Kabanata 48

Nababahala Ako, pero ilan sa inyo ang kayang maging kaisa Ko sa isip at niloloob? Hindi ninyo talaga binibigyang pansin ang Aking mga salita, ganap na binabalewala at nabibigong magtuon sa mga ito, sa halip nagtutuon lang sa mga sarili ninyong paimbabaw na bagay. Itinuturing ninyo ang Aking matiyagang pangangalaga at pagsisikap bilang isang pag-aaksaya; hindi ba isinusumpa ang inyong konsensya? Kayo ay ignorante at kulang sa katwiran; mga hangal kayong lahat, at hindi makalulugod sa Akin ni bahagya. Lubusan Akong para sa inyo—gaano ninyo kayang maging para sa Akin? Mali ang pagkaunawa ninyo sa Aking mga layunin, at ito nga talaga ang inyong kabulagan at kawalang kakayahang makita ang mga bagay-bagay, na palagi Akong pinag-aalala tungkol sa inyo at pinagugugol ng panahon sa inyo. Ngayon, gaano karami sa inyong panahon ang kaya ninyong igugol at iukol para sa Akin? Dapat mas madalas ninyong itanong ang mga ito sa inyong sarili.

Tungkol lahat sa inyo ang Aking mga layunin—nauunawaan ba talaga ninyo ito? Kung talagang naunawaan ninyo ito, matagal na sana ninyong naunawaan ang Aking mga layunin at nagsaalang-alang sa Aking pasanin. Huwag kayong maging pabayang muli, o hindi kayo gagawaan ng Banal na Espiritu, na gagawa sa inyong mga espiritu na mamatay at mahulog sa Hades. Hindi ba’t masyadong kakila-kilabot iyan para sa iyo? Hindi Ko na kayo kailangang paalalahanan muli. Dapat ninyong suriin ang inyong mga konsensya at tanungin ang mga sarili ninyo: Ito ba’y dahil masyado Akong naaawa sa inyong lahat, o dahil sobra-sobra ang pagkakautang ninyo sa Akin? Huwag kayong malito sa tama at mali; huwag mawalan ng katinuan! Hindi ngayon ang oras upang maglaban para sa kapangyarihan at kapakinabangan o makilahok sa intriga. Sa halip, dapat ninyong agarang isantabi ang mga bagay na ito na lubhang nakapipinsala sa buhay at hangaring makapasok sa realidad. Napakawalang ingat ninyo! Hindi ninyo maunawaan ang Aking puso o matanto ang Aking mga layunin. Maraming bagay na hindi Ko na dapat pang sabihin, pero kayo ay sobrang nalilitong mga tao na hindi nakauunawa, kaya kinailangan Kong sabihin ang mga ito nang paulit-ulit, at gayunpaman, hindi pa rin ninyo napalulugod ang puso Ko.

Sa pagbilang sa inyo isa-isa, ilan sa inyo ang talagang kayang magsaalang-alang sa puso Ko?

Sinundan: Kabanata 47

Sumunod: Kabanata 49

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito