naroon ang panunukso ni Satanas, o ang mga pagsubok ng Diyos, agad silang madadala palayo, upang hindi na umiral. Hindi makaliligtas kahit ang kanilang kakanyahan, dahil matagal nang naglaho. Kung lumulutang na mga alapaap ang mga tao, hindi lamang nila hindi-kayang isabuhay ang larawan ng Diyos, kundi nagdadala rin ng kahihiyan sa pangalan ng Diyos, sapagka’t ang gayong mga tao ay nasa panganib na maagaw sa anumang oras o dako, pagkain silang nilalamon ni Satanas, at kapag binibihag sila ni Satanas, kanilang ipagkakanulo ang Diyos at paglilingkuran si Satanas. Malinaw na nagdadala ito ng kahihiyan sa pangalan ng Diyos, ito ang pinaka-inaayawan sa lahat ng Diyos, at mga kaaway sila ng Diyos. Sa gayon, kapwa silang walang sangkap ng normal na mga tao at walang anumang tunay na kahalagahan ang paggamit. Dahil dito kaya hinihingi ng Diyos ang gayong mga kinakailangan sa Kanyang bayan. Nguni’t pagkatapos makaunawa ng kaunti tungkol sa mga salitang ito, hindi alam ng mga tao kung ano ang susunod na gagawin, sapagka’t ang paksa ng mga salita ng Diyos ay nakabaling sa Diyos Mismo, na naglalagay sa kanila sa isang mahirap na kalagayan: “Dahil nagmula Ako sa banal na lupain, hindi gaya ng isang lotus, na mayroon lamang pangalan at walang halaga dahil nanggaling ito mula sa putikan at hindi sa banal na lupain.” Bakit, pagkatapos magsalita tungkol sa Kanyang mga kinakailangan tungo sa Kanyang bayan, inilalarawan ng Diyos ang pagsilang ng Diyos Mismo? Maaari kayang may pagkakaugnay sa pagitan ng dalawa? Tunay nga, mayroong likas na pagkakaugnay sa pagitan ng mga iyon—kung hindi, hindi magsasalita nang ganoon ang Diyos sa mga tao. Sa kalagitnaan ng mga luntiang dahon, ang lotus ay umuugoy paroo’t parito sa banayad na ihip ng hangin. Kaiga-igaya ito sa paningin at lubhang pinahahalagahan. Ang mga tao ay hindi nagsasawa rito, at gustung-gustong lumangoy sa tubig upang pumitas ng isang sanga at makita nang malapitan. Datapwa’t sinasabi ng Diyos na nagmumula ang lotus sa putikan, at mayroon lamang pangalan at walang nilalaman. Nagpapakita ito na hindi binibigyang-halaga ng Diyos ang mga lotus, at mula sa Kanyang mga salita ay malinaw na makikita na may kaunti Siyang pagkamuhi sa mga iyon. Sa nagdaang mga panahon, maraming nagbuhos ng papuri sa mga lotus dahil lumilitaw silang hindi-nababahiran mula sa putikan, hanggang sa punto na ang mga iyon ay halos walang katulad, di-mailarawan ang pagiging kamangha-mangha. Nguni’t sa mga mata ng Diyos, walang-halaga ang mga lotus—na siyang talagang pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at tao. Sapat ito upang ipakita ang layo sa pagitan ng Diyos at tao, isa na kasing-laki niyong sa pagitan ng tuktok ng himpapawid at ilalim ng lupa. Dahil nagmumula sa burak ang isang lotus, ang mga sustansyang kinakailangan nito ay nagmumulang lahat doon. Nakakaya nga lamang ng lotus na magpanggap, at sa gayon ay nagpapakita ng nakalulugod na tanawin. Maraming tao ang nakakakita lamang sa magandang panlabas ng lotus, nguni’t wala sa kanila ang nakakakita na marumi at hindi-dalisay ang buhay na napapaloob sa lotus. Sa gayon, sinasabi ng Diyos na mayroon lamang itong pangalan at walang nilalaman—na ganap na wasto at totoo. At hindi ba’t ito ang talagang katulad ng mga tao ng Diyos sa ngayon? Sumusunod lamang sila at naniniwala sa Diyos sa panlabas. Sa harap ng Diyos, nagpapasipsip sila at ipinaparada ang kanilang mga sarili para mapalugod ang Diyos sa kanila; sa loob, gayunpaman, nalalamnan sila ng masamang maka-satanas na disposisyon, puno ang kanilang mga tiyan ng karumihan. Sa gayon, nagtatanong ang Diyos sa tao, nagtatanong kung ang kanyang katapatan sa Diyos ay nababahiran ng mga dumi, kung dalisay ba ito at buong-puso. Noong mga taga-serbisyo sila, maraming mga tao ang nagpuri sa Diyos sa kanilang mga bibig nguni’t sinumpa Siya sa kanilang mga puso. Sa kanilang mga bibig, masunurin sila sa Diyos, nguni’t sa kanilang mga puso, sinuway nila ang Diyos. Ang kanilang mga bibig ay bumigkas ng mga negatibong mga salita, at itinago nila ang pagsalungat sa Diyos sa kanilang mga puso. Mayroon pa nga yaong magkakaayon ang mga pagkilos: Naglabas sila ng mga kalaswaan gamit ang kanilang mga bibig at kumumpas gamit ang kanilang mga kamay, talagang bastos, nagpapakita ng malinaw at parang-buháy na pagpapahayag ng totoong mukha ng malaking pulang dragon. Tunay na karapat-dapat silang matawag na anak ng malaking pulang dragon. Nguni’t ngayon, nakatayo sila sa lugar ng tapat na mga taga-serbisyo at kumikilos na parang tapat na bayan ng Diyos—walang kahihiyan! Hindi nakapagtataka; nagmula sila sa burak, kaya wala silang magawa kundi ipakita ang kanilang totoong mga kulay. Dahil ang Diyos ay banal at dalisay, at tunay at aktuwal, nagmumula ang Kanyang katawang-tao sa Espiritu. Ito ay tiyak, at walang alinlangan. Hindi lamang nakakayang sumaksi sa Diyos Mismo, kundi nakakaya ring ganap na gawin ang kalooban ng Diyos: isang panig ito ng sangkap ng Diyos. Ang kahulugan ng nagmumula ang katawang-tao sa Espiritu na may larawan na ang katawang-tao na isinusuot ng Espiritu sa Kanyang Sarili ay likas na naiiba sa laman ng tao, at ang pagkakaibang ito ay pangunahing nakasalalay sa kanilang espiritu. Ang tinutukoy na Espiritung may larawan ay kung paano, bilang resulta ng pagkakatakip ng normal na pagkatao, nakakayang gumawa ng pagka-Diyos nang normal sa loob, na hindi higit-sa-natural sa paanuman, at hindi nalilimitahan ng pagkatao. Ang “larawan ng Espiritu” ay tumutukoy sa ganap na pagka-Diyos, at hindi nalilimitahan ng pagkatao. Sa gayon, ang likas na disposisyon at totoong larawan ng Diyos ay ganap na maisasabuhay sa nagkatawang-taong laman, na hindi lamang normal at matatag, kundi may kamahalan at poot. Maipapakita lamang ng unang nagkatawang-taong laman ang Diyos ng mga pagkaintindi ng mga tao, iyan ay, may kakayahan lamang Siya na magpakita ng mga tanda at mga kababalaghan at magsalita ng hula. Sa gayon, hindi Niya ganap na isinabuhay ang realidad ng Diyos, kaya’t hindi ang pagsasakatawan ng Espiritung may larawan; tuwiran lamang Siyang pagpapakita ng pagka-Diyos. At dahil hinigitan Niya ang normal na pagkatao, hindi Siya tinawag na ang ganap na praktikal na Diyos Mismo, kundi mayroong kaunti ng malabong Diyos sa langit na nasa Kanya, Siya ang Diyos ng mga pagkaintindi ng mga tao. Ito ang malaking pagkakaiba sa pagitan ng dalawang nagkatawang-taong laman.

Mula sa pinakamataas na punto sa sansinukob, pinanonood ng Diyos ang bawa’t galaw ng tao, ang lahat ng sinasabi at ginagawa ng tao. Kahit ang bawa’t kaloob-loobang kaisipan nila ay Kanyang minamasdan nang may walang-pasubaling kalinawan, hindi ito nilalampasan—kaya’t humihiwa ang mga salita ng Diyos sa mga puso ng mga tao, tumatama sa kanilang bawa’t iniisip, at matalas at walang kamalian ang Kanyang mga salita. “Kahit na nakikilala ng tao ang Aking Espiritu, nasasaktan rin niya ang Aking Espiritu. Hinuhubaran ng Aking mga salita ang pangit na mukha ng lahat ng tao, at hinuhubaran ang mga pinakamalalim na saloobin ng lahat ng tao, at sinasanhi ang lahat sa lupa na bumagsak sa kalagitnaan ng Aking pagsisiyasat.” Makikita mula rito na, bagaman hindi mataas ang mga kinakailangan ng Diyos sa tao, hindi pa rin nakakaya ng mga tao na pagtiisan ang pagsisiyasat ng Espiritu ng Diyos. “Nguni’t kahit bumabagsak ang tao, hindi nangangahas ang kanyang puso na lumayo sa Akin. Sa mga nilalang ng Diyos, sino ang hindi iibig sa Akin dahil sa Aking mga gawain?” Lalo pang nagpapakita ito ng ganap na karunungan at pagka-makapangyarihan ng Diyos, at sa gayon ay nagbubunyag ng lahat ng inisip ng mga tao ng Diyos noong nasa katayuan sila ng mga taga-serbisyo: Bagaman, kasunod ng isang “pangangalakal” na nagwakas sa kabiguan, ang “daan-daang libo” o “mga milyon” sa kanilang mga ulo ay nauwi sa wala, dahil sa mga utos sa pangangasiwa ng Diyos, at dahil sa kamahalan at poot ng Diyos, kahit na iniyuko nila ang kanilang mga ulo sa kalungkutan, naglingkod pa rin sila sa Diyos sa gitna ng pagka-negatibo, lahat ng kanilang mga pagsasagawa sa nakaraan ay naging walang-laman na pagsasalita lamang, at ganap na nakalimutan; sa halip ginawa nila ang mga bagay na gusto nila na nagpasaya sa kanila at sa lahat upang manatili silang nalilibang, sa layuning palipasin o ubusin ang oras…. Ito ang talagang nangyayari sa gitna ng tao. Sa gayon, nagtatapat ang Diyos sa tao at sinasabing: “Sino ang hindi naghahangad sa Akin bilang bunga ng Aking mga salita? Sino ang hindi nakaramdam ng katapatan dahil sa Aking pag-ibig?” Sa totoo lamang, lahat ng mga tao ay handang tumanggap ng mga salita ng Diyos, at wala kahit isa sa kanila ang hindi gustong magbasa ng mga salita ng Diyos—hindi nga lamang nila kayang isagawa ang mga salita ng Diyos dahil nahahadlangan sila ng kanilang mga kalikasan. Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, maraming tao ang hindi matiis na mawalay sa mga salita ng Diyos, at bumubukal ang pag-ibig sa Diyos sa kalooban nila. Sa gayon, minsan pa ay sinusumpa ng Diyos si Satanas, at minsan pa ay inilalantad ang pangit na mukha nito. “Ang panahon kung saan nagpapasimula si Satanas ng kaguluhan at lubhang nagpapakahari” ay ang mismong kapanahunan din na sinisimulan ng Diyos ang Kanyang opisyal at malaking gawain sa lupa. Sunod, sinisimulan Niya ang gawain ng paglipol sa mundo. Na ang ibig sabihin, mas nanggugulo si Satanas, mas nalalapit ang pagdating ng araw ng Diyos, at kaya mas nagsasalita ang Diyos tungkol sa kalabisan ni Satanas, kaya naipapakita na mas nalalapit ang araw kung kailan lilipulin ng Diyos ang mundo. Ganyan ang pahayag ng Diyos kay Satanas.

Bakit paulit-ulit na sinasabi ng Diyos “…at, sa Aking likuran, nakikibahagi sila sa mga ‘kapuri-puri’ na masamang gawain. Sa tingin mo ba ang katawang-tao, na siyang Aking ibinabalot sa Sarili Ko, ay hindi nalalaman ang iyong mga gawa, iyong ugali, at iyong mga salita?” Hindi lamang Siya nagsasabi ng gayong mga salita nang isa o dalawang ulit—bakit ganoon? Sa sandaling naaliw ng Diyos ang mga tao, at nakakabatid sa kalungkutan ng Diyos para sa tao, madali para sa kanilang kalimutan ang nakaraan habang nahihirapan silang pasulong. Nguni’t hindi maluwag ang Diyos kahit katiting tungo sa tao: Nagpapatuloy Siyang naghahabol sa mga iniisip ng mga tao. Kaya hinihingi Niya sa mga tao nang maraming ulit na kilalanin ang kanilang mga sarili, na itigil ang kanilang kalaswaan, na huwag nang makisangkot doon sa “kapuri-puring” maruming mga pakikitungo, at na huwag na kailanmang muling linlangin ang Diyos sa katawang-tao. Bagaman hindi nagbabago ang mga kalikasan ng mga tao, mayroong pakinabang sa pagpapaalala sa kanila ng ilang ulit. Pagkatapos nito, nagsasalita ang Diyos mula sa pananaw ng tao upang ibunyag ang mga hiwaga sa loob niya: “Tiniis Ko nang maraming taon ang hangin at ulan, at naranasan Ko rin ang kapaitan ng mundo ng mga tao, ngunit sa pamamagitan ng masusing pagninilay, walang anumang paghihirap ang maaaring makagawa sa taong laman na mawalan ng tiwala sa Akin, lalo nang di-kayang magdulot ang kabutihan sa taong laman na maging malamig, matamlay, o hindi masunurin sa Akin. Talaga bang limitado ang pag-ibig ng tao para sa Akin ng alinman sa hirap at kabutihan?” “Ang lahat sa ilalim ng araw ay walang laman,” ang mga salitang ito ay talagang may nakapaloob na kahulugan. Kaya sinasabi ng Diyos na walang makapag-aalis ng pag-asa ng tao sa Kanya o makagagawang manlamig sa Kanya. Kung hindi minamahal ng mga tao ang Diyos, mabuti pang mamatay sila; kung hindi nila minamahal ang Diyos, ang kanilang pagdurusa ay walang kabuluhan, at ang kanilang mga pagpapala ay walang laman, at dumagdag sa kanilang mga kasalanan. Dahil wala kahit isang tao ang tunay na nagmamahal sa Diyos, kaya sinasabi Niya, “Talaga bang limitado ang pag-ibig ba ng tao para sa Akin ng alinman sa hirap at kabutihan?” Sa mundo ng tao, paano makakairal ang sinuman nang walang hirap o kabutihan? Muli’t muli, sinasabi ng Diyos, “Wala kahit isang tao ang kailanman ay tunay na nakakita sa Aking mukha at kailanman ay tunay na nakarinig sa Aking tinig, sapagka’t hindi Ako tunay na nakikilala ng tao.” Sinasabi ng Diyos na hindi Siya tunay na nakikilala ng tao, gayunman bakit Niya hinihingi na kilalanin Siya ng tao? Hindi ba ito isang pagkakasalungatan? Bawa’t isa sa mga salita ng Diyos ay may tiyak na layunin. Dahil naging manhid na ang tao, ginagamit ng Diyos ang panuntunan na paggawa ng 100% ng Kanyang gawain sa tao nang sa gayon sa kahuli-hulihan ay makamtan ang 0.1 porsyento sa puso ng tao. Ganyan ang paraan ng paggawa ng Diyos, at gayon dapat kumilos ang Diyos nang sa gayon ay makamit ang Kanyang mga layunin. Tiyak rin na karunungan ito ng mga salita ng Diyos. Natarok ba ninyo ito?

Sinasabi ng Diyos “Kapag ibinubunyag Ko ang Aking mga hiwaga nang tuwiran at ginagawang payak ang Aking kalooban sa katawang-tao, hindi ninyo ito mapapansin; maririnig ninyo ang tinig, ngunit hindi mauunawaan ang kahulugan. Ako ay napupuno ng kalungkutan. Kahit na nasa katawang-tao Ako, hindi Ko kayang gawin ang gawain ng ministeryo ng katawang-tao.” Sa isang banda, ginagawa ng mga salitang ito ang mga tao, dahil sa kanilang pagka-manhid, na magkusang makipagtulungan sa Diyos; sa kabilang banda, ibinubunyag ng Diyos ang tunay na mukha ng Kanyang pagka-Diyos sa katawang-tao. Dahil napakaliit ang katayuan ng mga tao, ang pagbubunyag ng pagka-Diyos sa panahon na nasa katawang-tao ang Diyos ay ayon lamang sa mga kakayahan ng tao sa pagtanggap. Sa panahon ng yugtong ito ng gawain, karamihan ng mga tao ay nananatiling walang kakayahang lubos na tumanggap, na ganap na nagpapakita kung gaano kahina ang kanilang mga kakayahan sa pagtanggap. Kaya, hindi lubusang ginaganap ng pagka-Diyos ang orihinal na tungkulin nito kapag gumagawa; maliit lamang na bahagi ito. Ipinakikita nito na sa gawain ng hinaharap, unti-unting mabubunyag ang pagka-Diyos ayon sa kalagayan ng pagpapanumbalik sa tao. Ang pagka-Diyos, gayunpaman, ay hindi lumalago nang unti-unti, kundi kung ano ang likas na mayroon ang nagkatawang-taong Diyos, at hindi tulad ng katayuan ng tao.

Mayroong layunin at kahulugan sa paglikha ng Diyos sa tao, at kaya sinabi ng Diyos, “Kung winasak ng Aking galit ang tao, ano ang magiging kahalagahan ng Aking paglikha ng langit at lupa?” Pagkatapos na ang pinasama tao, binalak ng Diyos ang pagkamit sa isang bahagi ng mga tao para sa Kanyang kasiyahan; hindi ito ang kalagayan na wawasakin ang lahat ng mga tao, o na sila ay aalisin sa katiting na paglabag sa mga utos sa pangangasiwa ng Diyos. Hindi ito ang kalooban ng Diyos. Gaya ng sinabi ng Diyos, wala iyang magiging kabuluhan. Talagang dahil sa “kawalang-kabuluhang” ito na ang karunungan ng Diyos ay nagawang malinaw. Hindi ba mayroong mas malaking kabuluhan sa pagsasalita at paggawa ng Diyos sa maraming mga kaparaanan upang kastiguhin, hatulan, at hagupitin ang lahat ng mga tao, sa kahuli-hulihan ay pinipili yaong mga tunay na nagmamahal sa Kanya? At talagang sa paraang ito na ang mga gawa ng Diyos ay ibinubunyag, kaya’t ang paglikha sa tao ay nagiging mas makahulugan. Sa gayon, karamihan sa mga salita ng Diyos ay dumaraan; ito ay upang magkamit ng layunin, at ito lamang ang realidad ng ilan sa Kanyang mga salita.

Sinundan:Kabanata 8

Sumunod:Karagdagan 1: Kabanata 1

Baka Gusto Mo Rin