Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Pakahulugan sa Ikatatlumpu’t-limang Pagbigkas

Sa kasalukuyang mga araw, lahat ng mga tao, sa magkakaibang mga antas, ay nakápások sa isang katayuan ng pagkastigo. Gaya ng sinabi ng Diyos, “Sumusulong Ako kaagapay ng mga tao.” Ito ay walang-pasubaling totoo, nguni’t hindi pa rin makayang lubusang maunawaan ng mga tao ang puntong ito. Bilang resulta, bahagi ng gawaing nagáwâ nila ay hindi kinailangan. Sinabi ng Diyos, “tinutulungan Ko at pinagkakalooban sila ayon sa kanilang tayog. Dahil ang mga tao ang pangunahing tauhan ng Aking buong planong pamamahala, iniuukol Ko ang higit na paggabay sa mga yaong nasa papel na ito ng ‘sangkatauhan’ upang magampanan nila ito nang buong-puso at sa pinakamahusay nilang kakayahan,” gayundin, “Gayunpaman, ayaw Kong pulaan ang kanilang mga konsensya nang tuwiran; sa halip, patuloy Ko silang ginagabayan nang matiyaga at sistematiko. Sa paanuman, ang mga tao ay mahina, at hindi kayang magsakatuparan ng anumang gawain.” Ito ang pag-iisip ng Diyos: Kahit na Siya ay humantong sa lubusang pagwasak sa lahat ng mga taong ito, ang Kanyang gawain sa lupa ay magpapatuloy pa rin ayon sa Kanyang orihinal na plano. Ang Diyos ay hindi gumagawa ng walang-kabuluhang gawain; lahat ng Kanyang ginagawa ay mabuti. Gaya ng sinabi ni Pedro, “Kahit na kung pinaglalaruan man ng Diyos ang mga tao tulad ng sila ay mga laruan, paanong makakaya ng mga tao na dumaing? Anong magiging karapatan nila?” Hindi ba ito ang kung ano ang inasam ng Diyos na makamit sa sangkatauhan sa kasalukuyan?[a] Talaga bang maaaring magkaroon ng ganitong pananaw ang mga tao? Bakit ang Pedro ng nakaraang dalawang libong taon ay nakayang magsabi ng gayong bagay, samantalang ang mga “Pedro” sa mataas-na-teknolohiya at makabagong kapanahunan ng kasalukuyan ay hindi? Hindi Ko kayang sabihin nang tiyak kung ang kasaysayan ay sumusulong o umuurong. Kung ang siyensiya man ay nakasulong ng isang hakbang o nakaurong ay, hanggang sa ngayon, isa pa ring katanungan na walang sinumang makasasagot. Lahat ng nagáwâ ng Diyos sa sangkatauhan ay naging ang gawin silang positibo at tulutan silang lumágô sa buhay. Hindi ba ito masagap ng tao? Lahat ng nagsasanhi sa iyo na maging negatibo ay isang mahina mong punto; ito ay isang mahalagang punto ng kawalang-kalaban-laban, bukás sa mga pagsalakay ni Satanas. Nauunawaan mo ba ito? Bakit ba nagsalita ang Diyos sa ganitong paraan? “Agaran Kong hinihiling ang mga iyon nang buong sigasig at kataimtiman. Tunay bang hindi nila kayang gawin ang Aking hinihingi?” Ano ang kahulugan ng mga salitang ito? Bakit ba itinanong ng Diyos ang tanong na ito? Ipinakikita nito na mayroong napakaraming negatibong aspeto ang sangkatauhan, at isa lamang uri ng negatibong salik ay sapat upang magsanhi sa mga tao na matisod. Makabubuting iyong tingnan at iyong makita kung ano ang dadalhin sa iyo ng pagpapatuloy sa iyong mga negatibong gawi. Lahat ng ginagawa ng Diyos ay sa layuning perpektuhin ang sangkatauhan. Kailangan pa ba nito ang higit pang paliwanag? Palagay Ko’y hindi na! Maaaring may punto na ang mga tao ay naangkin ni Satanas, nguni’t magiging lalong higit na mabuting sabihin na ang mga tao ay naangkin ng pagkanegatibo. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag ng mga tao ng kanilang mga sarili; ito ay isang bahagi ng kanilang laman. Silang lahat ay hindi namamalayang nahulog sa pagkanegatibo, at kasama nito, ang pagkastigo. Ito ay isang bitag na inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan, at ito ay kung kailan natatagpuan ng mga tao ang mga bagay-bagay na lubhang nakakalito. Dahil ang mga tao ay nananahan sa pagkanegatibo, mahirap para sa kanila na kumawala mula sa pagkastigo. Hindi ba ganito ang mga bagay-bagay sa mga araw na ito? Nguni’t paano mababalewala ng mga tao ang mga salita ng Diyos: “Ngayong mga araw, si Satanas ay sukdulan ang paglaganap. Bakit hindi Ko sinasamantala ang pagkakataong ito upang ipakita ang tuon ng Aking gawain sa layuning ibunyag ang Aking kapangyarihan?” Sa sandaling Ako ay magsalita upang paalalahanan sila, ang mga tao mula sa mga iglesia ay agad na bumabagsak tungo sa pagkastigo. Ito ay dahil pagkatapos ng dalawang buwang gawain ng Diyos, ang mga tao ay hindi pa rin sumasailalim sa anumang mahalagang pagbabago ng kalooban. Sinusuri lamang nila ang mga salita ng Diyos gamit ang kanilang sariling mga isipan. Gayunpaman, sa tunay na pangyayari, ang kanilang mga katayuan ay hindi man lamang nagbago; negatibo pa rin ang mga iyon. Bilang sa ito ang katayuan, kapag binabanggit ng Diyos na ang mga panahon ng pagkastigo ay narito na, ang mga tao ay agad na nababalisa, iniisip:[b] “Hindi ko alam kung ako ay itinalaga ng Diyos o hindi, ni alam ko kung kaya kong tumayo nang matatag sa ilalim ng pagkastigong ito. Mas mahirap pa na malaman kung anu-ano ang mga pamamaraan na gagamitin ng Diyos upang kastiguhin ang mga tao.” Ang mga tao ay natatakot lahat sa pagkastigo, gayunman ay hindi kayang magbago. Sila ay nagdurusa lamang sa katahimikan, nguni’t natatakot din na hindi nila makakayang tumayo nang matatag. Sa kawalang ito ng pagkastigo at pagpapahirap ng mga salita, ang mga tao ay walang kamalayang lahat na nauwi sa pagkastigo. Sa gayon, silang lahat ay ninenerbiyos at hindi mapanatag. Ito ay tinatawag na “pag-aani ng hindi nila itinanim,” dahil hindi man lamang nauunawaan ng mga tao ang gawain ng Diyos. Sa katunayan, ang Diyos ay walang pagnanais na magsayang ng higit pang mga salita sa mga taong ito; tila ang Diyos ay gumamit ng ibang paraan ng pakikitungo sa kanila na hindi tunay na pagkastigo. Ito ay gaya ng kapag ang isang tao ay nakakahuli ng isang sisiw at dinadampot ito upang makita kung ito ay inahing manok o tandang; maaring hindi ito tila isang malaking usapin, nguni’t ang maliit na sisiw ay masyadong matatakot kaya magpupumiglas ito upang makawala, na para bang takot na takot na kakatayin ito at kakainin ang karne nito, dahil ang sisiw ay walang pagkakilala sa sarili nito. Paano kakatayin ng isa at kakainin ang isang sisiw na tumitimbang lamang ng ilang onsa? Hindi ba magiging walang-kabuluhan iyan? Ito ay eksaktong gaya ng sinabi ng Diyos: “Bakit, kung gayon, patuloy Akong iniiwasan ng mga tao? Ito ba ay dahil sa ituturing Ko sila na gaya ng mga sisiw, na papatayin sa sandaling sila ay mahuli?” Samakatuwid, ang pagdurusa ng tao ay lubos na “hindi-makasariling” pag-aalay, at maaaring masabi na isang walang-silbing halaga upang bayaran. Ito ay dahil hindi nila kilala ang kanilang mga sarili kaya sila ay nakadarama ng takot; bilang resulta, hindi nila mahayaang madala ng hangin ang lahat ng pag-iingat. Ito ang kahinaan ng sangkatauhan. Ang mga salitang binigkas ba ng Diyos, “Sa katapusan, hayaan ang mga tao na kilalanin ang kanilang mga sarili. Ito ang Aking huling layunin,” ay lipás na sa panahon? Sino ang talagang nakakakilala sa kanilang mga sarili? Kung hindi kilala ng tao ang kanilang mga sarili, kung gayon anong nagbibigay sa kanila ng karapatan upang makastigo? Tingnan ang mga kordero bilang halimbawa. Paano sila makakatay kung hindi sila nakálákí tungo sa pagiging tupa? Paanong ang isang puno na hindi namunga ay matatamasa ng mga tao? Bawa’t isa ay nagbibigay ng sobrang pagpapahalaga sa “pagbabakuna”. Sa gayon, ang mga tao ay gumagawang lahat ng gawain ng pag-aayuno, at sa gayon ay nagugutom. Ito ay isang halimbawa ng pag-aani kung ano ang kanilang naítáním; sila ay nagpapakasira sa kanilang sarili. Ito ay hindi sa ang Diyos ay malupit o hindi-makatao. Kung isang araw biglang makilala ng mga tao ang kanilang mga sarili at manginig sa takot sa harap ng Diyos, kung gayon ang Diyos ay magsisimulang kastiguhin sila. Sa paraang ito lamang buong-pagpapasakop at handang yakapin ng mga tao ang kahirapan. Paano naman ang ngayon? Ang mga tao ay nakakatanggap lahat ng pagkastigo nang laban sa kanilang kalooban, gaya ng mga bata na pinapapagluto ng kakainin. Paanong ang mga taong gaya niyan ay hindi makadarama ng pagkaasiwa? Bawa’t isa ay nag-iisip, “O siya! Hangga’t ako ay kinakastigo, mabuti pang aking iyuko ang aking ulo at umamin! Anong magagawa ko? Kahit na ako ay umiiyak, kailangan ko pa ring bigyang-kasiyahan ang Diyos, kaya anong magagawa ko? Sinong nagsabi sa akin na sumuong sa landas na ito? O siya! Ituturing ko na lamang ang aking sarili na malas!” Hindi ba’t ganito kung mag-isip ang mga tao?

Gaya ng sinabi ng Diyos, “Bawa’t isa ay mabuti ang asal, at walang sinuman ang nangangahas na lumaban. Ang lahat ay nasa ilalim ng Aking paggabay, ginagawa ang kanilang mga gawain na iniatas Ko sa kanila.” Kitang-kita, walang isa mang tao ang maluwag-sa-kaloobang tumatanggap ng pagkastigo, at higit pa rito, ito ay nagmumula sa Diyos, dahil ang mga tao ay nais lahat na mamuhay sa kaginhawahan sa halip na kaguluhan at kawalang-kaayusan. Sinabi ng Diyos, “Sinong hindi takót sa kamatayan? Ang mga tao ba ay tunay na handang isakripisyo ang kanilang mga sarili?” Ito ay walang-pasubaling tama; bawa’t isa ay takót na mamatay malibang, sabihin pa, kapag nilamon ng galit o kawalang-pag-asa. Ito ay pantaong nilalaman, at ang pinakamahirap na lusutan. Sa kasalukuyan ang Diyos ay naparito eksaktong upang lutasin ang kalituhan. Ang mga tao ay walang-kapangyarihang lahat, kaya ang Diyos ay lumihis sa Kanyang daan upang pumagitna sa kanila at magtayo ng isang espesyalistang pagamutan upang pagalingin sila mula sa ganitong uri ng sakit. Hindi mabunot ng mga tao ang kanilang mga sarili mula sa nagbubuhol na karamdamang ito, na siyang dahilan kung bakit silang lahat ay balisang-balisa na nagkakaroon sila ng pamámágâ ng bibig, at ang kanilang mga tiyan ay lumalaki. Sa pagdaan ng panahon ang sukat ng hanging taglay nila ay lumalaki, nagreresulta sa pagtaas ng presyon. Sa huli, sumasabog ang kanilang mga tiyan at silang lahat ay nangamamatay. Samakatuwid, sa puntong iyan, nilunasan ng Diyos ang malalang pantaong karamdamang ito, dahil bawa’t isa ay namatay. Hindi ba paglunas ito sa kalagayan ng tao? Ang Diyos ay kusang dumating upang gawin ang gawaing ito. Dahil ang mga tao ay takót na takót sa kamatayan, Ang Diyos Mismo ay dumating upang makibahagi sa kaparehong gawain ng mga tao; dahil mayroon lamang silang napakaliit na lakas-ng-kalooban, nagsimula Siya sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagsasalarawan upang kanilang pagmasdan. Pagkatapos lamang na makita ang parisang ito magiging handa ang sinuman na tumalima. Sa kadahilanang ito, sinabi ng Diyos, “Dahil walang sinumang makapagsakatuparan ng Aking gawain, sumabak Ako sa labánán nang personal upang makibahagi sa isang pakikipagtunggali ng buhay at kamatayan laban kay Satanas.” Ito ay isang desididong pakikipaglaban, kaya alinman sa mamatay ang isda o masira ang lambat.[c] Ito ay tiyak. Dahil ang espiritu ay magtatagumpay sa katapusan, ang laman ay dapat maging ang puntirya ng kamatayan. Nauunawaan mo ba ang mga ibig sabihin nito? Gayunpaman, huwag kang maging masyadong maramdamin. Marahil ay simple ang pangungusap na ito, o marahil ito ay masalimuot. Kung anuman, hindi pa rin ito maarok ng mga tao. Ito ay may katiyakan. Maaaring kaya ng mga tao, mula sa kaibuturan ng kanilang pagdurusa, na tanggapin ang pagpipino ng salita ng Diyos; kung gayon ay masasabi ng isa na ito ay kanilang mabuting kapalaran. Gayunman, maaari ding masabi na ito ay kasawiangpalad para sa kanila. Nais Ko pa ring ipaalala sa bawa’t isa, gayunpaman, na ang hangarin ng Diyos ay tama, pagkatapos ng lahat—di-tulad sa mga hangarin ng mga tao, na palaging tungkol sa mga pagpaplano at mga pagsasaayos para sa kanilang mga sarili. Dapat kang maging malinaw tungkol dito, at hindi lumubog sa walang-katapusang pagbubulay. Hindi ba ito eksaktong isang kahinaan ng mga tao? Silang lahat ay tulad nito; sa halip na mahalin ang Diyos sa isang tiyak na antas, minamahal nila ang kanilang mga sarili sa isang tiyak na antas. Dahil Siya ay isang Diyos na naninibugho sa mga tao, lagi Siyang may hinihingi sa kanila. Mas minamahal ng mga tao ang kanilang mga sarili, mas hinihingi ng Diyos sa kanila na mahalin Siya, at mas nagiging mahigpit ang Kanyang mga hinihingi sa kanila. Ito ay para bang sadyang binibiro ng Diyos ang mga tao. Kung tunay Siyang minamahal ng mga tao, kung gayon ay tila wala Siyang pakialam dito. Dahil dito, ang mga tao ay nagkakamot lahat ng kanilang mga ulo at pinipingot ang kanilang mga tainga habang sila ay dumadako sa pagbubulay. Ito ay isang salaysay tungkol sa disposisyon ng Diyos, isang maikling pagbanggit lamang ng isa o dalawang bagay. Ito ang kalooban ng Diyos. Ito ang hinihingi ng Diyos na malaman ng mga tao; ito ay hindi-maaaring hindi mangyari. Ito ay isang bagong gawain na nangangailangan sa inyong mga tao na makayang gumawa nang masigasig upang makapasok at magkaroon ng ilang bagong pag-unlad. Nauunawaan mo ba ito? Kailangan mo bang magsalita pa Ako nang higit tungkol sa paksa?

Gaya ng sinusundang mga kapanahunan, sinabi ng Diyos, “walang isa mang tao ang Aking napili; bawa’t isa ay tinanggihan ng Aking katahimikan. Ito ay dahil ang mga taong iyon sa nakaraan ay hindi naglingkod sa Akin ng may buong-kaisipang pag-aalay; Samakatuwid ay hindi Ko rin sila minahal nang natatangi. Kinuha nila ang mga “regalo” ni Satanas at pagkatapos ay bumaligtad at inialay ang mga iyon sa Akin; sa ginawa nila, hindi ba ito paninirà laban sa Akin?” Paano maipaliliwanag ang mga salitang ito? Para bang sinabi ng Diyos: “Lahat ng mga regalo ay nagmula kay Satanas.” Ang mga nakaraang salinlahi ng mga apostoles at mga propeta ay buong nakaasa sa kanilang mga regalo habang gumagawa ng kanilang gawain, at sa paglipas ng mga kapanahunan, nagámit ng Diyos ang kanilang mga kaloob upang isagawa ang Kanyang gawain. Ito ang kung bakit sinabi na ang paglilingkod ng lahat ng mga taong may mga kaloob ay nagmumula kay Satanas. Gayunpaman, gaya ng sinasabi ng Diyos,[d] “ginagamit Ko ang panlilinlang ni Satanas bilang Aking alalay,” dahil sa Kanyang karunungan. Sa gayon, napangalanan ng Diyos ang paglilingkod ng mga tao na may mga kaloob bilang mga regalo mula kay Satanas. Dahil ang mga iyon ay kay Satanas, tinatawag ng Diyos ang mga iyon na panínírà. Ito ay hindi walang-basehang paratang laban sa mga tao; ito ay matibay at akmang pagpapaliwanag. Sa kadahilanang ito, sinabi Niya, “hindi Ko ibinunyag ang Aking pagkainis; sa halip, sinubukan Kong gamitin ang kanilang pakanâ sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga “regalong” ito sa mga materyales na ginagamit sa Aking pamamahala. Kalaunan, sa sandaling maproseso ang mga iyon ng makina, Aking susunugin ang lahat ng lalabas na basura.” Ito ang napakakahanga-hanga tungkol sa gawain ng Diyos. Ang puntong ito sa paanuman ay nakalinya sa mga pantaong paniwala, dahil walang sinumang mag-iisip na yaong mga namumuno bilang mga hari ay hindi mga taong may mga kaloob, sila ay ang mga walang-kaloob na mga tao na minamahal ng Diyos. Gaya ng nakikita, ang mga ideya o mga inaasahan nina Witness Lee at Watchmen Nee ay naging abo lahat—at ang mga may-kaloob na mga tao sa kasalukuyang panahon ay walang hindi kasali. Ngayon ay nasimulan ng Diyos ang gawaing ito, at Kanyang unti-unting binabawi ang lahat ng gawain ng Banal na Espiritu sa mga tao na nagsisilbi bilang pagkakaiba sa Kanyang gawain. Kapag