Gawain at Pagpasok 5
Ngayon alam na ninyong lahat na dinadala ng Diyos ang mga tao patungo sa tamang landas ng buhay, na pinangungunahan Niya ang tao sa susunod na hakbang tungo sa isa pang kapanahunan, na pinangungunahan Niya ang tao upang pangibabawan ang madilim at lumang kapanahunang ito, palabas sa laman, palayo mula sa pang-aapi ng mga puwersa ng kadiliman at sa impluwensiya ni Satanas, nang sa gayon ang bawat isang tao ay maaaring mabuhay sa isang mundo ng kalayaan. Para sa kapakanan ng isang magandang bukas, at upang mas lumakas ang loob ng mga tao sa kanilang mga hakbang bukas, pinaplano ng Espiritu ng Diyos ang lahat ng bagay para sa tao, at upang magkaroon ang tao ng higit na kasiyahan, iniuukol ng Diyos ang lahat ng Kanyang mga pagsisikap sa katawang-tao sa paghahanda ng landas na tatahakin ng tao, at pinabibilis ang pagdating ng araw na pinananabikan ng tao. Kung itatangi lamang sana ninyong lahat ang magandang sandaling ito; hindi madaling gawin ang magtipun-tipon kasama ang Diyos. Bagaman hindi ninyo kailanman Siya nakilala, matagal na kayong nakasama Niya. Kung maaari lamang matandaan ng lahat ang magaganda bagama’t maiikling araw na ito magpakailanman, at gawin ang mga ito bilang kanilang itinatanging mga pag-aari sa lupa. Ang gawain ng Diyos ay matagal nang naibunyag sa tao—pero dahil ang mga puso ng tao ay masyadong kumplikado, at dahil kailanma’y hindi sila nagkaroon ng anumang interes dito, ang gawain ng Diyos ay nanatiling pansamantalang nakatigil sa orihinal na saligan nito. Ang kanilang mga saloobin, mga kuru-kuro, at pangkaisipang pananaw, ay waring nananatiling lipas sa panahon, anupa’t ang pangkaisipang pananaw ng karamihan sa kanila ay nahahawig sa mga sinaunang tao noong unang panahon, at hindi nagbago nang kahit katiting. Dahil dito, ang mga tao ay naguguluhan pa rin at hindi nalilinawan tungkol sa gawaing ginagawa ng Diyos. Lalo pa nga silang hindi nalilinawan tungkol sa kung ano ang ginagawa nila at kung ano ang dapat nilang pasukin. Ang mga bagay na ito ay nagbibigay ng matitinding kahirapan sa gawain ng Diyos at hinahadlangan ang mga buhay ng mga tao mula sa pagsulong. Dahil sa diwa ng tao at sa kanilang mahinang kakayahan, likas na hindi nila kayang maunawaan ang gawain ng Diyos, at hindi nila mapahahalagahan ang mga bagay na ito kailanman. Kung gusto ninyo ng pag-unlad sa inyong buhay, dapat ninyong simulang pagtuunan ng pansin ang mga detalye ng inyong pag-iral, inuunawa ang bawat isa sa mga iyon upang makontrol ang inyong pagpasok sa buhay, lubusang mabago ang puso ng bawat isa sa inyo, at malutas ang mga problema ng kahungkagan sa loob ng inyong mga puso at ng nakakasawa at nakababagot na pag-iral na nagpapahirap sa inyo, upang ang bawat isa sa inyo ay mapanibago mula sa loob palabas at tunay na tamasahin ang buhay na napataas, nakahihigit, at malaya. Ang layunin ay ang magawa ng bawat isa sa inyo na mabuhay, mapasigla sa inyong espiritu, at maging kawangis ng nabubuhay na nilalang. Sa lahat ng mga kapatid na nakakaugnay ninyo, bibihira ang mga masigla at sariwa. Lahat sila ay tulad ng mga sinaunang taong bakulaw, mababaw mag-isip at hangal, at mukhang walang anumang inaasahang pag-unlad. Ang mas malala, ang mga kapatid na nakaugnayan Ko ay gaya sa mga taong-bundok na bastos at di-sibilisado. Halos wala silang alam tungkol sa kagandahang-asal, at lalong hindi ang alinmang pinakasaligan ng kung paano kumilos. Marami rito ay ang mga kabataang kapatid na babae na, bagaman maaaring mukha silang matalino at maganda, at lumaki na kasing ganda ng mga bulaklak, ay nagbibihis pa rin sa “alternatibong” paraan. Ang buhok ng isang babaeng kapatid[a] ay tumatakip na sa kanyang buong mukha, kaya wala nang nakikita sa kanyang mga mata. Kahit na malinis at maayos ang hitsura ng kanyang mukha, ang ayos ng buhok niya ay hindi kanais-nais at nagsasanhi ng kakatwang pakiramdam, na para bang siya ang numero unong pasaway sa isang pansamantalang kulungan para sa kabataan. Ang kanyang mga mata na malinaw at maningning tulad ng mga esmeralda sa tubig, ay nasasapawan ng kanyang kasuotan at ayos ng buhok, kaya nagmimistulang parang isang pares ng parol ang mga iyon na biglang nakikita sa dilim ng gabi, na kumikislap-kislap nang may nakabubulag na kaningningan na naghahasik ng takot sa mga puso ng mga tao, at gayunman ay lumilitaw rin na para bang sadya siyang nagtatago mula sa isang tao. Kapag nakikita Ko siya, lagi siyang gumagawa ng mga paraan para makaiwas sa “eksena,” gaya ng isang mamamatay-tao na kapapatay lamang ng isang tao at, sa sobrang takot na mabisto, ay palagiang umiiwas; gayundin, tulad siya ng mga itim na Aprikano[1] na naging mga alipin sa loob ng maraming henerasyon at hindi kailanman maaaring itaas ang kanilang mga ulo sa harap ng iba. Ang samut-saring mga pag-uugaling ito, hanggang sa pananamit at paggagayak ng mga taong ito, ay mangangailangan ng ilang buwang gawain upang mapabuti.
Sa loob ng libu-libong taon, namuhay ang mga Tsino bilang mga alipin, at lubhang napigilan nito ang kanilang mga iniisip, mga konsepto, buhay, wika, pag-uugali, at mga pagkilos na hindi nag-iwan ng kahit kaunting kalayaan sa kanila. Ang ilang libong taon ng kasaysayan ay nagsanhi sa mahahalagang tao na masapian ng isang espiritu at manlupaypay na parang mga bangkay na walang espiritu. Marami sa kanila ang namumuhay sa ilalim ng kutsilyong pangkatay ni Satanas, marami ang nakatira sa mga tahanan na parang mga lungga ng mga hayop, marami ang kumakain ng kagaya ng pagkain ng mga baka o kabayo, at marami ang hindi nagsasabi ng totoo, manhid at magulo sa “daigdig ng mga patay.” Sa hitsura, hindi naiiba ang mga tao sa sinaunang tao, ang kanilang lugar na pahingahan ay tulad ng impiyerno, at bilang mga kasama ay nakapaligid sa kanila ang lahat ng uri ng maruruming demonyo at masasamang espiritu. Sa panlabas, ang mga tao ay mukhang nakatataas na mga “hayop”; sa katunayan, namumuhay at naninirahan sila kasama ng maruruming demonyo. Dahil walang sinumang nag-aalaga sa kanila, namumuhay ang mga tao sa loob ng pananambang ni Satanas, nahuli sa bitag nito na walang paraan upang makatakas. Sa halip na sabihing nagsasama-sama sila ng kanilang mga minamahal sa maginhawang mga tahanan, namumuhay nang masaya at nakasisiyang mga buhay, masasabi na ang mga tao ay nakatira sa Hades, nakikitungo sa mga demonyo at nakikisama sa mga diyablo. Sa katunayan, nakagapos pa rin ang mga tao kay Satanas, nakatira