Kabanata 59

Mas hanapin mo pa ang kalooban Ko sa mga kapaligirang nasusumpungan mo, at siguradong makakamtan mo ang Aking pagsang-ayon. Hangga’t handa kang maghanap at taglay mo ang pusong may takot sa Akin, ipagkakaloob Ko sa iyo ang lahat ng kulang sa iyo. Ang iglesia ay pumapasok ngayon sa isang pormal na pagsasanay, at lahat ng bagay ay nasa tamang landas. Ang mga bagay ay hindi na tulad ng dati noong patikim pa lamang ito ng mga bagay na parating; hindi na kayo dapat malito o maging salat sa pagkakilala. Bakit Ko hinihingi na pumasok kayo sa realidad sa lahat ng bagay? Talaga bang naranasan mo na ito? Talaga bang mabibigyang-kasiyahan ninyo Ako sa Aking hinihingi sa inyo, tulad ng pagbibigay-kasiyahan Ko sa inyo? Huwag maging mapanlinlang! Paulit-ulit lamang Akong nagpaparaya sa inyo, gayunman paulit-ulit kayong nabibigong makita ang pagkakaiba ng mabuti at masama, at magpakita ng pagpapahalaga!

Ang Aking pagiging matuwid, ang Aking pagiging maharlika, ang Aking paghatol at ang Aking pag-ibig—lahat nitong bagay na pag-aari Ko, mga bagay na kung ano Ako—talaga bang nalasap mo na ang mga ito? Talagang wala kang pagpapahalaga, at ipinipilit mong hindi mahiwatigan ang Aking kalooban. Paulit-ulit Ko nang nasabi sa inyo na dapat ninyong matikman mismo ang mga pistang inihahanda Ko, gayunman itinutumba ninyo ang mga ito nang paulit-ulit, at hindi ninyo kayang sabihin kung alin ang mabuting kapaligiran at alin ang masama. Alin sa mga kapaligirang ito ang nilikha ninyo mismo? Alin ang isinaayos ng Aking mga kamay? Huwag na ninyong ipagtanggol ang mga sarili ninyo! Nakikita Ko ang lahat nang ganap na malinaw, at ang totoo ay hindi ka lamang naghahanap. Ano pa ba ang masasabi Ko?

Palagi Kong pagiginhawahin ang lahat ng nakakahiwatig ng Aking kalooban, at hindi Ko papayagang magdusa sila o mapahamak. Ang napakahalagang bagay ngayon ay na makaya mong kumilos ayon sa Aking kalooban. Ang mga gumagawa nito ay siguradong tatanggap ng Aking mga pagpapala at mapapasailalim sa Aking pag-iingat. Sino ang tunay at ganap na makagugugol para sa Akin at makapaghahandog ng lahat-lahat nila para sa Akin? Lahat kayo ay walang gana; nagpapaikut-ikot ang inyong mga kaisipan, iniisip ang tahanan, ang mundo sa labas, ang pagkain at damit. Sa kabila ng katotohanang ikaw ay nasa harap Ko, gumagawa ng mga bagay-bagay para sa Akin, sa puso mo ay iniisip mo pa rin ang iyong asawa, mga anak at mga magulang na nasa bahay. Lahat ba ng ito ay pag-aari mo? Bakit hindi mo ipinagkakatiwala ang mga ito sa Aking mga kamay? Wala ka bang sapat na paniniwala sa Akin? O ito ba’y dahil natatakot ka na gagawa Ako ng mga di-karapat-dapat na mga pagsasaayos para sa iyo? Bakit ka laging nag-aalala sa pamilya ng iyong laman? Lagi kang nasasabik sa iyong mga mahal sa buhay! Mayroon ba Akong puwang sa puso mo? Nagsasalita ka pa rin tungkol sa pagpapaubaya sa Aking magkaroon ng pamamahala sa loob mo at sakupin ang iyong buong pagkatao—lahat ng ito ay mapanlinlang na mga kasinungalingan! Ilan sa inyo ang buong pusong tapat sa iglesia? At sino sa inyo ang hindi nag-iisip tungkol sa mga sarili ninyo, kundi kumikilos para sa kaharian ng ngayon? Pag-isipan nang buong ingat ang tungkol dito.

Naitulak na ninyo Ako sa puntong nagagamit Ko na lamang ang Aking mga kamay upang hampasin at itulak kayo; hindi Ko na kayo uudyukan pa. Ito ay dahil Ako ang marunong na Diyos, at tinatrato Ko ang iba’t ibang tao sa iba’t ibang paraan, batay sa kung gaano kayo katapat sa Akin. Ako ang Diyos na makapangyarihan sa lahat—sinong mangangahas na hadlangan ang Aking mga hakbang pasulong? Magmula ngayon, sinumang nangangahas na maging di-tapat sa Akin ay tiyak na sasailalim sa Aking mga atas administratibo, upang maipakilala sa kanila ang Aking pagiging makapangyarihan sa lahat. Ang ninanais Ko ay hindi ang napalaking bilang ng mga tao, kundi kahusayan. Pababayaan at parurusahan Ko ang sinumang taksil, di-tapat, at nasasangkot sa buktot na pag-uugali at panlilinlang. Huwag nang isipin pa na Ako ay maawain, o na Ako ay mapagmahal at mabait; ang ganitong mga kaisipan ay mga pagpapasasa lamang sa sarili. Alam Ko na habang mas pinagbibigyan kita ay mas nagiging negatibo ka at walang ginagawa, at lalo kang nagiging di-handa na bitawan ang sarili mo. Kapag ang mga tao ay ganito kahirap pakisamahan, palagi Ko lamang silang mauudyukan at makakaladkad. Alamin ito! Mula ngayon, Ako ang Diyos na humahatol; hindi na Ako ang maawain, mabait, at mapagmahal na Diyos na naguguni-guni ng mga tao!

Sinundan: Kabanata 58

Sumunod: Kabanata 60

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito