Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Kabanata 110

Kapag ang lahat ay ibinubunyag ay kung kailan Ako ay mamamahinga, at higit pa, ito ang magiging panahon na ang lahat ay nasa ayos. Personal Kong ginagawa ang Aking sariling gawain; Akin Mismong isinasaayos ang lahat at inaayos ang lahat. Kapag lumalabas Ako sa Sion at kapag Ako’y bumabalik, kapag ang Aking mga panganay na anak-na-lalaki ay nakumpleto Ko na, natapos Ko na ang Aking dakilang gawain. Sa mga pagkaunawa ng mga tao ang isang bagay na ginagawa ay dapat na nakikita at nahihipo, nguni’t sa Aking tingin dito, lahat ay tapos na sa sandaling ginagawa Ko ang Aking plano. Ang Sion ay kung saan Ako nakatira at ito ang Aking hantungan; doon Ko ibinubunyag ang Aking pagka-makapangyarihan, at doon namin ng Aking mga panganay na anak-na-lalaki pagsasaluhan ang kaligayahan ng aming pamilya. Ito ay kung saan Ako ay titirang kasama nila sa buong kawalang-hanggan. Ang Sion, isang magandang lugar; ang Sion, isang lugar na kinasasabikan ng mga tao; di-mabilang na mga tao ang nag-aasam para dito sa buong mga kapanahunan, nguni’t mula sa simula, wala kahit isang tao ang nakapasok na sa Sion. (Wala kahit sinuman sa mga banal at mga propeta mula sa nakalipas na mga kapanahunan. Ito ay dahil Aking pinipili ang Aking mga panganay na anak-na-lalaki sa mga huling araw, at silang lahat ay ipinanganganak sa loob ng panahong ito; at sa pamamagitan nito ang Aking awa at Aking biyaya na Aking nasalita na ay mas kitang-kita.) Bawa’t isang tao na panganay na anak-na-lalaki ngayon ay papasok sa Sion kasama Ko at tatamasahin ang pagpapalang iyan. Aking itinataas ang Aking mga panganay na anak-na-lalaki hanggang sa isang tiyak na antas dahil mayroon sila ng Aking kakayahan at Aking maluwalhating larawan at kaya nilang sumaksi para sa Akin gayundin ay luwalhatiin Ako at isabuhay Ako. Higit pa, kaya nilang talunin si Satanas at hiyain ang malaking pulang dragon. At ito ay dahil ang Aking mga panganay na anak-na-lalaki ay dalisay na mga birhen; sila ang Aking mga minamahal, at siyang mga napili Ko at pinaboran. Ang dahilan kung bakit itinataas Ko sila ay dahil makakatayo sila sa kanilang sariling posisyon at kayang mapagkumbaba at tahimik na naglilingkod sa Akin at makapangyarihang sumasaksi para sa Akin. Nagugol Ko nang lahat ang Aking lakas sa Aking mga panganay na anak-na-lalaki at maingat na naayos na ang lahat ng uri ng mga tao, mga pangyayari, at mga bagay para sa kanilang paglilingkod. Sa katapusan hahayaan Kong makita ng lahat ang Aking buong luwalhati mula sa Aking mga panganay na anak-na-lalaki, at hahayaan Ko ang lahat na lubusang makumbinsi tungkol sa Akin dahil sa Aking mga panganay na anak-na-lalaki. Hindi Ko pupwersahin ang anumang demonyo, at hindi Ako natatakot sa mga ito magwalâ o sa kapabayaan ng mga ito dahil mayroon Akong mga saksi, at may awtoridad Ako sa Aking mga kamay. Makinig kayo, mga taong kauri ni Satanas! Bawa’t salitang Aking sinasabi at lahat ng Aking ginagawa ay para perpektuhin ang Aking mga panganay na anak-na-lalaki, kaya dapat kang makinig sa Aking utos at sundin ang Aking mga panganay na anak-na-lalaki, kung hindi ipakikita Ko sa iyo—papapagdusahin kita agad ng kapahamakan! Ang Aking mga panganay na anak-na-lalaki ay nakapagsimula nang magsakatuparan ng Aking mga utos sa pangangasiwa dahil sila lamang ang karapat-dapat na magtaas ng Aking trono, at napahiran Ko na sila. Sinumang hindi sumusunod sa Aking mga panganay na anak-na-lalaki ay tiyak na walang-kabuluhan. Walang alinlangan sila ay naipadala na ng malaking pulang dragon para guluhin ang Aking planong pamamahala, at ang ganyang uri ng masama ay palalayasin sa Aking bahay kaagad. Hindi Ko gusto ang ganyang uri ng bagay na maglingkod sa Akin—haharapin nito ang walang-hanggang pagkawasak, at haharapin nito ito sa lalong napakadaling panahon, walang pagkaantala! Yaong mga nasa paglilingkod sa Akin ay dapat na nakatanggap na ng Aking pagsang-ayon; dapat silang maging masunurin at huwag pansinin ang halagang kanilang binabayaran. Kung sila ay mapaghimagsik hindi sila karapat-dapat maglingkod sa Akin at hindi Ko kailangan ang nilalang na ganyan. Sila ay dapat magmadaling lumayo—walang-pasubaling hindi Ko sila gusto! Dapat kayong maging malinaw dito ngayon! Yaong mga naglilingkod sa Akin ay dapat na gawin itong mabuti at huwag magsanhi ng mga problema. Kung nararamdaman mong wala kang pag-asa at nagsisimulang magsanhi ng mga problema—tatapusin kita agad-agad! Kayo ba na naglilingkod sa Akin ay malinaw riyan? Ito ang Aking utos sa pangangasiwa.

Ang pagsaksi para sa Akin ay ang tungkulin ng Aking mga panganay na anak-na-lalaki, kaya hindi Ko kinakailangan na kayo ay gumawa ng anuman para sa Akin—ang kinakailangan Ko lamang ay gampanan ninyo ang inyong tungkulin nang maayos at tamasahin ang mga pagpapalang ipinagkakaloob Ko sa inyo para masiyahan ang Aking puso. Nang Ako ay naglakbay patawid sa mga kadulu-duluhan ng sansinukob, Aking pinili at ginawang ganap ang Aking mga panganay na anak-na-lalaki. Ito ay isang bagay na tinapos Ko bago Ko nilikha ang mundo; walang sinuman sa gitna ng sangkatauhan ang nakakaalam niyan, nguni’t ang Aking gawain ay nakamit sa katahimikan. Iyan ay hindi kaayon sa mga pantaong paniwala! Nguni’t ang mga katunayan ay mga katunayan at walang sinuman ang nakakapagbago ng mga iyon. Naibunyag ng mga demonyo kapwa ng malaki’t maliit ang totoong mga anyo nito mula sa mga pagkukunwari nito, at ang mga iyon ay naisailalim sa Aking pagkastigo sa magkakaibang antas. Mayroong mga hakbang sa Aking gawain at mayroong karunungan sa Aking mga salita. Nakakita ka ba ng anuman mula sa Aking sinasabi at ginagawa? Ito ba ay paggawa lamang ng mga bagay-bagay at pagsasalita ng mga bagay-bagay? Ang Akin bang mga salita ay marahas lamang, o humahatol, o nang-aaliw? Iyan ay masyadong simple, nguni’t para sa sangkatauhan, ang pagtingin diyan ay hindi simple. Hindi lamang mayroong karunungan, paghatol, pagkamatuwid, kamahalan, at kaaliwan sa Aking mga salita, kundi higit pa tinataglay nito kung anong mayroon Ako at kung ano Ako. Bawa’t isa sa Aking mga salita ay isang hiwaga na hindi maibubunyag ng sangkatauhan. Ang Aking mga salita ay lubusang mahirap unawain, at bagaman ang mga hiwaga ay naibunyag na, batay sa mga kakayahan ng sangkatauhan ang mga iyon ay nasa labas pa rin ng kanilang saklaw ng imahinasyon at pag-unawa. Ang pinakamadaling salita para sa Akin na maunawaan ay ang pinakamahirap na bagay para sa mga tao na maunawaan, kaya ang pagkakaiba sa pag-itan Ko at ng tao ay ang pagkakaiba sa pag-itan ng langit at lupa. Ito ang kung bakit gusto Kong ganap na baguhin ang mga anyo ng Aking mga panganay na anak-na-lalaki at buo silang papasukin tungo sa katawan. Sa hinaharap, hindi lamang sila papasok tungo sa katawan mula sa laman, kundi babaguhin nila ang kanilang mga anyo sa loob ng katawan sa magkakaibang antas. Ito ang Aking plano. Ito ay isang bagay na hindi nagagawa ng mga tao—sila ay walang-pasubaling walang paraan ng paggawa niyan—kaya ngayon kahit pa sabihin Ko sa inyo nang detalyado, hindi pa rin ninyo mauunawaan. Kayo ay maaari lamang pumasok tungo sa isang pakiramdam ng higit-sa-natural. Ito ay dahil sa Ako nga ang marunong na Diyos Mismo.

Kapag nakakakita kayo ng mga hiwaga kayong lahat ay may kaunting reaksyon. Kahit na hindi ninyo tinatanggap o kinikilala ang mga iyon sa inyong mga puso, kinikilala ninyo ang mga iyon ng inyong mga salita. Ang ganitong uri ng tao ay pinaka-mandaraya, at kapag ibinubunyag Ko ang mga hiwaga, Aking aalisin at tatalikdan sila nang isa-isa. Nguni’t lahat ng ginagawa Ko ay nasa mga hakbang. Hindi Ko ginagawa ang mga bagay-bagay nang dalus-dalos o pikit-matang nagbubuo ng konklusyon; ito ay dahil Ako ay may makaDiyos na disposisyon. Ang mga tao ay walang-pasubaling hindi kayang makita nang malinaw kung ano ang ginagawa Ko sa kasalukuyan, kung ano ang gagawin Ko sa Aking susunod na hakbang. Saka lamang kapag nagsasalita Ako tungkol sa Aking paraan ng paggawa sa susunod na hakbang makakaya ng mga tao na sundan Ako at humakbang ng isa pasulong. Lahat ay nangyayari sa loob ng Aking mga salita, lahat ay ibinubunyag sa loob ng Aking mga salita, kaya walang sinuman ang dapat na mainip—ang paglilingkod sa Akin nang maayos ay sapat na. Bago ang mga kapanahunan nagpropesiya Ako tungkol sa isang puno ng igos, nguni’t sa loob ng mga kapanahunan walang sinumang nakakita ng isang puno ng igos at walang sinumang makapagpaliwanag dito, at kahit na ang pariralang ito ay binanggit sa mga naunang mga papuri, walang sinumang nakaalam ng tunay na kahulugan nito. Ang pariralang ito ay nakalito sa mga tao gaya lamang ng “ang matinding sakúnâ,” at ito ay isang hiwaga na hindi Ko kailanman binuksan sa sangkatauhan. Inisip ng mga tao na marahil ang puno ng igos ay isang uri ng mabuting puno ng prutas, o kaya ay tumutukoy pa ito sa mga banal, nguni’t ang mga iyon ay napakalayo pa rin sa totoong kahulugan. Sasabihin Ko ito sa inyo kapag binuksan Ko ang Aking balumbon sa mga huling araw. (Ang balumbon ay tumutukoy sa lahat ng mga salita na Aking nabigkas na, ang Aking mga salita sa mga huling araw—itong lahat ay nasa loob nito.) Ang puno ng igos ay tumutukoy sa Aking mga utos sa pangangasiwa, at sa bawa’t isa ng Aking mga utos sa pangangasiwa, nguni’t ito ay isang bahagi lamang nito. Ang pagusbong ng puno ng igos ay tumutukoy sa Aking pagsisimulang gumawa at magsalita sa katawang-tao, nguni’t ang Aking mga utos sa pangangasiwa ay hindi pa naipaalam (na dahilan sa iyan ay bago nataglay ang pagsaksi sa Aking pangalan at walang sinumang nakaalam ng Aking mga utos sa pangangasiwa). Kapag ang Aking pangalan ay sinasaksihan at pinalalaganap, kapag ito ay pinupuri ng lahat ng tao, kapag ang Aking mga utos sa pangangasiwa ay namumunga, iyan ang panahon ng pamumunga ng puno ng igos. Ito ang buong paliwanag na walang inalis—ito ay ibinubunyag lahat. (Sinasabi Ko ito dahil sa Aking sinusundang mga salita, mayroong isang bahagi na hindi Ko pa naibunyag nang buo; samakatuwid kinailangan ninyong matiyagang maghintay at maghanap.)

Kapag ginawa Kong ganap ang mga panganay na anak-na-lalaki, Aking ibubunyag ang Aking buong luwalhati, ang Aking kumpletong pagpapakita sa mundo ng sansinukob sa katawan, at sa ibabaw ng lahat ng tao, sa Aking sariling persona; ito ay mangyayari sa Aking Bundok Sion, sa Aking luwalhati, at ito ay natatanging sa gitna ng sigawan ng mga papuri, at ang Aking mga kaaway ay uurong sa Aking paligid, bumababa tungo sa walang-hanggang hukay, ang lawa ng apoy at asupre. Ang kayang maguni-guni ng mga tao ngayon ay limitado at hindi siyang kalooban Ko, na kung bakit Ako ay nagsasalita sa pantaong mga pagkaunawa at iniisip araw-araw. Magkakaroon ng isang araw (ang araw ng pagpasok tungo sa katawan) kung kailan ang Aking sinasabi ay magiging buong angkop sa inyo at hindi magkakaroon kahit kailan ng paglaban, at sa sandaling iyon hindi na kayo magkakaroon ng inyong mga iniisip, at Ako naman ay hindi na magsasalita. Dahil kayo ay wala nang inyong sariling pag-iísíp, tuwiran Ko na lamang kayong liliwanagan—ito ang pagpapalang tinatamasa ng mga panganay na anak-na-lalaki, at iyan ay magiging kung kailan sila ay maghaharing kasama Ko bilang mga hari. Ang mga tao ay hindi naniniwala sa mga bagay-bagay na hindi nila naguguni-guni, at kahit na mayroong ilan na naniniwala rito, ito ay dahilan sa Aking natatanging pagliliwanag. Kung hindi ay walang sinumang maniniwala, at ito ay isang bagay na dapat pagdaanan. (Kung hindi dadaan sa hakbang na ito, ang Aking dakilang kapangyarihan ay hindi maibubunyag sa pamamagitan nito, na nangangahulugang Aking ginagamit ang Aking mga salita upang alisin sa mga tao ang kanilang mga pagkaunawa. Walang sinumang iba pa na makakagawa ng gawaing ito, at walang sinumang makakapalit sa Akin. Ako lamang ang Isa na makakaganap nito, gayunpaman, iyan ay hindi walang-pasubali. Dapat Kong gawin ang gawaing ito sa pamamagitan ng sangkatauhan.) Ang mga tao ay napalakas matapos marinig ang mga salita Ko, nguni’t sa katapusan silang lahat ay umuurong. Hindi nila ito naiiwasan. Samantala, mayroong mga hiwaga na hindi natatarok ng mga tao. Walang sinumang makakaguni-guni kung ano ang mangyayari at hahayaan Ko kayong makita ito sa Aking ibubunyag. Sa pamamagitan niyan inyong makikita ang totoong kahulugan ng Aking sinasabing: “Aking bubunuting lahat yaong mga hindi angkop para sa Aking paggamit.” Ang Aking mga panganay na anak-na-lalaki ay maraming magkakaibang mga pagpapamalas at gayundin ang Aking mga kaaway. Lahat ng mga iyon ay ibubunyag sa inyo, isa-isa. Tandaan! Sinuman bukod sa mga panganay na anak-na-lalaki ay may gawa ng masasamang espiritu. Silang lahat ay sunud-sunuran kay Satanas. (Silang lahat ay isa-isang ibubunyag sa lalong madaling panahon, nguni’t mayroong ilan na kailangang maglingkod hanggang sa katapusan, at ilan na kailangang maglingkod sa loob ng ilang panahon.) Sa ilalim ng gawain ng Aking mga salita, lahat ay magpapakita ng kanilang totoong mga mukha.

Bawa’t bansa, bawa’t lugar, at bawa’t denominasyon ay nagtatamasa ng kayamanan ng Aking pangalan. Ito ay dahilan sa ang biglaang sakúnâ ay nagbabanta; itong lahat ay abot-kamay Ko, at Ako ay naghahanda upang unti-unti itong ibuhos pabábâ, kaya ang mga tao ay nagmamadaling hanapin ang totoong daan, na dapat mahanap kahit ito ay nangangahulugan ng pagbabayad ng buong halaga. Sa lahat ng mga bagay Ako ay mayroong Aking sariling panahon. Tuwing Aking sinasabi na ito ay matatapos, ito kung gayon ay matatapos, sa takdang minuto, sa takdang segundo. Walang sinumang makakahadlang dito o makakapagpatigil dito. Kung tutuusin, ang malaking pulang dragon ay ang Aking natalong kaaway. Ito ay isang tagaserbisyo para sa Akin, at ginagawa nito anuman ang Aking sinasabi rito nang walang anumang paglaban. Ito ay totoong Aking hayop na pantrabaho. Kapag ang Aking gawain ay natapos na, itatapon Ko ito sa walang-hanggang hukay, tungo sa lawa ng apoy at asupre (na tumutukoy sa mga yaon na winawasak). Ang nawasak ay hindi lamang titikim ng kamatayan, kundi sila ay matinding parurusahan dahil sa kanilang pang-uusig sa Akin. Ito ay gawaing gagawin Ko pa rin sa pamamagitan ng mga tagaserbisyo—gagawin Ko na katayin ni Satanas ang sarili nito at wasakin ang sarili nito, ganap na binubura ang mga inápó ng malaking pulang dragon. Ito ay isang bahagi ng Aking gawain, at pagkatapos niyan, babaling Ako tungo sa mga bansang Gentil. Ang mga ito ang mga hakbang ng Aking gawain.

Sinundan:Kabanata 109

Sumunod:Kabanata 111

Baka Gusto Mo Rin