Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Kabanata 4

Upang patigilin ang lahat ng tao sa paglingon at pagkadala matapos ang kanilang pagbabago mula sa negatibo tungo sa positibo, sa huling kabanata ng pagbigkas ng Diyos, sa sandaling nasabi ng Diyos ang tungkol sa Kanyang pinakamatataas na kinakailangan sa Kanyang bayan—sa sandaling nasabi ng Diyos sa mga tao ang tungkol sa Kanyang kalooban sa yugtong ito ng Kanyang plano ng pamamahala—binibigyan sila ng Diyos ng pagkakataon na pagbulay-bulayan ang Kanyang mga salita, upang tulungan silang makapagpasya na bigyang-kasiyahan ang kalooban ng Diyos sa katapusan. Kapag ang mga kalagayan ng mga tao ay positibo, kaagad na nagsisimulang tanungin ng Diyos ang mga tao tungkol sa kabilang panig ng usapin. Nagtatanong Siya ng sunud-sunod na mga katanungan na mahirap unawain para sa mga tao: “Nabahiran ba ng karumihan ang inyong pag-ibig para sa Akin? Dalisay ba at taos-puso ang inyong katapatan sa Akin? Tunay ba ang inyong pagkakilala sa Akin? Gaano ba kalaki ang lugar na Aking sakop sa loob ng inyong mga puso?” At iba pa. Sa unang bahagi ng talatang ito, maliban sa dalawang pagsaway, ang natitira ay pawang mga katanungan. Lalo na, ang “Tumama ba ang Aking mga pagbigkas sa inyong kahinaan?” ay isang napaka-akmang katanungan, at isa na tunay na sumasaling sa pinakalihim na mga bagay sa kailaliman ng mga puso ng mga tao, nagsasanhi sa kanila na di-namamalayang itanong sa kanilang mga sarili: Talaga bang tapat ako sa aking pag-ibig sa Diyos? Sa kanilang mga puso, di-namamalayang naaalala ng mga tao ang kanilang nakaraang mga karanasan sa paglilingkod: Nalipos sila ng kanilang pagpapatawad-sa-sarili, pagmamagaling, pagpapahalaga-sa-sarili, kasiyahan-sa-sarili, pagiging-kampante, at kapalaluan. Para silang isang malaking isdang nahuli sa isang lambat—at matapos mahulog sa mga lambat na ito, hindi madali para sa kanila na palayain ang kanilang mga sarili. At higit pa rito, malimit silang di-napipigilan, malimit nilang nililinlang ang normal na pagkatao ng Diyos, at inuuna ang kanilang mga sarili sa lahat ng kanilang ginagawa. Bago ang pagkatawag bilang mga “taga-serbisyo,” sila ay parang isang bagong-silang na tigre, puno ng lakas. Kahit na tila nakatuon ang kanilang pansin sa buhay, kung minsan ay sumasabay lamang sila sa agos; tulad sa isang alipin, sila ay paimbabaw tungo sa Diyos. Sa panahon ng pagkalantad bilang mga taga-serbisyo, sila ay negatibo, sila ay napag-iwanan, sila ay puno ng kalungkutan, sila ay nagrereklamo tungkol sa Diyos, sila ay nangakayuko sa kalumbayan, at iba pa. Bawat hakbang ng kanilang sariling kamangha-mangha at makabagbag-damdaming mga kasaysayan ay namamalagi sa kanilang mga isipan. Nagiging mahirap pa para sa kanila ang matulog, at ginugugol nila ang maghapon sa pagkatuliro. Parang inalis sila ng Diyos sa ikalawang pagkakataon, nahulog sa Hades, at hindi na kayang makatakas. Kahit na walang ginawa ang Diyos kundi magtanong ng ilang mahihirap na katanungan sa unang talata, basahin nang mabuti, nagpapakita ang mga iyon na ang layunin ng Diyos ay higit pa sa basta pagtatanong lamang ng mga katanungang ito; sa loob ng mga iyon ay mayroong isang mas malalim na antas ng kahulugan, isa na kailangang maipaliwanag nang may higit na detalye.

