Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Ang Ikasandaa’t-walong Pagbigkas

Sa loob Ko, lahat ay maaaring makatagpo ng kapahingahan at lahat ay maaaring maging malaya. Yaong mga nasa labas Ko ay hindi maaaring tumanggap ng kalayaan at kaligayahan dahil ang Aking Espiritu ay wala sa mga taong ito. Ang mga taong ito ay tinatawag na walang-espiritung patay. At Aking tinatawag yaong mga nasa loob Ko na mga buháy na taong may mga espiritu. Sila ay sa Akin, at sila ay babalik sa Aking trono. Yaong mga naglilingkod at yaong sa diyablo ay ang mga walang-espiritung patay, at sila ay dapat na mawasak tungo sa kawalan. Ito ay isang hiwaga ng Aking planong pamamahala, at isang bagay na hindi kayang arukin ng sangkatauhan tungkol sa Aking planong pamamahala, nguni’t ito ay nailantad ko na rin sa bawa’t isa. Yaong mga hindi kabilang sa Akin ay laban sa Akin; yaong mga kabilang sa Akin ay yaong mga tugma sa Akin. Ito ay ganap na walang katanungan, at ito ay ang panuntunan ng Aking paghatol kay Satanas. Ang panuntunang ito ay dapat na malaman ng lahat upang kanilang makita ang Aking pagkamatuwid at pagiging makatarungan—lahat ng mga nagmumula kay Satanas ay hahatulan at susunugin at gagawing abo. Ito rin ay Aking poot, at makikita pa lalo ng isa ang Aking disposisyon. Mula ngayon, ang Aking disposisyon ay hayagang ipahahayag—ito ay unti-unting ibubunyag sa lahat ng mga bayan at lahat ng mga bansa, sa lahat ng mga relihiyon, lahat ng mga denominasyon, at lahat ng uri ng pamumuhay. Walang itatago. Lahat ay ibubunyag. Ito ay dahil ang Aking disposisyon at ang panuntunan ng Aking pagkilos ay ang pinaka-natatagong mga hiwaga para sa sangkatauhan kaya kailangan Kong gawin ito (nang sa gayon ay hindi malalabag ng mga panganay na anak-na-lalaki ang Aking mga utos sa pangangasiwa, at para din gamitin ang Aking nabunyag na disposisyon upang hatulan ang lahat ng mga bayan at mga bansa). Ito ang Aking planong pamamahala, at ang mga ito ang mga hakbang ng Aking gawain. Walang basta-basta magbabago niyan. Naisabuhay Ko na ang kumpletong disposisyon ng Aking pagkaDiyos sa Aking pagkatao, kaya hindi Ko hinahayaan ang sinuman na labagin ang Aking pagkatao. (Lahat ng Aking isinasabuhay ay ang banal na disposisyon—ito ang kung bakit nasabi Ko noong una, Ako ang Diyos Mismo na nangibabaw sa normal na pagkatao.) Siguradong hindi Ko patatawarin ang sinumang lumalabag sa Akin, at hahayaan Ko siyang mapahamak magpakailanman! Tandaan! Ito ang Aking pakahulugan, sa madaling salita, ito ay isang hindi-maaaring-mawalang bahagi ng Aking mga utos sa pangangasiwa. Dapat itong makita ng lahat: Ang persona na kung ano Ako ay Diyos, at higit pa, ang Diyos Mismo. Ito ay dapat maging malinaw ngayon! Hindi Ako nagsasalita nang hindi-maingat. Aking sinasabi at tinutukoy ang lahat nang malinaw, hanggang iyong ganap na nauunawaan.