sila kung saan nagtitipon ang maruruming demonyo, minamanipula sila ng maruruming demonyong ito, na para bang ang kanilang mga kama ay isang lugar para tulugan ng kanilang mga bangkay, na parang ang mga iyon ay isang lugar ng kaginhawahan. Sa pagpasok sa kanilang tahanan, ang bakuran ay malamig at mapanglaw, isang malamig na hangin ang humuhugong sa mga tuyong sanga. Pagbukas ng pintuan sa “sala,” ang silid ay napakadilim—maiuunat mo ang iyong kamay at hindi mo makikita ang iyong mga daliri. Isang munting liwanag ang tumatagos sa siwang ng pintuan, na lalo pang nagpapadama na ang silid ay mapanglaw at kakila-kilabot. Paminsan-minsan, ang mga daga ay lumalangitngit nang kakaiba, na para bang nagkakatuwaan. Ang lahat sa loob ng silid ay hindi kanais-nais at nakakatakot, tulad sa isang bahay kung saan ang isang taong kalalagay lamang sa kabaong ay dating naninirahan. Ang kama, kubrekama, at ang pangkaraniwang maliit na aparador sa loob ng silid ay punong-puno lahat ng alikabok, sa sahig ilang maliliit na bangko ang nagpapakita ng kanilang mga pangil at iniaamba ang kanilang mga pangalmot, at naglawit sa mga dingding ang mga agiw. Isang salamin ang nakapatong sa mesa at may isang suklay na kahoy sa tabi nito. Paglakad palapit sa salamin, dumampot ka ng kandila at sinindihan ito. Nakita mo na ang salamin ay puno ng alikabok, nagsasanhi na parang may “kolorete” ang mga repleksiyon ng mga tao[b] kaya mukha silang kalalabas lamang ng libingan. Ang suklay ay puno ng mga buhok. Lahat ng bagay na ito ay luma at magaspang, at parang kagagamit lamang ng isang taong kamamatay lamang. Sa pagtingin sa suklay, ang pakiramdam ay parang may bangkay na nakahiga sa isang tabi. Dahil walang dugong dumadaloy, ang mga buhok sa suklay ay amoy patay. Isang malamig na simoy ang pumasok sa siwang ng pintuan, na para bang may multong sumisiksik sa siwang at bumabalik para tumira sa silid. May mapaniil na lamig sa silid, at biglang may umalingasaw na para bang nabubulok na bangkay, at sa sandaling ito makikita na may sari-saring mga bagay na nakasabit sa mga dingding, sa kama ay may lukot na kumot, marumi at mabaho, may butil sa sulok, ang aparador ay puno ng alikabok, ang sahig ay puno ng maliliit na sanga at dumi, at kung anu-ano pa—na para bang kagagamit lamang sa mga iyon ng isang patay na tao, gumigiwang paabante, nagngangalit ang kanyang mga ngipin at kinakalmot ang hangin. Ito’y sapat na para kilabutan ka. Walang bakas ng buhay saanman sa silid, lahat ay madilim at mahalumigmig, tulad ng Hades at impiyerno na binanggit ng Diyos. Ito’y gaya lamang ng puntod ng isang tao, kasama ang walang pinturang aparador, mga bangko, mga hamba ng bintana, at mga pintuan na nakabihis ng panluksa at tahimik na nagbibigay-pugay sa patay. Ang tao’y ilang dekada nang naninirahan dito sa daigdig ng mga patay, o ilang siglo na, o maging ilang milenyo pa nga, lumalabas nang maaga at umuuwi nang gabing-gabi na. Lumalabas sila sa kanilang “puntod” sa pagsikat ng liwanag, kapag tumitilaok ang mga tandang, at tumitingala sa langit at sumusulyap pababa sa lupa, nag-uumpisa ng kanilang araw-araw na gawain. Kapag ang araw ay tumatago sa likod ng mga bundok, kinakaladkad nila ang kanilang pagod na katawan pabalik sa “puntod”; kapag nabusog na sila ay takipsilim na. Pagkatapos, dahil tapos na ang paghahanda sa muling pag-alis mula sa “puntod” kinabukasan, pinapatay nila ang ilaw, na ang liwanag ay parang mula sa mga apoy ng posporo. Sa sandaling ito, ang makikita lamang sa ilalim ng liwanag ng buwan ay mga bunton ng mga puntod na nagkalat gaya ng maliliit na burol sa bawat sulok. Mula sa loob ng “mga puntod” ay maririnig ang paminsan-minsang ingay ng paghilik, pataas at pababa. Tulog na tulog ang lahat ng tao, at gayundin ang maruruming demonyo at mga multo ay tila nagpapahingang lahat nang mapayapa. Paminsan-minsan, nakakarinig ang tao ng huni ng mga uwak mula sa malayo—ang tunog ng mapapanglaw na pagdaing na ito sa isang gabing walang-gumagalaw at tahimik tulad nito ay sapat na para magdulot ng pangingilabot sa iyong buong katawan at patirikin ang iyong mga buhok…. Sinong nakakaalam kung ilang taon ang ginugol ng tao sa gayong mga katayuan, namamatay at ipinanganganak muli; sinong nakakaalam kung gaano katagal na silang nanatili sa mundo ng mga tao kung saan magkahalubilo ang mga tao at mga multo, at higit pa rito, sino ang nakakaalam kung ilang beses na silang nagpaalam sa mundo. Sa impiyernong ito sa lupa nabubuhay nang masaya ang mga tao, na para bang wala sila kahit kaunting reklamo, dahil matagal na nilang nakasanayan mula pa noon ang buhay sa Hades. At kung gayon, ang mga tao’y namamangha sa lugar na ito kung saan naninirahan ang maruruming demonyo, na para bang mga kaibigan nila at kasama ang maruruming demonyo, na para bang ang mundo ng tao ay isang pangkat ng mga sanggano[2]—dahil ang orihinal na diwa ng tao ay matagal nang naglaho noon pa man nang wala kahit bulong man lamang, naglaho ito nang walang bakas. Ang anyo ng mga tao ay para bagang may isang bagay na mula sa isang maruming demonyo; higit pa riyan, ang kanilang mga pagkilos ay minamanipula ng maruruming demonyo. Ngayon, hindi na naiiba ang hitsura nila sa maruruming demonyo, na para bang ipinanganak sila mula sa maruruming demonyo. Bukod pa riyan, ang mga tao ay lubhang maibigin, at sumusuporta, sa kanilang mga ninuno. Walang nakakaalam na ang tao ay matagal nang masyadong api-apihan ni Satanas mula pa noon kaya naging gaya na sila ng mga bakulaw sa kabundukan. Ang kanilang namumulang mga mata ay nagtataglay ng nagsusumamong tingin, at sa malamlam na liwanag na sumisilay mula sa kanila ay isang malabong bahid ng mapaminsalang hangarin ng maruming demonyo. Puno ng mga kulubot ang kanilang mga mukha, putuk-putok tulad ng balat ng puno ng pino, nakausling palabas ang kanilang mga bibig, na para bang hinubog ni Satanas, puno ng putik ang kanilang mga tainga sa loob at labas, kuba na ang kanilang mga likod, nangangalog na ang kanilang mga binti sa pagsuporta sa kanilang mga katawan, at ang kanilang butuhang mga braso ay uuguy-ugoy nang paroo’t parito. Para bagang sila’y buto’t balat na lamang, gayunpaman sila rin ay kasing-taba ng osong bundok. Sa loob at labas, sila’y inayusan at nakadamit gaya ng isang bakulaw mula sa sinaunang panahon—na para bang, sa ngayon, ang mga bakulaw na ito ay hindi pa lubos na nahuhubog sa[3] anyo ng makabagong tao, masyado silang napag-iwanan!
Nakatira ang tao na kaagapay ang mga hayop, at maayos silang magkasama, na walang mga alitan o mga pagtatalu-talo. Maselan ang tao sa kanyang pag-aalaga at pagmamalasakit sa mga hayop, at umiiral ang mga hayop para sa pananatiling buhay ng tao, tanging para sa kanyang kapakinabangan, na walang anumang bentahe sa mga sarili ng mga ito at may ganap at buong pagkamasunurin sa tao. Kung titingnan sa kabuuan, ang relasyon sa pagitan ng tao at hayop ay malapit[4] at magkasundo[5]—at ang maruruming demonyo, sa wari, ay ang perpektong kumbinasyon ng tao at hayop. Kaya, ang tao at ang maruruming demonyo sa lupa ay mas malapit pa nga at hindi maaaring paghiwalayin: Kahit na nakahiwalay sa masasamang demonyo, ang tao ay nananatiling konektado sa mga iyon; samantala, ang maruruming demonyo ay walang itinatago sa tao, at “inilalaan” sa kanila ang lahat ng mayroon ang mga ito. Bawat araw, naglulundagan ang mga tao sa “palasyo ng hari ng impiyerno,” naglalaro kasama ang “hari ng impiyerno” (ang kanilang ninuno), at minamanipula nito, kaya’t ngayon, nanigas na sa dumi ang mga tao, at, pagkalipas ng paggugol ng matagal na panahon sa Hades, ay matagal nang tumigil sa pagnanais na bumalik sa “mundo ng mga buhay.” Kaya, sa sandaling nakita nila ang liwanag, at nakita ang mga hinihingi ng Diyos, at ang pag-uugali ng Diyos, at ang Kanyang gawain, ninenerbiyos sila at nababahala; nananabik pa rin silang bumalik sa daigdig ng mga patay at manirahan kasama ng mga multo. Matagal na nilang nakalimutan ang Diyos, at kaya naggagala na sila sa libingan. Kapag nakakakilala Ako ng isang tao, sinisikap Kong kausapin siya, at saka Ko lamang natutuklasan na ang taong nakatayo sa harap Ko ay hindi talaga isang tao. Di-sinusuklay ang kanyang buhok, marungis ang kanyang mukha, at mayroong pagka-lobo sa kanyang ngiting litaw ang mga ngipin. Gayundin, tila mayroon siyang pagkaasiwa ng isang multong kalalabas lamang mula sa puntod at nakakita ng tao sa daigdig ng nabubuhay. Ang taong ito ay palaging nagsisikap na pangitiin ang kanyang mga labi; ito’y mukhang kapwa lihim na mapanira at nagbabanta. Kapag siya’y ngumingiti sa Akin, para bang may sasabihin siya pero hindi makahagilap ng mga salita, at kaya ang tanging magagawa niya ay tumayo sa isang tabi na mukhang blangko at hangal. Kung titingnan mula sa likuran, tila ipinakikita niya ang “napakalakas na imahe ng uring manggagawa ng mga Tsino”; sa mga sandaling ito ay nagmumukha siyang mas kasuklam-suklam, ipinaaalala ang imahe ng mga inapo ng maalamat na Yan Huang/Yan Wang ng sinaunang panahon[c] na binabanggit ng mga tao. Kapag tinatanong Ko siya, tahimik niyang iniyuyuko ang kanyang ulo. Natatagalan siya bago sumagot, at siya’y sobrang pigil na pigil sa paggawa nito. Hindi niya mapanatiling di-gumagalaw ang kanyang mga kamay at sinisipsip ang kanyang dalawang daliri gaya ng isang pusa. Ngayon Ko lamang napagtanto na ang mga kamay ng tao ay parang kakakalkal lamang ng basura, na may mga kukong nanlilimahid na labis nang nabago ang kulay na hindi mo kailanman malalaman na dapat ay puti at “maninipis” na mga kuko na nasisiksikan ng makapal na dumi. Higit pang nakaririmarim, ang mga likod ng kanilang mga kamay ay kamukha ng balat ng manok na bago pa lamang natanggalan ng balahibo. Ang mga guhit sa kanilang mga kamay ay halos napalamanan lahat ng halaga ng dugo at pawis ng mga pagpapagal ng tao, nakapaloob sa bawat isa ang isang bagay na mukhang dumi, waring naglalabas ng “halimuyak ng lupa,” upang mas mainam na kumatawan sa kahalagahan at pagiging kapuri-puri ng diwa ng pagdurusa ng tao—kaya nga ang diwang ito ng pagdurusa ay lalo pang malalim na nakabaon sa bawat guhit na nasa mga kamay ng tao. Mula ulo hanggang paa, wala sa dinaramit ng tao ang gaya ng anumang balahibo ng hayop, pero wala silang kaalam-alam na, kahit na maging sobrang “kagalang-galang” sila, ang halaga nila sa totoo lang ay mas mababa kaysa balahibo ng asong-gubat—mas mababa pa nga kaysa isang balahibo ng paboreal, dahil matagal na silang nagawang napakapangit ng kanilang pananamit kaya mukha silang mas masahol pa kaysa baboy at aso. Ang maikli niyang pang-itaas ay nakalawit sa kalagitnaan ng kanyang likod, at ang kanyang pantalon—gaya ng bituka ng manok—ay lubusang inilalantad ang kanyang kapangitan sa maningning na sikat ng araw. Maiikli at makikitid ang mga ito, na para bang para sa kapakanan ng pagpapakita na ang kanyang mga paa ay matagal nang hindi nakatali: Malalaking paa ang mga ito, hindi na ang “tatlong-pulgadang ginintuang lotus” ng lumang lipunan. Ang pananamit ng taong ito ay sobrang maka-Kanluranin, gayundin ay masyadong masagwa. Kapag nakikipagkita Ako sa kanya, lagi siyang mahiyain, namumula nang husto ang mukha niya, at hindi niya kayang itaas man lamang ang kanyang ulo, na para bang natatapak-tapakan siya ng maruruming demonyo, at hindi na makakatingin pa sa mukha ng mga tao. Puno ng alikabok ang mukha ng tao. Ang alikabok na ito, na bumagsak mula sa langit, ay waring bumabagsak lahat nang di-makatarungan sa mukha ng tao, at pinagmumukha itong mga balahibo ng maya. Ang mga mata ng tao ay tulad din ng sa maya: maliit at walang sigla, walang anumang kaningningan. Kapag nagsasalita ang mga tao, palaging pahintu-hinto at paiwas ang kanilang pananalita, karima-rimarim at kasuklam-suklam sa iba. Pero marami ang ipinagbubunyi ang gayong mga tao bilang “mga kinatawan ng bansa.” Hindi ba ito isang biro? Ninanasa ng Diyos na baguhin ang mga tao, iligtas sila, sagipin sila mula sa puntod ng kamatayan, upang maaari silang makatakas mula sa pamumuhay nila sa Hades at sa impiyerno.
Mga Talababa:
1. Ang “mga itim na Aprikano” ay tumutukoy sa mga itim na tao na sinumpa ng Diyos, na naging mga alipin sa maraming henerasyon.
2. Ang “isang pangkat ng mga sanggano” ay tumutukoy sa katiwalian ng sangkatauhan, at kung paanong walang mga banal na tao sa sangkatauhan.
3. Ang “nahuhubog sa” ay tumutukoy sa “ebolusyon” ng taong bakulaw tungo sa anyo ng mga tao ngayon. Ang layunin ay panunuya: Sa katunayan, wala namang tinatawag na teorya ng sinaunang bakulaw na nagbabago para maging mga taong lumalakad nang patayo.
4. Ang “malapit” ay ginagamit na may panunuya.
5. Ang “magkasundo” ay ginagamit na may panunuya.
a. Ang nakasaad sa orihinal na teksto ay “Siya (isang babae).”
b. Ang nakasaad sa orihinal na teksto ay “mga mukha ng mga tao.”
c. Ang “Yan” at “Huang” ay mga pangalan ng dalawang emperador sa mitolohiya na kasama sa mga unang nagkaloob ng kultura sa Tsina. Ang “Yan Wang” ay ang pangalang Tsino para sa “hari ng impiyerno.” Ang “Yan Huang” at “Yan Wang” ay halos magkasing-tunog kapag sinambit sa Mandarin.