Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Gawain at Pagpasok (9)

Ang nakábáóng mga katutubong kaugalian at pangkaisipang pananaw ay matagal nang nakalambong sa ibabaw ng dalisay at walang-muwang na espiritu ng tao, nasalakay ng mga iyon ang kaluluwa ng tao na wala kahit bahagyang pagkatao, na parang walang damdamin o anumang pakiramdam sa sarili. Sukdulang malupit ang mga paraan ng mga demonyong ito, at para bang ang “edukasyon” at “pag-aaruga” ay naging mga tradisyonal na pamamaraan kung paano pinapaslang ng hari ng mga diyablo ang tao; gamit ang “malalim na katuruan” nito lubusan nitong tinatakpan ang pangit nitong kaluluwa, nagbibihis-tupa upang kunin ang tiwala ng tao at pagkatapos ay sasamantalahin kapag ang tao ay natutulog na ganap siyang lamunin. Kaawa-awang sangkatauhan—paano kaya nila malalaman na ang lupain kung saan sila ay pinalaki ay ang lupain ng diyablo, at ang nagpalaki sa kanila sa katunayan ay isang kaaway na nananakit sa kanila. Datapwa’t hindi pa rin nagigising man lamang ang tao; sawà na sa kanyang gutom at uhaw, naghahanda siya upang gantihan ang “kabaitan” ng kanyang mga “magulang” sa pagpapalaki sa kanya. Ganyan ang tao. Ngayon, hindi pa rin niya alam na ang hari na nagpalaki sa kanya ay kanyang kaaway. Ang lupa ay nakakalatan ng mga buto ng patay, baliw na nagsásayáng walang-tigil ang diyablo, at nagpapatuloy sa paglamon sa laman ng tao sa “mundo ng mga patay,” kasama sa libingan ng mga kalansay ng tao at walang-sawà sa pagtatangkang ubusin ang huling mga labî ng sira-sirang katawan ng tao. Gayunpaman ang tao ay wala pa ring kamuwang-muwang, at hindi kailanman itinuring ang diyablo bilang kanyang kaaway, bagkus ay pinagsisilbihan niya ito nang kanyang buong-puso. Ang ganoong kasámáng mga tao ay walang-kakayahang kilalanin ang Diyos. Madali ba para sa Diyos ang maging laman at dumating sa kalagitnaan nila, isinasakatuparan ang lahat ng Kanyang gawain ng pagliligtas? Paano kaya magagawa ng tao, na sumisid na sa Hades, na katagpuin ang mga kinakailangan ng Diyos? Maraming mga gabi na walang tulog ang tiniis ng Diyos para sa kapakanan ng gawain ng sangkatauhan. Mula sa kaitaasan hanggang sa pinakamababang kalaliman, nakábábâ Siya sa buháy na impiyerno kung saan ang tao ay nabubuhay upang gugulin ang Kanyang mga araw kasama ang tao, hindi kailanman nagreklamo sa panlilimahid ng tao, hindi kailanman sinisi ang tao dahil sa kanyang pagsuway, nguni’t tinitiis ang pinakamatinding kahihiyan habang personal Niyang isinasakatuparan ang Kanyang gawain. Paano kayang ang Diyos ay mabibilang sa impiyerno? Paano Niya magugugol ang Kanyang buhay sa impiyerno? Nguni’t para sa kapakanan ng buong sangkatauhan, nang sa gayon ang buong sangkatauhan ay makasumpong ng kapahingahan sa lalong mas madaling panahon, natiis Niya ang kahihiyan at nagdusa ng kawalang-katarungan upang makaparito sa lupa, at personal na pumasok sa “impiyerno” at “Hades,” sa yungib ng tigre, upang iligtas ang tao. Paanong kwalipikado ang tao na kontrahin ang Diyos? Anong dahilan ang mayroon siya upang minsan pang magreklamo tungkol sa Diyos? Paano siya nagkakaroon ng lakas-ng-loob na muling tumingin sa Diyos? Nakarating dito sa pinakamaruming lupain ng kasamaan ang Diyos ng langit, at hindi kailanman ibinulalas ang kanyang mga hinaing, o nagreklamo tungkol sa tao, bagkus ay tahimik na tinatanggap ang mga pamiminsala[1] at pang-aapi ng tao. Hindi Siya kailanman gumanti sa hindi-makatwirang mga hinihingi ng tao, hindi Siya kailanman humingi nang labis sa mga tao, at hindi Siya kailanman gumawa ng hindi-makatwirang mga paghingi sa tao; ginagawa lamang Niya ang lahat ng mga gawain na kinakailangan ng tao nang walang reklamo: pagtuturo, pagliliwanag, pagsaway, pagpipino ng mga salita, pagpapaalala, panghihikayat, pang-aaliw, paghatol at pagbubunyag. Alin sa Kanyang mga hakbang ang hindi naging para sa buhay ng tao? Kahit naalis Niya ang mga inaasam-asam at kapalaran ng tao, alin sa mga