Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?

Umiiral lamang sa tao ang hindi tiyak na salita ng pananampalataya, subalit hindi alam ng tao kung ano ang bumubuo sa pananampalataya, lalo na kung bakit siya may pananampalataya. Masyadong kaunti ang nauunawaan ng tao at ang tao mismo ay malaki ang kakulangan; ang pananampalataya niya sa Akin ay wala sa isip at walang pagkaalam. Bagaman hindi niya nalalaman kung ano ang pananampalataya, ni kung bakit may pananampalataya siya sa Akin, patuloy siyang labis-labis na naniniwala sa Akin. Ang hinihingi Ko sa tao ay hindi lamang para labis-labis na tumawag sa Akin sa ganitong paraan o maniwala sa Akin sa isang mababaw na paraan, sapagkat ang gawaing Aking ginagampanan ay upang makita Ako ng tao, at makilala Ako, hindi upang humanga ang tao at tingnan Ako nang may ibang pagkaunawa. Dati Akong nagpamalas ng maraming tanda at himala at gumawa ng maraming milagro, at pinakitaan Ako ng mga Israelita noong panahong iyon ng matinding paghanga at lubhang iginalang ang Aking pambihirang kakayahang magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo. Noong panahong iyon, ang tingin ng mga Hudyo sa Aking kapangyarihang magpagaling ay pagka-dalubhasa, pambihira—at dahil sa Aking maraming gawa, iginalang nila Akong lahat, at nakadama sila ng malaking paghanga sa lahat ng Aking kapangyarihan. Kaya naman, lahat ng nakakita sa Aking gumawa ng mga milagro ay sinundan Ako nang mabuti, sa gayon ay napalibutan Ako ng libu-libo upang panoorin Akong magpagaling ng maysakit. Nagpamalas Ako ng napakaraming tanda at himala, ngunit itinuring lamang Ako ng mga tao bilang isang dalubhasang manggagamot; naghayag din Ako ng maraming salita ng pagtuturo sa mga tao noong panahong iyon, ngunit itinuring lamang nila Akong isang gurong nakahihigit sa kanyang mga disipulo! Maging sa araw na ito, matapos matunghayan ng mga tao ang mga pangkasaysayang tala ng Aking gawain, nagpapatuloy ang kanilang interpretasyon na Ako ay isang magaling na doktor na nagpapagaling ng maysakit at isang guro sa mga mangmang. At kinilala nila Ako bilang mahabaging Panginoong Jesucristo. Yaong mga nagbibigay kahulugan sa mga banal na kasulatan ay maaaring nalampasan na ang Aking kakayahan sa pagpapagaling, o maaaring mga disipulo na nadaig na ngayon ang kanilang guro, ngunit ang ganoong mga tao na may dakilang katanyagan, na ang mga pangalan ay kilala sa buong mundo, ay itinuturing Ako na napakababa bilang isang hamak na manggagamot! Mas higit pa sa bilang ng mga butil ng buhangin sa tabing-dagat ang Aking mga gawa, at mas lalong dakila pa kaysa sa lahat ng anak ni Solomon ang Aking karunungan, ngunit ang palagay sa Akin ng mga tao ay isa lamang manggagamot na walang kabuluhan at isang hindi kilalang guro ng tao. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang pagalingin Ko sila. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang gamitin Ko ang Aking mga kapangyarihan upang itaboy ang masasamang espiritu mula sa kanilang mga katawan, at napakaraming naniniwala sa Akin para lamang makatanggap sila ng kapayapaan at kagalakan mula sa Akin. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang hingan Ako ng mas maraming materyal na kayamanan. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang gugulin ang buhay na ito sa kapayapaan at maging ligtas at matiwasay sa mundong darating. Napakaraming naniniwala sa Akin para maiwasang magdusa sa impiyerno at para matanggap ang mga pagpapala ng langit. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang sa pansamantalang kaginhawahan, ngunit hindi naghahangad na magkamit ng anuman sa mundong darating. Nang ibuhos Ko ang Aking matinding galit sa tao at bawiin ang lahat ng kaligayahan at kapayapaan na dati niyang taglay, nagsimulang magduda ang tao. Noong ibinigay Ko sa tao ang pagdurusa ng impiyerno at binawi ang mga pagpapala ng langit, ang kahihiyan ng tao ay naging galit. Noong hilingin ng tao na pagalingin Ko siya, hindi Ko siya pinakinggan at namuhi Ako sa kanya; lumayo sa Akin ang tao upang hanapin ang paraan ng panggagaway at pangkukulam. Noong alisin Ko ang lahat ng hiningi ng tao sa Akin, naglaho ang lahat ng tao nang walang bakas. Samakatuwid, sinasabi Ko na ang tao ay may pananampalataya sa Akin sapagkat Ako ay nagbibigay ng masyadong maraming biyaya, at masyadong maraming magiging pakinabang. Ang mga Hudyo ay naniwala sa Akin dahil sa Aking biyaya, at sinundan Ako saan man Ako magtungo. Ang mga ignoranteng taong ito na may limitadong kaalaman at karanasan ay naghahangad lamang na makita ang mga tanda at himala na ipinamalas Ko. Itinuring nila Ako bilang pinuno ng tahanan ng mga Hudyo na kayang gumawa ng mga pinakadakilang milagro. Kung kaya, noong nagpapalayas Ako ng mga demonyo mula sa mga tao, nag-uusap-usap sila: Sinasabi nilang Ako si Elias, na Ako si Moises, na Ako ang pinaka-sinauna sa lahat ng propeta, na Ako ang pinakamagaling sa lahat ng manggagamot. Bukod sa Aking sariling pagsasabi na Ako ang buhay, ang daan, at ang katotohanan, walang sinuman ang makaaalam ng Aking persona o ng Aking pagkakakilanlan. Bukod sa Aking sariling pagsasabi na ang langit ang lugar kung saan naninirahan ang Aking Ama, walang nakaaalam na Ako ang Anak ng Diyos, at Diyos din Mismo. Bukod sa Aking sariling pagsasabi na dadalhin Ko ang kaligtasan sa buong sangkatauhan at tutubusin ang sangkatauhan, walang nakaaalam na Ako ang Manunubos ng sangkatauhan, at kilala lang Ako ng mga tao bilang isang mabait at maawaing tao. At bukod sa Aking sariling pagpapaliwanag ng lahat ng tungkol sa Akin, walang nakakikilala sa Akin, at walang naniniwala na Ako ang Anak ng buhay na Diyos. Gayon ang pananampalataya ng tao sa Akin, at sa gayong paraan Ako sinusubukang linlangin. Paano sila makapagpapatotoo sa Akin kung ganoon ang taglay nilang pananaw tungkol sa Akin?

Ang tao ay naniniwala sa Akin, ngunit hindi nila kayang magpatotoo sa Akin, ni magpatotoo para sa Akin bago Ko ipakilala ang Aking sarili. Nakikita lamang ng mga tao na nahihigitan Ko ang mga nilikha at lahat ng banal na tao, at nakikitang hindi kayang gawin ng mga tao ang gawaing ginagampanan Ko. Samakatuwid, mula sa mga Hudyo hanggang sa mga tao ng kasalukuyang panahon, lahat ng nakakikita sa Aking maluwalhating mga gawa ay napupuno ng walang iba kundi pagkamausisa tungo sa Akin, at wala ni isang bibig ng nilikha ang nagawang magpatotoo sa Akin. Tanging ang Aking Ama ang nagpatotoo sa Akin, at gumawa ng landas para sa Akin sa gitna ng lahat ng nilalang; kung hindi Niya ginawa iyon, kahit na papaano Ako gumawa, hindi kailanman malalaman ng tao na Ako ang Panginoon ng sangnilikha, dahil ang alam lamang ng tao ay kumuha sa Akin at wala siyang pananampalataya sa Akin dahil sa Aking gawain. Kilala lamang Ako ng tao dahil wala Akong kasalanan at hindi makasalanan sa anumang bahagi, dahil naipapaliwanag Ko ang maraming misteryo, dahil nakahihigit Ako sa karamihan, o dahil nakinabang nang malaki sa Akin ang tao, ngunit kaunti ang naniniwalang Ako ang Panginoon ng sangnilikha. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi Ko na hindi alam ng tao kung bakit siya may pananampalataya sa Akin; hindi niya alam ang layunin o kahalagahan ng pagkakaroon ng pananampalataya sa Akin. Ang realidad ng tao ay kapos, kung saan siya ay halos hindi karapat-dapat magpatotoo sa Akin. Masyadong kaunti ang tunay ninyong pananampalataya at masyadong kaunti ang inyong natamo, kaya masyadong kaunti ang inyong patotoo. Bukod diyan, masyadong kaunti ang inyong nauunawaan at masyadong marami ang inyong kakulangan, kung saan halos hindi kayo karapat-dapat magpatotoo sa Aking mga gawa. Matindi nga ang inyong pagpapasya, ngunit nakatitiyak ba kayo na matagumpay kayong makapagpapatotoo sa diwa ng Diyos? Ang naranasan at nakita ninyo ay higit pa sa mga santo at propeta mula sa lahat ng kapanahunan, ngunit kaya ba ninyong magbigay ng patotoo na higit pa sa mga salita ng mga dating santo at propetang ito? Ang ipinagkaloob Ko sa inyo ngayon ay higit pa kay Moises at higit pa kay David, kung kaya’t hinihiling Ko na ang inyong patotoo ay malampasan ang kay Moises at ang inyong mga salita ay maging higit pa kay David. Sandaang beses ang Aking ibinibigay sa inyo—kaya’t hinihiling Ko rin sa inyo na katumbas noon ang ibalik sa Akin. Dapat ninyong malaman na Ako ang nagkakaloob ng buhay sa sangkatauhan, at kayo ang tumatanggap ng buhay mula sa Akin at dapat magpatotoo sa Akin. Ito ang inyong tungkulin na Aking ipinapadala sa inyo at nararapat ninyong gawin para sa Akin. Ipinagkaloob Ko na sa inyo ang lahat ng Aking kaluwalhatian, ipinagkaloob Ko sa inyo ang buhay na hindi kailanman natanggap ng hinirang na bayan, ang mga Israelita. Kung tutuusin, dapat kayong magpatotoo sa Akin at italaga ang inyong kabataan at ialay ang inyong buhay sa Akin. Ang sinumang pagkalooban Ko ng Aking kaluwalhatian ay dapat na magpatotoo sa Akin at mag-alay ng kanilang buhay para sa Akin. Matagal Ko na itong naitadhana. Mapalad kayo na ipinagkakaloob Ko ang Aking kaluwalhatian sa inyo, at ang inyong tungkulin ay magpatotoo sa Aking kaluwalhatian. Kung maniniwala kayo sa Akin upang magtamo lamang ng mga pagpapala, walang gaanong magiging kabuluhan ang Aking gawain, at hindi ninyo maisasakatuparan ang inyong tungkulin. Ang nakita lamang ng mga Israelita ay ang Aking awa, pag-ibig, at kadakilaan, at ang nasaksihan lamang ng mga Hudyo ay ang Aking tiyaga at pagtubos. Kaunting-kaunti lamang ang nakita nila sa gawain ng Aking Espiritu; sa puntong ang naunawaan nila ay pawang katiting lang ng narinig at nakita ninyo. Nahigitan ng nakita ninyo maging ang mga pinunong saserdote sa gitna nila. Ang mga katotohanan na inyong naunawaan ngayon ay higit sa kanila; ang nakita ninyo ngayon ay higit pa sa nakita noong Kapanahunan ng Kautusan, pati na rin sa Kapanahunan ng Biyaya, at ang naranasan ninyo ay higit pa maging sa naranasan nina Moises at Elias. Sapagkat ang naunawaan lamang ng mga Israelita ay ang batas ni Jehova, at ang nakita nila ay ang likuran lamang ni Jehova; ang naunawaan lamang ng mga Hudyo ay ang pagtubos ni Jesus, ang natangap nila ay ang biyaya lamang na ipinagkaloob ni Jesus, at ang nakita nila ay ang larawan lamang ni Jesus sa loob ng tahanan ng mga Hudyo. Ang nakikita ninyo ngayon ay ang kaluwalhatian ni Jehova, ang pagtubos ni Jesus, at ang lahat ng Aking mga gawa sa araw na ito. Gayundin, narinig na ninyo ang mga salita ng Aking Espiritu, pinahalagahan ang Aking karunungan, nasaksihan ang Aking kamanghaan, at natutunan ang Aking disposisyon. Nasabi Ko na rin sa inyo ang lahat ng Aking plano ng pamamahala. Ang nasaksihan ninyo ay hindi lamang isang mapagmahal at maawaing Diyos, kundi isang Diyos na puspos ng katuwiran. Nakita na ninyo ang Aking nakamamanghang gawain at nalaman ninyong puno Ako ng kamahalan at poot. Higit pa rito, batid ninyong minsan na Akong nagdala ng Aking nag-aalab na poot sa sambahayan ng Israel, at ngayon, nakarating na ito sa inyo. Higit pa ang nauunawaan ninyo sa Aking mga misteryo sa langit kaysa kina Isaias at Juan; higit pa ang nalalaman ninyo tungkol sa Aking pagiging kaibig-ibig at pagiging kagalang-galang kaysa sa lahat ng banal ng mga nakaraang kapanahunan. Ang natanggap ninyo ay hindi lamang ang Aking katotohanan, ang Aking daan, at ang Aking buhay, kundi isang pangitain at pahayag na higit pa kaysa kay Juan. Naunawaan ninyo ang higit na maraming misteryo, at nasaksihan na rin ang Aking tunay na mukha; higit pa ang natanggap ninyo sa Aking paghatol at higit pa ang nalalaman ninyo tungkol sa Aking matuwid na disposisyon. Kung kaya, kahit na ipinanganak kayo sa mga huling araw, ang inyong pang-unawa ay sa nauna at nakalipas, at naranasan na rin ninyo ang mga bagay sa kasalukuyan, at ang lahat ng ito ay personal Kong ginawa. Hindi labis ang hinihingi Ko sa inyo, sapagkat napakarami Ko nang naibigay sa inyo, at marami na ang nakita ninyo sa Akin. Samakatuwid, hinihiling Ko sa inyong magpatotoo para sa Akin sa mga banal ng mga nagdaang kapanahunan, at ito lamang ang nais ng Aking puso.

Ang Aking Ama ang unang nagpatotoo para sa Akin, ngunit nais Kong makatanggap ng higit na kaluwalhatian, at manggaling ang mga salita ng patotoo sa bibig ng mga nilikha—kaya ibinibigay Ko ang lahat ng Akin para sa inyo, upang matupad ninyo ang inyong tungkulin, nang sa gayon ay magwakas na ang Aking gawain sa tao. Dapat ninyong maunawaan kung bakit kayo naniniwala sa Akin; kung gusto lang ninyong maging Aking aprentis o Aking pasyente, o maging isa sa Aking mga banal sa langit, kung gayon ang inyong pagsunod sa Akin ay magiging walang kabuluhan. Ang pagsunod sa Akin sa ganoong paraan ay pag-aaksaya lamang ng lakas; ang pagkakaroon ng gayong paraan ng pananampalataya sa Akin ay pag-aaksaya lamang ng inyong mga araw, pagsasayang ng inyong kabataan. At sa huli, wala kayong matatanggap. Hindi ba’t pagtatrabaho iyon nang walang kabuluhan? Matagal Ko nang nilisan ang mga Hudyo at hindi na Ako isang manggagamot ng tao ni ang gamot para sa tao. Hindi na Ako isang hayop na pang-trabaho na maaaring ikutsero o katayin kung kailan naisin ng tao; sa halip, Ako ay dumating sa mga tao upang hatulan at kastiguhin ang tao, upang makilala Ako ng tao. Dapat mong malaman na minsan Ko nang ginampanan ang gawain ng pagtubos; minsan Akong naging si Jesus, ngunit hindi Ako maaaring manatiling si Jesus habang panahon, tulad nang minsan Akong naging si Jehova ngunit sa paglaon ay naging si Jesus. Ako ang Diyos ng sangkatauhan, ang Panginoon ng sangnilikha, nguni’t hindi Ako maaaring manatiling si Jesus o Jehova magpakailanman. Ako ay naging iyong maituturing ng tao na manggagamot, ngunit hindi masasabi na ang Diyos ay isang manggagamot lang para sa sangkatauhan. Kaya kung taglay mo ang lumang pananaw sa iyong pananampalataya sa Akin, wala kang makakamit kung ganon. Gaano mo man Ako purihin ngayon: “Tunay na mapagmahal ang Diyos sa tao; pinagagaling Niya ako at binibigyan ako ng mga biyaya, kapayapaan, at kagalakan. Tunay na mabuti ang Diyos sa tao; kung may pananampalataya lang tayo sa Kanya, kung gayon ay hindi natin kailangang mag-alala sa pera at kayamanan…,” Hindi Ko pa rin pwedeng gambalain ang Aking naunang gawain. Kung ikaw ay naniniwala sa Akin ngayon, tatanggapin mo lang ang Aking kaluwalhatian at magiging karapat-dapat na magpatotoo sa Akin, at magiging pangalawahin ang lahat ng iba pa. Dapat mo itong malinaw na maunawaan.

Batid mo na ba talaga ngayon kung bakit ka naniniwala sa Akin? Alam mo na ba talaga ang layunin at kabuluhan ng Aking gawain? Batid mo na ba talaga ang iyong tungkulin? Batid mo na ba talaga ang Aking patotoo? Kung naniniwala ka lamang sa Akin, ngunit walang bakas ng Aking kaluwalhatian o patotoo sa iyo, matagal na kitang inalis kung gayon. Para sa mga nakakaalam ng lahat ng bagay, sila’y lalo pang mga tinik sa Aking mata, at sa Aking tahanan, mga hadlang lamang sila sa Aking daan, sila ay mga panirang damo na dapat ay ganap na matahip palayo sa Aking gawain, wala silang silbi, wala silang halaga, at matagal Ko na silang kinasusuklaman. Madalas bumabagsak ang Aking poot sa lahat ng walang patotoo, at hindi kailanman lumilihis sa kanila ang Aking pamalo. Matagal Ko na silang ibinigay sa mga kamay ng masama; at wala na sa kanila ang Aking mga pagpapala. Kapag dumating ang araw, ang kanilang pagkastigo ay magiging mas mabigat pa kaysa sa pagkastigo sa mga hangal na babae. Ngayon, ginagampanan Ko lang ang gawaing tungkulin Kong gampanan; pagbubungkus-bungkusin ko ang mga trigo, kasama ng mga panirang damo. Ito ang Aking gawain ngayon. Itatahip ang mga panirang damo sa panahon ng Aking pagtatahip, pagkatapos ang mga butil ng trigo ay iipunin sa kamalig, at ang mga panirang damo na natahip na ay itatapon sa apoy upang sunugin hanggang maging alabok. Ang Aking gawain ngayon ay igapos lang ang lahat ng tao sa mga bigkis, iyon ay, upang ganap na lupigin sila. Saka Ko sisimulan ang magtahip upang ibunyag ang katapusan ng lahat ng tao. Kung kaya’t dapat mo nang malaman kung paano mo Ako dapat bigyang-kaluguran ngayon, at kung paano mo dapat itakda sa tamang landas ang iyong pananampalataya sa Akin. Ang nais Ko ay ang iyong katapatan at pagkamasunurin ngayon, ang iyong pag-ibig at patotoo ngayon. Kahit na hindi mo pa alam sa sandaling ito kung ano ang patotoo o kung ano ang pag-ibig, dapat mong ibigay sa Akin ang iyong lahat-lahat, at ibigay sa Akin ang tanging kayamanan na mayroon ka: ang iyong katapatan at pagkamasunurin. Dapat mong malaman na ang patotoo ng Aking paggapi kay Satanas ay nasa katapatan at pagkamasunurin ng tao, gayundin ang patotoo sa Aking ganap na paglupig sa tao. Ang tungkulin ng iyong pananampalataya sa Akin ay ang magpatotoo sa Akin, maging tapat sa Akin lamang, at maging masunurin hanggang sa huli. Bago Ko simulan ang susunod na hakbang ng Aking gawain, paano ka magpapatotoo sa Akin? Papaano ka magiging tapat at masunurin sa Akin? Itinatalaga mo ba ang iyong buong katapatan sa iyong tungkulin o basta ka na lang susuko? Mas nanaisin mo bang magpasakop sa bawat pagsasaayos Ko (maging ito man ay kamatayan o pagkawasak), o tumakas sa kalagitnaan upang maiwasan ang Aking pagkastigo? Kinakastigo kita upang ikaw ay magpatotoo sa Akin, at maging tapat at masunurin sa Akin. Higit pa rito, ang pagkastigo sa kasalukuyan ay upang ilantad ang susunod na hakbang ng Aking gawain at upang pahintulutang sumulong nang walang hadlang ang gawain. Kaya itinatagubilin Ko sa iyo na maging matalino at huwag tratuhin ang iyong buhay o ang kahalagahan ng iyong pag-iral na parang walang kabuluhang buhangin. Malalaman mo bang tiyak kung ano ang darating na gawain Ko? Alam mo ba kung paano Ako gagawa sa mga darating na araw at kung paano malalantad ang Aking gawain? Dapat mong malaman ang kabuluhan ng iyong karanasan sa Aking gawain, at bukod pa rito, ang kabuluhan ng iyong pananampalataya sa Akin. Marami na Akong nagawa; paano Ako susuko sa kalagitnaan ayon sa iyong palagay? Malawak na ang gawaing nagampanan Ko; paano Ko iyon mawawasak? Sa katunayan, naparito Ako upang wakasan ang kapanahunang ito. Ito ay totoo, ngunit higit pa rito, dapat mong malaman na magsisimula Ako ng isang bagong kapanahunan, upang magsimula ng bagong gawain, at, higit sa lahat, upang palaganapin ang ebanghelyo ng kaharian. Kaya dapat mong malaman na ang gawain ngayon ay para lamang simulan ang isang kapanahunan, at upang ilatag ang pundasyon para sa pagpapalaganap ng ebanghelyo sa panahong darating at sa pagwawakas sa kapanahunan sa hinaharap. Ang Aking gawain ay hindi kasing pangkaraniwan tulad ng iniisip mo, hindi rin ito kasing walang halaga o walang kahulugan gaya ng pinaniniwalaan mo. Samakatuwid, dapat Ko pa ring sabihin sa iyo: Dapat mong ibigay ang iyong buhay sa Aking gawain, at bukod dito, dapat mong italaga ang iyong sarili sa Aking kaluwalhatian. Matagal Ko nang hinahangad na magpatotoo ka sa Akin, at higit Kong hinahangad na palaganapin mo ang Aking ebanghelyo. Dapat mong maunawaan kung ano ang nasa Aking puso.

Sinundan: Ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao

Sumunod: Kapag ang mga Dahong Nalalaglag ay Bumalik sa mga Ugat Nito, Pagsisisihan Mo ang Lahat ng Kasamaang Nagawa Mo

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messenger