ang gawain ng Diyos ay ganap nang natapos, ang mga taong ito ay magbabalik lahat sa kanilang orihinal na lugar. Gayunpaman, Aking inuudyukan ang mga tao na huwag kumilos nang walang-ingat bilang resulta ng Aking nasabi. Dapat kang sumabay sa daloy, sinusundan ang mga hakbang ng gawain ng Diyos upang maiwasang gambalain ito. Nauunawaan mo ba ang puntong ito? Dahil ito ang hakbang at paraan ng gawain ng Diyos. Kapag “pinararaan sa proseso” ng Diyos ang “mga regalong” ito tungo sa “mga produktong natapos,” lahat ng Kanyang mga hangarin ay makikita, at ang mga regalong nag-ukol ng serbisyo para sa Kanya ay aalising lahat; gayunpaman, ang Diyos ay magkakaroon ng mga produktong natapos upang tamasahin. Nauunawaan mo ba ito? Ang nais ng Diyos ay mga produktong natapos, hindi mayamang mga regalo na inihandog ng mga tao. Tangi lamang kapag ang bawa’t isa ay nakakuha ng upuan ayon sa kanilang bilang ng tiket, ibig sabihin ay kapag ang Diyos ay nakábálík sa Kanyang orihinal na posisyon at ang diyablo, rin, ay nakáúpô sa sariling upuan nito, gayundin ang mga anghel, walang hindi kasali—saka lamang makikita ang isang nasisiyahang ngiti sa mukha ng Diyos, sapagka’t ang Kanyang mga hangarin ay nabigyang-kasiyahan na, ang Kanyang tinutumbok ay nakamit na. Ang Diyos ay hindi na muling maghahanap ng “tulong” mula sa “diyablo,” dahil ang mga hangarin ng Diyos ay bukás nang maibubunyag sa mga tao, at hindi na kailanman ipagagawa sa mga tao na ipaalam ang mga iyon. sa panahong ito, ang kanilang mga katawang laman ay magiging kaisa ng kanilang mga espiritu. Ito ang ibinubunyag ng Diyos sa mga tao; ito ang huling hantungan ng espiritu, kaluluwa, at katawan. Ito ang lahatang-kabuuan ng orihinal na ideya ng “sangkatauhan.” Hindi na ito kailangang mapag-aralan nang detalyado; sapat nang malaman ang isa o dalawang bagay tungkol dito. Nauunawaan mo ba?

Mga talababa:

a. Ang orihinal na teksto ay nababasang “Hindi ba ito ang nakakamit ng Diyos sa sangkatauhan sa kasalukuyan?”

b. Ang orihinal na teksto ay walang “iniisip.”

c. Alinman sa mamatay ang isda o masira ang lambat: isang talinghagang Tsino, ibig sabihin “isang buhay at kamatayang pakikipagtunggali.”

d. Ang orihinal na teksto ay walang “gaya ng sinasabi ng Diyos.”

Sinundan:Pakahulugan ng Ang Ika-tatlumpu’t tatlong Pagbigkas

Sumunod:Pakahulugan sa Ikatatlumpu’t-anim na Pagbigkas

Baka Gusto Mo Rin