Bakit minsan ay sinabi ng Diyos na ang ngayon, magkagayunman, ay ngayon, at yamang ang kahapon ay nakaraan na, walang kabuluhan ang pangungulila—samantalang sa unang pangungusap dito, tinatanong Niya ang mga tao ng mga katanungan, at pinapapag-isip sila pabalik sa nakaraan? Isipin ninyo: Bakit sinasabi ng Diyos na huwag mangulila sa nakaraan, subali’t pag-isipan rin iyon? Maaari kayang may mali sa mga salita ng Diyos? Maaari kayang mali ang pinanggalingan ng mga salitang ito? Sadya namang yaong hindi pumapansin sa mga salita ng Diyos ay hindi magtatanong ng ganoong kalalim na mga katanungan. Nguni’t sa sandaling ito, hindi na kailangang magsalita tungkol dito. Una, hayaang ipaliwanag Ko ang “bakit” sa itaas. Siyempre, batid ng lahat na nasabi ng Diyos na hindi Siya nagsasalita ng walang-kabuluhang mga salita. Kung binibigkas ang mga salita mula sa bibig ng Diyos, kung gayon mayroong layunin at kabuluhan sa mga iyon—at hinihipo nito ang buod ng usapin. Ang pinakamalaking kabiguan ng mga tao ay ang kawalan nila ng kakayahang baguhin ang kanilang masasamang gawi at ang kailapan ng kanilang lumang kalikasan. Para tulutan ang lahat ng tao na makilala ang kanilang mga sarili nang mas lubusan at makatotohanan, inaakay muna sila ng Diyos sa pag-iisip sa nakaraan, nang sa gayon ay maaari nilang matanaw ang kanilang mga sarili nang mas malalim, at sa gayon ay malaman na wala kahit isa sa mga salita ng Diyos ang walang-kabuluhan, at ang lahat ng salita ng Diyos ay natutupad sa iba’t ibang mga tao sa iba’t ibang antas. Sa nakaraan, ang paraan ng pakikitungo ng Diyos sa mga tao ay nagbigay sa kanila ng kaunting pagkakilala sa Diyos at ginawang higit na taos-puso ang kanilang katapatan sa Diyos. Ang salitang “Diyos” ay sumasakop lamang ng 0.1 porsiyento sa mga tao at kanilang mga puso. Ang pagkamit sa ganito kalaki ay nagpapakitang nakapagsakatuparan ang Diyos ng napakalaking halaga ng pagliligtas. Makatuwiran na sabihin na ang pagtupad ng Diyos ng ganito kalaki sa pangkat na ito ng mga tao—isang pangkat na pinagsasamantalahan ng malaking pulang dragon at inangkin ni Satanas—ay gayon na hindi sila nangangahas na gawin ang kanilang maibigan. Iyan ay dahil sa imposible para sa Diyos na sakupin ang isandaang porsiyento ng mga puso niyaong mga naangkin ni Satanas. Upang madagdagan ang pagkakilala ng mga tao sa Diyos sa panahon ng susunod na hakbang, inihahalintulad ng Diyos ang mga kalagayan ng mga taga-serbisyo ng nakaraan sa mga tao ng Diyos sa ngayon, sa gayon ay lumilikha ng malinaw na pagkakaiba na nagdaragdag sa pakiramdam ng kahihiyan ng mga tao. Gaya ng sinabi ng Diyos, “kayo ay walang mapagtataguan ng inyong kahihiyan.”

Kaya, bakit Ko sinabi na ang Diyos ay hindi basta nagtatanong ng mga katanungan para lamang makapagtanong? Ang maingat na pagbasa mula umpisa hanggang katapusan ay nagpapakita na, kahit tila masalimuot ang mga katanungang mula sa Diyos, lahat ng iyon ay tumutukoy sa hangganan ng katapatan at pagkakilala ng mga tao sa Diyos; ang mga iyon ay tumutukoy, sa madaling salita, sa tunay na mga kalagayan ng mga tao, na kaawa-awa, at mahirap para sa kanila na buksan sa iba. Mula rito ay makikita na ang tayog ng mga tao ay napakaliit, na ang kanilang pagkakilala sa Diyos ay napakababaw, at ang kanilang katapatan sa Kanya ay masyadong nadungisan at hindi dalisay. Gaya ng sinabi ng Diyos, halos lahat ng tao ay nangingisda sa malabong tubig at naroon lamang para magparami ng bilang. Kapag sinasabi ng Diyos “Tunay bang naniniwala kayo na hindi kayo karapat-dapat na maging Aking bayan?” ang tunay na kahulugan ng mga salitang ito ay nasa gitna ng lahat ng tao, walang akmang maging bayan ng Diyos. Nguni’t upang magkamit ng mas matinding epekto, ginagamit ng Diyos ang pamamaraan ng pagtatanong. Ang pamamaraang ito ay malayong higit na mabisa kaysa sa mga salita ng nakaraan, na walang-habas na sumalakay, tumadtad, at pumatay sa mga tao, hanggang sa punto ng pagtagos sa kanilang mga puso. Halimbawang ang Diyos ay tuwirang nagsabi ng isang bagay na walang-bisa at walang-dating gaya ng “Hindi kayo tapat sa Akin, at ang inyong katapatan ay may-dungis, wala Akong tunay na kinalalagyan sa inyong mga puso…. hindi Ako mag-iiwan ng lugar para sa inyo na mapagtaguan mula sa inyong mga sarili, sapagka’t wala sa inyo ang sapat para maging Aking bayan.” Maaaring paghambingin ninyo ang dalawa: Ang nilalaman nila ay pareho, nguni’t ang tono ng bawat isa ay iba. Ang paggamit ng mga katanungan ay lalong higit na mabisa. Sa gayon, ang marunong na Diyos ay gumagamit ng unang tono, na nagpapakita ng sining sa Kanyang pagsasalita. Hindi ito kayang makamit ng tao, kaya’t di-nakapagtatakang sinabi ng Diyos, “Ang mga tao ay mga kasangkapan lamang na Aking ginagamit, ang tanging pagkakaiba sa pagitan nila ay mababa ang ilan, at ang iba ay mahalaga.”

Magpatuloy sa pagbabasa. Ang mga salita ng Diyos ay dumarating na marami at mabilis, bahagyang nagbibigay sa mga tao ng pagkakataong makahinga, sapagka’t ang Diyos ay hindi nangungunsinti sa tao kahit kailan. Kapag nakakaramdam ang mga tao ng lubhang pagsisisi, minsan pa silang binabalaan ng Diyos: “Kung kayo ay ganap na walang kamalayan sa mga katanungan sa itaas, sa gayon nagpapakita ito na ikaw ay nangingisda sa malabong tubig, na naroon ka lamang upang mapadami ang bilang, at sa panahon na Aking paunang itinalaga, ikaw ay tiyak na maaalis at itatapon sa walang-hanggang kalaliman sa pangalawang pagkakataon. Ito ang Aking mga salita ng babala, at ang sinumang nagwalang-bahala sa mga ito ay tatamaan ng Aking paghatol, at, sa takdang panahon, ay sasalakayin ng kalamidad.” Sa pagbasa ng ganoong mga salita, hindi maiiwasang isipin ng mga tao ang pagkakahagis nila sa walang-hanggang kalaliman: Ang mapagbantaan ng kapahamakan, mapamahalaan ng mga atas administratibo ng Diyos, ang hinihintay ng kanilang sariling katapusan, pagkadarama sa loob ng mahabang panahon ng di-masukat na pagdurusa, kalungkutan, di-mapalagay na kalooban, ang di-mabigkas ang kapanglawan sa kaibuturan ng kanilang mga puso kaninuman—kung ihambing dito, mas mabuti pa sa kanilang makastigo ang laman…. Sa pag-iisip nito, hindi nila maiiwasang makaramdam ng matinding kalungkutan. Iniisip ang tungkol sa kalagayan nila sa nakaraan, kung ano ang kalagayan nila ngayon, at kung ano ang magiging lagay nila sa hinaharap, lalo pang tumitindi ang kalungkutan sa kanilang mga puso, hindi nila namamalayang magsimulang manginig, at sa gayon ay nagiging higit silang natatakot sa mga atas administratibo ng Diyos. Habang sumasagi sa isipan nila na ang salitang “bayan ng Diyos” ay maaari ding maging isang pamamaraan ng pagsasalita, ang tuwa sa kanilang mga puso ay kaagad na nagiging kalungkutan. Ginagamit ng Diyos ang kanilang nakamamatay na kahinaan para hagupitin sila, at sa puntong ito, sinisimulan Niya ang susunod na hakbang ng Kanyang gawain, patuloy na pinupukaw ang mga isipan ng mga tao, at pinatitindi ang kanilang pakiramdam na ang mga gawa ng Diyos ay di-maarok, na ang Diyos ay hindi kayang maabot, na ang Diyos ay banal at dalisay, at na sila ay hindi karapat-dapat na maging isa sa bayan ng Diyos. Bilang resulta, dinodoble nila ang kanilang mga pagsisikap na paunlarin ang mga sarili nila, hindi nangangahas na mapag-iwanan.

Sunod, upang turuan ang mga tao ng aral, at gawin sila na nakikilala ang kanilang mga sarili, iginagalang ang Diyos, at natatakot sa Diyos, sinisimulan ng Diyos ang Kanyang bagong plano: “Mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, maraming tao ang nakakasuway sa Aking mga salita at sa gayon ay ihinagis at inalis mula sa Aking daloy ng pagpapanumbalik; sa kahuli-hulihan, napapahamak ang kanilang mga katawan at itinatapon ang kanilang mga espiritu sa Hades, at kahit ngayon sumasailalim pa rin sila sa mabigat na kaparusahan. Maraming tao ang nakakasunod sa Aking mga salita, ngunit nawala sila sa Aking kaliwanagan at pagpapalinaw … at ang ilan….” Ang mga ito ay tunay na mga halimbawa. Sa mga salitang ito, hindi lamang binibigyan ng Diyos ang buong bayan ng Diyos ng isang tunay na babala upang ipaalam sa kanila ang tungkol sa mga gawa ng Diyos sa kabuuan ng mga kapanahunan, nguni’t nagkakaloob din ng pahapyaw na paglalarawan tungkol sa bahagi ng kung ano ang nangyayari sa espirituwal na daigdig. Tinutulutan nito ang mga tao na malamang walang mabuting maidudulot ang kanilang pagsuway sa Diyos. Sila ay magiging isang walang-hanggang tatak ng kahihiyan, at sila ay magiging ang sagisag ni Satanas, at isang kopya ni Satanas. Sa puso ng Diyos, ang aspetong ito ng kahulugan ay pangalawa lamang ang kahalagahan, sapagka’t ang mga salitang ito ay nagsanhi na sa mga taong manginig at maguluhan. Ang positibong panig nito ay na, habang ang mga tao ay nanginginig sa takot, nakakatamo rin sila ng ilang detalye ng espirituwal na daigdig—nguni’t kaunti lamang, kaya dapat Akong magkaloob ng kaunting paliwanag. Mula sa pasukan ng espirituwal na daigdig makikitang naroroon ang lahat ng uri ng mga espiritu. Gayunpaman, may mga nasa Hades, may mga nasa impiyerno, may mga nasa lawa ng apoy, at may mga nasa walang-hanggang kalaliman. Mayroon pa Akong idaragdag dito. Sa mababaw na pagsasalita, ang mga espiritung ito ay maaaring mahati ayon sa lugar; sa pantanging pagsasalita, gayunpaman, may mga tuwirang pinakikitunguhan sa pamamagitan ng pagkastigo ng Diyos, at may mga nasa pagkabihag ni Satanas, na ginagamit ng Diyos. Higit pang natatangi, ang kanilang pagkastigo ay nagkakaiba-iba ayon sa tindi ng kanilang mga kalagayan. Sa puntong ito, hayaang ipaliwanag Ko nang kaunti pa. Yaong mga tuwirang kinakastigo ng kamay ng Diyos ay walang espiritu sa lupa, na nangangahulugang wala silang pagkakataong maisilang na muli. Ang mga espiritu sa ilalim ng sakop ni Satanas—ang mga kaaway na tinutukoy ng Diyos kapag sinasabi Niyang “naging Aking mga kaaway”—ay nakaugnay sa mga panlupang pangyayari. Ang sari-saring masasamang espiritu sa lupa ay kaaway lahat ng Diyos, ang mga lingkod ni Satanas, at ang dahilan ng kanilang pag-iral[a] ay pagsisilbi upang palitawin ang mga gawa ng Diyos. Sa gayon, sinasabi ng Diyos, “Hindi lamang nagiging bihag ni Satanas ang mga taong ito, ngunit nagiging walang hanggang mga makasalanan at nagiging Aking mga kaaway, at direkta silang tumututol sa Akin.” Sunod, sinasabi ng Diyos sa mga tao ang tungkol sa katapusan ng uring ito ng espiritu: “Ang ganitong mga tao ay ang mga layon ng Aking paghatol sa Aking pinakamatinding poot.” Nililinaw din ng Diyos ang kanilang kasalukuyang mga kalagayan: “ngayon bulag pa rin sila, nasa loob pa rin ng mga madilim na piitan.”

Upang ipakita sa mga tao ang pagka-makatotohanan ng mga salita ng Diyos, gumagamit ang Diyos ng isang tunay na halimbawa bilang katibayan (ang katayuan ni Pablo na Kanyang tinutukoy) para ang Kanyang babala ay nag-iiwan ng mas malalim na impresyon sa mga tao. Upang patigilin ang mga tao sa pagtrato sa sinasabi tungkol kay Pablo bilang isang kasaysayan, at upang hadlangan sila mula sa pag-iisip na sila ay mga manonood—at, higit pa, upang patigilin sila mula sa pagyayabang tungkol sa mga bagay-bagay na nangyari libo-libong taon na ang nakaraan na kanilang natutuhan mula sa Diyos, hindi nagtutuon ng pansin ang Diyos sa mga karanasan ni Pablo sa kanyang buong buhay. Sa halip, tumutuon ang Diyos sa mga kahihinatnan at katapusan para kay Pablo, ang dahilan kung bakit sinalungat ni Pablo ang Diyos, at kung paano nagwakas si Pablo sa sinapit niya. Ang pinagtutuunan ng Diyos ay pagdidiin sa Kanyang pagtanggi sa maluwalhating mga pag-asa ni Pablo sa katapusan, at tuwirang paglalantad ng kanyang sitwasyon sa espirituwal na dako: “Si Pablo ay tuwirang kinastigo ng Diyos.” Dahil manhid ang mga tao at hindi nila kayang tarukin ang anumang bagay tungkol sa mga salita ng Diyos, nagdaragdag ang Diyos ng isang pagpapaliwanag (ang kasunod na bahagi ng pagbigkas), at nagsisimulang magsalita tungkol sa usapin ng isa pang bahagi: “sinuman ang tumututol sa Akin (sa pagtutol hindi lamang sa Aking katawang-tao ngunit mas mahalaga, sa Aking mga salita at Aking Espiritu, iyon ay, Aking pagka-Diyos), ay tumatanggap ng Aking paghatol sa kanilang laman.” Kahit na, sa mababaw na pagsasalita, parang walang kaugnayan ang mga salitang ito sa mga nasa itaas, at walang lumilitaw na anumang pagkakaugnay sa pagitan ng dalawa, huwag mataranta: Mayroong sariling mga layunin ang Diyos; ang simpleng mga salita na “ang halimbawa sa itaas ay nagpapatunay na” ay likas na nagsasama sa dalawang tila hindi-magkaugnay na mga usapin—na siyang katalinuhan ng mga salita ng Diyos. Sa gayon, ang mga tao ay nililiwanagan sa pamamagitan ng salaysay ni Pablo, kaya’t, dahil sa pagkakaugnay sa pagitan ng teksto sa itaas at sa ibaba, ang kanilang paghahabol sa pagkilala sa Diyos ay nadaragdagan sa pamamagitan ng aral ni Pablo, na siyang talagang bungang inaasam ng Diyos na makamit sa pagsasalita ng mga salitang yaon. Sunod, nagsasalita ang Diyos ng ilang salita na nagkakaloob ng tulong at kaliwanagan para sa pagpasok ng mga tao sa buhay. Hindi Ko na kailangang tumungo pa riyan. Iyong madarama na madaling maunawaan ang mga iyon. Ang dapat Kong ipaliwanag, gayunpaman, ay kapag sinasabi ng Diyos na, “noong gumawa Ako sa normal na pagkatao, ang karamihan sa mga tao ay nasukat na ang kanilang sarili laban sa Aking poot at kamahalan, at mayroong kaunting kaalaman sa Aking karunungan at disposisyon. Ngayon, direkta Akong nagsasalita at kumikilos sa pagka-Diyos, at mayroon pa ring ilang tao na makakakita sa Aking poot at paghatol sa kanilang sariling mga mata; higit pa rito, ang pangunahing gawain ng ikalawang bahagi ng panahon ng paghatol ay upang direktang malaman ng lahat ng Aking bayan ang Aking mga gawa sa katawang-tao, at upang makita ninyong lahat ang Aking disposisyon nang direkta.” Tinatapos ng ilang salitang ito ang gawain ng Diyos sa normal na pagkatao at opisyal na sinisimulan ang ikalawang bahagi ng gawain ng Diyos sa kapanahunan ng paghatol, na isinasakatuparan sa pagka-Diyos, at hinuhulaan ang katapusan ng isang bahagi ng mga tao. Sa puntong ito, karapat-dapat ipaliwanag na hindi sinabi ng Diyos sa mga tao na ito ang ikalawang bahagi ng panahon ng paghatol nang sila ay naging bayan ng Diyos. Sa halip, matapos lamang na sabihin sa mga tao ang tungkol sa kalooban ng Diyos at ang mga layuning nais ng Diyos na makamit sa loob ng panahong ito, at tungkol sa kahuli-hulihang hakbang ng Diyos sa gawain sa lupa na Kanyang ipinaliliwanag na ito ang ikalawang bahagi ng panahon ng paghatol. Hindi man sabihin, mayroon ding karunungan ng Diyos dito. Kapag kababangon pa lamang ng mga tao mula sa kanilang pagkaratay, ang tanging bagay na pinahahalagahan nila ay kung mamamatay ba sila o hindi, o kung gagaling pa ba sila mula sa kanilang karamdaman o hindi. Hindi nila iniintindi kung tataba ba sila, o kung nararapat ba ang kanilang suot na damit. Kaya, saka lamang kapag lubusang naniniwala ang mga tao na isa sila sa bayan ng Diyos na nagsasalita ang Diyos tungkol sa Kanyang mga kinakailangan, sa isa-isang hakbang, at sinasabi sa mga tao kung anong kapanahunan ito ngayon. Iyan ay dahil sa mayroon lamang lakas na magtuon ng pansin ang mga tao sa mga hakbang ng pamamahala ng Diyos ilang araw matapos na sila ay napanumbalik, kaya’t ito ang pinaka-akmang sandali upang sabihin sa kanila. Pagkatapos lamang na maunawaan ng mga tao saka sila nagsisimulang magsuri: Yamang ito ang ikalawang bahagi ng panahon ng paghatol, ang mga kinakailangan ng Diyos ay naging mas mahigpit, at naging isa Ako sa bayan ng Diyos. Tamang magsuri nang ganoon, kaya itong maabot ng tao, kaya’t ginagamit ng Diyos ang pamamaraang ito ng pagsasalita.

