Kabanata 47

Makapangyarihang Diyos ng pagkamakatuwiran—ang Pinakamakapangyarihan sa lahat! Lubusang walang natatago sa Iyo. Ang bawat isang hiwaga mula pa noong unang panahon hanggang sa kawalang-hanggan, na hindi kailanman naihahayag ng mga tao, sa Iyo ay namamalas at ganap na malinaw. Hindi na namin kailangan pang maghanap at mangapa, dahil sa araw na ito ang Iyong persona ay hayagang namamalas namin, Ikaw ang hiwagang nabunyag na, at Ikaw ang praktikal na Diyos Mismo; at sa araw na ito ay dumating Ka nang harap-harapan sa amin, at habang nakikita namin ang Iyong persona, nakikita namin ang bawat hiwaga ng espirituwal na dako. Tunay na ito ay isang bagay na hindi mailalarawan sa isip ninuman! Kasama ka namin sa araw na ito, maging sa aming kalooban, at talagang napakalapit sa amin; hindi ito kayang ilarawan! Walang kapantay ang hiwagang nakapaloob dito!

Natapos na ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang plano ng pamamahala. Siya ang matagumpay na Hari ng sansinukob. Nasa pangangasiwa ng Kanyang mga kamay ang lahat ng bagay at lahat ng usapin. Lumuluhod sa pagsamba ang lahat ng tao, tumatawag sa pangalan ng totoong Diyos—ang Pinakamakapangyarihan sa lahat. Ang lahat ng bagay ay nagagawa sa pamamagitan ng mga salita mula sa Kanyang bibig. Bakit napakabagal ninyo, hindi kayang marubdob na gumawang kasama Niya, malapitang makisali sa Kanya, at sumama sa Kanya sa kaluwalhatian? Maaari bang nakahanda kayong magdusa? Nakahandang mapalayas? Iniisip ninyo na hindi Ko kilala kung sino ang tapat na nakatuon sa Akin at tapat na ginugugol ang kanilang mga sarili para sa Akin? Mga mangmang! Mga hangal! Hindi ninyo mawawari ang Aking mga layunin, at lalong hindi kayo makakapagpakita ng pagsasaalang-alang para sa Aking mga pasanin, palagi ninyo Akong pinag-aalala tungkol sa inyo, labis na pinagtatrabaho para sa inyo. Kailan ito matatapos?

Ang isabuhay Ako sa lahat ng bagay, ang patotohanan Ako sa lahat ng bagay—ito ba ay nangangahulugan ng paglilingkod sa bibig lamang at pagtatahi-tahi ng ilang salita? Hindi ninyo nalalaman kung ano ang pagkakaiba ng mabuti sa masama! Wala Ako sa inyong mga ginagawa at lalong wala Ako sa inyong pang-araw-araw na mga buhay. Nalalaman Ko na hindi ninyo siniseryoso kailanman ang paniniwala sa Diyos, kaya ang mga ito ang mga ibinubunga ninyo. Hindi pa rin kayo gising, at kung magpapatuloy kayong ganito, ipapahiya ninyo ang Aking pangalan.

Tanungin ang iyong sarili, kapag nagsasalita ka, nariyan ba Akong kasama mo? Kapag kumakain ka o nagsusuot ng iyong mga damit, nariyan ba ang Aking pangako? Talagang wala kayong isip! Sa tuwing hindi tuwirang pinagtutuunan ang iyong mga problema, ipinapakita mo ang iyong tunay na kulay, at walang sinuman sa inyo ang napapaniwala. Kung hindi ito ganito, iisipin ninyo na dakila ang inyong mga sarili, at may tinataglay kayong maraming bagay sa loob ninyo. Hindi ba ninyo alam na ang inyong kalooban ay puno ng kapangitan ni Satanas? Gumawang kasama Ko upang mailabas ang lahat ng bagay na ito. Hayaan ang kung ano Ako at kung ano ang mayroon Ako ang lubusang pumuspos sa iyong kalooban; ito lamang ang paraan na ikaw ay makapagsasabuhay sa Akin, makapagpapatotoo sa Akin nang may higit na realidad, at maging dahilan para mas maraming tao ang magpasakop sa harapan ng Aking trono. Dapat ninyong malaman kung gaano kabigat ang pasanin sa inyong mga balikat: itinataas ang Cristo, ipinamamalas ang Cristo, nagpapatotoo kay Cristo, upang di-mabilang na mga tao ang magtamo ng kaligtasan, nang ang Aking kaharian ay manatiling matatag at di-natitinag. Tinutukoy Ko ang lahat ng ito upang hindi lamang kayo basta makisabay nang hindi nauunawaan ang kahalagahan ng gawain sa araw na ito.

Walang magawa kapag naharap sa mga problema, gaya ng mga langgam sa isang mainit na kawali na tumatakbo nang paikot-ikot: ito ang inyong disposisyon. Sa panlabas, mukhang nasa hustong gulang na kayo, pero ang inyong panloob na buhay ay sa isang bata; ang alam lamang ninyong gawin ay kung paano gumawa ng kaguluhan at dagdagan ang Aking pasanin. Kung mayroong pinakamaliit na bagay na hindi Ko pinakikialaman, gumagawa kayo ng kaguluhan. Hindi ba’t ganoon nga? Huwag maging mapagmagaling. Katotohanan ang sinasabi Ko. Huwag palaging isipin na lagi Ko kayong pinagsasabihan, na parang gumagamit lamang Ako ng malalalim na mga salita; ito ang tunay na kalagayan ninyo.

Sinundan: Kabanata 46

Sumunod: Kabanata 48

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito