
Ito ang unang pagkakataon mula sa paglikha na kinausap ng Diyos ang buong sangkatauhan. ang mga pagbigkas na ito ang unang teksto na ipinahayag ng Diyos sa sangkatauhan na kung saan ay inilantad Niya ang mga tao, ginabayan sila, hinatulan sila, at nagsalita ng puso-sa-puso sa kanila at kaya, ito rin ang unang mga pagbigkas na kung saan ay ipinaalam ng Diyos sa mga tao ang Kanyang mga yapak, ang lugar kung saan Siya ay namamalagi, ang disposisyon ng Diyos, kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, ang mga kaisipan ng Diyos, at ang pag-aalala Niya para sa sangkatauhan. Maaaring sabihin na ang mga ito ay ang mga unang pagbigkas na ipinahayag ng Diyos sa sangkatauhan na nagmula sa ikatlong langit mula noong paglikha, at ang unang pagkakataon na ginamit ng Diyos ang Kanyang likas na pagkakakilanlan upang magpakita at ipahayag ang Kanyang tinig sa sangkatauhan sa pamamagitan ng mga salita.

Ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw, ay ipinapahayag ang Kanyang mga salita upang hatulan at dalisayin ang mga tao at akayin sila sa bagong panahon, ang Panahon ng Kaharian. Ang lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapangyarihan ay masisiyahan sa mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas dakilang mga pagpapala. Tunay na mabubuhay sila sa liwanag, at makakamit nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

Nakatala sa aklat na ito ang mga mapangitaing katotohanan ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos, ang Kanyang mga pangalan, ang hiwaga ng Kanyang pagkakatawang-tao, at kung paano matutukoy ang tunay na daan sa mga maling daan, na babasahin at gagamitin ng mga taong tumanggap kamakailan lang sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at para mailatag nila ang mga pundasyon nang mabilis hangga’t maaari sa mga mapangitaing katotohanan ng gawain ng Diyos.

Ipinahayag na ng Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw, ang iba’t ibang katotohanan, inilantad ang bawat katotohanan at hiwaga sa Biblia, at ibinunyag sa sangkatauhan ang kuwento sa likod ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos, ang hiwaga ng pagiging tao ng Diyos at ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, atbp. Pinatototohanan nito na ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus at pagpapakita ng Diyos sa mga huling araw.

Ang mahahalagang tanong at sagot mula sa mga pelikulang ebanghelyo ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na may kaugnayan sa katotohanan ay nahango sa aklat na ito. Ang lahat ng mga klasikong tanong at sagot na ito ay ang lahat ng pag-unawa ng mga taong hinirang ng Diyos tungkol sa kanilang mga karanasan sa katotohanan ng mga salita ng Diyos, at lahat ng mga ito ay nagmumula sa pagpapalinaw at kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Ang lahat ng mga ito ay alinsunod sa katotohanan, at hindi lamang makalulutas ang mga ito ng mga tanong at pagkaunawa ng yaong naghahanap ng katotohanan at nagsisiyasat ng totoong daan, ngunit ang mga ito rin ay mga kahanga-hangang materyales na sanggunian para sa mga taong hinirang ng Diyos upang masangkapan ang kanilang sarili ng katotohanan at sumaksi sa gawain ng Diyos.Mga Seleksyon l | Mga Seleksyon II

Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos—Cristo ng mga huling araw at ang pagbabalik ni Jesus—ay sumasaksi sa pagpapakita at gawain ng Diyos at naghahayag sa mga misteryo ng anim na libong taon na planong pamamahala ng Diyos sa Kanyang pagliligtas para sa sangkatauhan. Sa aklat na ito, ginawa ang mga seleksyon mula sa mga katotohanan na ipinahayag ni Cristo ng mga huling araw, upang lutasin ang mga katanungan tungkol sa gawain ng Diyos sa mga huling araw ng mga tao mula sa lahat ng relihiyon at sa mga iyon na nauuhaw at naghahanap sa tunay na daan, nagpapahintulot sa mga tao na makita na ang Kanyang mga salita ay ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.