Ang situwasyon ay napakabigat; hindi lamang sa Aking bahay, nguni’t lalong higit pa sa labas ng Aking bahay, Aking hinihingi na dapat ninyong saksihan ang Aking pangalan, isabuhay Ako, at saksihan Ako sa lahat ng aspeto. Dahil ang mga ito ay kasalukuyang ang mga huling panahon, lahat ay handa na ngayon at lahat ay pinananatili ang orihinal nitong itsura, at hindi na kailanman magbabago. Yaong mga dapat itapon ay itatapon, at yaong dapat panatilihin ay pananatilihin. Huwag susubukang sapilitang manghawakan o magtulak paláyô. Huwag gagambalain ang Aking pamamahala o sisirain ang Aking plano. Sa mga tao, Ako ay laging mapagmahal at mahabagin tungo sa sangkatauhan, nguni’t sa Akin, ang Aking disposisyon ay nagkakaiba-iba ayon sa mga yugto ng Aking gawain, dahil Ako ay ang buháy na Diyos Mismo, at Ako ang nag-iisang Diyos Mismo! Ako ay parehong di-nababago at laging-nagbabago. Ito ay isang bagay na walang sinumang nakakaarok. Saka lamang kapag sinabi Ko sa inyo at kapag ipinaliwanag Ko ito sa inyo magiging maliwanag kayo, mauunawaan ninyo. Sa Aking mga anak-na-lalaki, Ako ay mapagmahal, mahabagin, matuwid, at nagdidisiplina, nguni’t hindi mapanghusga (ibig Kong sabihin diyan ay hindi Ko winawasak ang mga panganay na anak-na-lalaki). Sa mga yaon bukod sa Aking mga anak-na-lalaki, Ako ay nagbabago anumang sandali depende sa pagbabago ng mga kapanahunan: mapagmahal, mahabagin, matuwid, makahari, mapanghusga, punô-ng-poot, mapanumpa, nanununog, at sa huli, winawasak ang kanilang laman. Yaong mga winawasak ay mapapahamak kasama ang kanilang mga espiritu at mga kaluluwa. Nguni’t para sa mga yaon na naglilingkod, ang kanilang mga espiritu lamang at mga kaluluwa ang pananatilihin (kung paano ito ispesipikong isasagawa, sasabihin Ko ito sa inyo sa bandang huli, para inyong maunawaan). Gayunpaman, hindi sila kailanman magkakaroon ng kalayaan at hindi kailanman palalayain, dahil sila ay nasa ilalim ng Aking bayan, at nasa ilalim ng pagkontrol ng Aking bayan. Ang dahilan na masyado Kong kinamumuhian ang mga tagaserbisyo ay dahil sila ay mga inápóng lahat ng malaking pulang dragon, at yaong hindi mga tagaserbisyo ay inápó rin ng malaking pulang dragon. Sa madaling salita, lahat ng mga hindi panganay na anak-na-lalaki ay mga inápó ng malaking pulang dragon. Kapag Aking sinasabi na yaong nasa kapahamakan ay nag-aalay sa Akin ng walang-hanggang papuri, ibig Kong sabihin na sila ay maglilingkod sa Akin magpakailanman. Ito ay pauna nang nabigyang-kahulugan. Ang mga taong iyon ay laging magiging mga alipin, mga baka, at mga kabayo. Maaari Ko silang katayin ano mang oras at maaari Ko silang pangibabawan gaya ng Aking inaasam, dahil sila ay mga inápó ng malaking pulang dragon at hindi nila taglay ang Aking disposisyon. Dahil sila ay mga inápó ng malaking pulang dragon, mayroon sila ng disposisyon nito, iyan ay, mayroon sila ng disposisyon ng mga hayop. Ito ay walang-pasubaling totoo, at walang-hanggang di-nagbabago! Dahil itong lahat ay paunang-itinálágá Ko, walang magbabago nito (ibig Kong sabihin hindi Ko hahayaan ang sinuman na kumilos laban sa tuntuning ito), kung hindi pababagsakin kita!

