Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Pagpapakilala

Ang bahaging ito ng mga salita ng Diyos ay naglalaman ng kabuuang apat na seksyon; ipinahayag ang mga iyon ni Cristo sa pag-itan ng dakong huli ng 1992 at 2005. Karamihan sa mga iyon ay batay sa mga rekording mula sa Kanyang mga sermon at pagbabahagi habang lumalakad sa mga iglesia. Hindi sumailalim sa anumang pagsasaayos ang teksto, ni nagawan ng anumang pagbabago ni Cristo. Ang natitira ay binubuo ng mga kasulatan mula sa sariling panulat ni Cristo. (Kapag nagsusulat si Cristo ginagawa itong lahat nang minsanan na hindi tumitigil sandali para mag-isip; hindi nito kailanman kinailangan ang kahit katiting na mga pagsasaayos, at lubusang pagpapahayag ng Banal na Espiritu. Hindi ito maaaring pagdudahan.) Hindi natin iniayos ang mga ito nang magkakahiwalay, sa halip isinama ang mga ito sa orihinal na pagkakasunud-sunod kung paano ang mga iyon ay ipinahayag. Sa ganitong paraan makikita natin ang mga hakbang ng gawain ng Diyos mula sa nasabi Niya, at mauunawaan kung paano Siya gumagawa sa panahon ng bawa’t yugto. Ang pagkakasunud-sunod ding ito ay nagdudulot ng higit na pakinabang para sa pag-unawa ng sangkatauhan sa mga hakbang ng gawain ng Diyos, at para sa pagkilala sa Kanyang karunungan.

Ang unang walong kabanatang “Ang Landas” ng “Ang mga Salita ni Cristo nang Siya ay Naglakad sa mga Iglesia (I)” ay maliit na bahagi ng mga salita ni Cristo habang tumatayo Siya bilang kapantay sa gitna ng tao. Halos parang pangkaraniwang salita ang mga ito, pero talagang naglalaman ang mga ito ng pandama ng pag-ibig ng Diyos at pagsasaalang-alang para sa sangkatauhan. Bago nito nagsalita ang Diyos mula sa pananaw ng ikatlong langit, kaya ang agwat sa pag-itan ng tao at Diyos ay naging napakalaki at hindi nangahas ang mga tao na mapalapit sa Diyos, lalong hindi humingi ng panustos ng Diyos para sa kanilang mga buhay. Kaya, sa “Ang Landas,” nagsalita ang Diyos sa tao bilang kapantay at itinuro ang direksiyon ng daan kung kaya ang relasyon sa pag-itan ng tao at Diyos ay napanumbalik sa orihinal na kalagayan, hindi na nagduda ang tao kung gumagamit pa rin ang Diyos ng isang paraan ng pagsasalita, at wala na rin ang banta ng paglilitis ng kamatayan. Bumaba ang Diyos mula sa ikatlong langit tungo sa lupa; dumating ang tao sa harap ng trono ng Diyos mula sa lawa ng apoy at asupre, inaalis ang anino ng pagiging mga taga-serbisyo, at opisyal na tinanggap ang bautismo ng mga salita ng Diyos tulad ng mga bagong panganak na guya. Sa ganitong paraan lamang nagawa ng Diyos na maupo katabi ng mga tao at makipag-usap sa kanila, at gumanap ng higit pang gawaing nagtataguyod ng buhay. Ang layunin ng Diyos sa pagpapakumbaba Mismo bilang tao ay upang mapalapit sa sangkatauhan, mabawasan ang agwat sa pag-itan ng tao at Diyos, makamtan ang pagkilala at pagtitiwala ng mga tao, at pukawin ang kanilang kumpiyansa na itaguyod ang buhay at sumunod sa Diyos. Sa katapusan, ang walong kabanata ng “Ang Landas” ang mga susi ng Diyos sa pagbubukas ng mga pinto sa mga puso ng mga tao; ito’y Kanyang tabletang nababalutan ng asukal. Sa paraang ito lamang makakapakinig nang mabuti ang mga tao sa paulit-ulit na mga turo at mga pagsaway ng Diyos. Masasabing matapos lamang iyon opisyal na sinimulan ng Diyos ang gawain ng pagtutustos sa buhay at pagpapahayag ng katotohanan sa kasalukuyang yugto ng gawain, at patuloy Siyang nagsalita: “Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya” at “Tungkol sa Mga Hakbang ng Gawain ng Diyos”…. Hindi ba ipinakikita ng paraang ito ang karunungan ng Diyos at ang Kanyang taimtim na mga intensiyon? Ito ang kauna-unahang pagtutustos ni Cristo para sa buhay, kaya kung ihahambing sa mga susunod na ilang seksiyon ang mga katotohanan ay waring mababaw. Ang prinsipyo sa likod nito ay napaka-simple: Gumagawa ang Diyos ayon sa pangangailangan ng sangkatauhan. Hindi Siya kumikilos o nagsasalita nang may kabulagan; tanging ang Diyos ang lubusang nakakaunawa sa mga pangangailangan ng sangkatauhan, at Siya lamang ang may pinakahigit na pagsasaalang-alang at pagmamahal sa tao.

Ang “Gawa at Pagpasok” (1 hanggang 10) ay ang mga salita ng Diyos sa pagpasok sa isa pang bagong yugto, kaya nagsimula tayo sa sampung kabanatang ito at pagkatapos nito, nagbigay-daan sa “Ang mga Salita ni Cristo nang Siya ay Naglakad sa mga Iglesia (II).” Sa yugtong iyon, nagtalaga ang Diyos ng mas detalyadong mga kinakailangan sa Kanyang grupo ng mga tagasunod, na kinabibilangan ng kaalaman tungkol sa uri ng pamumuhay ng mga tao, mga kinakailangan sa kanilang kakayahan, at marami pang iba. At dahil naitalaga na nang matibay ng mga taong iyon ang kanilang mga puso sa pagsunod sa Diyos at hindi na pinagdududahan ang pagkakakilanlan at kakanyahan ng Diyos, sinimulan Niyang opisyal na tratuhin yaong mga sumusunod sa Kanya bilang sarili Niyang pamilya at ibinahagi sa kanila sa pagsasama-sama ang napapaloob na katotohanan tungkol sa gawain ng Diyos mula sa paglikha sa mundo hanggang ngayon. Ibinunyag din Niya ang katotohanan tungkol sa Biblia, at higit pa, hinayaan Niyang maunawaan nila ang totoong kabuluhan ng pagiging tao ng Diyos. Mas mauunawaan ng mga tao ang kakanyahan ng Diyos at ang kakanyahan ng Kanyang gawain mula sa mga salitang ito, at saka, mapapagtanto nila na mas higit ang nakamtan ng mga tao sa pamamagitan ng pagliligtas ng Diyos kaysa nakamtan ng mga propeta at mga apostol sa buong mga kapanahunan. Mula sa bawa’t linya ng mga salita ng Diyos, maaari mong maranasan ang bawa’t butil ng Kanyang karunungan gayundin ang Kanyang metikulosong pag-ibig at pagkalinga. Habang ipinahahayag ang mga salitang ito, hayagan din Niyang ibinunyag sa mga tao ang kanilang dating mga paniwala, mga pagkakamali, mga bagay na hindi nila kailanman naisip noong una, at maging ang kanilang hinaharap na mga landas isa-isa. Marahil ito ang makitid na pandama ng pag-ibig na kayang maranasan ng mga tao! Tutal, naibigay na ng Diyos sa tao kung ano ang kanilang kailangan at kung ano ang kanilang nahíngî—hindi Siya nag-atubili at lalo nang hindi Siya humingi ng anuman.

Ilang partikular na mga kabanata sa bahaging ito ay ang Kanyang mga salita patungkol sa Biblia. Ito ay dahilan sa sinundan ng Biblia ang ilang libong taon ng pantaong kasaysayan at lahat ng mga tao ay itinuturing ito na parang Diyos hanggang sa punto na pinalitan na ng mga tao ng Biblia ang Diyos sa mga huling araw. Ito ay isang bagay na talagang kinapopootan ng Diyos. Kaya sa Kanyang libreng panahon, kinailangan Niyang liwanagin ang kuwentong napapaloob at ang pinagmulan ng Biblia. Kung hindi, maaari pa ring palitan ng Biblia ang lugar ng Diyos sa mga puso ng mga tao at maaari nilang kondenahin at sukatin ang mga pagkilos ng Diyos batay sa mga salita sa Biblia. Ang paliwanag ng Diyos sa kakanyahan, sa pagkakabuo, at sa mga kakulangan ng Biblia ay lubusang hindi pagkakaila sa pag-iral nito, ni kinokondena nito ang Biblia. Sa halip, ito ay upang magbigay ng makatuwiran at angkop na paliwanag, upang mapanumbalik ang orihinal na imahe ng Biblia, at upang ituwid ang mga maling-pagkaunawa na mayroon ang mga tao tungo sa Biblia nang sa gayon magkaroon ang lahat ng tao ng tamang pananaw rito, hindi na sambahin ito, at hindi na mga nawawalâ—napapagkamalian nila ang kanilang bulag na pananampalataya sa Biblia bilang pananalig at pagsamba sa Diyos, at hindi pa nga nila pinangangahasang harapin ang totoong pinagmulan nito at ang mahihinang punto nito. Matapos magkaroon ang lahat ng malinis na pagkaunawa sa Biblia maaari nilang isantabi ito nang walang alinlangan at matapang na tanggapin ang mga bagong salita ng Diyos. Ito ang layunin ng Diyos sa ilang kabanatang ito. Ang katotohanang nais sabihin ng Diyos sa mga tao rito ay na walang teorya o katunayan ang makapapalit sa kasalukuyang gawain o mga salita ng Diyos, at walang makapapalit sa posisyon ng Diyos. Kung hindi kaya ng mga taong itakwil ang lambat ng Biblia, hindi sila kailanman makakalapit sa harapan ng Diyos. Kung nais nilang makalapit sa harapan ng Diyos, kailangan muna nilang linisin ang kanilang mga puso sa anumang maaaring pumalit sa Kanya—sa ganitong paraan mabibigyang-kasiyahan ang Diyos. Bagaman ipinaliliwanag lamang ng Diyos ang Biblia rito, huwag kalilimutan na maraming iba pang maling mga bagay na tunay na sinasamba ng mga tao bukod sa Biblia, at ang mga bagay lamang na hindi nila sinasamba ay yaong mga tunay na galing sa Diyos. Ginagamit lamang ng Diyos ang Biblia bilang halimbawa para ipaalala sa lahat na huwag tahakin ang maling landas at huwag tutungong muli sa mga sukdulan at mahulog sa kalituhan kapag naniniwala sila sa Diyos at tinatanggap ang Kanyang mga salita.

Ang mga salitang ipinagkakaloob ng Diyos ay mula sa mababaw patungo sa malalim. Kaya nga, kung ano ang sinasabi Niya ay nagpapatuloy sa paglalim mula sa panlabas na pag-uugali at pagkilos ng mga tao tungo sa kanilang masamang mga disposisyon, at mula roon ay nagpapatuloy upang pagtuunan ang pinakamalalim na kaloob-looban ng mga kaluluwa ng mga tao—ang kanilang kalikasan. Noong panahon na “Ang mga Salita ni Cristo nang Siya ay Naglakad sa mga Iglesia (III)” ay ipinahayag, ipinagdidiinan ng mga pagbigkas ng Diyos ang kakanyahan at pagkakakilanlan ng tao, at kung ano ang kahulugan ng maging isang tunay na tao—ang pinakamalalalim na mga katotohanan at napakahahalagang mga katanungang ito patungkol sa pagpasok ng mga tao sa buhay. Sabihin pa, sa paggunita sa katotohanang ipinagkakaloob ng Diyos sa tao sa “Ang mga Salita ni Cristo nang Siya ay Naglakad sa mga Iglesia (I),” sa paghahambing, “Ang mga Salita ni Cristo nang Siya ay Naglakad sa mga Iglesia (III)” ay talagang napakalalim. Tinatalakay ng seksyong ito ang hinaharap na landas ng mga tao at paano sila magagawang perpekto; tinatalakay nito ang hinaharap na hantungan ng sangkatauhan maging ang mga salita sa magkasamang pagpasok ng Diyos at tao sa kapahingahan. (Maaaring sabihin na hanggang ngayon, ito ang mga salitang naipahayag ng Diyos sa tao patungkol sa kanilang kalikasan, sa kanilang misyon, at sa kanilang hantungan na pinakamadaling maunawaan.) Umaasa ang Diyos na ang mga nagbabasa ng mga salitang ito ay yaong nakalabas mula sa mga pantaong paniwala at guni-guni, at kayang magkaroon ng malinis na pagkaunawa sa bawa’t salita ng Diyos nang malalim sa kanilang mga puso. Mas umaasa pa nga Siya na makukuha ng lahat ng nagbabasa ng mga salitang ito ang Kanyang mga salita bilang ang katotohanan, ang daan. at ang buhay, at na hindi nila binabalewala ang Diyos o nililinlang Siya. Kung binabasa ng mga tao ang mga salitang ito nang may saloobin ng pagsusuri o pag-aaral sa Diyos, kung gayon ang buong kabuluhan nito ay nawala na sa kanila. Yaon lamang mga naghahabol sa katotohanan, nagtalaga ng kanilang puso sa pagsunod sa Diyos, at wala kahit katiting na pagdududa tungo sa Kanya ang may kakayahang tumanggap ng mga salitang ito.

Ang “Ang mga Salita ni Cristo nang Siya ay Naglakad sa mga Iglesia (IV)” ay isa pang uri ng mga banal na salita na kasunod ng “Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob.” Kabilang sa seksyong ito ang mga pagpapayo ng Diyos, mga katuruan, at mga pagbubunyag sa lahat ng mga tao sa mga Kristiyanong denominasyon at sekta, tulad ng: “Kapag Namamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus ay Magiging Kung Kailan Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa,” “Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos.” Kabilang din dito ang pinaka-ispesipikong mga kinakailangan ng Diyos sa sangkatauhan, tulad ng: “Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan,” “Tatlong Paalaala,” “Ang Mga Pagsalangsang ay Maghahatid sa Tao sa Impiyerno.” Binabanggit ang maraming aspeto tulad ng mga pahayag at mga paghatol para sa lahat ng uri ng tao at mga salita kung paanong makikilala ang Diyos. Masasabi na ang seksyong ito ang kaibuturan ng paghatol ng Diyos sa sangkatauhan. Ang pinaka-di-malilimutan ay nang isasara na ng Diyos ang tabing sa Kanyang gawain, inilantad Niya kung ano ang nasa buto ng mga tao—pagkakanulo. Ang layunin Niya ay upang malaman ng mga tao ang katunayang ito sa katapusan at maikintal ito sa pinakamalalim na bahagi ng kanilang mga puso: Hindi mahalaga kung gaano ka na katagal na tagasunod Niya—ang kalikasan mo ay ipagkanulo pa rin ang Diyos. Iyon ay, nasa kalikasan ng mga tao ang ipagkanulo ang Diyos dahil walang lubusang paggulang ang mga tao sa kanilang buhay, mayroon lamang silang mga kaukulang pagbabago sa disposisyon. Bagaman ang dalawang kabanatang ito, “Pagkakanulo (1)” at “Pagkakanulo (2),” ay nagdudulot ng malaking dagok sa mga tao, ang mga ito ang mga tunay na pinakamatapat at magiliw na mga babala sa mga tao. Sa paanuman, kapag kampante at makasarili ang mga tao, matapos mabasa ang dalawang kabanatang ito, mapipigil ang sarili nilang kasamaan at mapapayapa sila. Ipinaaalala ng Diyos sa lahat ng tao sa pamamagitan ng dalawang kabanatang ito na gaano man kagulang ang iyong buhay, gaano man kalalim ang iyong karanasan, gaano man kalaki ang kumpiyansa mo, at saan ka man ipinanganak at saan ka man patungo, maaaring lumabas anumang oras at saanmang lugar ang kalikasan mong ipagkanulo ang Diyos. Ang ibig sabihin ng Diyos sa bawa’t tao ay ito: Pantaong kalikasan ang pagkakanulo sa Diyos. Sabihin pa, ang intensiyon ng Diyos sa pagpapahayag ng dalawang kabanatang ito ay hindi ang maghanap ng mga dahilan para alisin o kondenahin ang sangkatauhan, kundi ito’y para gawin silang mas may kamalayan sa kanilang sariling kalikasan at sa gayon mamuhay nang napakaingat sa harap ng Diyos sa lahat ng panahon upang makamtan ang Kanyang paggabay, iniiwasang mawala ang Kanyang presensiya at humahakbang sa daan ng walang balikan. Isang kampanang pang-alarma ang dalawang kabanatang ito para sa lahat ng mga sumusunod sa Diyos. Sana maunawaan ng mga tao ang taimtim na mga intensiyon ng Diyos. Tutal, lahat ng mga salitang ito ay di-mapag-aalinlanganang mga katunayan, kaya bakit nakikipagtalo ang tao kung kailan at paano ipinahayag ng Diyos ang mga iyon? Kung itinago ng Diyos ang lahat ng ito sa Sarili Niya at hindi sinabi ang mga iyon kundi naghintay hanggang sa palagay ng mga tao ay tamang panahon na, hindi ba magiging napakahuli na? Kailan ba ang pinakatamang panahon?

Gumagamit ang Diyos sa apat na seksyong ito ng iba’t ibang paraan at mga pananaw. Halimbawa, gumagamit Siya kung minsan ng panunudyo, at gumagamit Siya kung minsan ng paraan ng direktang pagtutustos at pagtuturo; gumagamit Siya kung minsan ng mga halimbawa, at gumagamit Siya kung minsan ng masasakit na pagsaway. Sa pangkalahatan, mayroong lahat ng uri ng magkakaibang mga paraan, at ang layunin ay pag-ukulan ang sari-saring kalagayan at panlasa ng mga tao. Nagbabago ang pananaw mula kung saan nagsasalita Siya sa pamamagitan ng magkakaibang paraan at nilalaman ng Kanyang sinasabi. Halimbawa, nagsasabi Siya kung minsan ng “Ako” or “Ko,” iyon ay, nagsasalita Siya sa mga tao mula sa pananaw ng Diyos Mismo. Nagsasalita Siya kung minsan mula sa ikatlong panauhan, sinasabing ang “Diyos” ay ganito o ganyan, at may mga ibang pagkakataon na nagsasalita Siya mula sa pananaw ng isang tao. Anuman ang pananaw mula kung saan Siya nagsasalita, hindi nito mababago ang Kanyang kakanyahan. Ito ay dahil sa kung paanuman Siya nagsasalita, ang ipinahahayag Niya ay ang buong sariling kakanyahan ng Diyos—ito ang buong katotohanan, at ito ang kailangan ng sangkatauhan.

Sinundan:Pakahulugan sa Ikaapatnapu’t-anim na Pagbigkas

Sumunod:Ang Landas... (1)

Baka Gusto Mo Rin