Kabanata 32

Ano ang liwanag? Dati-rati, aktwal ninyong itinuring ang pagbabago ng gawain ng Banal na Espiritu bilang liwanag. May totoong liwanag sa lahat ng oras: iyon ay, ang pagtatamo ng kung ano ang Diyos sa pamamagitan ng paglapit sa Akin at pakikipagbahaginan sa Akin. Ang pagkakaroon ng kabatiran sa mga salita ng Diyos at pagkaunawa sa mga layunin ng Diyos sa Kanyang mga salita—ibig sabihin, habang kinakain at iniinom ang mga ito, nadarama ninyo ang Espiritu sa mga salita ng Diyos at tinatanggap ang mga salita ng Diyos sa loob ninyo; nauunawaan ninyo kung ano Siya sa pamamagitan ng pagdanas, at tinatanggap ninyo ang pagtanglaw ng Diyos habang nakikipagniig sa Kanya; ang lahat ay liwanag. Maaari kang maliwanagan at magkaroon ng bagong kabatiran sa mga salita ng Diyos sa anumang oras habang nagninilay-nilay at nagbubulay-bulay. Kung nauunawaan mo ang salita ng Diyos at nararamdaman mo ang bagong liwanag, hindi ka ba magkakaroon ng lakas sa iyong paglilingkod? Sobra kayong nag-aalala habang naglilingkod kayo! Iyan ay dahil hindi pa ninyo naabot ang realidad, at wala kayong tunay na karanasan o kabatiran. Kung mayroon kang tunay na kabatiran, hindi mo ba malalaman kung paano maglingkod? Kapag nangyayari sa iyo ang ilang bagay, dapat mong masigasig na maranasan ang mga ito. Kung sa isang madali at maginhawang kapaligiran ay maaari ka ring mabuhay sa liwanag ng mukha ng Diyos, makikita mo ang mukha ng Diyos araw-araw. Kung nakita mo ang mukha ng Diyos at nakipag-usap ka sa Diyos, hindi ka ba magkakaroon ng liwanag? Hindi kayo pumapasok sa realidad, at palagi kayong nasa labas na naghahanap; bunga nito, wala kayong natatagpuan at naaantala ang inyong pag-unlad sa buhay.

Huwag ninyong ituon ang pansin sa labas; sa halip, lumapit lang kayo sa Diyos sa loob ninyo, makipagniig nang may sapat na lalim, at maarok ang mga layunin ng Diyos; hindi ba kayo magkakaroon kung gayon ng landas sa inyong paglilingkod? Kailangang masigasig kayong magbigay-pansin at sumunod. Kung ginagawa ninyo ang lahat ng bagay ayon lang sa Aking mga salita at pumapasok sa mga landas na itinuturo Ko, hindi ba kayo magkakaroon ng landas? Kung natagpuan mo ang landas upang makapasok sa realidad, mayroon ka ring landas para maglingkod sa Diyos. Simple lang ito! Lumapit ka pa sa presensya ng Diyos, magnilay-nilay pa lalo sa mga salita ng Diyos, at makakamtan mo ang kulang sa iyo. Magkakaroon ka rin ng bagong kabatiran at bagong kaliwanagan, at magkakaroon ka ng liwanag.

Sinundan: Kabanata 31

Sumunod: Kabanata 33

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito