Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan

Ang tao ay nakakaunawa ng kaunti sa gawain ng kasalukuyan at sa gawain ng hinaharap, ngunit hindi niya nauunawaan ang hantungan kung saan ang sangkatauhan ay papasok. Bilang isang nilalang, kailangang gampanan ng tao ang tungkulin ng isang nilalang: Kailangang sundin ng tao ang Diyos sa anumang Kanyang ginagawa; kailangang magpatuloy kayo sa kahit anumang paraan na sinasabi Ko sa inyo. Ikaw ay walang paraan upang mamahala ng mga bagay para sa iyong sarili, at ikaw ay walang kasanayan sa iyong sarili; ang lahat ay dapat ipaubaya sa pagsasaayos ng Diyos, at ang lahat ay hinahawakan sa loob ng Kanyang mga kamay. Kung ang gawain ng Diyos ay naglaan sa tao ng isang katapusan, isang kamangha-manghang hantungan, nang mas maaga, at kung ginagamit ito ng Diyos upang hikayatin ang tao at pasunurin ang tao sa Kanya—kung gumawa Siya ng pakikitungo sa tao—kung gayon hindi ito magiging paglupig, ni magiging para gawaan ang buhay ng tao. Kung gagamitin ng Diyos ang katapusan upang kontrolin ang tao at tamuhin ang kanyang puso, kung gayon sa ganito ay hindi Niya magagawang sakdal ang tao, ni hindi Niya magagawang tamuhin ang tao, bagkus ay gagamitin ang hantungan upang kontrolin siya. Walang inaalala ang tao nang higit pa sa hinaharap na katapusan, ang huling hantungan, at kung mayroon man o walang mabuting bagay na aasahan. Kung ang tao ay nabigyan ng magandang pag-asa sa panahon ng gawain ng panlulupig, at kung, bago pa ang paglupig sa tao, siya ay nabigyan ng isang angkop na hantungan upang habulin, kung gayon hindi lamang sa hindi matatamo ang epekto ng gawain ng panlulupig sa tao, kundi ang epekto ng gawain ng panlulupig ay maiimpluwensyahan din. Ibig sabihin, nakakamit ng gawain ng panlulupig ang epekto nito sa pamamagitan ng pag-aalis sa kapalaran at mga pagkakataon ng tao at paghatol at pagkastigo sa mapaghimagsik na disposisyon ng tao. Hindi ito nakakamit sa paggawa ng isang pakikitungo sa tao, iyon ay, sa pamamagitan ng pagbibigay sa tao ng mga pagpapala at biyaya, kundi sa pamamagitan ng paghahayag ng katapatan ng tao sa pamamagitan ng pagtatanggal ng kanyang “kalayaan” at pagsira sa kanyang mga pagkakataon. Ito ang diwa ng gawain ng panlulupig. Kung ang tao ay nabigyan na ng magandang pag-asa sa pinakasimula, at ang gawaing pagkastigo at paghatol ay ginawa pagkatapos, kung gayon ay tatanggapin ng tao ang ganitong pagkastigo at paghatol sa batayang nagkaroon siya ng mga pagkakataon, at sa katapusan, ang walang-kundisyong pagsunod at pagsamba sa Lumikha ng lahat ng Kanyang mga nilikha ay hindi makakamit; magkakaroon lamang ng bulag, walang-muwang na pagsunod, o kung hindi ang tao ay gagawa ng bulag na mga paghingi sa Diyos, kung kaya magiging imposible na ganap na lupigin ang puso ng tao. Dahil dito, hindi makakaya ng gayong gawaing panlulupig na matamo ang tao, ni, higit pa rito, magdala ng patotoo sa Diyos. Ang gayong mga nilalang ay hindi na makakaganap ng kanilang tungkulin, at makikipagtawaran na lamang sa Diyos; hindi ito magiging paglupig, kundi habag at pagpapala. Ang pinakamalaking suliranin sa tao ay yaong wala siyang iniisip kundi ang kanyang kapalaran at mga pagkakataon, na iniidolo niya ang mga iyon. Hinahabol ng tao ang Diyos alang-alang sa kanyang kapalaran at mga pagkakataon; hindi niya sinasamba ang Diyos dahil sa kanyang pag-ibig sa Kanya. Kung kaya, sa paglupig sa tao, ang pagiging-makasarili ng tao, kasakiman at ang mga bagay na pinakahadlang sa kanyang pagsamba sa Diyos ay dapat maalis na lahat. Sa paggawa nito, ang mga epekto ng paglupig sa tao ay makakamit. Bilang resulta, sa mga pinakaunang paglupig sa tao, kailangan na alisin muna ang mga ligaw na ambisyon at ang pinakamalalang mga kahinaan ng tao, at, sa pamamagitan nito, ibunyag ang pag-ibig ng tao sa Diyos, at baguhin ang kanyang kaalaman tungkol sa buhay ng tao, ang kanyang pananaw sa Diyos, at ang kahulugan ng kanyang pag-iral. Sa ganitong paraan, ang pag-ibig ng tao sa Diyos ay nalilinis, na ang ibig sabihin, ang puso ng tao ay nalulupig. Ngunit sa Kanyang saloobin tungo sa lahat ng nilalang, hindi nanlulupig ang Diyos para lamang sa kapakanan ng panlulupig; sa halip, Siya ay nanlulupig upang tamuhin ang tao, para sa kapakanan ng Kanyang sariling kaluwalhatian, at upang mabawi ang pinakauna at orihinal na wangis ng tao. Kung Siya ay manlulupig para lamang sa kapakanan ng paglupig, kung gayon ang kabuluhan ng gawain ng panlulupig ay mawawala. Ibig sabihin niyan ay kung, pagkatapos ng panlulupig sa tao, pinabayaan na ng Diyos ang tao, at hindi na nakialam sa kanyang buhay o kamatayan, kung gayon hindi na ito magiging pamamahala sa sangkatauhan, ni ang paglupig sa tao ay magiging para sa kapakanan ng kanyang kaligtasan. Ang pagtatamo lamang sa tao pagkatapos ng paglupig sa kanya at ang kanyang pagdating sa isang kamangha-manghang hantungan sa kahuli-hulihan ang nasa puso ng lahat ng gawain ng pagliligtas, at ito lamang ang magkakamit ng mithiin na kaligtasan ng tao. Sa madaling sabi, ang pagdating lamang ng tao sa magandang hantungan at ang kanyang pagpasok tungo sa kapahingahan ang mga pagkakataon na dapat maangkin ng lahat ng nilalang, at ang gawain na dapat gawin ng Lumikha. Kung tao ang gagawa ng gawaing ito, kung gayon ito ay magiging masyadong limitado: Maaaring madala nito ang tao sa isang tukoy na punto, ngunit hindi nito makakayang dalhin ang tao sa walang-hanggang hantungan. Hindi kayang pagpasyahan ng tao ang kanyang tadhana, ni, higit pa rito, kaya niyang tiyakin ang mga pagkakataon ng tao at hinaharap na hantungan. Ang gawain na ginagawa ng Diyos, gayunman, ay naiiba. Yamang nilikha Niya ang tao, pinangungunahan Niya ito; yamang inililigtas Niya ang tao, ililigtas Niya siya nang lubos, at ganap na kakamtin siya; yamang pinangungunahan Niya ang tao, dadalhin Niya siya sa wastong hantungan; at yamang nilikha Niya at pinamamahalaan ang tao, kailangang akuin Niya ang pananagutan sa kapalaran at mga pagkakataon ng tao. Ito nga ay ang gawaing ginagawa ng Lumikha. Bagama’t ang gawaing panlulupig ay nakakamit sa pamamagitan ng pag-aalis sa tao ng kanyang mga pagkakataon, ang tao sa kahuli-hulihan ay dapat na madala tungo sa wastong hantungan na inihanda para sa kanya ng Diyos. Ito ay talagang dahil gumagawa ang Diyos sa tao na ang tao ay may hantungan at ang kanyang kapalaran ay natitiyak na. Dito, ang akmang hantungan na tinutukoy ay hindi ang mga pag-asa at mga pagkakataon ng tao na inalis noong mga lumipas na panahon; ang dalawa ay magkaiba. Yaong mga inaasahan ng tao at hinahabol ay ang mga paghahangad ng kanyang paghahabol sa maluluhong pagnanasa ng laman, sa halip na ang hantungan na marapat sa tao. Ang naihanda ng Diyos sa tao, samantala, ay ang mga pagpapala at mga pangako na marapat sa tao sa sandaling siya ay nadadalisay, na inihanda ng Diyos para sa tao matapos likhain ang mundo, at na hindi nabahiran ng pagpili, mga pagkaintindi, imahinasyon o laman ng tao. Ang hantungan na ito ay hindi inihahanda para sa isang partikular na tao, kundi ang dako ng kapahingaan ng buong sangkatauhan. At kaya, ang hantungang ito ay ang pinaka-angkop na hantungan para sa sangkatauhan.

Hinahangad ng Lumikha na isaayos ang lahat ng nilikha. Hindi mo dapat iwaksi o suwayin ang anumang Kanyang ginagawa, ni dapat kang maging mapaghimagsik tungo sa Kanya. Sa kahuli-hulihan ay makakamit ng gawain na Kanyang ginagawa ang Kanyang mga mithiin, at sa ganito matatamo Niya ang kaluwalhatian. Ngayon, bakit hindi sinasabi na ikaw ang inapo ni Moab, o ang anak ng malaking pulang dragon? Bakit walang sinasabi tungkol sa mga taong hinirang, at may sinasabi lamang tungkol sa mga nilikha? Ang nilikha—ito ang orihinal na tawag sa tao, at ito ay siyang likas niyang pagkakakilanlan. Ang mga pangalan ay nagkakaiba-iba lamang sapagkat ang mga kapanahunan at mga panahong sakop ng gawain ay magkaiba; sa katunayan, ang tao ay isang ordinaryong nilikha. Ang lahat ng nilikha, maging sila man ang pinakatiwali o pinakabanal, ay dapat gumanap ng tungkulin ng isang nilikha. Kapag isinasakatuparan Niya ang gawain ng panlulupig, hindi ka kinokontrol ng Diyos gamit ang iyong mga pagkakataon, kapalaran o hantungan. Hindi naman talaga kailangang gumawa sa ganitong paraan. Ang minimithi ng gawain ng panlulupig ay upang mapaganap ang tao sa tungkulin ng isang nilalang, upang pasambahin siya sa Lumikha, at pagkatapos lamang nito siya makakapasok sa kamangha-manghang hantungan. Ang kapalaran ng tao ay nasa pagpigil ng mga kamay ng Diyos. Ikaw ay walang kakayahang kontrolin ang iyong sarili: Sa kabila ng parating pagmamadali at pag-aabala para sa kanyang sarili, nananatiling walang kakayahan ang tao na kontrolin ang kanyang sarili. Kung kaya mong malaman ang iyong sariling mga pagkakataon, kung makokontrol mo ang iyong sariling kapalaran, mananatili ka pa rin bang isang nilikha? Sa madaling sabi, sa papaano mang paraan gumagawa ang Diyos, ang lahat ng Kanyang gawain ay para sa kapakanan ng tao. Ipagpalagay, bilang halimbawa, ang kalangitan at ang kalupaan at ang lahat ng bagay na nilikha ng Diyos upang magsilbi sa tao: Ang buwan, ang araw, at ang mga bituin na ginawa Niya para sa tao, ang mga hayop at mga halaman, tagsibol, tag-araw, taglagas at taglamig, at iba pa—lahat ay ginagawa para sa kapakanan ng pag-iral ng tao. At kaya, sa papaano mang paraan Niya kinakastigo at hinahatulan ang tao, ang lahat ng ito ay para sa kapakanan ng kaligtasan ng tao. Kahit na tinatanggal Niya sa tao ang kanyang makalamang mga inaasahan, ito ay para sa kapakanan ng pagdadalisay sa tao, at ang pagdadalisay sa tao ay para sa kapakanan ng kanyang pag-iral. Ang hantungan ng tao ay nasa mga kamay ng Lumikha, kaya papaano makokontrol ng tao ang kanyang sarili?

Sa sandaling ang gawain ng panlulupig sa tao ay nakumpleto na, ang tao ay madadala tungo sa isang magandang mundo. Ang buhay na ito ay magiging, sabihin pa, nasa lupa pa rin, ngunit ito ay ganap na hindi magiging kagaya ng buhay ng tao sa ngayon. Ito ang buhay na tataglayin ng sangkatauhan matapos na ang buong sangkatauhan ay nalupig, ito ay magiging bagong simula para sa tao sa lupa, at para sa sangkatauhan ang magkaroon ng gayong buhay ay magiging katibayan na ang sangkatauhan ay nakapasok na sa isang bago at magandang dako. Ito ang magiging simula ng buhay ng tao at Diyos sa lupa. Ang saligan ng gayong kagandang buhay ay dapat na, matapos na ang tao ay nadalisay at nalupig, siya ay nagpapasakop sa harap ng Lumikha. At kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling yugto ng gawain ng Diyos bago pumasok ang sangkatauhan sa kamangha-manghang hantungan. Ang gayong buhay ay ang hinaharap na buhay ng tao sa lupa, ito ang pinakamagandang buhay sa lupa, ang uri ng buhay na kinasasabikan ng tao, ang uri na hindi pa kailanman nakamtan ng tao sa kasaysayan ng mundo. Ito ang huling kalalabasan ng 6,000 taon ng gawain ng pamamahala, ito ang pinaka-kinasasabikan ng sangkatauhan, ito rin ang pangako ng Diyos sa tao. Ngunit ang pangakong ito ay hindi kaagad mangyayari: Ang tao ay papasok sa hinaharap na hantungan sa sandali lamang na natapos ang gawain sa mga huling araw at siya ay ganap nang nalupig, iyon ay, sa sandaling si Satanas ay ganap nang natalo. Ang tao ay mawawalan na ng makasalanang kalikasan pagkatapos na siya ay napino, dahil nadaig na ng Diyos si Satanas, na nangangahulugan na hindi na makapanghihimasok ang mga palabang puwersa, at wala nang palabang mga puwersa ang mananalakay sa laman ng tao. At kaya magiging malaya ang tao, at magiging banal—siya ay nakapasok na sa kawalang-hanggan. Kapag ang masasamang puwersa ng kadiliman ay naigapos na saka pa lamang magiging malaya ang tao saan man siya magpunta, at nang walang paghihimagsik o pagsalungat. Si Satanas ay kailangang maigapos para maging maayos ang tao; sa ngayon, hindi siya maayos sapagkat[a] si Satanas ay naghahasik pa rin ng kaguluhan kahit saan sa lupa, at sapagkat ang kabuuang gawain ng pamamahala ng Diyos ay hindi pa umaabot sa katapusan nito. Sa sandaling natalo na si Satanas, ang tao ay magiging lubos nang malaya; kapag natatamo ng tao ang Diyos at nakakalabas mula sa ilalim ng sakop ni Satanas, kanyang pagmamasdan ang Araw ng pagkamatuwid. Ang buhay na karapat-dapat sa normal na tao ay mababawi; lahat ng dapat mataglay ng isang normal na tao—kagaya ng kakayahan na talusin ang mabuti sa masama, at pagkaunawa kung papaano pakainin at damitan ang sarili, at ang kakayahan na mabuhay nang normal—ang lahat ng ito ay mababawi. Kung si Eva man ay hindi natukso ng ahas, ang tao ay nagkaroon dapat ng ganoong normal na buhay pagkatapos na siya ay nalikha noong pasimula. Siya dapat ay nakakain, nadamitan, at namuhay nang normal na buhay ng tao sa lupa. Ngunit pagkatapos na ang tao ay naging ubod nang sama, ang buhay na ito ay naging pangarap na lamang, at kahit ngayon hindi nagtatangka ang tao na isipin ang gayong mga bagay. Sa katunayan, itong magandang buhay na kinasasabikan ng tao ay isang pangangailangan: Kung ang tao ay walang gayong hantungan, kung gayon ang kanyang buhay sa lupa na ubod nang sama ay hindi kailanman titigil, at kung walang gayong kagandang buhay, kung gayon hindi na magkakaroon ng konklusyon sa kapalaran ni Satanas o sa kapanahunan kung saan nasa kapamahalaan pa ni Satanas ang buong lupa. Kailangang makarating ang tao sa isang kinasasaklawan na hindi naaabot ng mga puwersa ng kadiliman, at kapag nagawa na niya, patutunayan nito na si Satanas ay natalo na. Sa ganitong paraan, sa sandaling wala na ang panggugulo ni Satanas, Ang Diyos Mismo ang magkokontrol sa sangkatauhan, at Kanyang pangungunahan at kokontrolin ang buong buhay ng tao; ito lamang ang maituturing bilang pagkatalo ni Satanas. Ang buhay ng tao ngayon ay kalimitang buhay ng karumihan, at buhay pa rin ng pagdurusa at dalamhati. Hindi ito matatawag na pagkatalo ni Satanas; ang tao ay hindi pa nakakatakas sa dagat ng pagdurusa, hindi pa nakakatakas mula sa kahirapan ng buhay ng tao, o sa impluwensya ni Satanas, at siya ay may kakatiting pa rin lamang na pagkakilala sa Diyos. Ang lahat ng paghihirap ng tao ay gawa ni Satanas, si Satanas ang nagdala ng mga pagdurusa tungo sa buhay ng tao, at pagkatapos lamang na naigapos si Satanas makakatakas nang lubos ang tao mula sa dagat ng pagdurusa. Ngunit ang pagkagapos ni Satanas ay nakakamit sa pamamagitan ng paglupig at pagtamo sa puso ng tao, sa pamamagitan ng pagtuturing sa tao bilang samsam sa digmaan laban kay Satanas.

Ngayon, ang paghahabol ng tao na maging mananagumpay at magawang perpekto ang mga bagay na hinahabol bago siya magkaroon ng buhay ng isang normal na tao sa lupa, at ang mga layunin na hinahanap ng tao bago ang pagkagapos ni Satanas. Sa diwa, ang paghahabol ng tao na maging mananagumpay at magawang perpekto, o magawang lubhang kapaki-pakinabang, ay upang makatakas sa impluwensya ni Satanas: Ang paghahabol ng tao ay upang maging mananagumpay, ngunit ang huling kalalabasan ay ang kanyang pagtakas mula sa impluwensya ni Satanas. Sa pagtakas lamang mula sa impluwensya ni Satanas maaaring maisabuhay ng tao ang buhay ng normal na tao sa lupa, ang buhay ng pagsamba sa Diyos. Ngayon, ang paghahabol ng tao sa pagiging mananagumpay at pagiging ginagawang perpekto ay ang mga bagay na hinahabol bago ang pagkakaroon ng buhay ng isang normal na tao sa lupa. Unang-unang hinahangad ang mga ito para sa kapakanan ng pagiging nalinis at pagsasagawa ng katotohanan, at upang makamit ang pagsamba sa Lumikha. Kung tinataglay ng tao ang buhay ng isang normal na tao sa lupa, isang buhay na walang kahirapan o dalamhati, kung gayon ang tao ay hindi sasangkap sa paghahabol na maging mananagumpay. Ang “maging mananagumpay” at “magawang perpekto” ay ang mga layunin na ibinibigay ng Diyos sa tao upang habulin, at sa pamamagitan ng paghahabol sa mga layuning ito binibigyang-daan Niya ang tao na isagawa ang katotohanan at isabuhay ang makabuluhang buhay. Ang layunin ay upang gawing ganap ang tao at tamuhin siya, at ang paghahabol na maging mananagumpay at magawang perpekto ay isa lamang kaparaanan. Kung, sa hinaharap, pumapasok ang tao tungo sa kamangha-manghang hantungan, wala nang magiging pagbanggit sa pagiging mananagumpay at sa pagiging ginagawang perpekto; magkakaroon na lamang ng pagganap sa kanilang tungkulin ang bawat nilalang. Ngayon, pinapapaghabol ang tao sa mga bagay na ito upang magtalaga lamang ng isang saklaw sa tao, nang sa gayon ang paghahabol ng tao ay mas tutok at praktikal. Kung wala ito, ang paghahabol ng tao sa pagpasok sa buhay na walang-hanggan ay magiging malabo at mahirap maunawaan, at kung nagkaganoon nga, hindi ba magiging mas kaawa-awa pa ang tao? Ang maghabol sa ganitong paraan, na walang mga mithiin o mga prinsipyo—hindi ba ito pandaraya sa sarili? Sa kahuli-hulihan, ang paghahabol na ito ay likas na magiging