Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Ang Ikasandaa’t-limang Pagbigkas

Dahil sa mga panuntunan ng Aking mga salita, dahil sa pamamaraan ng Aking gawain, itinatatwa Ako ng mga tao; ito ang layunin ng Aking pagsasalita nang napakatagal (sinasalita nang may kinalaman sa lahat ng mga inápó ng malaking pulang dragon). Ito ang marunong na pamamaraan ng Aking gawain; ito ay Aking paghatol sa malaking pulang dragon; ito ay Aking istratehiya, hindi ito lubusang nauunawaan ng kahit isang tao. Sa bawa’t punto ng pagbaling, iyan ay, sa bawa’t yugto ng paglipat ng Aking planong pamamahala, ilang tao ang dapat maalis; sila ay inaalis ayon sa pagkakasunud-sunod ng Aking gawain. Tanging ito lamang ang pamamaraan ng paggawa ng Aking buong planong pamamahala. Pagkatapos Kong maitapon, nang isa-isa, ang mga taong nais Kong alisin, sinisimulan Ko naman ang susunod na hakbang ng Aking gawain. Gayunpaman, ang panahong ito ng pag-aalis ang huling panahon (sa loob ng mga iglesia sa Tsina), at ito rin ang panahon kung kailan ang pinakamalaking bilang ng mga tao ay aalisin sa isang yugto ng paglipat simula sa paglikha ng mundo. Sa buong kasaysayan, sa bawa’t panahon na ang mga tao ay inaalis mayroong isang bahagi na itinitira para maglingkod sa susunod na gawain, nguni’t ang panahong ito ay hindi na gaya ng dati; ito ay mabilis at malinis, ito ang pinakamahalaga at pinakaperpekto sa lahat ng mga panahon. Kahit na pagkatapos ng pagbabasa sa Aking mga salita, karamihan sa mga tao ay sumusubok at pinipilit na alisin ang pagdududa sa kanilang mga isipan, nguni’t sa katapusan hindi nila ito mapagtagumpayan, at sa kahuli-hulihan ay bumabagsak sila sa kanilang pagpupumilit. Hindi ito nakasalalay sa tao upang pagpasyahan, dahil yaong Aking mga paunang-naitálágá ay hindi nakakatakas, at yaong mga hindi Ko paunang-naitálágá ay maari Ko lamang hamakin. Tanging yaong Aking mga pinapaboran ang siya Kong mga minamahal, kung hindi, walang isa mang tao ang maaaring malayang umalis at pumasok sa Aking kaharian; ito ang Aking bakal na pamálò, at ito lamang ang makapangyarihang patotoo at lubos na pagpapamalas ng pagsasakatuparan ng Aking mga utos sa pangangasiwa. Ito ay tiyak na hindi isang bagay ng pagkakaroon lamang ng isang matatag na puso. Bakit Ko nasabing si Satanas ay mahina at bagsak? Nang una ay may lakas ito, nguni’t ito ay nasa Aking mga kamay; kung sabihin Ko ritong humiga, dapat itong humiga; kung sabihin Ko ritong bumangon para maglingkod sa Akin, dapat itong bumangon at maglingkod sa Akin nang mabuti. Hindi naman na gusto itong gawin ni Satanas, ito ay dahil pinamumunuan ng Aking bakal na pamálò si Satanas, at saka lamang ito nakukumbinsi sa puso at sa pamamagitan ng salita. Pinamamahalaan ito ng Aking mga utos sa pangangasiwa, taglay Ko ang Aking kapangyarihan, kaya’t ito ay hindi maaaring hindi lubos na makumbinsi, dapat itong matapakan sa ilalim ng Aking tungtungan, nang walang bakas ng paglaban. Sa nakalipas nang ito ay gumagawa ng paglilingkod sa Aking mga anak-na-lalaki, ito ay mapangahas sa kasukdulan at matigas na tinatakot ang Aking mga anak-na-lalaki, umaasang sa pamamagitan niyon ay maipapahiya Ako, sinasabing wala Akong kakayahan. Gaanong kabulag! Yayakyakin kita hanggang kamatayan! Tangkain mo lamang na maging mabagsik na muli! Mangahas ka lamang na tratuhing muli ang Aking mga anak-na-lalaki nang walang-pakialam! Mas tapat ang mga tao, at mas nakikinig sila sa Aking mga salita at tinutupad ang Aking mga gawa, mas tinatakot mo sila, at mas inihihiwalay mo sila (ibig sabihin nito ay nangungumbinsi ng mga tao at pinagsasama-sama). Ngayon ang iyong mga araw ng kabagsikan ay natatapos na, utik-utik ko nang inaayos ang pananagutan kasama ka, at hindi kita palilibrihin kahit katiting man. Ngayon hindi ikaw—Satanas—ang nakakuha ng kapangyarihan; sa halip nabawi Ko ang kapangyarihang yaon, at ang panahon para tawagin ang Aking mga anak-na-lalaki para pakitunguhan ka ay dumating na. Dapat kang sumunod, at huwag magkaroon ng kahit katiting na paglaban. Kahit na gaano kaayos ang naging asal mo sa harapan Ko nang nakaraan, wala itong magagawa sa iyo ngayon. Kung hindi ka isa sa mga yaon na Aking minamahal, kung gayon hindi kita gusto. Ang isang sumobra ay hindi katanggap-tanggap, ito ay dapat na ang bilang na Aking paunang-naitálágá; ang magkulang iyan ng isa ay mas masama pa. Satanas, huwag maging mapanira! Maaari kayang hindi Ako malinaw sa Aking sariling puso kung sino ang Aking minamahal at sino ang Aking kinamumuhian? Kailangan Ko ba ang iyong pagpapaalala? Kaya bang magsilang ni Satanas ng Aking mga anak-na-lalaki? Lahat ay katawa-tawa! Lahat ay kawawa! Aking lubusan at ganap na itatapong lahat, kahit isa ay hindi kailangan, lahat ay dapat na umalis! Ang anim-na-libong-taong planong pamamahala ay nasa katapusan na, ang Aking gawain ay tapos na, dapat Kong alisin ang mga hayop at ang mga animo’y hayop!

Yaong mga naniniwala sa Aking mga salita at nagsasakatuparan ng Aking mga gawa ay dapat na yaong Aking mga minamahal, hindi Ko tatalikuran kahit isa, walang isa mang paaalisin, kaya yaong mga panganay na anak-na-lalaki ay hindi kailangang mag-alala. Yamang ito ay Aking ipinagkakaloob, walang sinumang makakapag-alis nito, at Ako ay may tungkuling ipagkaloob ito sa mga yaon na Aking pinagpapala. Yaong Aking mga sinasang-ayunan (bago ang paglikha ng mundo), Aking pinagpapala (ngayon). Ito ang paraan kung paano Ako gumagawa, ito rin ang pangunahing panuntunan ng bawa’t sugnay ng Aking mga utos sa pangangasiwa, at walang sinumang makapagbabago nito; isa mang higit na salita ay hindi maidaragdag, ni isa mang dagdag na pangungusap, at lalo nang wala kahit isang salita ang maaaring alisin, ni isang pangungusap. Sa nakalipas malimit Kong sinasabi na ang Aking persona ay nagpapakita sa inyo; kaya ano kung gayon ang Aking persona, at paano ba ito nagpapakita? Ito ba ay nangangahulugan lamang na Ako Mismo? Nangangahulugan lamang ba ito ng bawa’t pangungusap na Aking sinasabi? Ang dalawang aspetong ito, samantalang hindi maaring mawala, ay kumukuha lamang ng maliit na bahagi, na ang ibig sabihin, hindi iyan ang buong pagpapaliwanag ng Aking persona. Ang Aking persona ay nagpapaloob sa Akin Mismo, sa Aking mga salita, at Akin ding mga gawa, nguni’t ang pinakatumpak na paliwanag ay yaong ang Aking mga panganay na anak-na-lalaki at Ako ay ang Aking persona. Ibig sabihin niyan, isang pangkat ng mga organisadong Kristiyano, na naghahari at humahawak ng kapangyarihan, ang Aking persona. Samakatuwid, bawa’t isa sa mga panganay na anak-na-lalaki ay hindi maaring mawala, ay bahagi ng Aking persona, kaya mula ngayon Aking idinidiin na ang bilang ng mga tao ay hindi maaaring humigit ng isa na napakalaki na (na nagpapahiya sa Aking pangalan), ni, higit pang mahalaga, mabawasan ng isa na napakaunti (hindi kayang maging Aking buong pagpapamalas), at Aking idinidiing muli at muli na ang mga panganay na anak-na-lalaki ay ang Aking mga pinakamamahal, Aking kayamanan, ang pagkakabuu-buo ng Aking anim-na-libong-taong pamamahala; tanging ang mga panganay na anak-na-lalaki ang maaaring maging Aking perpekto at lubos na pagpapamalas, Ako Mismo ay maaari lamang maging lubos na pagpapamalas ng Aking persona, kung kasama lamang ang mga panganay na anak-na-lalaki maaari itong masabi na isang perpekto at lubos na pagpapamalas. Kaya may mahigpit Akong mga hinihingi sa Aking mga panganay na anak-na-lalaki, hindi pinalalampas ang isa mang bagay, at pinuputol at pinapatay ang lahat niyaon kahiwalay mula sa Aking mga panganay na anak-na-lalaki nang paulit-ulit; ito ang ugat ng lahat ng Aking nasabi, ito ang kahuli-hulihang layunin ng lahat ng Aking nasabi. Higit pa rito, muli’t muli Kong idinidiin na sila ay dapat maging yaong Aking mga sinasang-ayunan, yaong Aking mga personal na pinili simula sa paglikha ng mundo. Kaya, paano ngayon ipaliliwanag ang “pagpapakita”? Ito ba ay ang panahon ng pagpasok sa espirituwal na mundo? Karamihan sa mga tao ay naniniwala na ito ay ang panahon na Ako Mismo ay pinahiran, o ang panahon kung kailan nakita nila Ako Mismo; lahat ng ito ay mali, hindi kailanman malapit. Ang “pagpapakita” ayon sa orihinal na kahulugan nito ay hindi sa ano mang paraan mahirap na unawain, nguni’t ang unawain ito ayon sa Aking hangarin ay malayong mas mahirap. Maaaring masabi kung gayon: Nang nilikha Ko ang sangkatauhan, isinasanib Ko ang Aking katangian sa pangkat na ito ng mga tao na Aking minamahal, at ang pangkat na ito ng mga tao ay ang Aking persona. Sa ibang paraan ng pagsasalita, ang Aking persona ay nakapagpakita na sa panahong yaon. Ito ay hindi yaong ang Aking persona ay nagpakita pagkatapos na tinanggap ang ngalang ito, bagkus ay yaong nagpakita ito pagkatapos Kong paunang-itinálágá ang pangkat na ito ng mga tao, dahil nilalaman nila ang Aking katangian (ang kalikasan nila ay hindi nagbabago, sila ay bahagi pa rin ng Aking persona). Kaya ang Aking persona, mula sa paglikha ng mundo hanggang sa kasalukuyang araw, ay laging nagpapakita. Sa mga pagkaintindi ng mga tao, ang karamihan ay naniniwala na Ako Mismo ay ang Aking persona, na ito ay walang-pasubaling hindi gayon; iyan ay mga kaisipang lahat ng mga tao, mga paniwala ng mga tao. Kung Ako lamang Mismo ang Aking persona, hindi niyan kayang mailagay si Satanas sa kahihiyan, hindi nito makakayang luwalhatiin ang Aking pangalan, at ito sa katunayan ay magkakaroon ng kasalungat na epekto, sa gayon ay hinihiya ang Aking pangalan, at nagiging isang marka ng panghihiya ni Satanas sa Aking pangalan sa buong mga kapanahunan. Ako ang marunong na Diyos Mismo, at hindi Ako kailanman gagawa ng gayong hangal na bagay.

Ang Aking gawain ay dapat magkaroon ng mga bunga, higit pa dapat Akong magwika ng mga salitang may mga pamamaraan; lahat ng Aking mga salita at mga pagbigkas ay sinasalita sa pagsunod sa Aking Espiritu, at nagsasalita Ako ayon sa lahat ng ginagawa ng Aking Espiritu. Kaya lahat ay dapat, sa pamamagitan ng Aking mga salita, makaramdam sa Aking Espiritu, makita kung ano ito na ginagawa ng Aking Espiritu, makita kung ano itong eksaktong gusto Kong gawin, makita ang Aking paraan ng paggawa ayon sa Aking mga salita, at makita kung ano ang mga panuntunan ng Aking buong planong pamamahala. Pinagmamasdan Ko ang buong larawan ng sansinukob: Bawa’t tao, bawa’t pangyayari, at bawa’t lugar ay nasa ilalim lahat ng Aking pag-uutos. Walang nangangahas na lumabag sa Aking plano; lahat ay sumusulong nang isa-isang hakbang ayon sa kaayusang Aking naituro. Ito ay Aking kapangyarihan, dito nakasalalay ang karunungan ng pamamahala ng Aking buong plano. Walang lubos na nakakaunawa, walang nakakapagsalita nang malinaw. Lahat ay personal Kong ginagawa, at Ako lamang ang nagkokontrol.

Sinundan:Ang Ikasandaa’t-tatlong Pagbigkas

Sumunod:Ang Ikasandaa’t-anim na Pagbigkas

Baka Gusto Mo Rin