Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Ang Ika-Isandaan at Labindalawang Pagbigkas

Na “nagpapatuloy ang mga salita at realidad nang magkatabi” ay bahagi ng Aking makatuwirang disposisyon at, mula sa mga salitang ito, tiyak na hahayaan Ko ang lahat na makita ang lahat ng Aking disposisyon. Iniisip ng mga tao na hindi ito matatamo, pero para sa Akin madali at nakasisiya ito, at hindi kailangan ng pagsisikap. Kapag lumalabas ang Aking mga salita mayroon kaagad na isang realidad na maaaring makita ng lahat. Ito ang Aking disposisyon. Yamang may sinasabi Akong isang bagay kinakailangan itong naisasakatuparan, kung hindi gayon hindi Ako magsasalita. Sa pagkaintindi ng tao ang salitang “kaligtasan” ay sinasabi para sa lahat ng tao, pero hindi ito tumutugma sa Aking intensyon. Sinabi Ko sa nakalipas “Palagi Kong inililigtas ang mga mangmang at ang mga masisigasig na naghahanap,” kung saan ang salitang “ligtas” ay sinabi tungkol sa mga nagbibigay serbisyo sa Akin, at ibig saibhin nito na magbibigay Ako ng natatanging pagtrato sa gayong mga taga-serbisyo. Sa ibang salita, babawasan Ko ang parusa para sa mga taong iyon. Gayunman, ang mga tiwali at mapanlinlang na taga-serbisyo ay mapapabilang sa mga puntirya ng pagkawasak, na ibig sabihin, ipasasailalim Ko sila sa matinding kaparusahan. (Bagaman sila ay kasama sa mga puntirya ng pagkawasak, malaki ang pagkakaiba nila sa mga nawawasak: Tatanggap sila ng matinding walang hanggang kaparusahan, at ang kaparusahang tatanggapin ng mga taong iyon ay ang kaparusahan ng demonyo, si Satanas. Ito rin ang totoong kahulugan ng Aking sinabi, na ang mga taong iyon ay mga inapo ng malaking pulang dragon.) Pero hindi Ko ginagamit ang ganitong mga uri ng salita tungkol sa Aking mga panganay na anak; sa halip sinasabi Ko na panunumbalikin Ko ang Aking mga panganay na anak at babalik sila sa Sion. Kaya nga palagi Kong nasasabi na ang Aking mga panganay na anak ang Aking mga itinadhana at mga pinili. Orihinal na kabilang sa Akin ang Aking mga panganay na anak, nagmula sila sa Akin, kaya dapat bumalik sila rito sa Akin. At ang paghahambing sa mga anak at bayan sa mga panganay na anak, ito ang talagang kaibahan sa pagitan ng langit at lupa: Bagaman ang mga anak at bayan ay mas mabuti kaysa sa mga taga-serbisyo, walang paraan na sila ang mga kabilang sa Akin. Maaari ding sabihin ang mga anak at bayan ay karagdagang pinili mula sa sangkatauhan. Kaya nga palaging nakatuon ang Aking lakas sa mga panganay na anak, at kaya hahayaan Ko ang mga panganay na anak na gawing ganap ang mga anak at bayang ito. Ito ang Aking mga hakbang sa gawain sa hinaharap. Ngayon walang saysay ng sabihin sa inyo, kaya bihirang nababanggit ito sa mga anak at bayan, kundi sa mga panganay ng anak lang paulit-ulit nasasabi at paulit-ulit na nababanggit ang mga usaping ito. Ito ang paraan ng pagsasalita at paggawa Ko. Walang makapagbabago nito—Ako lang ang may panghuling pananalita tungkol sa lahat.

Araw-araw nakikibaka Ako laban sa inyong mga pagkaintindi, araw-araw sinusuri Ko bawat isa sa inyo. Kapag nakapagsalita Ako hanggang sa isang punto, bumabalik kayo sa dati at muling pinaghihiwalay ang Aking pagkatao sa Aking pagka-Diyos. Sa puntong ito dumating na ang panahon para ibunyag ang mga tao: iniisip na namumuhay pa rin Ako sa laman at hindi ang Diyos mismo paanuman, at iniisip na tao pa rin Ako at ang Diyos ay Diyos pa rin, at na walang kinalaman sa Akin ang Diyos. Gayon kasamang sangkatauhan! Napakaraming salita na ang nasabi Ko noon, na matagal ninyo ng itinuturing na parang hindi umiiral ang mga ito, na ginagawa nito kamuhian Ko kayo sagad sa buto, ginagawa nitong kapootan Ko kayo! Ako—ang ganap na Diyos Mismo—ang Aking pagkatao at saka ang Aking ganap na pagka-Diyos, sinong nangangahas na magkasala nang gayon lang sa Akin? Sinong nangangahas na tanggihan Ako sa kanilang mga kaisipan? Matapos magumpisang bumaba ang Aking kapaha-pahamak na sakuna, parurusahan Ko sila isa isa, hindi hahayaang makawala ang sinuman, sa halip pinarurusahan silang lahat nang matindi. Personal na gumagawa ang Aking Espiritu, na hindi ibig sabihin na hindi Ako ang Diyos Mismo, sa kabaligtaran, nangangahulugan ito na Ako ang makapangyarihan sa lahat na Diyos Mismo. Hindi Ako kilala ng mga tao—nilalabanan nila AKong lahat at hindi nila namamasdan ang Aking pagka-makapangyarihan mula sa Aking mga salita, pero sa halip nagsisikap silang makakita ng isang bagay sa Aking mga salita na magagamit nila laban sa Akin at maghanap ng kamalian sa Akin. Kapag isang araw lumilitaw Ako kasama ng Aking mga panganay na anak sa Sion, uumpisahan Kong pakitunguhan ang mga bagay na ito. Sa panahong ito pangunahin Kong ginagawa ang gawain ito. Kapag nakapagsalita na Ako sa isang punto, magaatrasan na ang isang malaking bilang ng mga taga-serbisyo, at makapagdurusa na rin ang mga panganay na anak ng lahat ng uri ng mga paghihirap. Sa pagsulong nitong dalawang hakbang ng gawain, magwawakas ang Aking gawain. Kasabay nito ibabalik Ko sa Sion ang Aking mga panganay na anak. Ito ang mga hakbang ng aking gawain.

Isang kailangang-kailangang bahagi ng Aking kaharian ang Aking mga panganay na anak, na makikita mula rito na ang Aking persona ang kaharian—isinisilang ang Aking kaharian kasama ang kapanganakan ng Aking mga panganay na anak. Sa ibang salita, umiiral na ang Aking kaharian simula ng paglikha ng mundo, at para matamo ang Aking mga panganay na anak (ibig sabihin mabawi ang Aking mga panganay na anak) ay pagpapanumbalik ng Aking kaharian. Makikita ninyo mula diyan na lalo nang mahalaga ang mga panganay na anak. Kung mayroon lang na Aking mga panganay na anak, saka magkakaroon ng kaharian, kaya mangyayari ang katunayan ng pamumuno sa kapangyarihan, kung gayon magkakaroon ng bagong buhay, at pagkatapos maaari ng wakasan ang buong lumang kapanahunan. Hindi mapipigilan ang kalakarang ito. Dahil nandito sa kalagayang ito ang mga panganay na anak—dahil palatandaan ang mga panganay na anak sa pagwasak ng mundo, ang pagkaguho ni Satanas, ang pabubunyag ng mga tunay na kulay ng mga taga-serbisyo, na hindi magkakaroon ng mga inapo at bababa sa lawa ng apoy at asupre ang malaking pulang dragon—kaya naman ang mga humahawak ng kapangyarihan at lahat ng mga inapo ng malaking pulang dragon ay paulit-uli na humadlang, paulit-ulit na tumututol, at paulit-ulit na nagwawasak. Pero paulit-ulit Akong nagtataguyod, paulit-ulit na sumasaksi, at paulit-ulit na ibinubunyag ang Aking mga panganay na anak. Dahil ang mga nagmula lang sa Akin ang nahirang na sumaksi sa Akin, sila lang ang marapat na isabuhay Ako, at sila lang ang may saligan na manalo ng magandang tagumpay para sa Akin. Ang mga hiwalay sa Akin ay walang iba kundi isang pirasong putik sa Aking kamay, at mga nilalang na bagay silang lahat. Ang mga anak at bayan ay walang iba kundi ang mas mahuhusay na pinili mula sa mga nilikhang nilalang, pero hindi sila kabilang sa Akin. Kaya mayroong malawak na kaibahan sa pagitan ng mga panganay na anak at mga anak. Hindi marapat na ihambing ang mga anak sa mga panganay na anak paanuman—pinamumunuan at pinangingibabawan sila ng mga panganay na anak. Dapat kayong maging napakalinaw tungkol dito ngayon! Totoo ang bawat salitang nasasabi Ko, at hindi mali sa anumang paraan. Bahagi lahat ito ng paghahayag ng Aking persona, at pagbigkas Ko ito.

Nasasabi Ko na hindi Ako nangungusap ng mga hungkag na salita, at hindi Ako gumagawa ng mga mali, na sapat para ipakita ang Aking kamahalan. Pero hindi kaya ng mga tao na masabi ang mabuti sa masama, at lubusan lang silang nahihikayat kapag sumapit sa kanila ang Aking pagkastigo; kung hindi nananatili silang mapanghimagsik at matigas ang ulo, kaya ito ang dahilan bakit gumagamit Ako ng pagkastigo para makibaka laban sa buong sankatauhan. Sa pagkaintindi ng tao, yamang mayroon lang isang Diyos Mismo, bakit napakaraming mga panganay na anak ang nagmumula sa Akin? Masasabi Ko ito sa ganitong paraan: Sa Aking sariling mga kalagayan, sinasabi Ko kung ano ang nais Kong sabihin, kaya ano ang magagawa ng mga tao sa Akin? Masasabi Ko rin ito sa ganitong paraan: Bagaman hindi sa isang imahe ang mga panganay na anak at Ako, sa gayunding Espiritu kami, kaya makakagawa silang lahat sa isang pagkakaisa kasama Ko. Hindi kami sa isang imahe para hayaan ang lahat ng tao na makita nang napaka-pambihirang kalinawan ang bawat bahagi ng Aking persona, kaya nga hinahayaan Kong magkaroon ng kapamahalaan kasama Ko ang Aking mga panganay na anak sa lahat ng bansa at tao. Ito ang koda ng Aking mga utos ng pangangasiwa (ang koda na sinasabi Ko ay nangangahulugan na ang Aking tono ay malumanay at naguumpisa Akong magsalita sa mga anak at bayan). Mayroong pagdududa ang karamihan sa mga tao hinggil sa aspetong ito, pero hindi sila dapat maging masyadong nagdududa. Isisiwalat Ko ang lahat ng mga pagkaintindi ng mga tao isa isa para gawing napapakiramdaman ng mga tao ang nahiya at napahiya. Naglalakbay Ako sa mga dulo ng sansinukob at nagmamasid sa buong larawan ng sansinukob. Sinusuri Ko ang bawat uri ng tao—walang makakatakas sa Aking kontrol. Nakikibahagi Ako sa bawat uri ng bagay, at walang hindi Ko personal na nilulutas. Sinong nangangahas na itatwa ang Aking pagkamakapangyarihan? Sinong nangangahas na hindi lubusang nahihikayat tungkol sa Akin? Sinong nangangahas na hindi ganap na ipatirapa ang kanilang mga sarili sa harapan Ko? Magbabago ang buong kalangitan dahil sa Aking mga panganay na anak , at higit pa, marahas na mayayanig ang buong daigdig dahil sa Akin at Aking mga panganay na anak. Luluhod ang lahat ng tao sa harapan ng Aking persona, at mapapasailalim sa kontrol ng Aking mga kamay ang lahat ng bagay, nang walang pagkakamali. Lahat dapat lubusang mahihikayat at darating ang lahat sa Aking tahanan at magbibigay serbisyo sa Akin. Ito ang huling bahagi ng Aking mga utos ng pangangasiwa. Simula ngayon sa bawat artikulo ng Aking mga utos ng pangangasiwa, pinatatamaan ang ibat ibang tao, ay maguumpisang magdulot ng mga resulta (dahil lubusang ipinaalam sa madla ang Aking mga utos ng pangangasiwa, at para sa bawat uri ng tao at bawat isang bagay nagawa na ang mga angkop na pagsasaayos. Lahat ng tao ay dapat nasa tamang lugar at masisiwalat ang mga tunay na kulay na bawat uri ng tao dahil sa Aking mga utos ng pangangasiwa). ito ang pagdating nga totoong, aktuwal na mga utos ng panagngasiwa.

Ngayon sinusundan Ko ang mga hakbang ng Aking gawain, sinasabi kung ano ang nais Kong sabihin, at dapat huwag bale-walain ito ng lahat. Sa buong kapanahunan, nababanggit ng bibig ng bawat banal ang Bagong Jerusalem, at nalalaman ito ng lahat, pero walang nakauunawa ng totoong kahulugan ng terminong ito. Habang nagpapatuloy ang gawain ngayon sa yugtong ito, ibubunyag Ko ang totoong kahulugan ng terminong ito sa inyo para hayaan kayong maunawaan ito. Pero may hangganan Ako—gaano Ko man ipaliwanag ito, at gaano Ko man malinaw na sinasabi ito, hindi ninyo ganap na mauunawaan dahil walang makakakuha ng katunayan ng terminong ito. Sa nakalipas ang tinutukoy na Jerusalem ay ang Aking dako na pinaninirahan sa daigdig, iyan ay, ang dako kung saan lumalakad at kumikilos Ako. Pero ang salitang “bago” ay binabago ang terminong ito at hindi ito pareho paanuman. Hindi ito maunawaan ng mga tao kahit kaunti. Iniisip ng ilang tao na tumutukoy ito sa Aking kaharian; iniisip ng ilang tao na ito ang taong Ako; iniisip ng ilang tao na ito ang isang bagong langit at lupa; at iniisip ng ilang tao na ito ang bagong mundo matapos Kong wasakin ang mundo ito. Kahit na magguni-guni nang malaki ang isip ng tao, at kahit na napakasalimuot ng isip ng tao, hindi pa rin niya maiintindihan ang anuman tungkol dito. Sa buong kapanahunan, inaasam-asam ng mga tao na malaman o makita ang totoong kahulugan ng terminong ito, pero hindi nila nagawang matupad ang kanilang mga pangarap—nadismaya silang lahat at namatay, iniiwan ang kanilang mga hangarin; dahil hindi pa dumarating ang Aking panahon hindi Ko madaling nasasabi kaninuman. Yamang nagagawa na ang Aking gawain hanggang sa yugtong ito sasabihin Ko sa inyo ang lahat. Nasasaklaw ng Bagong Jerusalem ang apat na mga bagay na ito: ang Aking poot, ang Aking mga utos ng pangangasiwa, ang Aking kaharian, at ang mga walang katapusang pagpapalang iginagawad Ko sa Aking mga panganay na anak. Ang dahilan kung bakit ginagamit Ko ang terminong “bago” ay dahil ang apat na mga bahaging ito ang mga nakatagong bahagi. Dahil walang nakakaalam ng Aking poot, walang nakakaalam ng Aking mga utos ng pangangasiwa, walang nakakita ng Aking kaharian, at walang nakakatamasa ng Aking mga pagpapala, “bago” ay tumutukoy sa kung ano ang natatago. Walang lubusang nakauunawa kung ano ang nasabi Ko na, dahil nakababa na sa daigdig ang Bagong Jerusalem pero walang personal na nakaranas ng katunayan ng Bagong Jerusalem. Kahit gaano Ko lubusang sinasabi ang tungkol dito, hindi lubusang mauunawan ng mga tao. Kahit na may isang nakakaunawa, mga salita nila ito, isip nila ito, at mga pagkaintindi nila ito. Isa itong di-maiiwasang kalakaran, tanging landas ito, na walang makakatakas.

Sinundan:Ang Ikasandaa’t-labing-isang Pagbigkas

Sumunod:Ang Ika-isandaan at Labingtatlong Pagbigkas

Baka Gusto Mo Rin