Kabanata 31

Minamahal Ko ang lahat ng tunay na nagnanais sa Akin. Kung kayo ay magtutuon ng pansin sa pagmamahal sa Akin, tiyak na pagpapalain Ko kayo nang labis-labis. Nauunawaan ba ninyo ang Aking mga hangarin? Sa Aking sambahayan, walang pagkakaiba sa pagitan ng mataas at mababang katayuan. Ang bawat isa ay Aking anak, at Ako ang inyong Ama, ang inyong Diyos. Ako ay pinakamataas at walang katulad. Ako ang nagkokontrol sa sansinukob at sa lahat ng bagay!

Ikaw ay dapat “maglingkod sa Akin nang may pagpapakumbaba at nang nakakubli” sa Aking sambahayan. Ang pariralang ito ay dapat na magsilbi bilang iyong panuntunan. Huwag kang maging isang dahon sa isang puno, kundi maging ugat ng puno at mag-ugat nang malalim sa buhay. Pumasok sa tunay na karanasan ng buhay, mamuhay sa Aking mga salita, lalo pa Akong hanapin sa bawat bagay, at lumapit sa Akin at makipagbahagian sa Akin. Huwag bigyang-pansin ang anumang panlabas na mga bagay, at huwag maging kontrolado ng sinumang tao, kaganapan, o bagay, ngunit makipagbahagian lamang sa espirituwal na mga tao tungkol sa kung ano Ako. Unawain ang Aking mga hangarin, hayaan ang Aking buhay na dumaloy sa iyo, at isabuhay ang Aking mga salita at tugunan ang Aking mga hinihingi.

Ibuhos ang lahat ng iyong lakas sa mga bagay na Aking itinagubilin sa iyo; gawin ang lahat ng iyong makakaya upang bigyang-kasiyahan ang Aking puso. Ako ang iyong kapangyarihan at Ako ang iyong kagalakan…. Ako ang iyong lahat-lahat. Hangarin mo lamang Ako. Nalalaman Ko ang tunay na ninanasa ng iyong puso at na tunay mong ginugugol ang iyong sarili para sa Akin, subalit dapat mong malaman kung paano magpakita ng katapatan sa Akin sa Aking sambahayan at kung paano sumunod sa Akin hanggang sa wakas.

Ang iglesia ang Aking puso at Ako ay nagniningas sa pagkabahala para sa pagbubuo ng Aking iglesia. Dapat mong gugulin ang iyong sarili para sa Akin sa pamamagitan ng pag-aalay ng iyong sarili nang wala ni katiting na pasubali, at magpakita ng pagsasaalang-alang sa Aking mga hangarin upang mabigyang-kasiyahan ang Aking puso.

Sinundan: Kabanata 30

Sumunod: Kabanata 32

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Kaugnay na Nilalaman

Tatlong Paalaala

Bilang isang mananampalataya sa Diyos, dapat sa Kanya ka lamang maging tapat sa lahat ng bagay, at magawa mong umayon sa kalooban Niya sa...

Kabanata 24

Sumasapit ang Aking pagkastigo sa lahat ng tao, subalit nananatili rin itong malayo sa lahat ng tao. Buong buhay ng bawat tao ay puspos ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messenger