Kabanata 26

Sino ang nakapanahan na sa Aking tahanan? Sino ang nakapanindigan na para sa Aking kapakanan? Sino ang nakapagdusa na alang-alang sa Akin? Sino ang nangako na ng kanyang salita sa Aking harapan? Sino ang nakasunod na sa Akin hanggang sa kasalukuyan subalit hindi pa nawalan ng malasakit? Bakit malamig at walang pakiramdam ang lahat ng tao? Bakit tinalikuran na Ako ng sangkatauhan? Bakit nainip sa Akin ang sangkatauhan? Bakit walang sigla sa mundo ng tao? Habang nasa Sion, natikman Ko ang siglang nasa langit, at habang nasa Sion natamasa Ko ang pagpapalang nasa langit. Muli, nabuhay Ako sa gitna ng sangkatauhan, natikman Ko ang kapaitan sa mundo ng tao, at nakita Ko sa sarili Kong mga mata ang lahat ng iba’t ibang kalagayang umiiral sa mga tao. Hindi namamalayan, nagbago na ang tao nang Ako ay “magbago,” at sa ganitong paraan lamang siya nakarating sa araw na ito. Hindi Ko hinihiling na magawa ng tao ang anumang bagay alang-alang sa Akin, ni hindi Ko hinihiling na magpaunlad siya para sa Akin. Nais Ko lamang siyang makakilos alinsunod sa Aking plano, at hindi sumuway sa Akin o maging tanda ng kahihiyan sa Akin, kundi magbahagi ng matunog na patotoo sa Akin. Sa mga tao, mayroong mga nagbahagi ng magandang patotoo sa Akin at niluwalhati ang Aking pangalan, ngunit paano posibleng mapapalugod ng mga pagsasagawa o pag-uugali ng tao ang Aking puso? Paano siya posibleng makakaayon sa Aking puso o magpapalugod sa Aking kalooban? Sa kabundukan at katubigan sa lupa, at mga bulaklak, damo, at puno sa lupa, lahat ay nagpapakita ng gawa ng Aking mga kamay, lahat ay umiiral para sa Aking pangalan. Subalit bakit hindi maabot ng tao ang pamantayan ng Aking hinihingi? Dahil kaya ito sa kanyang kahiya-hiyang kaabahan? Dahil kaya ito sa Aking pagdakila sa kanya? Dahil kaya napakalupit Ko sa kanya? Bakit laging takot ang tao sa Aking mga hinihingi? Ngayon, sa gitna ng napakaraming tao sa kaharian, bakit nakikinig lamang kayo sa Aking tinig ngunit ayaw ninyong makita ang Aking mukha? Bakit tinitingnan lamang ninyo ang Aking mga salita nang hindi itinutugma ang mga ito sa Aking Espiritu? Bakit ninyo Ako inihihiwalay nang gayon, sa langit at sa lupa? Maaari kayang Ako, kapag nasa lupa, ay hindi kapareho ng kapag Ako ay nasa langit? Maaari kayang Ako, kapag nasa langit, ay hindi makakababa sa lupa? Maaari kayang Ako, kapag nasa lupa, ay hindi karapat-dapat na madala sa langit? Parang Ako, kapag nasa lupa, ay isang abang nilalang, na parang Ako, kapag nasa langit, ay isang dinakilang nilalang, at parang mayroong nakapagitan sa langit at sa lupa na isang di-matutulayang bangin. Subalit sa mundo ng tao ay parang wala silang alam sa mga pinagmulan ng mga bagay na ito, ngunit palagi Akong sinasalungat, na para bang may tunog lamang ang Aking mga salita ngunit walang kahulugan. Buong sangkatauhan ay nagsisikap sa Aking mga salita, nagsasagawa ng sarili nilang mga pagsisiyasat sa Aking panlabas na hitsura, ngunit lahat sila ay nabibigo, walang ibinubunga ang kanilang mga pagsisikap, at sa halip ay pinababagsak ng Aking mga salita at hindi na nangangahas na tumayong muli.

Kapag sinusubok Ko ang pananampalataya ng sangkatauhan, wala ni isang taong nagbabahagi ng tunay na patotoo, wala ni isang may kakayahang mag-alay ng kanyang lahat-lahat; sa halip, patuloy na nagtatago ang tao at tumatangging buksan ang kanyang sarili, na para bang sasaklutin Ko ang kanyang puso. Kahit si Job ay hindi kailanman tunay na nanindigan sa oras ng kanyang pagsubok, ni hindi siya nakitaan ng giliw sa gitna ng pagdurusa. Lahat ng tao ay naglalabas ng bahagyang pahiwatig ng luntian sa init ng tagsibol; hindi sila nanatiling luntian kailanman sa malalamig na buga ng taglamig. Sa kanyang mabuto at payat na tindig, hindi matupad ng tao ang Aking layunin. Sa buong sangkatauhan, walang sinumang maaaring magsilbing isang huwaran para sa iba, dahil lahat ng tao una sa lahat ay magkakapareho at hindi nagkakaiba sa isa’t isa, na may kakaunting pagkakaiba para matukoy sila sa isa’t isa. Dahil dito, kahit ngayon ay hindi pa rin lubusang nalalaman ng mga tao ang Aking mga gawa. Kapag sumasapit ang Aking pagkastigo sa buong sangkatauhan, nang hindi nila mismo alam, saka lamang sila nagkakaroon ng kamalayan sa Aking mga gawa, at kung hindi Ko ginawa ang anumang bagay o pinilit ang sinuman, makikilala Ako ng mga tao, at sa gayon ay masasaksihan nila ang Aking mga gawa. Ito ang Aking plano, ito ang aspeto ng Aking mga gawa na ipinapakita, at ito ang dapat malaman ng tao. Sa kaharian, ang napakaraming bagay na nilikha ay nagsisimulang muling mabuhay at mabawi ang kanilang lakas sa buhay. Dahil sa mga pagbabago sa kalagayan ng daigdig, ang mga hangganan sa pagitan ng isang lupain at ng isa pa ay nagsisimula ring gumalaw. Nagpropesiya na Ako na kapag ang lupain ay nahiwalay sa lupain, at ang lupain ay sumama sa lupain, ito ang panahon na dudurugin Ko ang mga bansa nang pira-piraso. Sa panahong ito, paninibaguhin Ko ang lahat ng nilikha at hahati-hatiing muli ang buong sansinukob, sa gayon ay maisasaayos ang sansinukob at ang luma ay magiging bago—ito ang Aking plano at ito ang Aking mga gawa. Kapag bumalik na lahat ang mga bansa at mga tao sa mundo sa harap ng Aking luklukan, kukunin Ko ang lahat ng kasaganaan ng langit at ibibigay ito sa mundo ng tao, upang, dahil sa Akin, ang mundong iyon ay mapuno ng walang-kapantay na kasaganaan. Ngunit hangga’t patuloy na umiiral ang lumang mundo, ipupukol Ko ang Aking galit sa mga bansa nito, hayagang ipapahayag ang Aking mga atas administratibo sa buong sansinukob, at kakastiguhin ang sinumang lumalabag sa mga ito:

Kapag ibinabaling Ko ang Aking mukha sa sansinukob upang magsalita, naririnig ng buong sangkatauhan ang Aking tinig, at pagkatapos ay nakikita ang lahat ng Aking nagawa sa buong sansinukob. Yaong mga lumalaban sa Aking kalooban, ibig sabihin, yaong mga kumokontra sa Akin sa mga gawa ng tao, ay sasailalim sa Aking pagkastigo. Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa kalangitan at paninibaguhin ang mga ito, at dahil sa Akin, ang araw at ang buwan ay mapapanibago—ang kalangitan ay hindi na magiging gaya ng dati at ang napakaraming bagay sa lupa ay mapapanibago. Lahat ay magiging ganap sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ang maraming bansa sa loob ng sansinukob ay muling hahati-hatiin at papalitan ng Aking kaharian, kaya ang mga bansa sa ibabaw ng lupa ay maglalaho magpakailanman at lahat ay magiging isang kaharian na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak at titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, lahat ng nabibilang sa diyablo ay lilipulin, at lahat ng sumasamba kay Satanas ay isasadlak sa Aking naglalagablab na apoy—ibig sabihin, maliban doon sa mga sumusunod sa agos, lahat ay magiging abo. Kapag kinakastigo Ko ang maraming tao, yaong mga nasa relihiyosong mundo, sa iba’t ibang lawak, ay babalik sa Aking kaharian, na nalupig ng Aking mga gawa, dahil nakita na nila ang pagdating ng Banal na nakasakay sa isang puting ulap. Lahat ng tao ay paghihiwa-hiwalayin ayon sa sarili nilang uri, at tatanggap ng mga pagkastigo na nararapat sa kanilang mga kilos. Lahat ng kumalaban sa Akin ay masasawi; yaon namang mga hindi Ako kasali sa kanilang mga gawa sa lupa, sila, dahil sa paraan ng pagpapawalang-sala nila sa kanilang sarili, ay patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak at Aking mga tao. Ihahayag Ko ang Aking sarili sa napakaraming tao at sa napakaraming bansa, at sa sarili Kong tinig, maririnig Ako sa ibabaw ng lupa, na ipinapahayag ang pagkumpleto ng Aking dakilang gawain para makita ng buong sangkatauhan sa sarili nilang mga mata.

