Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Nilalaman

Ang Sangkap ni Kristo ay ang Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan

Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at si Cristo ay ang katawang-tao na isinuot ng Espiritu ng Diyos. Ang laman na ito ay hindi katulad ng kahit sinong taong galing sa laman. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo; datapwat Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay parehong may normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi taglay ng kahit sinong tao. Ang Kanyang normal na pagkatao ang Siyang umaalalay sa lahat ng Kanyang karaniwang mga gawain ng laman, habang ang Kanyang pagka-Diyos ang nagpapatupad sa mga gawain ng Diyos Mismo. Maging ang Kanyang pagkatao o pagka-Diyos, kapwa itong nagpapahinuhod sa kalooban ng Amang nasa langit. Ang sangkap ni Cristo ay ang Espiritu, iyon ay ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang Kanyang sangkap ay ang Diyos Mismo; ang sangkap na ito ay hindi gagambala sa Kanyang sariling gawain, at hindi rin Siya gagawa ng bagay na makasisira sa Kanyang sariling gawain. Sa makatuwid, ang Diyos na nagkatawang-tao ay siguradong hindi gagawa ng kahit anong gawain na makagagambala sa Kanyang sariling pamamahala. Ito ang dapat maintindihan ng lahat ng tao. Ang sangkap ng gawain ng Banal na Espiritu ay ang pagligtas sa tao at dahil sa kapakanan ng sariling pamamahala ng Diyos. Tulad nito, ang gawain ni Cristo ay ang iligtas ang tao alang-alang sa kalooban ng Diyos. Sapagkat ang Diyos ay nagkatawang-tao, Kanyang naisasakatuparan ang Kanyang sangkap sa loob ng Kanyang laman, nang sa gayon ang Kanyang katawang-tao ay maging sapat upang maisagawa ang Kanyang gawain. Samakatuwid, lahat ng gawain ng Espiritu ng Diyos ay napapalitan ng gawain ni Cristo sa oras ng Kanyang pagkakatawang-tao, at ang sentro ng lahat ng gawain sa buong panahon ng pagkakatawang-tao ay ang gawain ni Cristo. Ito ay hindi maaaring maihalo sa mga gawain ng kahit anong panahon. At mula nang nagkatawang-tao ang Diyos, Siya ay gumagawa sa pagkakakilanlan ng Kanyang katawang-tao; yamang din lamang na Siya ay nagkatawang-tao, tinatapos din Niya sa pagiging tao ang mga gawain na dapat Niyang gawin. Maging ito man ay ang Espiritu ng Diyos o si Cristo, Sila ay kapwa Diyos Mismo, at ginagawa Niya ang ministeryo na dapat Niyang gawin at ginagampanan ang ministeryong dapat Niyang gampanan.

Ang sangkap ng Diyos na yaon ay humahawak ng awtoridad, subalit Siya ay may kakayahang sumuko sa awtoridad na nagmumula sa Kanya. Mangyaring ito ay gawain ng Espiritu o gawain ng katawang-tao, ang isa ay hindi sumasalungat sa isa. Ang Espiritu ng Diyos ay ang awtoridad sa lahat ng nilikha. Ang katawang-taong may sangkap ng Diyos ay nagtataglay din ng awtoridad, subalit ang Diyos sa katawang-tao ay may kakayahang gawin ang lahat ng gawain alinsunod sa kalooban ng Amang nasa langit. Ito ay hindi maaaring makamtan o maisipan ng kahit sinong tao. Ang Diyos Mismo ay ang awtoridad, subalit ang Kanyang katawang-tao ay maaaring sumuko sa Kanyang awtoridad. Ito ang panloob na kahulugan ng mga salitang: “Si Cristo ay tumatalima sa kalooban ng Diyos Ama.” Ang Diyos ay Espiritu at may kakayahang gawin ang gawain ng pagliligtas, tulad ng kakayahang maging tao ng Diyos. Kunsabagay, ang Diyos Mismo ang gumagawa sa Kanyang gawain; hindi siya gumagambala o nakikialam, lalo na ang gawin ang bagay na parehong sumasalungat, sa kadahilanang ang sangkap ng gawaing ginawa ng Espiritu at ng katawang-tao ay magkatulad. Mangyari mang ang Espiritu o ang katawang tao, magkatulad silang gumagawa upang matupad ang iisang kalooban at upang pamahalaan ang magkatulad na gawain. Bagaman ang Espiritu at ang katawang-tao ay may dalawang magkaibang katangian, ang Kanilang mga sangkap ay magkatulad; kapwa silang may sangkap ng Diyos Mismo, at ang pagkakakilanlan ng Diyos Mismo. Ang Diyos Mismo ay walang mga elemento ng paglabag; ang Kanyang sangkap ay mabuti. Siya ang pagpapahayag ng lahat ng kagandahan at kabutihan, gayundin ang lahat ng pag-ibig. Kahit nasa katawang-tao, ang Diyos ay hindi gumagawa ng mga bagay na lumalabag sa Diyos Ama. Kahit na sa paggugol ng pagsasakripisyo ng Kanyang buhay, Siya ay buong pusong maluwag sa kalooban at walang gagawing ibang pagpipilian. Ang Diyos ay walang mga elemento ng pansariling katuwiran at pansariling pagpapahalaga, o kahit na kahambugan at kapalaluan; Siya ay walang elemento ng pagkabaluktot. Lahat ng lumalabag sa Diyos ay nanggagaling kay Satanas; si Satanas ang pinagmumulan ng lahat ng kapangitan at kasamaan. Ang dahilan kung bakit ang tao ay may mga katangian na katulad ng kay Satanas ay dahil sa ang tao ay ginawan ng kasiraan ni Satanas. Si Cristo ay hindi hinamak ni Satanas, kaya Siya ay may mga katangian ng Diyos at wala ng tulad kay Satanas. Kahit gaano kahirap ang gawain o kahina ang laman, ang Diyos, habang Siya ay nabubuhay sa katawang-tao, ay hindi kailanman gagawa ng bagay na gagambala sa gawain ng Diyos Mismo, lalo na ang pagpapabaya sa kalooban ng Diyos Ama tungkol sa paglabag. Mas pipiliin pa Niyang Siya ang makaramdam ng mga sakit ng laman kaysa salungatin ang kalooban ng Diyos Ama; ito ay kagaya ng sinabi ni Jesus sa dasal; “Ama, kung iyong mamarapatin, hayaan mong ang kopang ito ay lumagpas sa Akin; gayunpaman, hindi ang Aking kalooban, kundi ang Iyong kalooban.” Ang tao ay pipili, subalit si KCisto ay hindi. Bagaman Siya ay may pagkakakilanlan bilang Diyos Mismo, hinahanap pa rin Niya ang kalooban ng Diyos Ama, at tinutupad kung ano ang ipinagkakatiwala sa Kanya ng Diyos Ama, na nauukol sa pananaw ng laman. Ito ay isang bagay na hindi kayang abutin ng tao. Yaong mga nagmumula kay Satanas ay hindi magkakaroon ng sangkap mula sa Diyos, kundi tanging paglabag at paglaban sa Diyos. Ito ay walang kakayahang lubos na tumalima sa Diyos, lalo na ang buong loob na pagsunod sa kalooban ng Diyos. Lahat ng taong wala kay Cristo ay kayang gawin ang bagay na laban sa Diyos, at walang ni isang tuluyang makagagawa sa gawaing ipinagkatiwala ng Diyos; walang kahit isa ang may kakayahang isipin ang pamamahala ng Diyos bilang kanilang sariling tungkulin na dapat gampanan. Ang pagsuko sa kalooban ng Diyos Ama ay ang sangkap ni Cristo; ang paglabag laban sa Diyos ay katangian ni Satanas. Ang dalawang katangiang ito ay hindi magkabagay, at kung sino man ang may mga katangian ni Satanas ay hindi dapat tawaging Cristo. Ang dahilan kung bakit ang tao ay walang kakayahang gawin ang gawain ng Diyos sa Kanyang dako ay dahil sa ang tao ay walang kahit isang sangkap ng Diyos. Ang tao ay may ginagawa para sa Diyos dahil sa iniisip niyang pansariling kapakanan at ng kanyang mga inaasam-asam sa hinaharap, subalit si Cristo ay gumagawa upang matupad ang kalooban ng Diyos Ama.

Ang pagkatao ni Hesus ay pinapamahalaan ng Kanyang pagka-Diyos. Bagaman Siya ay nasa katawang-tao, ang Kanyang pagkatao ay hindi lubusang katulad ng sa taong may laman. Siya ay may sariling natatanging karakter, at ito rin ay pinapamahalaan ng Kanyang pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay walang kahinaan; ang kahinaan ni Cristo ay tumutukoy sa Kanyang pagkatao. Sa ilang banda, ang kahinaang ito ay pumipigil sa Kanyang pagka-Diyos, subalit ang mga hangganan ay nakapaloob lamang sa isang tiyak na pakay at panahon, at hindi ito walang hanggan. Pagdating naman sa panahon ng pagtupad ng gawain ng Kanyang pagka-Diyos, ito ay ginagawa nang hindi alintana ang Kanyang pagkatao. Ang pagkatao ni Hesus ay ganap na pinapamahalaan ng Kanyang pagka-Diyos. Maliban sa karaniwang buhay ng Kanyang pagkatao, lahat ng ibang gawain ng Kanyang pagkatao ay naiimpluwensyahan, naaapektuhan at pinapatnubayan ng Kanyang pagka-Diyos. Bagaman si Cristo ay may pagkatao, ito ay hindi nakakagambala sa gawain ng Kanyang pagka-Diyos. Ito ay tiyak dahil sa ang pagkatao ni Kristo ay pinapatnubayan ng Kanyang pagka-Diyos; bagaman ang Kanyang pagkatao ay hindi may-gulang tungo sa Kanyang kilos sa iba, ito ay hindi nakakaapekto sa mga karaniwang gawain ng Kanyang pagka-Diyos. Noong sinabi ko na ang Kanyang pagkatao ay hindi pa nagawang tiwali, ang ibig kong sabihin ay ang pagkatao ni Cristo ay maaaring tuluyang ginagabayan ng Kanyang pagka-Diyos, at Siya ay may mas mataas pang katinuan kumpara sa karaniwang tao. Ang Kanyang pagkatao ay mas nababagay sa pagbibigay gabay ng pagka-Diyos sa Kanyang gawain; ang Kanyang pagkatao ay mas may kakayahang ipahayag sa gawain ng pagka-Diyos, at pati na rin ang mas may kakayahang pagsuko sa nasabing gawain. At dahil ang Diyos ay gumagawa sa pamamagitan ng katawang-tao, Siya ay hindi nawawalan ng pagtanaw sa tungkulin na ang taong nasa laman ay dapat ginagampanan; Siya ay may kakayahang sambahin ang Diyos sa langit na may totoong puso. Siya ay may sangkap ng Diyos, at ang Kanyang pagkakakilanlan ay sa Diyos Mismo. Ito lamang ay sa dahilang Siya ay bumaba rito sa lupa at naging isang nilikhang may buhay, na may panlabas na talupan ng isang nilikhang may buhay, at ngayon ay may pagkatao na hindi Siya nagkaroon noong una; ngayon Siya ay may kakayahang sambahin ang Diyos sa langit. Ito ang pagiging Diyos Mismo at hindi mapaparisan ng tao. Ang Kanyang pagkakakilanlan ay Diyos Mismo. Dito sa pananaw na ito mula sa nagkatawang-tao ay sumasamba Siya sa Diyos; samakatuwid, ang mga salitang “Si Cristo ay sumasamba sa Diyos sa langit” ay hindi isang kamalian. Ang Kanyang hinihingi sa tao ay ang tiyak Niyang sariling pagkakakilanlan; iyan ay Kanya nang naabot at ang tangi Niyang hinihingi sa tao bago pa man Niya ito hinihiling sa kanila. Kailanman ay hindi Siya gagawa ng mga paghiling mula sa iba samantalang Siya mismo ay nakakakuha nang libre mula sa kanila, dahil ito ang bumubuo sa Kanyang katangian. Kahit na paano Niya ginagawa ang Kanyang mga gawain, hindi Siya kikilos sa paraan na lumalabag sa Diyos. Kahit ano pa man ang Kanyang hihilingin sa tao, walang hiling na sosobra na kaya lamang abutin ng tao. Ang lahat ng Kanyang ginagawa ay ang pagpapatupad sa kalooban ng Diyos at para rin sa Kanyang pamamahala. Ang pagka-Diyos ni