Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Ang Ikatatlumpu’t-limang Pagbigkas

Nagsimula na Akong isakatuparan ang Aking gawain sa gitna ng mga tao, tinutulutan silang mamuhay sa parehong daloy kasama Ko. Aking tatapusin ang Aking gawain habang kasama pa nila, sapagka’t sila ang mga kinauukulan na Aking pinamamahalaan sa Aking buong planong pamamahala—at Aking inaasam para sa kanila na maging mga panginoon ng lahat ng mga bagay. Ako samakatuwid ay patuloy na lumalakad sa gitna ng mga tao. Habang ang mga tao at Ako ay pumapasok sa kasalukuyang kapanahunan, nakadarama Ako ng lubos na kaginhawahan, dahil ang Aking paghakbang ay bumilis. Paanong makasasabay ang mga taong ito? Nakágáwâ na Ako ng maraming gawain sa manhid at mahina-ang-isip na mga tao, at gayunman ay halos wala silang natamo dahil hindi nila Ako pinahahalagahan at minamahal. Nanahan Ako sa gitna ng lahat ng mga tao at namasdan ang galaw nila sa ibabaw ng lupa at sa ilalim. Lahat ng mga inilagay sa kategorya bilang “mga tao” ay lumalaban sa Akin, na para bang ang “paglaban sa Akin” ay nasa mga deskripsyon ng kanilang trabaho. Tila kapag hindi nila isinakatuparan ang gawaing ito, kung gayon sila ay matutulad sa isang ulilang palaboy, walang sinumang umaampon. Gayunpaman, hindi Ko kusang sinesentensyahan ang mga tao batay sa kanilang mga pagkilos at asal. Sa halip, tinutulungan Ko at pinagkakalooban sila ayon sa kanilang tayog. Dahil ang mga tao ang pangunahing tauhan ng Aking buong planong pamamahala, iniuukol Ko ang higit na paggabay sa mga yaong nasa papel na ito ng “sangkatauhan” upang magampanan nila ito nang buong-puso at sa pinakamahusay nilang kakayahan, at upang ang palabas na ito na Aking pinapatnubayan ay magiging ganap na tagumpay. Ito ang Aking kahilingan sa lahi ng tao. Maaari kaya na kung wala ang panalanging ito, hindi nila magagampanan ang kanilang bahagi nang kasing-husay ng kanilang kakayahan? Kaya Kong tuparin kung ano ang hinihiling sa Akin ng mga tao, nguni’t hindi nila kayang tuparin ang hinihingi Ko sa kanila? Hindi maaaring masabi na pinahihirapan Ko ang mga tao sa pamamagitan ng kapangyarihan. Ito ang Aking huling kahilingan: Agaran Kong hinihiling ang mga iyon ng buong sigasig at kataimtiman. Tunay bang hindi nila kayang gawin ang Aking hinihingi? Nagbibigay na Ako sa mga tao sa maraming taon, gayunma’y walang natanggap na kapalit. Sino na ang nakapagbigay sa Akin ng anuman? Ang Akin bang dugo, pawis, at mga luha ay tulad lamang ng mga ulap sa kabundukan? Nabigyan Ko na ang mga tao ng “mga bakuna” nang maraming ulit, at sinabi sa kanila na ang Aking mga kinakailangan sa kanila ay hindi mahigpit. Bakit, kung gayon, patuloy Akong iniiwasan ng mga tao? Ito ba ay dahil sa ituturing Ko sila na gaya ng mga sisiw, na papatayin sa sandaling sila ay mahuli? Talaga bang ganyan Ako kalupit at hindi-makatao? Lagi Akong sinusukat ng mga tao batay sa kanilang sariling mga pagkaintindi. Ang kanila bang mga pagkaintindi tungkol sa Akin ay katugma ng realidad tungkol[a] sa Akin sa langit? Hindi Ko ipinalalagay ang mga pagkaintindi ng mga tao na mga bagay para sa Aking kasiyahan. Sa halip, nakikita Ko ang kanilang mga puso bilang mga bagay na dapat pasalamatan. Gayunpaman, nadarama Kong punung-puno na Ako sa kanilang mga konsensya, dahil ayon sa kanila, Ako Mismo ay wala noon. Ako samakatuwid ay nakabuo ng higit pang mga palagay tungkol sa paksang iyon. Gayunpaman, ayaw Kong pulaan ang kanilang mga konsensya nang tuwiran; sa halip, patuloy Ko silang ginagabayan nang matiyaga at sistematiko. Sa paanuman, ang mga tao ay mahina, at hindi kayang magsakatuparan ng anumang gawain.

Ngayong araw, Ako ay opisyal na humakbang tungo sa kinasasaklawan ng walang-hangganang pagkastigo, at nasisiyahan Ako rito sa tabi ng sangkatauhan. Pinapatnubayan Ko rin sila sa pamamagitan ng kamay, at sila ay mabuti ang asal sa ilalim ng Aking pamamatnubay; walang sinumang nangangahas na salungatin Ako. Ang lahat ay nasa ilalim ng Aking paggabay, ginagawa ang mga tungkuling Aking iniatas, dahil ito ay nasa kanilang “mga deskripsyon ng trabaho.” Sa gitna ng lahat ng mga bagay sa langit at sa ilalim ng langit—sinong mangangahas na hindi magpasakop sa Aking mga plano? Sino ang wala sa Aking paghawak? Sinong hindi bumibigkas ng papuri at pagtataas para sa Aking mga salita at sa Aking gawa? Hinahangaan ng mga tao ang Aking mga gawa at mga pagkilos, kaya inihahandog nila ang kanilang mga sarili sa daloy ng Aking gawain dahil sa Aking bawa’t maliit na galaw. Sinong makabibitaw? Sinong maaaring kumalas mula sa gawaing Aking isinaayos? Sanhi ng Aking utos sa pangangasiwa, ang mga tao ay napipilitang manatili; kung wala ito, lahat sila ay palihim nang nakaurong mula sa “unahang hanay ng labanan” at naging mga “kawal na tanan.” Sinong hindi takót sa kamatayan? Ang mga tao ba ay tunay na handang isakripisyo ang kanilang mga sarili? Ako ay hindi namimilit ng kahit sino, dahil matagal Ko nang natamo ang lubusang pagkaunawa sa pantaong kalikasan. Sa gayon, Ako ay palaging nagsasagawa ng mga proyekto na hindi kailanman nagáwâ dati ng mga tao. Dahil walang sinumang makapagsakatuparan ng Aking gawain, sumabak Ako sa labánán nang personal upang makibahagi sa isang pakikipagtunggali ng buhay at kamatayan laban kay Satanas. Ngayong mga araw, si Satanas ay sukdulan ang paglaganap. Bakit hindi Ko sinasamantala ang pagkakataong ito upang ipakita ang tuon ng Aking gawain sa layuning ibunyag ang Aking kapangyarihan? Gaya ng nasabi Ko nang una, ginagamit Ko ang panlilinlang ni Satanas bilang Aking pagkakaiba; hindi ba ito ang pinakamagandang pagkakataon? Ngayon lang Ako nakakangiti nang nasisiyahan, sapagka’t nakamit Ko ang Aking tinutumbok. Hindi na Ako magpapaikut-ikot sa paghingi ng “tulong” sa mga tao. Nakahinto na Ako sa pag-aabalá, at hindi na namumuhay bilang isang palaboy. Mula ngayon, mamumuhay Ako sa kapayapaan. Ang mga tao ay magiging ligtas din at maayos, sapagka’t ang Aking araw ay dumating na. Sa lupa namuhay Ako nang abalá bilang isang tao, isang buhay na kung saan maraming kawalang-katarungan ang tila naganap. Sa paningin ng mga tao, nakibahagi Ako sa kanilang mga kagalakan at mga kalungkutan, gayundin sa kanilang mga kahirapan. Tulad ng mga tao, Ako rin, ay namuhay sa lupa at sa ilalim ng langit. Samakatuwid palagi nila Akong nakita bilang isang taong nilalang. Dahil hindi nakita ng mga tao kung ano Ako sa langit, hindi nila Ako kailanman pinag-abalahan. Gayunpaman, sa gitna ng kasalukuyang katayuan, walang pagpipilian ang mga tao kundi ang aminin na Ako ang Panginoon ng kanilang kapalaran at ang tagapagsalita na nagsasalita mula sa mga ulap. Ang mga tao samakatuwid ay iniyukod ang kanilang mga ulo sa lupa sa harap Ko sa pagsamba. Hindi ba ito ang patunay ng Aking matagumpay na pagbabalik? Hindi ba ito isang paglalarawan ng Aking tagumpay laban sa lahat ng mga puwersa ng kalaban? Lahat ng mga tao ay nagkaroon ng mga kutob ng loob na ang mundo ay darating na sa katapusan, at ang sangkatauhan ay sasailalim sa matinding paglilinis. Gayunpaman, sa katotohanan ay hindi nila makayang kusang isakatuparan kung ano ang hinihingi Ko sa kanila, kaya wala silang pagpipilian kundi tumangis sa ilalim ng Aking pagkastigo. Anong maaaring gawin? Sinong nagsabi sa mga taong ito na maging suwail? Sinong nagsabi sa kanila na pumasok sa huling kapanahunan? Bakit sila ipinanganak bilang mga tao sa bago-dumating-ang-wakas na mundong ito? Ang lahat ay Aking isinaayos nang personal. Sinong maaaring dumaing?

Simula pa sa paglikha ng mundo, nakapaglibot na Ako sa gitna ng mga tao, sinasamahan sila sa kanilang panlupang pag-iral. Sa mga sinusundang salinlahi, gayunpaman, walang isa mang tao ang Aking napili; bawa’t isa ay tinanggihan ng Aking katahimikan. Ito ay dahil ang mga taong iyon sa nakaraan ay hindi naglingkod sa Akin ng may buong-kaisipang pag-aalay; Samakatuwid ay hindi Ko rin sila minahal nang bukod-tangi. Kinuha nila ang mga “regalo” ni Satanas at pagkatapos ay bumaliktad at inialay ang mga iyon sa Akin; sa ginawa nila, hindi ba ito paninirà laban sa Akin? Habang iniaalay ang mga iyon, hindi Ko ibinunyag ang Aking pagkainis; sa halip, sinubukan Kong gamitin ang kanilang pakanâ sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga “regalong” ito sa mga materyales na ginagamit sa Aking pamamahala. Kalaunan, sa sandaling maproseso ang mga iyon ng makina, Aking susunugin ang lahat ng lalabas na basura. Bagaman ang kasalukuyang henerasyon ng mga tao ay hindi nakapag-alay sa Akin ng maraming “mga regalo,” hindi Ko sila sinisisi dahil dito. Ang mga taong ito ay palaging hikahos at walang-wala; sa gayon, dahil namasdan ang realidad ng kanilang katayuan, hindi Ko sila kailanman isinailalim sa anumang di-makatwirang mga hinihingi matapos Akong dumating sa mundo ng mga tao. Sa halip, pagkatapos na mabigyan sila ng mga “materyales,” hinanap Ko lamang ang “produktong bunga” na nais Ko, sapagka’t ito lamang ang tanging bagay na kayang makamit ng mga tao. Nakagugol Ako ng maraming taon sa paghihirap, natutunan kung ano ang kahulugan ng mabuhay bilang isang tao, bago nakabuo ng isang akmang kahilingan. Kung hindi Ko naranasan ang pantaong buhay, paano Ko mauunawaan ang mga bagay na nahihirapan silang talakayin? Gayunpaman, hindi ito nakikita ng mga tao sa ganitong paraan; basta sinasabi nila na Ako ang makapangyarihan-sa-lahat, higit-sa-karaniwan na Diyos Mismo. Hindi ba ito ang eksaktong naging paniwala ng lahat ng mga tao sa buong kasaysayan at magpahanggang ngayon? Sinabi Ko sa lupa, walang sinuman ang tunay na makakakilala sa Akin nang isandaang porsyento. Ang sinabing ito ay mayroong mga ipinakakahulugan; ito ay hindi walang-lamang pananalita. Aking naranasan at napagmasdan ito Mismo, kaya mayroon Akong pagkaunawa tungkol sa mga detalye. Kung hindi Ako bumabâ sa pantaong mundo, sinong magkakaroon ng pagkakataong makilala Ako? Sinong makikinig nang personal sa Aking mga salita? Sinong makakakita sa Aking anyo sa gitna nila? Simula pa sa sinaunang mga panahon, nanatili Akong nakatago sa mga ulap. Hinulaan Ko noon pa na Ako ay bababâ sa pantaong mundo sa mga huling araw upang magsilbing kanilang halimbawa. Ito ang kung bakit sa mga araw ngayon ang mga tao ay mapalad na mapalawak ang kanilang natatanaw. Hindi ba ito isang kabaitan na naipagkaloob Ko sa kanila? Maaari kaya na hindi nila man lamang mauunawaan ang Aking biyaya? Bakit ang mga tao ay napakamanhid at mahina-ang-isip? Nakarating na ng ganitong kalayo, bakit hindi pa rin sila natatauhan? Narito na Ako sa mundong ito sa loob ng maraming taon, nguni’t sinong nakakakilala sa Akin? Hindi nakapagtataka na kinakastigo Ko ang mga tao. Tila sila ang mga kinauukulan kung kanino Ko gagamitin ang Aking awtoridad; tila sila ang mga bala sa Aking baril na, sa sandaling Aking paputukin ito, lahat ay tatakas. Ito ang kanilang guni-guni. Palagi Kong iginagalang ang mga tao; kailanman ay hindi Ko sinadyang pagsamantalahan o ipagbili sila na parang mga alipin. Ito ay dahil hindi Ko sila maiwan, ni maiwan nila Ako. Sa gayon, isang buklod ng buhay at kamatayan ang nabuo sa pag-itan namin. Palagi Kong pinahahalagahan at minamahal ang mga tao. Bagaman ang saloobing yaon ay hindi kailanman naging sa isa’t isa, lagi silang nakatingin sa Akin, na siyang dahilan kaya patuloy Akong nagsisikap para sa kanila. Mahal Ko ang mga tao tulad ng sarili Kong kayamanan, dahil sila ang “puhunan” ng Aking pamamahala sa lupa; samakatuwid ay tiyak na hindi Ko sila aalisin. Ang Aking kalooban tungo sa mga tao ay hindi kailanman mababago. Tunay ba nilang mapagkakatiwalaan ang Aking pangako? Paano nila Ako mabibigyang-kasiyahan? Ito ang atas para sa buong lahi ng tao; ito ang “takdang-aralin” na iniwan Ko para sa kanila. Aking inaasahan na silang lahat ay masigasig na gagawa upang tapusin ito.

Ika-23 ng Abril, 1992

Talababa:

a. Hindi kasama sa orihinal ang “realidad tungkol.”

Sinundan:Ang Ika-tatlumpu’t tatlong Pagbigkas

Sumunod:Ang Ikatatlumpu’t-anim na Pagbigkas

Baka Gusto Mo Rin