Sa sandaling makaunawa nang kaunti ang mga tao, minsan pang pumapasok ang Diyos sa espirituwal na dako upang magsalita, kaya’t minsan pa silang nahuhulog sa pagtambang. Sa panahong ito ng magkakasunod na pagtatanong, nagkakamot ang lahat ng kanilang mga ulo, nalilito, hindi nalalaman kung saan nakabatay ang kalooban ng Diyos, hindi nalalaman kung alin sa mga katanungan ng Diyos ang sasagutin, at, higit pa rito, hindi nalalaman kung anong wika ang gagamitin upang sumagot sa mga katanungan ng Diyos. Nagmumuni ang isa kung tatawa ba o iiyak. Sa mga tao, tila may maaaring nilalamang napakalalalim na mga hiwaga ang mga salitang ito—nguni’t ang mga katunayan ay talagang ang kasalungat. Makabubuting magdagdag Ako ng kaunting paliwanag para sa iyo rito. Papapahingahin nito ang iyong utak, iyong mararamdamang[b] ito’y simpleng bagay na hindi nangangailangan ng matinding pag-iisip. Sa katunayan, kahit na mayroong maraming salita, naglalaman lamang ang mga iyon ng isang layunin ng Diyos: pagkamit ng katapatan ng mga tao sa pamamagitan ng mga katanungang ito. Nguni’t hindi kailangang sabihin ito nang tuwiran, kaya ang Diyos minsan pa ay gumagamit ng mga katanungan. Ang tono, gayunpaman, ay natatanging marahan, malayung-malayo roon sa umpisa. Kahit na tinatanong sila ng Diyos, ang uring ito ng pagkakaiba ay nagsasanhi sa mga tao na makahinga nang maluwag. Makabubuting basahin mo ang bawat tanong nang isa-isa; hindi ba malimit na tinutukoy ang mga bagay na ito sa nakaraan? Sa ilang simpleng katanungang ito, mayroong mayamang nilalaman. Ang ilan ay isang paglalarawan ng pag-iisip ng mga tao: “Payag ba kayong magtamasa ng isang buhay sa lupa na parang naroon sa langit?” Ang ilan ay “panunumpa ng mandirigma” ng mga tao sa harap ng Diyos: “ Kaya ba ninyo talagang hayaan ang inyong sarili na mapunta sa kamatayan sa pamamagitan Ko, at maakay Ko, tulad ng isang tupa?” At ang ilan sa mga iyon ay ang mga kinakailangan ng Diyos sa tao: “Kung hindi Ako nagsalita nang direkta, matatalikuran mo ba ang lahat ng bagay sa iyong paligid at hayaan ang iyong sarili na Aking magamit? Hindi ba ito ang realidad na Aking hinihingi? …” O mga pagpapayo at pagtitiyak ng Diyos para sa tao: “Datapwa’t hinihingi Ko na hindi na kayo mabigatan ng mga pag-aalinlangan, na kayo ay maging maagap sa inyong pagpasok at tarukin ang nilalaman ng Aking mga salita. Pipigilan kayo nito sa maling pagkaunawa ng Aking mga salita, at sa pagiging malabo sa Aking kahulugan, at sa gayon lumalabag sa Aking mga atas administratibo.” Sa huli, nagsasalita ang Diyos tungkol sa Kanyang mga inaasahan para sa tao: “Umaasa Ako na tinatarok ninyo ang Aking mga intensyon para sa inyo sa Aking mga salita. Huwag nang mag-isip pa tungkol sa inyong sariling mga pagkakataon, at kumilos ayon sa iyong kapasiyahan sa Aking harapan na magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos sa lahat ng bagay.” Ang huling katanungan ay mayroong malalim na kahulugan. Ito ay nakapupukaw ng pag-iisip, ito ay tumitimo sa mga puso ng mga tao at mahirap kalimutan, walang-tigil na umaalingawngaw tulad ng isang kampana na nakasabit sa kanilang mga tainga …

Ang nasa itaas ay ilan sa mga salitang pagpapaliwanag para iyong gamitin bilang sanggunian.

Mga Talababa:

a. Wala sa orihinal na teksto ang pariralang “ng kanilang pag-iral.”

b. Wala sa orihinal na teksto ang pariralang “iyong mararamdamang.”

Sinundan:Kabanata 3

Sumunod:Kabanata 5

Baka Gusto Mo Rin