Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Kabanata 120

Sion! Magbunyi! Sion! Sumigaw! Nakabalik Akong nagwagi, nakabalik Akong matagumpay! Lahat ng tao! Magmadalinh maayos na pumila! Lahat ng bagay! Darating kayo sa sa ganap na paghinto, dahil hinaharap ng Aking persona ang buong sansinukob at lumilitaw ang Aking persona sa Silangan ng mundo! Sinong nangangahas na hindi lumuhod sa pagsamba? Sinong nangangahas na hindi magsalita tungkol sa totoong Diyos? Sinong nangangahas na hindi tumingala sa paggalang? Sinong nangangahas ng hindi magpuri? Sinong nangangahas na hindi sumigaw ng pagbubunyi? Maririnig ng bayan Ko ang Aking tinig, mabubuhay ang Aking mga anak sa loob ng Aking kaharian! Kabundukan, mga ilog, at lahat ng bagay ay walang katapusang magbubunyi, at tatalon nang hindi humihinto. Sa panahong ito, walang mangangahas na na bumalik, walang mangangahas na tumindig sa paglaban. Ito ang Aking kamangha-manghang gawa, at lalong higit pang dakilang kapangyarihan Ko ito! Gagawin Kong igalang Ako ng lahat sa kanilang mga puso at higit pa gagawin Kong purihin Ako ng lahat. Ito ang pangunahing layunin ng Aking plano ng pamamahala ng anim na libong taon, at naitalaga Ko ito. Wala ni isang tao, ni isang bagay ni isang usapin, ang nangangahas na tumindig para labanan Ako, ni nangangahas na tumindig para tutulan Ako. Lahat ng Aking bayan ay dadaloy sa Aking bundok (ipinahihiwatig nito ang mundo na lilikhain Ko sa dakong huli) at magpapasakop sila sa harap Ko dahil mayroon Akong kamahalan at paghatol, at nagdadala ng awtoridad. (Tumutukoy ito sa kapag nasa katawan Ako. Mayroon din Akong awtoridad sa katawang-tao pero dahil sa mga hangganan ng panahon at kalawakan ay hindi malalagpasan sa laman, kaya nga hindi masasabi na nakamtan Ko ang ganap na kaluwalhatian. Bagaman nakamit Ko ang mga panganay na anak sa laman, hindi pa rin masasabi na nakamtan Ko ang kaluwalhatian. Tangi lang kapag bumalik Ako sa Sion ang magbago ng Aking pagpapakita na masasabi na dala Ko ang awtoridad, iyan ay, nakamtan Ko ang kaluwalhatian.) Walang magiging mahirap para sa Akin. Mawawasak lahat sa mga salita mula sa Aking bibig, at dahil ito sa mga salita mula sa Aking bibig na iiral sila at magiging ganap, gayon ang Aking dakilang kapangyarihan at gayon ang Aking awtoridad. Dahil puspos Ako ng kapangyarihan at puno ng awtoridad, walang sinumang tao na mangangahas na hadlangan Ako. Nakapagwagi na Ako sa lahat at nanalo sa lahat ng mga anak ng paghihimagsik. Sama-sama Kong dinadala ang Aking mga panganay na anak para bumalik sa Sion. Hindi lang Ako mag-isa ang bumabalik sa Sion. Sa dahilang ito makikita ng lahat ang Aking mga panganay na anak at kung kaya magkakaroon ng pusong may paggalang sa Akin. Ito ang Aking layunin sa pagtamo ng mga panganay na anak at ito ang naging plano Ko simula ng panahon ng Aking paglikha sa mundo.

Kapag lahat nasa ayos, iyan ang araw na babalik Ako sa Sion, at gugunitain ng lahat ng tao ang araw na ito. Kapag bumalik Ako sa Sion, mapapatahimik ang lahat ng bagay sa daigdig at makikipagpayapaan ang lahat ng bagay sa daigdig. Kapag nakabalik na Ako sa Sion, ipagpapatuloy ng lahat ang kanilang orihinal na anyo. Sa panahong iyan, sisimulan Ko ang Aking gawain sa Sion, parurusahan Ko ang masama at gagantimpalaan ang mabuti, ipatutupad Ko ang Aking pagkamakatuwiran at isasagawa Ko ang Aking paghatol. Gagamitin Ko ang Aking mga salita para maisakatuparan lahat at gagawin ang lahat ng tao at lahat ng bagay na maranasan ang Aking kamay na nagkakastigo. Gagawin Kong makita ng lahat ng tao ang Aking buong kaluwalhatian, makita ang Aking buong karunungan, makita ang Aking buong kasaganaan. Walang taong mangangahas na tumindig para humatol dahil lahat ay nagagawang ganap sa Akin. Sa ganito, makikita ng lahat ang Aking buong karangalan at mararanasan ng lahat ang Aking buong tagumpay yamang lahat ay ipinamamalas kasama Ko. Mula rito, kayang-kaya ng isa na makita ang Aking dakilang kapangyarihan, at makita ang Aking awtoridad. Walang mangangahas na magkasala sa Akin, walang mangangahas na hadlangan Ako. Lahat ipinaaalam sa publiko kasama Ko, sinong mangangahas na magtago ng anuman? Tiyak na hindi Ko siya pakikitaaan ng awa! Dapat tumanggap ng Aking matinding parusa ang mga gayong masasama at dapat maalis mula sa Aking pananaw ang gayong mga hamak. Pamumunuan Ko sila ng isang bakal na tungkod at gagamitin Ko ang Aking awtoridad para husgahan sila, na wala kahit na katiting na awa at hindi pinalalampas ang kanilang damdamin paanuman, dahil Ako Mismo ang Diyos na walang emosyon at siya na maharlika at hindi maaaring magdamdam. Dapat itong maunawaan ng lahat at makita ng lahat upang maiwasan na “walang dahilan o katuwiran” ay napapabagsak Ko, nagiging nalipol Ko, kapag dumating ang panahon, dahil ang Aking tungkod ay pababagsakin ang lahat na nagkakasala sa Akin. Hindi mahalaga sa Akin kung alam man nila ang Aking mga utos ng pangangasiwa o hindi; hindi iyan magiging mahalaga sa Akin yamang hindi mapahihintulutan ng Aking persona ang pagkakasala ninuman. Ito ang dahilan na sinasabi na Ako ay isang leon; sinumang nahihipo Ko, pababagsakin kita. Kaya nga sinasabi na ang magsabi ngayon na Ako ang Diyos ng kahabagan at kagandahang loob ay pagsalangsang sa Akin. Hindi Ako sa diwa isang tupa kundi isang leon. Walang nangangahas na magkasala sa Akin at sinumang magkasala ay kaagad Kong parurusahan ng kamatayan, nang walang damdamin paanuman! Mula rito, kayang-kayang makita ng isa ang Aking disposisyon. Samakatuwid, sa huling kapanahunan kung isang malaking pangkat ng mga tao ang uurong, na isang bagay na mahirap para sa tao na batahin, pero maginhawa at masaya Ako at hindi Ko nakikita ito bilang isang mahirap na gawain paanuman, ganyan ang Aking disposisyon.

Umaasa Ako na lahat ng tao ay magkakaroon ng mapagpasakop na puso para makasunod sa lahat na nagmumula sa Akin, tiyak na pagpapalain Ko nang malaki ang sanglibutan dahil nasabi Ko na pangangalagaan ang mga kaayon sa Akin samantalang susumpain ang mga kumakalaban sa Akin. Naitalaga Ko ito at walang makababago nito. Iyong mga bagay na napagpasyahan Ko ay mga bagay na naisakatapuran Ko at kaagad na kakastiguhin ang sinumang sumalungat sa mga ito. Nasa Akin na ang lahat ng kailangan Ko sa Sion at lahat na nais Ko. Walang pahiwatig ng mundo sa Sion at inihambing sa mundo ito ay isang mayaman at marangyang palasyo, pero walang nakapasok dito at samakatuwid sa imahinasyon ng tao hindi ito umiiral paanuman. Hindi tulad ng buhay sa daigdig ang buhay sa Sion; sa daigdigon earth, ang buhay ay pagkain, pagsuot, paglalaro, at paglilibang, samantalang malaki ang kaibahan sa Sion. Buhay ito ng Ama at anak nakababad sa kagalakan, palaging pinupuspos ang buong kalawakan ng sansinukob, pero palagi ring nagsasama sa pagkakaisa. Ngayong nakarating na ang mga bagay sa ganitong punto sa araw na ito, sasabihin Ko sa inyo saan nakatayo ang Sion. Ang Sion ay kung saan Ako naninirahan, kinaroroonan ito ng Aking persona. Kung gayon, dapat banal na dako ang Sion, at dapat malayo ito sa daigdig. Kaya nga, sinasabi Ko na hinahamak Ko ang mga tao, mga bagay at mga usapin sa daigdig, hinahamak Ko ang pagkain, pag-inom, paglalaro at paglilibang ng laman dahil kahit gaano man nakalulugod ang mga kasiyahan sa daigdig, hindi maihahambing ang mga ito sa buhay sa Sion; ito ang pagkakaiba sa pagitan ng langit at lupa at walang paghahambingan ang dalawa. Ang dahilan bakit mayroong maraming palaisipan na hindi malutas ng tao sa daigdig ay lahat dahil hindi nakapakinig ang mga tao ng anuman sa Sion. Buweno, nasaan ba talaga ang Sion? Nasa malayong kalawakan ba ito tulad ng naguguni-guni ng mga tao? Hindi! Guni-guni lang iyan sa mga isip ng mga tao. Ang ikatlong langit na nabanggit Ko ay itinuturing ng mga tao bilang isang uri, pero mismong kabaligtaran ng Aking kahulugan ang pagkaunawang inakala sa mga isip ng mga tao. Hindi huwad kahit bahagya ang ikatlong langit na sinasabi Ko rito. Kaya nga sinasabi Ko na wawasakin Ko ang araw, ang buwan, ang mga bituin, ang mga bagay sa kalangitan, at hindi Ko aalisin ang langit at lupa. Mawawasak Ko ba ang Aking dakong tinatahanan? Maaalis Ko ba ang Bundok Sion? Hindi ba ito katawa-tawa? Dakong tinatahanan Ko ang ikatlong langit, ito ang Bundok Sion ito, at hindi ito mapag-aalinlanganan. (Bakit Ko sinasabi na hindi ito mapag-aalinlanganan? Dahil ang sinasabi Ko ngayon ay hindi maaaring maunawaan paanuman ng tao, mapapakinggan lang niya ang tungkol dito. Ang saklaw ng pag-iisip ng tao ay hindi basta-basta masasakop ito, at kung gayon sasabihin Ko lang ang ganito tungkol sa Sion upang maiwasan na itinuturing ng mga tao ito bilang isang kuwento lang.)

Matapos Akong nakabalik sa Sion, patuloy Akong pupurihin ng mga nasa daigdig gaya sa nakalipas. Nananatiling naghihintay ang mga tapat na taga-serbisyo para magbigay serbisyo sa Akin pero magwawakas na ang kanilang tungkulin. Ang pinakamainam na magagawa nila ay pag-isipang mabuti ang kalagayan ng Aking pagiging nasa daigdig. Sa panahong iyan uumpisahan Kong ibaba ang sakuna sa mga magdurusa ng kalamidad, pero tulad ng[a] naniniwala lahat na matuwid Akong Diyos, tiyak na hindi Ko parurusahan ang mga tapat na taga-serbisyo at tatanggap lang sila ng Aking biyaya. Dahil nasabi Ko na parurusahan Ko ang lahat ng masasamang tao, at na ang mga gumagawa ng mga mabubuting gawa ay tatanggap ng materyal na kasiyahang ipinagkakaloob Ko, ito ang isang kapahayagan na Ako ang Diyos ng pagkamakatuwiran at katapatan Mismo. Sa Aking pagbabalik sa Sion, uumpisahan Kong ibaling ang bawat bansa sa mundo; dadalhin Ko sa kaligtasan ang mga Israelita at kakastiguhin ang mga Ehipsiyo. Ito ang sunod na hakbang sa Aking gawain. Hindi magiging pareho ang Aking gawain sa panahong iyon gaya ng sa kasalukuyang araw: Hindi ito magiging gawain sa laman pero ganap nitong mahihigitan ang laman, at yamang nakapagsalita Ako, magagawa ito, at gaya ng naiutos Ko, mananatiling matibay ito. Hanggat nasabi Ko na ito, kaagad na matutupad ito sa katunayan, at ito ang totoong kahulugan ng Aking salitang sinasabi at ang katuparan nitong sabay na nagaganap, dahil awtoridad mismo kung ano ang sinasabi Ko. Nagsasalita Ako ngayon ng mga pangkalahatang bagay para tulungan ang mga tao sa daigdig na magkaroon ng kaunting pahiwatig at hindi padalus-dalos na umunawa. Kapag dumating ang panahong iyan, isasaayos Ko ang lahat at walang dapat na kumilos nang sinasadya upang maiwasang pabagsakin ng Aking kamay. Sa imahinasyon ng mga tao, malabo ang lahat na sinasabi Ko, dahil limitado ang paraan ng pag-iisip ng tao paanuman, at ang kaisipan ng tao at iyan na nasabi Ko ay magkasing-layo gaya ng langit at lupa. Kung kaya, walang makapagsasagawa nito at ang pinakamainam ay maging bahagi ng sinasabi Ko, ito ang isang di-mapipigilang kalakaran. Nasabi Ko: “Sa mga huling araw, lalabas ang halimaw para usigin ang Aking bayan at iyong mga matatakutin sa kamatayan ay mamarkahan ng tatak para tangayin ng halimaw. Iyong mga nakakita sa Akin ay papatayin ng halimaw.” Ang “halimaw” sa mga salitang ito ay walang dudang tumutukoy kay Satanas na nanlilinlang sa mga tao, na ibig sabihin na kapag nakabalik Ako sa Sion, aatras ang isang malaking grupo ng mga taga-serbisyo, tiyakan, natatangay ng halimaw. Lahat mapupunta sa walang hanggang hukay ang mga nilikhang ito para tanggapin ang Aking walang hanggang pagkastigo. “Iyong mga nakakita sa Akin” ay ipinahihiwatig iyong mga tapat ng taga-serbisyo na nasakop Ko. “Nakakita na sa Akin” ay tumutukoy sa kanilang nasasakop Ko. “Pinatay ng halimaw” ay tumutukoy kay Satanas, na nasasakop Ko, hindi nangangahas na tumindig para labanan Ako, na ibig sabihin, hindi mangangahas si Satanas na magsagawa ng anumang gawain sa mga taga-serbisyong ito. Kaya nga, mangaliligtas ang mga kaluluwa ng mga taong ito, at mapupunta ito sa kanilang kakayanang maging tapat sa Akin, na pagsasabi na iyong mga tapat na taga-serbisyo ay makakayang tumanggap ng Aking biyaya at Aking pagpapaka. Kung kaya, sinasabi Ko na ang kanilang mga kaluluwa ay mangaliligtas (hindi ito tumutukoy sa pag-akyat sa ikatlong langit, na isang pagkaintindi lang ng tao). Pero iyong mga masasamang alipin ay igagapos muli ni Satanas at pagkatapos itatapon sila sa walang hanggang hukay. Ito ang Aking parusa sa kanila, ito ang pagganti para sa kanila, at ito ang marapat sa kanilang mga krimen.

Kasunod ng pagpapabilis ng tulin ng Aking gawain, unti-unting nababawasan ang Aking panahon sa daigdig. Mas papalapit na ang petsa ng Aking pagbalik sa Sion. Nagtatapos na ang Aking gawain sa daigdig, at dapat bumalik Ako sa Sion. Hindi Ko nais na mabuhay sa daigdig paanuman pero sa kapakanan ng Aking pamamahal, para sa kapakanan ng Aking plano, natitiis Ko ang lahat ng pagdurusa. Ngayon, nakarating na ang panahon. Bibilisan Ko ang Aking tulin, at walang sinumang makakaagapay sa Akin. Mauunawaan man ng tao ito o hindi, sasabihin Ko sa inyo nang detalyado lahat na hindi kayang maunawaan ng tao pero na kailangang malaman ninyong mga nasa daigdig. Kaya nga, sinasabi Ko na Ako ang Diyos Mismo na nilalampasan ang panahon at kalawakan. Kung hindi dahil para matamo ang mga panganay na anak at sa gayon matalo si Satanas, nakabalik na sana Ako sa Sion, o basta hindi Ko lilikhain ang sangkatauhan. Hinahamak Ko ang mundo ng tao, hinahamak Ko ang mga taong hiwalay sa Akin, maging hanggang sa puntong pagwasak sa buong sanglibutan sa minsanang kakila-kilabot na pangyayari. Gayunman, mayroong kaayusan at kayarian ang Aking gawain, mayroong diwa ito ng sukat at katamtaman, hindi ito magulo. Lahat na ginagawa Ko ay para matalo si Satanas, at mas higit pa nga upang makasama Ko na ang Aking mga panganay na anak sa lalong madaling panahon. Ito ang layunin Ko.

Talababa:

a. Hindi isinama sa orihinal na teksto ang “gaya lang.”

Sinundan:Kabanata 119

Sumunod:Pambungad

Baka Gusto Mo Rin