hakbang na isinakatuparan ng Diyos ang hindi para sa kapalaran ng tao? Alin sa mga iyon ang hindi para sa kapakanan ng pananatiling buháy ng tao? Alin sa mga iyon ang hindi para palayain ang tao mula sa paghihirap at pang-aapi ng maitim na pwersa ng kadiliman na kasing-itim ng gabi? Alin sa mga iyon ang hindi para sa kapakanan ng tao? Sino ang maaaring makaunawa sa puso ng Diyos, na tulad ng isang mapagmahal na ina? Sino ang maaaring makaabot sa sabik na puso ng Diyos? Ang masintahing puso ng Diyos at marubdob na mga pag-asam ay ginantihan ng malalamig na pakikitungo, ng mga matang walang pakiramdam at walang-pakialam, ng paulit-ulit na mga pagsaway at mga pang-iinsulto ng tao, ng masasakit na mga salita, at pambabárá, at pangmamaliit, ginantihan ang mga iyon ng panlilibak ng tao, ng kanyang pangyuyurak at pagtanggi, ng kanyang hindi tamang pagkaunawa, at pagdaing, at paghiwalay, at pag-iwas, ng walang anuman kundi pandaraya, pag-atake, at kapaitan. Ang mga magigiliw na salita ay sinalubong ng mababangis na mga mukha at ng malamig na pagsuway ng isang libong sumásawáy na mga daliri. Walang magawa ang Diyos kundi magtiis, nakayuko ang ulo, pinagsisilbihan ang mga tao na parang maamong toro.[2] Gaano karaming mga araw at buwan, ilang beses Niyang hinarap ang mga bituin, gaano karaming beses Siya umalis sa madaling araw at bumalik sa dapit-hapon, at pabaling-baling, tinitiis ang matinding paghihirap na mas matindi ng isang libong beses kaysa sa sakit ng Kanyang pag-alis mula sa Kanyang Ama, tinitiis ang mga pag-atake at pananakit ng tao, at ang pakikitungo at pagpupungos ng tao. Sinuklian ang kababaang-loob at pagkatago ng Diyos ng pagkiling[3] ng tao, ng mga di-makatarungang mga pananaw at pakikitungo ng tao, at ang Kanyang pagiging-di-kilala, pagtitiis, at pagpaparaya ay sinuklian ng sakim na titig ng tao; sinusubukan ng tao na magdabog sa Diyos hanggang kamatayan, walang pagsisisi, at sinusubukang yapakan ang Diyos sa lupa. Ang saloobin ng tao sa kanyang pakikitungo sa Diyos ay isa ng “bihirang katalinuhan,” at ang Diyos, na tinatakot at hinahamak ng tao, ay mariing tinapakan sa ilalim ng mga paa ng sampu-sampung libong mga tao habang ang tao sa sarili niya ay nakalindig nang mataas, na para bang siya ay magiging hari ng kastilyo, na para bang nais niyang kunin ang lubos na kapangyarihan,[4] na hawakan ang hukuman mula sa likod ng isang tabing, upang gawin ang Diyos na matapat at masunurin-sa-panuntunang direktor sa likod ng mga eksena, na hindi pinahihintulutang lumaban o magsanhi ng problema; dapat gampanan ng Diyos ang bahagi ng Huling Emperador, dapat Siyang maging isang sunud-sunuran,[5] walang wala ng lahat ng kalayaan. Hindi maikukuwento ang mga gawain ng tao, kaya karapat-dapat ba siya na humingi ng ganito o ganoon sa Diyos? Paano siya naging kwalipikadong magbigay ng mga suhestiyon sa Diyos? Paano siya naging kwalipikado na humingi sa Diyos na dumamay sa kanyang mga kahinaan? Gaano siya kaangkop na tumanggap ng awa ng Diyos? Gaano siya kaangkop na tumanggap ng kadakilaan ng Diyos nang paulit-ulit? Gaano siya kaangkop na tumanggap ng kapatawaran ng Diyos nang paulit-ulit? Nasaan ang kanyang budhi? Matagal na niyang dinurog ang puso ng Diyos, matagal na niyang iniwan ang puso ng Diyos na durug-durog. Dumating ang Diyos sa gitna ng tao na puno ng pag-asa at masaya, umaasa na ang tao ay magiging mabait sa Kanya, kahit na kaunti lamang na pagkagiliw. Nguni’t ang puso ng Diyos ay hindi gaanong maaliw ng tao, ang lahat ng Kanyang natanggap ay parang bolang-niyebeng[6] mga pag-atake at paghihirap ng kalooban; masyadong sakim ang puso ng tao, masyadong malaki ang kanyang pagnanásà, hindi siya kailanman magsasawa, lagi siyang pasáwáy at walang-patumangga, hindi niya kailanman binibigyan ng anumang kalayaan ang Diyos o karapatang magsalita at iniiwan ang Diyos na walang pagpipilian liban sa tiisin ang kahihiyan, at hayaan ang tao na manipulahin Siya kung paano man niya gusto.

Mula sa paglikha hanggang sa ngayon, nakapagtiis nang sobrang sakit ang Diyos, at nagdusa ng napakaraming mga pag-atake. Nguni’t kahit na ngayon, hindi pa rin nilulubayan ng tao ang Diyos sa kahihingi, pinag-aaralan pa rin niya ang Diyos, wala pa rin siyang pagpaparaya sa Diyos, at walang ginawa kundi bigyan Siya ng payo, at punahin Siya, at disiplinahin Siya, na tila malalim na natatakot na dadaan ang Diyos sa maling landas, na ang Diyos sa lupa ay malupit at hindi makatwiran, o nanggugulo, o na wala Siyang kahahantungang anuman. Laging may ganitong uri ng saloobin ang tao tungo sa Diyos. Paanong hindi ito makakapagpalungkot sa Diyos? Sa pagiging katawang-tao, dumanas ng matinding sakit at kahihiyan ang Diyos; gaano pa kalálâ, kung gayon, na ipatanggap sa Diyos ang mga aral ng tao? Ang Kanyang pagdating sa mga tao ay nag-alis sa Kanya ng lahat ng kalayaan, na parang nabilanggo Siya sa Hades, at tinanggap Niya ang pagsusuri ng tao na wala ni bahagya mang pagtutol. Hindi ba ito kahiya-hiya? Sa pagdating sa pamilya ng isang normal na tao, nagdusa si Jesus ng pinakamatinding kawalang-katarungan. Ang mas nakakahiya pa ay yaong dumating Siya rito sa maalikabok na mundong ito at Siya mismo ay nagpakumbaba sa pinakamababang kalaliman, at nagbihis ng katawang-tao na sukdulan ang pagiging karaniwan. Sa pagiging isang maliit na tao, hindi ba nagdurusa ng paghihirap ang Diyos na Kataas-taasan? At hindi ba ang lahat ng ito ay para sa sangkatauhan? Mayroon bang anumang mga sandali na nag-isip Siya para sa Sarili Niya? Pagkatapos Siyang tanggihan at patayin ng mga Judio, at pagtawanan at tuyain ng mga tao, hindi Siya kailanman nagreklamo sa langit o lumaban sa lupa. Ngayon, itong isang-libong-taóng gulang na trahedya ay muling lumitaw sa gitna nitong mga taong gaya ng Judio. Hindi ba sila gumagawa ng parehong mga kasalanan? Anong nagsasanhi sa tao na maging kwalipikado upang makatanggap ng mga pangako ng Diyos? Hindi ba niya tinututulan ang Diyos at pagkatapos ay tatanggapin ang Kanyang mga pagpapala? Bakit hindi kailanman hinaharap ng tao ang katarungan, o naghahanap para sa katotohanan? Bakit hindi kailanman siya interesado sa kung ano ang ginagawa ng Diyos? Nasaan ang kanyang pagkamatuwid? Nasaan ang kanyang pagiging patas? Mayroon ba siyang lakas-ng-loob na kumatawan sa Diyos? Nasaan ang kanyang pandama ng katarungan? Gaano karami roon sa minamahal ng tao ang minamahal ng Diyos? Hindi kayang kilalanin ng tao ang kaibahan ng yeso sa keso,[7] palagi siyang nalilito sa itim at puti, sinisiil niya ang katarungan at katotohanan, at itinataas nang napakataas ang kawalang-katarungan at di-pagkamatuwid. Itinataboy niya paláyô ang liwanag, at naglululundag sa gitna ng kadiliman. Yaong mga naghahanap ng katotohanan at katarungan sa halip ay itinataboy paláyô ang liwanag, yaong mga naghahanap sa Diyos ay tinatapakan Siya sa ilalim ng kanilang mga paa, at itinataas ang kanilang mga sarili tungo sa kalangitan. Hindi naiiba ang tao sa isang tulisan.[8] Nasaan ang kanyang katuwiran? Sino ang maaaring magsabi ng tama mula sa mali? Sino ang kayang manindigan para sa katarungan? Sino ang handang magdusa para sa katotohanan? Mapanira at ubod ng sama ang mga tao! Pumapalakpak sila at nagsasaya sa pagkapako ng Diyos sa krus, walang tigil ang kanilang mga malalakas na sigawan. Tulad sila ng mga manok at mga aso, magkasabwat sila at nagbubulag-bulagan, nagtatag sila ng kanilang sariling kaharian, ang kanilang panghihimasok ay walang sinasantong lugar, ipinikit nila ang kanilang mga mata at mistulang hibang na umaalulong nang paulit-ulit, ang lahat ay sama-sama sa kulungan, at lumalaganap ang nakakahawang kapaligiran, ito ay matao at buháy na buháy, at yaong bulag na ikinakabit ang kanilang mga sarili sa iba ay patuloy na dumarami, lahat ay humahawak sa “bantog” na mga pangalan ng kanilang mga ninuno. Matagal nang kinalimutan ng mga aso at mga manok na ito ang Diyos, at hindi kailanman nagbigay ng anumang pansin sa katayuan ng puso ng Diyos. Bahagyang nakapagtataka na sinasabi ng Diyos na ang tao ay tulad ng isang aso o isang manok, isang tumatahol na aso na nagsasanhi sa isandaang iba pa na magsiungol; sa ganitong paraan, nadala ng sobrang publisidad ang gawain ng Diyos sa kasalukuyan, hindi alintana kung ano ang katulad ng gawain ng Diyos, kung may katarungan man, kung ang Diyos man ay may lugar na matutungtungan, kung ano ang kahalintulad ng bukas, ng kanyang sariling kababaan, at ng kanyang sariling karumihan. Hindi kailanman napag-isipan ng tao nang ganoong katindi ang tungkol sa mga bagay-bagay, hindi siya kailanman nag-aalala sa kanyang sarili para sa kinabukasan, at tinipon ang lahat ng kapaki-pakinabang at mahalaga sa kanyang sariling pag-aari, walang iniwan sa Diyos maliban sa mga patapong piraso at mga tira-tira.[9] Kaylupit ng sangkatauhan! Hindi niya alintanang saktan ang damdamin ng Diyos, at pagkatapos lamuning palihim ang lahat na mayroon ang Diyos, inihahagis niya ang Diyos paláyô sa likuran niya, hindi na pinapansin ang Kanyang pag-iral. Nasisiyahan siya sa Diyos, datapuwa’t sinasalungat ang Diyos, at niyuyurakan Siya sa ilalim ng kanyang paa, habang sa kanyang bibig nagpapasalamat siya at nagpupuri sa Diyos; nagdarasal siya sa Diyos, at umaasa sa Diyos, habang dinadaya rin ang Diyos; “pinupuri” niya ang pangalan ng Diyos, at tumitingala sa mukha ng Diyos, datapuwa’t siya rin ay bastos at walang-kahihiyan na nakaupo sa luklukan ng Diyos at hinahatulan ang “hindi-pagkamatuwid” ng Diyos; mula sa kanyang bibig lumalabas ang mga salita na siya ay “may utang na loob sa Diyos,” at kanyang tinitingnan ang mga salita ng Diyos, gayunpaman sa kanyang puso ay tinutuligsa niya ang Diyos; “mapagparaya” siya sa Diyos nguni’t sinisiil ang Diyos, at sinasabi ng kanyang bibig na ito ay para sa kapakanan ng Diyos; sa kanyang mga kamay hawak niya ang mga bagay ng Diyos, at sa kanyang bibig nginunguya niya ang pagkain na ibinigay ng Diyos sa kanya, nguni’t nananatiling malamig at walang emosyon ang kanyang matang nakatitig sa Diyos, na para bang nais niyang lunukin Siya nang buo; tinitingnan niya ang katotohanan nguni’t pilit na sinasabing ito ay panlilinlang ni Satanas; tinitingnan niya ang katarungan nguni’t pilit itong ginagawang pagtatatwa-sa-sarili; tinitingnan niya ang mga gawain ng tao, nguni’t ipinipilit na ang mga iyon ay kung ano ang Diyos; tinitingnan niya ang natural na mga kaloob ng tao nguni’t ipinipilit na ang mga iyon ay ang katotohanan; tinitingnan niya ang mga gawain ng Diyos nguni’t ipinipilit na ang mga iyon ay pagmamataas at kahambugan, ngasngas at sariling-pagkamatuwid; kapag tumitingin ang tao sa Diyos, ipinipilit niya ang pagbabansag sa Kanya bilang tao, at sinusubukang maigi na tratuhin Siya bilang isang nilalang na nakipagsabwatan kay Satanas; alam na alam niya na ang mga iyon ay ang mga pagbigkas ng Diyos, gayunma’y tatawagin ang mga iyong walang iba kundi mga sinulat ng isang tao; alam na alam niyang ang Espiritu ay natanto sa katawang-tao, nagkatawang-tao ang Diyos, nguni’t sinasabi lamang na ang katawang-taong ito ay inápó[10] ni Satanas, alam na alam niyang ang Diyos ay mapagpakumbaba at nakatago, ngunit sinasabi lamang na si Satanas ay napahiya, at ang Diyos ay nanalo. Mga walang silbi! Ang tao ay hindi man lamang karapat-dapat na maglingkod bilang mga asong-bantay! Hindi niya nakikilala ang kaibahan sa pag-itan ng itim at puti, at sadya pang pinipilipit ang itim na puti. Kaya ba ng mga puwersa ng tao at pagsalakay ng tao na mangyari ang araw ng pagpapalaya sa Diyos? Pagkatapos na sadyang salungatin ang Diyos, ang tao ay walang pakialam, o nagawa pa nitong ipapatay Siya, hindi tinutulutan ang Diyos na ipakita ang Sarili Niya. Nasaan ang pagkamatuwid? Nasaan ang pag-ibig? Umuupo siya sa tabi ng Diyos, at pinaluluhod ang Diyos upang humingi ng kapatawaran, upang sundin ang lahat ng kanyang mga pagsasaayos, upang pumayag sa lahat ng kanyang mga pagmamaniobra, at pinasusunod ang Diyos sa kanyang hudyat sa lahat nang ginagawa Niya, o kung hindi ay magagalit[11] siya at magwawalâ. Paano kayang hindi malilipos ng kapighatian ang Diyos sa ilalim ng gayong impluwensiya ng kadiliman, na pinipilipit ang itim para maging puti? Paano kayang hindi Siya mag-aalala? Bakit sinabi na noong sinimulan ng Diyos ang Kanyang pinakabagong gawain, ito ay tulad ng pagbubukang-liwayway ng isang bagong kapanahunan? Napaka- “yaman” ng mga gawa ng tao, ang “patuloy na umaagos na bukal ng buháy na tubig” ay walang-hinto sa “pagpupunong muli” sa lináng ng puso ng tao, habang ang “bukal ng tubig na buháy” ng tao ay nakikipagpaligsahan sa Diyos nang walang pangíngímî;[12] ang dalawa ay hindi mapagkakasundo, at nagtutustos ito sa mga tao sa halip na ang Diyos nang walang anumang pasubali, samantalang ang tao ay nakikipagtulungan dito nang walang anumang pagsasaalang-alang sa mga panganib na kasangkot. At para sa anong epekto? Walang-pangíngímî niyang isinantabi ang Diyos, at inilalayo Siya, kung saan hindi Siya papansinin ng tao, lubhang natatakot na kukunin Niya ang kanilang pansin, at takot na takot na ang bukal ng buháy na tubig ng Diyos ay makakaakit sa tao, at makakamit ang tao. Kaya, pagkatapos makaranas ng maraming mga taon ng makamundong alalahanin, nakikipagsabwatan siya at iniintriga ang Diyos, at pinatatamaan pa ang Diyos sa kanyang pagmumura. Para bang ang Diyos ay naging tulad ng isang troso sa kanyang mata, at desperado siyang sunggaban ang Diyos at ilagay Siya sa apoy upang mapino at mapalinis. Nakikita ang hindi-maginhawang kalagayan ng Diyos, dinadagukan ng tao ang kanyang dibdib at tatawa, sumasayaw siya sa galak, at sasabihin na ang Diyos ay inilublob din sa pagdadalisay, at sinasabing susunugin niya nang malinis ang maruming kahalayan ng Diyos, na parang ito lamang ang makatwiran at makabuluhan, na parang ang mga ito lamang ang makatarungan at makatwirang mga pamamaraan ng Langit. Ang marahas na pag-uugaling ito ng tao ay tila parehong sinadya at hindi-namamalayan. Parehong ibinubunyag ng tao ang kanyang pangit na mukha at ang kanyang kakila-kilabot at maruming kaluluwa, pati na rin ang kaawa-awang hitsura ng isang pulubi; matapos magwalâ nang husto, nagmumukha siyang kaawa-awa at nagsusumamo para sa kapatawaran ng Langit, katulad ng isang sukdulang kahabag-habag na aso. Palaging kumikilos ang tao sa hindi inaasahang mga paraan, palagi siyang “sumasakay sa likod ng isang tigre upang takutin ang iba,”[a] nakikipagsayá siya kapag kaya niya, hindi niya isinasaalang-alang ni bahagya man ang puso ng Diyos, hindi rin siya gumagawa ng anumang mga paghahambing sa kanyang sariling katayuan. Tahimik niya lamang na sinasalungat ang Diyos, na para bang ang Diyos ay nagkamali sa kanya, at hindi nararapat na tratuhin siya nang ganoon, at para bang walang mga mata ang Langit at sinasadyang gawing mahirap ang mga bagay-bagay para sa kanya. Kaya laging palihim na nagsasakatuparan ang tao ng mapanirang mga pakánâ, at hindi niya binabawasan kahit bahagya man ang kanyang mga hinihingi sa Diyos, nakatingin nang may mga matang ganid, galit na galit na nakadarag sa bawa’t galaw ng Diyos, hindi kailanman iniisip na siya ay ang kaaway ng Diyos, at umaasa na ang araw ay darating kung kailan hinawi na ng Diyos ang hamog, at ginawang malinaw ang mga bagay-bagay, at iniligtas siya mula sa “bibig ng tigre” at naghiganti sa kanyang ngalan. Kahit ngayon, hindi pa rin naiisip ng mga tao na ginagampanan nila ang papel ng sumasalungat sa Diyos na ginampanan ng napakarami sa buong mga kapanahunan; paano kaya nila malalaman na, sa lahat nang ginagawa nila, matagal na silang naligaw, na ang lahat ng kanilang naunawaan ay matagal nang nilamon ng mga dagat.

Sino ang kailannan ay nakákatánggáp ng katotohanan? Sino ang kailanman ay nakákatánggáp sa Diyos nang bukal sa kalooban? Sino ang kailanman ay masayang nag-aasam sa pagpapakita ng Diyos? Matagal nang sumámâ ang pag-uugali ng tao, at dahil sa kanyang karumihan ay matagal nang hindi makilala ang templo ng Diyos. Ang tao, samantala, ay patuloy pa ring nagsasakatuparan ng kanyang sariling gawain, laging minamaliit ang Diyos. Na para bang ang kanyang pagsalungat sa Diyos ay nakatatak na sa bato, at hindi mababago, at bilang resulta, mas nanaisin niyang masumpa kaysa magdusa sa ano pa mang masamang pagtrato sa kanyang mga salita at mga pagkilos. Paano kayang makikilala ng mga taong tulad nito ang Diyos? Paano nila masusumpungan ang kapahingahan sa piling ng Diyos? At paano sila magiging angkop na lumapit sa harap ng Diyos? Walang duda, walang mali sa paglalaan ng sarili sa plano ng pamamahala ng Diyos—pero bakit laging inilalagay ng mga tao ang gawain ng Diyos at kabuuan ng Diyos sa likod ng kanilang isipan habang di-makasariling inilalaan ang kanilang sariling dugo at luha? Ang espiritu ng mga tao na di-makasariling paglalaan ay, walang duda, mahalaga—pero paano nila malalaman na ang “seda” na hinahabi nila ay talagang hindi kayang katawanin kung ano ang Diyos? Ang mga mabubuting layunin ng mga tao ay, walang duda, mahalaga at pambihira—pero paano nila malululon ang “kayamanang walang katumbas na halaga”?[13] Bawa’t isa sa inyo ay dapat isipin ang inyong nakalipas: Bakit hindi kayo nawalay kailanman mula sa walang-pusong pagkastigo at sumpa? Bakit ang mga tao’y palaging nasa ganoong “matalik na kaugnayan” sa mga salitang makahari at matuwid na paghatol? Sinusubok ba talaga sila ng Diyos? Sinasadya ba silang dalisayin ng Diyos? At paano pumapasok ang mga tao sa gitna ng pagdadalisay? Alam ba talaga nila ang gawain ng Diyos? Ano’ng mga aral ang natutunan ng mga tao mula sa gawain ng Diyos at kanilang sariling pagpasok? Nawa’y huwag malimutan ng mga tao ang payo ng Diyos, nawa’y magkaroon sila ng kabatiran sa gawain ng Diyos, matatag na maniwala dito, at maayos na pamahalaan ang kanilang sariling pagpasok.

Mga Talababa:

1. Ang “Mga pagsalanta” ay ginagamit upang ilantad ang pagsuway ng sangkatauhan.

2. Ang “Sinalubong ng mababangis na mga kilay at malamig na pagsalungat ng isang libong sumasaway na mga daliri, nakayukong ulo, pinaglilingkuran ang mga tao kagaya ng masunuring baka” ay orihinal na iisang pangungusap, pero dito ay hinati sa dalawa upang mapalinaw ang mga bagay-bagay. Ang unang pangungusap ay tumutukoy sa mga pagkilos ng tao, samantalang ang ikalawa ay ipinahihiwatig ang pagdurusang dinanas ng Diyos, at na ang Diyos ay mapagpakumbaba at natatago.

3. Ang “Pagtatangi” ay tumutukoy sa suwail na pag-uugali ng mga tao.

4. Ang “Kunin ang ganap na kapangyarihan” ay tumutukoy sa suwail na pag-uugali ng mga tao. Itinataas nila ang kanilang sarili, tinatanikalaan ang iba, pinasusunod sa kanila at pinagdurusa para sa kanila. Sila ang mga puwersang kumakalaban sa Diyos.

5. Ang “Tau-tauhan” ay ginagamit para tuyain yaong mga hindi nakakakilala sa Diyos.

6. Ang “Mabilis na paglaki” ay ginagamit para idiin ang hamak na pag-uugali ng mga tao.

7. Ang “Hindi makilala ang pagkakaiba ng yeso sa keso” ay ipinahihiwatig kapag pinipilipit ng mga tao ang kalooban ng Diyos tungo sa isang bagay na maka-satanas, pangkalahatang tumutukoy sa pag-uugali kung saan tinatanggihan ng mga tao ang Diyos.

8. Ang “Tulisan” ay ginagamit upang ipahiwatig na ang mga tao ay hangal at kulang sa kabatiran.

9. Ang “Mga patapong-piraso at mga tira-tira” ay ginagamit upang ipahiwatig ang pag-uugali kung saan sinisiil ng mga tao ang Diyos.

10. Ang “Inápó” ay ginagamit nang patuya.

11. Ang “Galit na galit” ay tumutukoy sa pangit na mukha ng taong nagagalit at nayayamot.

12. Ang “Walang pag-aatubili” ay tumutukoy sa mga tao kapag sila ay pabáyâ, at wala ni katiting na paggalang sa Diyos.

13. Ang “Kayamanang walang katumbas na halaga” ay tumutukoy sa kabuuan ng Diyos.

a. Ito’y isang talinghagang Tsino.

Sinundan:Gawain at Pagpasok (8)

Sumunod:Gawain at Pagpasok (10)

Baka Gusto Mo Rin