Dapat ninyong makita mula sa mga hiwaga na Aking ibinubunyag ang hakbang na isinusunod ng Aking planong pamamahala at Aking gawain, makita kung ano ang Aking ginagawa sa Aking mga kamay, makita kung kanino bumabagsak ang Aking mga paghatol at Aking poot. Ito ang Aking pagkamatuwid. Batay sa mga hiwagang Aking naibunyag, inilalatag Ko ang Aking gawain at Aking pinamamahalaan ang Aking plano. Walang sinumang makakapagbago nito—dapat itong magawa nang isa-isang hakbang ayon sa Aking plano.[a] Ang mga hiwaga ang landas ng pagpapatakbo ng Aking gawain, at ang mga iyon ay mga tanda para sa mga hakbang sa Aking planong pamamahala. Walang magdaragdag o magbabawas ng anuman mula sa Aking mga hiwaga dahil kung ang hiwaga ay mali, ang landas ay mali. Bakit Ko ibinubunyag ngayon ang Aking mga hiwaga sa inyo? Ano ang dahilan? Sino sa gitna ninyo ang makakapagsabi nang malinaw? At nasabi Ko nang ang mga hiwaga ang landas, kaya ano ang tinutukoy ng landas na ito? Ito ang proseso na inyong pinagdadaanan mula sa laman tungo sa katawan, at ito ay isang mahalagang yugto. Pagkatapos Kong ibunyag ang Aking mga hiwaga, ang mga pagkaintindi ng mga tao ay unti-unting inaalis at ang kanilang mga iniisip ay unti-unting pinahihina. Ito ang proseso ng pagpasok sa espirituwal na kinasasaklawan. Sa gayon ay Aking sinasabi na ang Aking gawain ay nagaganap nang isa-isang hakbang, at ito ay hindi malabo—ito ang realidad, at ito ang Aking paraan ng paggawa. Walang makapagbabago nito at walang makagagawa nito dahil Ako ang nag-iisang Diyos Mismo! Ang Aking gawain ay personal Kong tinatapos. Ang buong mundo ng sansinukob ay Ako lamang ang nagkokontrol, at Ako lamang ang nag-aayos. Sinong nangangahas na hindi makinig sa Akin? (Sa “Ako lamang” ang ibig Kong sabihin ay Diyos Mismo, dahil ang personang Ako nga ay Diyos Mismo, kaya huwag humawak nang mahigpit sa iyong sariling mga pagkaintindi.) Sinong nangangahas na lumaban sa Akin? Sila ay mahigpit na parurusahan! Nakita na ninyo ang kinalabasan ng malaking pulang dragon! Iyan ang katapusan nito, nguni’t ito rin ay di-maiiwasan. Ang gawain ay dapat na magawa Ko nang sa gayon ay mapapahiya ito, hindi na ito muli pang makakabangon, at ito ay mawawasak sa buong kawalang-hanggan! Ngayon ay nagsisimula Akong magbunyag ng mga hiwaga. (Tandaan! Karamihan sa mga hiwagang ibinubunyag ay mga bagay-bagay na malimit ninyong sinasabi ng inyong mga bibig nguni’t walang sinumang nakakaunawa.) Nasabi Ko na na ang lahat ng mga bagay na nakikita ng mga tao na hindi-pa-tapos ay natapos na sa Aking paningin, at ang mga bagay-bagay na Aking nakikita na nag-uumpisa pa lamang ay mukhang tapos na sa mga tao. Hindi ba ito ay kabalintunaan? Hindi. Nag-iisip ang mga tao ng papaganyan dahil mayroon silang kanilang sariling mga pagkaintindi at mga iniisip. Ang mga bagay-bagay na Aking pinaplano ay natatapos sa pamamagitan ng Aking mga salita (ang mga iyon ay itinatatag kapag Aking sinabing ganoon at ang mga iyon ay natatapos kapag Aking sinabing ganoon), nguni’t sa Akin ang mga bagay na nasabi Kong tapos na ay mukhang hindi pa. Ito ay dahil sa mayroong hangganan ang panahon sa mga bagay na Aking ginagawa, kaya nakikita Ko ang mga bagay na ito na hindi pa tapos, nguni’t sa makalamang mata ng mga tao (dahil sa mga pagkakaiba sa pagkaintindi sa panahon) ang mga iyon ay natapos na. Ngayon karamihan sa mga tao ay naghihinala sa Akin dahil sa Aking mga ibinunyag na mga hiwaga. Dahil sa pagpasok ng realidad, dahil ang Aking mga hangarin ay hindi tugma sa mga paniwala ng mga tao, sila ay may paglaban sa Akin at itinatatwa Ako. Ito ay si Satanas na binibitag ang sarili nito sa sarili nitong mga pakánâ. (Gusto nilang tumanggap ng mga pagpapala, nguni’t hindi nila inisip na ang Diyos ay hindi katugma ng kanilang sariling mga paniwala hanggang sa antas na ito, kaya umuurong sila.) Ito ay epekto rin ng Aking gawain. Lahat ng mga tao ay dapat magpuri sa Akin, magsaya para sa Akin, at magbigay-luwalhati sa Akin. Walang-pasubaling ang lahat ay nasa Aking mga kamay at lahat ay nasa loob ng Aking paghatol. Kapag ang lahat ng mga tao ay umagos sa Aking bundok, kapag ang mga panganay na anak-na-lalaki ay bumalik na matagumpay, iyan ang katapusang punto para sa Aking planong pamamahala. Iyan ang sandali ng pagtatapos para sa Aking anim-na-libong-taong planong pamamahala. Ang lahat ay inayos Ko nang personal. Nasabi Ko na ito nang maraming ulit. Yamang kayo ay namumuhay pa rin sa loob ng inyong mga paniwala Aking idinidiin ito nang paulit-ulit, para hindi na kayo magkamali rito at gambalain ang Aking plano. Hindi Ako natutulungan ng mga tao ni nakakasali sila sa Aking pamamahala, dahil kayo ngayon ay laman at dugo pa rin (kahit kayo ay sa Akin, kayo ay namumuhay pa rin sa laman). Kaya Aking sinasabi, yaong mga nasa laman at dugo ay hindi makakatanggap ng Aking pamana. Ito rin ang pangunahing dahilan para kayo ay papasukin sa espirituwal na kinasasaklawan.

