Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Ang Ika-walumpu’t-tatlong Pagbigkas

Hindi ninyo alam na Ako ang makapangyarihang Diyos; hindi ninyo alam na ang lahat ng mga pangyayari at mga bagay ay nasa ilalim ng Aking pagkontrol! Ano ang ibig sabihin ng ang lahat ng bagay ay nilikha at kinumpleto Ko? Ang mga pagpapala o kasawiampalad ng bawa’t tao ay nakasalalay sa Aking pagtupad, sa Aking mga pagkilos. Ano ang magagawa ng tao? Ano ang matutupad ng tao sa pamamagitan ng pag-iisip? Sa huling yugtong ito, sa walang-patumanggang kapanahunang ito, sa madilim na mundong ito na masyadong pinásámâ ni Satanas, ano ang ilang ninanais Ko? Kung ito man ay ngayon, kahapon, o sa hindi malayong hinaharap, Ako ang nakakaalam ng mga buhay ng bawa’t isa. Kung sila man ay tatanggap ng mga pagpapala o magdurusa ng kasawiampalad, at kung sila man ay minamahal o kinasusuklaman Ko ay tiyak na naáalám sa isang kumpas Ko. Sino sa inyo ang nangangahas na ipilit na ang iyong paghakbang ay sariling-pag-alám, na ang iyong kapalaran ay nasa iyong pagkontrol, sinong nangangahas na gawin ang gayon? Sinong nangangahas na maging gayong katapang? Sinong hindi natatakot sa Akin? Sino sa kaloob-looban ang suwail sa Akin? Sino ang nangangahas kumilos ayon sa gusto nila? Kakastiguhin Ko sila sa sandaling iyon, tiyak na hindi na mahahabag o ililigtas ang sangkatauhan. Sa sandaling ito, iyan ay, kapag natánggáp ninyo ang pangalan Ko, ay ang huling sandali na magiging maluwag Ako tungo sa sangkatauhan. Ibig sabihin niyan, nakapili Ako ng isang bahagi ng sangkatauhan, na, kahit ang kanilang mga pagpapala ay hindi walang-hanggan, ay nakapagtamasa ng Aking biyaya nang masagana; samakatuwid, kahit hindi ito paunang-naítálágá na ikaw ay walang-hanggang pagpapalain, hindi kita tinatrato nang masama, at malayong mas mabuti ka pa kaysa roon sa mga magdurusa ng tuwirang kasawiampalad.

Tunay nga, ang Aking paghatol ay nakarating na sa isang mataas na punto, pumapasok sa yugto na hindi pa napapasok kahit kailan. Ang Aking paghatol ay nasa bawa’t tao, ngayon ito ay isang paghatol na punô ng poot. Sa nakalipas ito ay isang makaharing paghatol, ibang-iba mula sa ngayon. Sa nakalipas ang sangkatauhan ay hindi nagsimulang makaramdam ng kahit katiting na takot hanggang makaranas ng sandali ng paghatol na iginagawad, ngayon kung sila ay makarinig ng kahit isang salita sila ay lubhang takot na takot; may isa pang natatakot na ibubukas Ko ang Aking bibig. Kung ang Aking tinig ay lalabas, kapag nagsimula Akong magsalita, siya ay takot na takot na hindi niya malaman ang gagawin, marubdob na nagnanasa sa sandaling iyon na ipasok ang kanyang sarili sa isang butas sa lupa, nakatago sa pinakamadilim na sulok. Ang ganitong uri ng tao ay hindi maliligtas dahil angkin siya ng masasamang espiritu. Kapag hinatulan Ko ang malaking pulang dragon, ang matandang ahas, siya ay tatahimik, matatakot pa ngang makita ng mga tao; tunay na siya ay isang inápó ni Satanas na isinilang sa kadiliman.

Sa nakalipas malimit Kong ginagamit ang mga salitang “paunang-pagtatálágá at pagpili,” ano ba talaga ang ibig sabihin niyan? Paano ba Ako paunang-nagtátalágá at pumipili? Bakit ba ang isa ay hindi makakabilang sa paunang-itinálágá at pinili? Paano uunawain ito? Lahat ng ito ay nangangailangan ng kaunting malinaw na paliwanag mula sa Akin at lahat ay nangangailangan sa Akin na magsalita nang tuwiran. Kung ito ay ibinubunyag sa inyo, ang ganyang tipo ng mapurol na tao ay mapapagkamalian ito na isang kaisipang galing kay Satanas! Mapapasámâ Ako nang hindi-nararapat! Ngayon ay magsasalita Ako nang matalas, hindi na magpipigil ng anuman: Nang nilikha Ko ang lahat ng bagay, nilikha Ko muna yaong mga bagay na magsisilbi sa sangkatauhan (mga bulaklak, damo, mga puno, kahoy, mga bundok, mga ilog, mga lawa, ang lupain at ang dagat, lahat ng anyo ng mga kulisap, ang mga ibon, ang mga hayop, ang iba ay para makain ng sangkatauhan, ang iba ay para tingnan ng sangkatauhan), sa iba’t ibang mga bahagi ng lupain iba’t ibang uri ng mga butil ang nilikha para sa sangkatauhan; pagkatapos lamang likhain ang lahat ng mga ito saka Ko sinimulang likhain ang sangkatauhan. Mayroong dalawang uri ng mga tao: Ang unang uri ay ang Aking pinili at paunang-itinálágá; ang iba pang uri ay may katangian ni Satanas. Ang uring ito ay nilikha bago Ko nilikha ang mundo, nguni’t ganap na napásámâ ni Satanas kaya tinalikdan Ko sila. Pagkatapos ay nilikha Ko ang isang uri na pinili at paunang-itinálágá Ko, bawa’t isa sa mga ito ay nagtataglay ng Aking mga katangian sa iba’t ibang antas; samakatuwid, yaong mga pinili Ko ngayon ay nag-aangkin bawa’t isa ng Aking mga katangian sa iba’t ibang antas. Bagaman sila ay napásámâ ni Satanas, sila ay pag-aari Ko pa rin; bawa’t hakbang ay bahagi ng Aking planong pamamahala. Na ang matapat ay mamumuno sa kaharian ay binalak Kong lahat bago pa ang panahon; yaong mga likô at mandaraya ay hindi magiging tapat kahit anong gawin dahil sila ay mga binhi ni Satanas, pag-aari ni Satanas, laging mga lingkod ni Satanas sa ilalim ng pag-uutos nito, nguni’t lahat ito ay para sa kapakanan ng pagtupad sa Aking kalooban. Nilinaw Ko ito upang maiwasan na ang inyong panghuhula. Yaong mga ginagawa Kong perpekto, Aking iingatan at pangangalagaan; para sa mga kinmumuhian Ko, pagkatapos ng kanilang paglilingkod lalabas sila sa Aking lugar. Kapag binabanggit ang mga taong ito Ako ay napopoot, sa pagbanggit sa kanila gustung-gusto Kong hawakan sila sa sandaling iyon, nguni’t nagpipigil Ako sa Aking mga pagkilos; Ako ay sukát sa Aking mga pagkilos at pananalita. Maaari Kong pahirapan ang mundo sa isang bugsô ng galit, nguni’t maliban doon sa Aking mga paunang-naítálágá; pagkatapos na kumalma maaari Kong hawakan ang mundo sa palad ng Aking kamay, ibig sabihin ay pinipigilan Ko ang lahat ng bagay. Kapag nakita Ko na ang mundo ay napásámâ nang gayong kalawak at hindi Ko ito matiis, kaagad Ko itong wawasakin. Hindi ba ito ay sa isang salita Ko lamang?

Ako ay ang praktikal na Diyos Mismo; hindi Ako nagpapakita ng higit-sa-natural na mga tanda at kababalaghan, nguni’t bawa’t dako ay punô ng Aking kagila-gilalas na mga gawa. Ang daan sa hinaharap ay magiging mas maningning pa na walang-katulad. Ang Aking pagbubunyag ng bawa’t hakbang ay ang daan na itinuturo Ko sa inyo, ang Aking planong pamamahala. Ibig sabihin niyan, pagkatapos ang mga pagbubunyag ay magiging mas marami pa at paliwanag nang paliwanag. Kahit sa Milenyong Kaharian, sa hindi-kalayuang hinaharap, dapat kayong sumulong ayon sa Aking pagbubunyag at Aking paghakbang. Lahat ay nagkahugis na, lahat ay naihanda na, ang pinagpala ay may walang-hanggang mga pagpapala na naghihintay sa inyo; ang pinarurusahan ay may walang-hanggang pagkastigo na naghihintay sa kanila. Ang Aking mga hiwaga ay napakarami sa inyo, ang napakapayak na mga salita para sa Akin ay maaaring ang pinakamahirap para sa inyo; samakatuwid, nagsasalita Ako nang nagsasalita, dahil napakaunti ang inyong nauunawaan, at kailangan ninyo Akong magpaliwanag nang isa-isang salita, nguni’t huwag masyadong mabahala, magsasalita Ako sa inyo ayon sa Aking gawa.

Sinundan:Ang Ika-walumpu’t-dalawang Pagbigkas

Sumunod:Ang Ika-walumpu’t-apat na Pagbigkas

Baka Gusto Mo Rin