Habang lumalakas ang Aking tinig, pinagmamasdan Ko rin ang kalagayan ng sansinukob. Sa pamamagitan ng Aking mga salita, nababagong lahat ang napakaraming bagay na nilikha. Nagbabago ang langit, gayundin ang lupa. Ang sangkatauhan ay inilalantad sa orihinal na anyo nito at, dahan-dahan, bawat tao ay nakahiwalay ayon sa kanilang uri, at nahahanap ang kanilang landas nang hindi namamalayan pabalik sa sinapupunan ng kanilang pamilya. Lubha itong makalulugod sa Akin. Malaya Ako sa panggugulo at, hindi halata, naisasakatuparan ang Aking dakilang gawain, at binabagong lahat ang napakaraming bagay na nilikha. Nang likhain Ko ang mundo, ginawa Ko ang lahat ng bagay ayon sa kanilang uri, na isinasama ang lahat ng bagay na magkakapareho ang anyo sa kauri ng mga ito. Habang nalalapit ang pagtatapos ng Aking plano ng pamamahala, ipanunumbalik Ko ang dating kalagayan ng paglikha; ipanunumbalik Ko ang lahat ng bagay sa orihinal nitong ayos, na gumagawa ng malaking pagbabago sa lahat ng bagay, upang lahat ng bagay ay mabalik sa pinagmulan ng Aking plano. Dumating na ang panahon! Ang huling yugto ng Aking plano ay malapit nang matupad. Ah, maruming lumang mundo! Tiyak na sasailalim ka sa Aking mga salita! Tiyak na mawawalan ka ng halaga ayon sa Aking plano! Ah, ang napakaraming bagay ng paglikha! Magtatamo kayong lahat ng bagong buhay ayon sa Aking mga salita—mapapasainyo ang inyong Panginoong makapangyarihan sa lahat! Ah, dalisay at walang-bahid dungis na bagong mundo! Tiyak na muli kang mabubuhay sa loob ng Aking kaluwalhatian! Ah, Bundok ng Sion! Huwag nang manahimik—nakabalik na Ako nang matagumpay! Mula sa gitna ng paglikha, sinisiyasat Ko ang buong daigdig. Sa lupa, nagsimula na ng bagong buhay at nagkamit na ng bagong pag-asa ang sangkatauhan. Ah, Aking mga tao! Paanong hindi kayo muling mabubuhay sa loob ng Aking liwanag? Paanong hindi kayo magtatalunan sa galak sa ilalim ng Aking patnubay? Nagsisigawan sa saya ang mga lupain, namamaos sa masayang paghalakhak ang katubigan! Ah, ang nabuhay na mag-uling Israel! Paanong hindi ka magmamalaki dahil sa Aking itinakdang hantungan? Sino ang napaiyak? Sino ang napahagulgol? Ang dating Israel ay nawala na, at ang Israel sa ngayon ay nagbangon na, nang tuwid at matayog sa mundo, at nakatayo sa puso ng buong sangkatauhan. Tiyak na matatamo ng Israel ngayon ang pinagmumulan ng pag-iral sa pamamagitan ng Aking mga tao! Ah, kasuklam-suklam na Ehipto! Siguro naman ay hindi ka na laban sa Akin? Paano mo nagagawang samantalahin ang Aking awa at sinusubukang takasan ang Aking pagkastigo? Paanong hindi ka makairal sa loob ng Aking pagkastigo? Lahat ng Aking minamahal ay tiyak na mabubuhay nang walang hanggan, at lahat ng laban sa Akin ay tiyak na kakastiguhin Ko nang walang hanggan. Sapagkat Ako ay isang mapanibughuing Diyos at hindi Ko basta patatawarin ang mga tao sa lahat ng kanilang nagawa. Babantayan Ko ang buong daigdig at, habang nagpapakita sa Silangan ng mundo nang may katuwiran, kamahalan, poot, at pagkastigo, ihahayag Ko ang Aking sarili sa napakaraming hukbo ng sangkatauhan!

Marso 29, 1992

Sinundan: Magalak Kayong Lahat na mga Tao!

Sumunod: Kabanata 27

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Landas … 2

Marahil ang ating mga kapatirang lalaki at babae ay may kaunting ideya sa pagkakasunud-sunod, sa mga hakbang, at mga pamamaraan ng gawain...

Kabanata 19

Gamit ang Aking mga salita bilang batayan ng pananatili nilang buhay—ito ang obligasyon ng sangkatauhan. Kailangang itatag ng mga tao ang...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messenger