Cristo ay mataas pa kaysa sa lahat ng tao, samakatuwid Siya ang pinakamataas na awtoridad sa lahat ng nilalang na may buhay. Ang awtoridad na ito ay ang Kanyang pagka-Diyos, iyon ay ang disposisyon at pagiging Diyos Mismo, na nagpapasiya sa Kanyang pagkakakilanlan. Samakatuwid, kahit na gaano kakaraniwan ang Kanyang pagkatao, hindi maitatanggi na mayroon Siyang pagkakakilanlan ng Diyos Mismo; kahit sa anong pananaw Siya nagsasalita at sa kahit anong paraan Siya tumatalima sa kalooban ng Diyos, hindi maaaring sabihing Siya ay hindi ang Diyos mismo. Ang mga hunghang at walang-muwang na tao lamang ang nagtuturing na ang normal na pagkatao ni Cristo ay isang kamalian. Kahit sa anong paraan niya ipinahahayag at ipinapakita ang Kanyang pagiging pagka-Diyos, ang tao ay walang kakayahan tanggapin na Siya ay si Cristo. At sa dami ng paraan na puwedeng ipakita ni Cristo ang Kanyang pagtalima at kababaang-loob, gayundin kagaan ang pagturing ng mga hunghang na tao tungkol kay Cristo. Mayroong iba na ginagawa sa Kanya ang kilos ng paghihiwalay at panghahamak, saka pa ilalagay yung mga “dakilang tao” na may palalong mga imahe sa hapag upang sambahin. Ang pagpigil ng tao at paglabag sa Diyos ay nagmula sa katotohanang ang sangkap ng Diyos na nagkatawang-tao ay sumusuko sa kalooban ng Diyos, pati na rin ang mga nagmumula sa normal na pagkatao ni Kristo; dito nakalatag ang pinagmumulan ng pagpigil ng tao at paglabag sa Diyos. Kung si Cristo ay ni walang anyo ng Kanyang pagkatao o kahit hinanap ang kalooban ng Diyos Ama mula sa pananaw ng isang nilikhang may buhay, sa halip ay tumaglay ng isang pambihirang pagkatao, kung gayon maaaring walang paglabag sa kahit sino mang tao. Ang dahilan kung bakit ang tao ay palaging maluwag sa kalooban ang maniwala sa isang hindi nakikitang Diyos sa langit ay dahil sa ang Diyos sa langit ay walang katangian ng pagkatao at wala Siyang kahit isang katangian ng isang nilikhang may buhay. Kaya ang tao ay palaging isinasaalang-alang Siya nang may pinakadakilang pagpapahalaga, subalit may pagtuturing ng paghamak tungo kay Cristo.

Bagaman si Cristo sa kalupaan ay may kakayahang gumawa sa ikabubuti ng Diyos Mismo, Siya ay hindi dumarating na may tangkang ipakita sa lahat ng tao ang Kanyang larawan sa katawang-tao. Hindi Siya dumating upang makita Siya ng lahat ng tao; Siya ay dumarating upang pahintulutan ang tao na gabayan ng Kanyang kamay, nang sa gayon ay papasok sa bagong panahon. Ang katungkulan ni Cristo sa Kanyang katawang-tao ay para sa gawain ng Diyos Mismo, iyon ay para sa gawain ng Diyos sa katawang-tao, at hindi upang bigyang kakayahan ang tao na mapagtanto ang sangkap ng Kanyang laman. Kahit na sa anong paraan Siya gumagawa, hindi ito sumusobra sa kung hanggang saan makakamit ng katawang-tao. Kahit na sa anong paraan Siya gumagawa, ginagawa Niya ito sa katawang-tao na may normal na pagkatao, at hindi lubos na ibinubunyag sa tao ang totoong kaanyuhan ng Diyos. Bilang karagdagan, ang Kanyang gawain sa katawang-tao ay hindi kailanman kasing higit sa kaya ng tao o lampas sa pagkuwenta na katulad ng pag-iisip ng tao. Kahit na si Cristo ang kumakatawan sa Diyos Mismo sa katawang-tao at ginagawa sa personal ang gawain na dapat gawin ng Diyos Mismo, hindi Niya itinatanggi ang pagkakaroon ng Diyos sa langit, o kahit maging ang Kanyang madamdaming paghahayag ng Kanyang mga sariling nagawa. Sa halip, Siya ay mapagkumbabang nananatiling nakatago sa loob ng Kanyang katawang-tao. Bukod kay Cristo, silang mga may kabulaanang inaangking sila ay si Cristo ay walang mga katangian Niya. Kung ikukumpara laban sa mga mapagmataas at mapagmapuring disposisyon na mga huwad na Cristo, nagiging mas malinaw ang klase ng katawang-taong mayroon si Cristo. Kung gaano sila ka-huwad, ganoon din ang palalong pagpapamalas na ginagawa ng mga huwad na Cristo, at mas may kakayahan silang gumawa ng mga palatandaan at mga kagila-gilalas na mga bagay upang linlangin ang tao. Ang mga huwad na Cristo ay walang mga katangian ng Diyos; si Cristo ay hindi namamantsahan ng kahit anong katangiang mayroon ang mga huwad na Cristo. Ang Diyos ay nagkatawang-tao upang tapusin ang mga gawain ng katawang-tao, hindi upang ipahintulot na ang lahat ng tao ay makakakita sa Kanya. Sa halip, hinahayaan Niya na ang Kanyang gawa ang magkumpirma ng Kanyang pagkakakilanlan, at pinapahintulutan kung ano ang Kanyang ihahayag upang patunayan ang Kanyang sangkap. Ang Kanyang sangkap ay hindi walang basehan; ang Kanyang pagkakakilanlan ay hindi kinamkam ng Kanyang kamay; ito ay napapatunayan sa pamamagitan ng Kanyang gawa at ng Kanyang sangkap. Bagaman Siya ay may sangkap ng Diyos Mismo at may kakayahang gawin ang gawain ng Diyos Mismo, Siya pa rin, pagkatapos ng lahat, ay nagkatawang-taong hindi gaya ng Espiritu. Siya ay hindi Diyos na may katulad na mga katangian ng Espiritu; Siya ay Diyos na may balat ng katawang-tao. Samakatuwid, kahit na gaano kakaraniwan at gaano Siya kahina, at kahit sa anong paraan Niya hinahanap ang kalooban ng Diyos Ama, ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi matatanggihan. Sa Diyos na nagkatawang-tao umiiral hindi lamang ang normal na pagkatao at ang mga kahinaan nito; umiiral din dito ang mas mahiwaga at hindi matarok na Kanyang pagka-Diyos, pati na ang Kanyang mga gawahabang nagkatawang-tao. Samakatuwid, ang pagkatao at pagka-Diyos ay parehong nasa kasalukuyan at umiiral sa kaloob-looban ni Cristo. Ito ay hindi sa hungkag o higit sa kaya ng tao. Siya ay dumating sa kalupaan na ang pangunahing layunin ay ipatupad ang gawain; mahalagang magkaroon ng isang normal na pagkatao upang maipatupad ang gawain sa kalupaan; kung hindi, kahit gaano kadakila ang kapangyarihan ng Kanyang pagka-Diyos, ang orihinal na katungkulan nito ay hindi maaaring gamiting tamang paraan. Bagaman ang Kanyang pagkakatawang-tao ay napakahalaga, ito ay hindi Kanyang sangkap. Ang Kanyang sangkap ay ang pagka-Diyos; samakatuwid, sa panahon na nagsisimula na Niyang gawin ang kanyang ministeryo sa kalupaan ay ang panahon na nagsisimula din Siyang ipahayag ang Kanyang pagiging pagka-Diyos. Ang Kanyang pagkatao ay para lamang mabigyang alalay ang karaniwang buhay ng kanyang katawang-tao upang ang Kanyang pagka-Diyos ay maisasakatuparan ang gawaing karaniwan sa katawang-tao; ang pagka-Diyos ang nagpapatnubay sa kabuuan ng Kanyang gawa. Kung matatapos na Niya ang kanyang gawain, naisasakatuparan na rin ang Kanyang ministeryo. Ang dapat malaman ng tao ay ang kabuuan ng Kanyang gawa, at sa pamamagitan ng gawa na ito ay nagkakaroon ng kakayahan ang tao na kilalanin Siya. Sa buong takbo ng Kanyang gawa, pawang lubos Niyang ipinahahayag ang Kanyang pagiging pagka-Diyos, na hindi isang disposisyong namantsahan ng pagkatao, o isang katangian na namantsahan ng isipan at kilos ng tao. Kung darating na ang oras na ang lahat ng Kanyang ministeryo ay darating na sa katapusan, Siya ay maaaring naging ganap at naihayag nang buo ang disposisyon na kailangan Niyang ipahayag. Ang kanyang gawa ay hindi iniutos ng sinumang tao; ang pagpapahayag ng Kanyang disposisyon ay pawang libre rin, hindi kontrolado ng isipan o ginagawa sa isip, bagkus ay karaniwang ipinapakita. Ito ay hindi maaaring makamit ng kahit sinong tao. Kahit na ang nakapalibot ay napakalupit o ang mga kalagayan ay hindi akma, Siya ay may kakayahang ipahayag ang Kanyang disposisyon sa tamang oras. Ang isang Kristo ay ipinapahayag ang pagiging Cristo, samantala silang mga hindi ay walang disposisyon ni Kristo. Samakatuwid, kung ang lahat ay lalabag o may mga haka-haka sa Kanya, walang makatatanggi na alinsunod sa mga wari ng tao na ang disposisyong ipinahayag ni Kristo ay sa Diyos. Silang lahat na mga humahabol kay Cristo na may totoong puso o hinahangad na mahanap ang Diyos ay aamin na Siya ay si Kristo alinsunod sa pagpapahayag ng Kanyang pagka-Diyos. Hinding-hindi nila itatanggi si Cristo alinsunod sa kahit anong aspeto Niya na hindi umaayon sa mga haka-haka ng tao. Bagaman ang tao ay napakahangal, lahat ay alam talaga kung ano ang kalooban ng tao at kung ano ang nagmumula sa Diyos. Ito lamang ay sa dahilang maraming tao ang tikis na pinipigilan si Cristo dahil sa kanilang sariling mga hangarin. Kung hindi dahil dito, walang kahit isang tao ang may dahilan na itanggi ang pagkatao ni Cristo, dahil sa ang pagka-Diyos na ipinahayag ni Cristo ay totoong umiiral, at ang Kanyang gawa ay maaaring makita ng hubad na mata ng lahat.

Ang gawa at pagpapahayag ni Cristo ang nagpapakita sa Kanyang sangkap. Siya ay may kakayahang kumpletuhin nang may totoong puso ang bagay na ipinagkatiwala sa Kanya. Siya ay may kakayahang sambahin ang Diyos sa langit na may totoong puso, at gamit ang totoong puso ay ang paghanap sa kalooban ng Diyos Ama. Ito rin ang nagpapahiwatig sa Kanyang sangkap. At kasali rin ang Kanyang karaniwang pagbubunyag na nagpapahiwatig ng Kanyang sangkap; ang dahilan na ang Kanyang karaniwang pagbubunyag ay tinatawag na ganyan ay dahil sa ang kanyang pagpapahayag ay hindi gaya-gaya o bunga ng pag-aaral ng tao, o resulta ng maraming taong paglilinang ng tao. Hindi Niya ito natutunan o pinalamutian ang Kanyang sarili nito; bagkus ito ay nasa Kanyang kaloob-looban. Maaaring itanggi ng tao ang Kanyang gawain, Kanyang pagpapahayag, Kanyang pagkatao at ang buong buhay Niyang normal na pagkatao, subalit walang makakatanggi na sinasamba Niya ang Diyos na nasa langit na may totoong puso; walang makakatanggi na dumating Siya upang isakatuparan ang kalooban ng Diyos na nasa langit, at walang makakatanggi sa pagtatapat na hinahanap-hanap Niya ang Diyos Ama. Bagaman ang kanyang imahe ay hindi kalugod-lugod sa mga pandamdam, ang Kanyang pagsasalita ay di nagtataglay ng di-pangkaraniwang paggawi, at ang Kanyang gawa ay hindi nakadudurog ng daigdig o nakayayanig sa kalangitan na tulad ng imahinasyon ng tao, Siya talaga ay si Cristo, ang nagsasakatuparan sa kalooban ng Diyos Ama na may totoong puso, at ganap na sumusuko sa Amang nasa langit, at sumusunod kahit hanggang kamatayan. Ito ay dahil sa ang Kanyang sangkap ay ang sangkap ni Cristo. Ang katotohanang ito ay mahirap paniwalaan ng tao subalit ito ay tunay na umiiral. Sa panahong ang ministeryo ni Cristo ay ganap nang naisakatuparan, ang tao ay maaari nang nakita sa Kanyang gawa, ang Kanyang disposisyon at ang Kanyang pangangatawan sa disposisyon at ang pagiging Diyos na nasa langit. Sa panahong yaon, ang kalahatan ng Kanyang gawa ang magpapatunay na Siya ay totoong nagkatawang tao na kung saan ang Salita ay nagkakatotoo, at hindi katulad ng laman at dugo ng tao. Bawat hakbang ng gawa ni Cristo sa kalupaan ay may kaakibat na kinakatawang kahalagahan, subalit ang tao na nakakaranas sa kasalukuyang gawa ng bawat hakbang ay walang kakayahang intindihin ang kahalagahan ng Kanyang gawa. Ito ay lalo na sa ilang mga hakbang ng gawa na isinakatuparan ng ikalawang nagkatawang-taong Diyos. Halos lahat ng mga nakarinig lamang o nakakita sa mga salita ni Cristo subalit hindi pa nila Siya nasilayan nang walang haka-haka tungkol sa kanyang gawa; silang mga nakakita kay Cristo at narinig ang Kanyang mga salita, at naranasan ang Kanyang gawa, ay nahihirapan silang tanggapin ang Kanyang gawa. Ito ba ay dahil sa ang anyo at ang normal na pagkatao ni Kristo ay hindi katulad ng panlasa ng tao? Silang mga tumanggap ng Kanyang gawa pagkatapos mawalay si Cristo ay hindi magkakaroon ng ganoong kagipitan, sa kadahilanang tinanggap lamang nila ang Kanyang gawa at hindi nagkaroon ng paglapat sa normal na pagkatao ni Cristo. Ang tao ay walang kakayahang isuko ang kanyang mga haka-haka tungkol sa Diyos at bagkus ay sinisiyasat pa Siya nang maigi; ito ay dahil sa katotohanang ang tao ay nakatingin lamang sa Kanyang anyo at walang kakayahang mabatid ang Kanyang sangkap alinsunod sa Kanyang gawa at mga salita. Kung ipipikit ng tao ang kanyang mga mata sa anyo ni Kristo o iwasan ang pakikipagtalo sa pagkatao ni Cristo at magsalita lamang ng tungkol sa Kanyang pagka-Diyos, na kung saan ang gawa at mga salita ay hindi kayang maabot ng kahit sinong tao, kung gayon ang mga haka-haka ng tao ay bababa nang kalahati, hanggang sa ang lahat ng mga paghihirap ng tao ay mabibigyan ng sagot. Sa panahon ng gawa ng Diyos na nagkatawang-tao, ang tao ay hindi Siya kayang tanggapin at puno ng maraming haka-haka tungkol sa Kanya, at may mga panahon ng pagpigil at paglabag na palagiang makikita. Ang tao ay hindi kayang palagpasin ang pag-iral ng Diyos, magpakita ng “kaluwagan” sa kababaang-loob at pagka-tago ni Cristo, o ang “pagpatawad” sa sangkap ni Cristo na sumusunod sa Amang nasa langit. Samakatuwid, Siya ay hindi maaaring manatili kasama ang tao nang walang hanggan pagkatapos ng Kanyang gawa, dahil sa ang tao ay ayaw ipahintulot ang pagtira Niya kasama sila. Kung ang tao ay ayaw “magpakita ng kaluwagan” sa Kanya sa panahon ng Kanyang gawa, kung gayon paano magiging posible na palagpasin nila Siya kasama sila pagkatapos ng Kanyang ministeryo, at pinagmamasdan silang unti-unting mararanasan ang Kanyang mga salita? Magkakaroon kaya ng maraming paglagpak dahil sa Kanya? Pinapahintulutan lamang ng tao na gumawa Siya dito sa kalupaan; ito ang pinakamalawak na kaluwagan ng tao. Kung hindi dahil sa kanyang gawa, matagal na sana Siyang itataboy ng mga tao sa kalupaan, ngayon kahit sa maliit na bagay paano kaya nila ipapakita ang kanilang pagtanggap sa Kanya pagkatapos ng Kanyang gawa? Samkatuwid hindi ba Siya ipapapatay o pahihirapan hanggang sa mamatay ng tao? Kung hindi Siya tinawag na Cristo, hindi Niya marahil makakayang magsagawa kasama ang sangkatauhan; kung hindi Niya ginawa gamit ang pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, at sa halip ay gumawa lamang bilang isang karaniwang tao, kung gayon ang tao ay hindi palalagpasin kahit isang pangungusap na nagmumula sa Kanya, o kahit pagtanggap sa pinakamaliit na bahagi ng Kanyang gawa. Ngayon lamang Siya maaaring magdala ng ganitong pagkakakilanlan sa Kanyang gawa. Sa paraang ito, ang kanyang gawa ay magiging mas makapangyarihan kaysa kung hindi Niya ito ginawa, dahil ang mga tao ay handang sumunod sa nakatayo at dakilang pagkakakilanlan. Kung hindi Niya dinala ang pagkakakilanlan ng Diyos Mismo na katulad ng kanyang gawa o anyo bilang Diyos, hindi Siya magkakaroon ng pagkakataong makagawa. Sa kabila ng katotohanang Siya ay may sangkap ng Diyos at ang pagiging Cristo, ang tao ay hindi papayapa at pahihintulutan Siyang isakatuparan nang matiwasay ang gawain kasama ang sangkatauhan. Siya ang nagdadala ng pagkakakilanlan ng Diyos Mismo sa Kanyang gawa; bagaman ang naturang gawain ay dose-dosenang beses pang makapangyarihan kaysa sa ginawa na walang katulad na pagkakakilanlan, ang tao pa rin ay hindi lubusang sumusunod sa Kanya, dahil ang tao ay sumusuko lamang sa Kanyang katayuan at hindi sa Kanyang sangkap. Kung gayon, kung sakali mang isang araw si Cristo ay bababa sa Kanyang katungkulan, papahintulutan kaya Siya ng tao na manatiling buhay kahit isang araw man lamang? Pumapayag ang Diyos na mamuhay sa lupa kasama ang tao upang makita Niya ang mga dulot na gawa ng Kanyang mga kamay na isasakatuparan sa mga susunod na mga taon. Gayunpaman, ang tao ay walang kakayahang tanggapin ang Kanyang pananatili kahit isang araw man lang, kaya Siya na lang ang susuko. Ito na talaga ang pinakamalawak na kaluwagan at biyaya ng tao na pahintulutan ang Diyos na gawin sa gitna ng tao ang gawain na dapat Niyang gawin at maisakatuparan ang Kanyang ministeryo. Bagaman silang mga personal na nasakop Niya ay nagpapakita sa Kanya ng kagandahang-loob, sila pa rin ay nagpapahintulot sa Kanya na manatili hanggang sa matapos ang Kanyang gawain at hindi kahit isang sandali pagkatapos. Kung ito man marahil, paano na yaong mga hindi Niya nasakop? Hindi ba ang dahilan kung bakit tinatrato ng tao ang Diyos na nagkatawang-tao sa ganitong paraan dahil sa Siya si Cristo na may talupan ng karaniwang tao? Kung ang taglay lang Niya ay ang pagka-Diyos at hindi ang normal na pagkatao, maaaring ang mga kahirapan ng tao ay mabibigyan ng sagot kung gayon sa pinakamadaling paraan? Ang tao ay may poot na kumikilala sa Kanyang pagka-Diyos at hindi nagpapakita ng interes sa Kanyang talupan ng karaniwang tao, kahit na ang totoo ay ang Kanyang sangkap ay tiyak na katulad ng kay Cristo na sumusuko sa kalooban ng Diyos na nasa langit. Sa paghahalintulad, Siya lang ang makapagpapawalang-bisa sa Kanyang gawa na kasama ng tao upang makibahagi sa kanilang mga kasiyahan at kalungkutan, dahil ang tao ay hindi na kaya pang tanggapin ang Kanyang pamamalagi.