Sa mundo, ang mga lindol ang pasimula ng sakúnâ. Una, Aking ginagawa ang mundo, iyan ay ang lupa, na mabago. Iyan ay sinusundan ng mga salot at mga taggutom. Ito ang Aking plano, ang mga ito ay Aking mga hakbang, at Aking pagagalawin ang lahat upang maglingkod sa Akin, para tapusin ang Aking planong pamamahala. Sa gayon ang buong mundo ng sansinukob ay wawasakin, kahit wala ang Aking tuwirang pakikialam. Nang Ako ay unang naging katawang-tao at ipinako sa krus, ang lupa ay yumanig nang napakalakas; ito ay magiging kapareho sa katapusan. Ang mga lindol ay magsisimula sa mismong sandali na pumapasok Ako sa espirituwal na kinasasaklawan mula sa katawang-tao. Kaya Aking sinasabi, ang mga panganay na anak-na-lalaki ay walang-pasubaling hindi magdurusa mula sa sakúnâ. Ang mga tao na hindi mga panganay na anak-na-lalaki ay maiiwan sa sakúnâ at magdurusa. Kaya, para sa sangkatauhan, lahat ay handang maging isang panganay na anak-na-lalaki. Sa mga salagimsim ng mga tao ito ay hindi para sa pagtatamasa ng mga pagpapala, kundi para takasan ang pagdurusa mula sa sakúnâ. Ito ang pakánâ ng malaking pulang dragon. Nguni’t hindi Ko ito hahayaang makatakas. Papapagdusahin Ko ito ng Aking mahigpit na parusa at pagkatapos ay tatayo pa rin at maglilingkod sa Akin (ito ay tumutukoy sa pagkukumpleto sa Aking mga anak-na-lalaki at Aking bayan), hayaan itong magpakailanmang malinlang ng sarili nitong mga patibong, magpakailanmang tanggapin ang Aking paghatol, at magpakailanmang tanggapin ang Aking pagsunog. Ito ang totoong kahulugan ng paggawa sa mga tagaserbisyo na magpuri sa Akin (ginagamit sila upang ibunyag ang Aking dakilang kapangyarihan). Hindi Ko hahayaan ang malaking pulang dragon na pumasok nang palihim sa Aking kaharian, at hindi Ko pahihintulutan ang malaking pulang dragon ng karapatang purihin Ako! (Dahil hindi ito karapat-dapat, hindi kailanman karapat-dapat!) Papapaglingkurin Ko lamang ito sa Akin hanggang kawalang-hanggan! Hahayaan Ko lamang itong magpatirapa sa harap Ko. (Yaong mga nawawasak ay mas mabuti pa kaysa mga yaon na nasa kapahamakan. Ang pagkawasak ay isang pansamantalang mabigat na parusa lamang, nguni’t yaong mga nasa kapahamakan ay magdurusa ng matinding mga kaparusahan magpakailanman, kaya ginagamit Ko ang pagpapatirapa. Dahil ang mga taong ito ay palihim na pumapasok sa Aking tahanan at nagtatamasa nang malaki sa Aking biyaya at mayroon silang kaunting kaalaman tungkol sa Akin, gumagamit Ako ng mahihigpit na mga kaparusahan. Para naman sa mga nasa labas ng Aking bahay, maaari mong sabihin na ang mangmang ay hindi magdurusa.) Sa mga paniwala ng mga tao, kanilang iniisip na ang pagkawasak ay mas masama kaysa pagkapahamak, nguni’t sa kabaligtaran, yaong mga nasa kapahamakan ay kailangang mahigpit na parusahan magpakailanman, at yaong mga nawawasak ay babalik sa kawalan magpakailanman.

Mga Talababa:

a. Ang orihinal na teksto ay nababasang “ayon sa Akin.”

Sinundan:Ang Ikasandaa’t-pitong Pagbigkas

Sumunod:Ang Ikasandaa’t-siyam na Pagbigkas

Baka Gusto Mo Rin