walang-bunga; sa katapusan, ang tao ay mamumuhay pa rin sa ilalim ng sakop ni Satanas at hindi makakayang bunutin ang kanyang sarili mula rito. Bakit isasailalim ang kanyang sarili mismo sa gayong walang layon na paghahabol? Kapag ang tao ay pumapasok na sa walang-hanggang hantungan, sasambahin ng tao ang Lumikha, at sapagkat natatamo na ng tao ang kaligtasan at nakakapasok na sa kawalang-hanggan, ang tao ay hindi na maghahabol ng anumang mga layunin, ni, higit pa rito, kailangan niyang mag-alala na siya ay kinukubkob ni Satanas. Sa panahong ito, malalaman ng tao ang kanyang lugar, at gagampanan ang kanyang tungkulin, at kahit na hindi sila kinakastigo o hinahatulan, gagampanan ng bawat tao ang kanilang tungkulin. Sa panahong iyon, ang tao ay magiging nilikha sa parehong pagkakakilanlan at katayuan. Wala nang magiging pagkakaiba ng mataas at mababa; bawat tao ay gaganap na lamang ng ibang tungkulin. Ngunit ang tao ay mamumuhay pa rin sa isang maayos, angkop na hantungan ng sangkatauhan, gagampanan ng tao ang kanyang tungkulin para sa kapakanan ng pagsamba sa Lumikha, at ang isang sangkatauhan na kagaya nito ay magiging ang sangkatauhan ng kawalang-hanggan. Sa panahong iyon, matatamo na ng tao ang isang buhay na pinaliwanag ng Diyos, isang buhay na nasa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Diyos, at isang buhay na kasama ang Diyos. Magkakaroon ang sangkatauhan ng normal na buhay sa lupa, at ang kabuuan ng sangkatauhan ay papasok sa tamang landas. Lubos nang natalo ng 6,000-taong plano ng pamamahala ng Diyos si Satanas, ibig sabihin nito’y nabawi na ng Diyos ang orihinal na larawan ng tao kasunod sa Kanyang paglikha, at sa gayon, ang orihinal na hangarin ng Diyos ay matutupad na. Sa simula, bago pa ginawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, namuhay ang sangkatauhan ng normal na buhay sa lupa. Kinalaunan, nang siya ay ginawang tiwali ni Satanas, naiwala ng tao itong normal na buhay, at kaya doon nag-umpisa ang gawain ng pamamahala ng Diyos, at ang pakikipagdigma kay Satanas upang bawiin ang normal na buhay ng tao. Sa pagdating pa lamang sa katapusan ng 6,000-taon na gawain ng pamamahala ng Diyos na opisyal na magsisimula ang buhay ng lahat ng sangkatauhan sa lupa, doon pa lamang magkakaroon ang tao ng kamangha-manghang buhay, at mababawi ng Diyos ang layunin sa paglikha sa tao noong pasimula, pati na ang orihinal na wangis ng tao. At kaya, sa sandaling nagkaroon na siya ng normal na buhay ng sangkatauhan sa lupa, hindi na maghahabol ang tao na maging mananagumpay o maging ginagawang perpekto, sapagkat ang tao ay magiging banal. Ang tagumpay at kasakdalan na binabanggit ng tao ay ang mga layunin na ibinigay sa tao upang habulin sa panahon ng labanan sa pagitan ng Diyos at ni Satanas, at ang mga iyon ay umiiral lamang sapagkat ang tao ay nagawang tiwali. Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay sa iyo ng layunin, at pagsasanhi sa iyo upang habulin ang layunin na ito, na si Satanas ay matatalo. Ang paghingi sa iyo na maging mananagumpay o magawang perpekto o magamit ay pangangailangan sa iyo na magpatotoo upang hiyain si Satanas. Sa katapusan, maipamumuhay ng tao ang buhay ng normal na tao sa lupa, at ang tao ay magiging banal, at kapag nangyayari ito, hahanapin pa rin ba nilang maging mga mananagumpay? Hindi ba silang lahat ay mga nilalang? Ang pagiging mananagumpay at pagiging napasakdal ay parehong nakadirekta kay Satanas, at sa karumihan ng tao. Ito bang “mananagumpay” ay hindi tumutukoy sa tagumpay laban kay Satanas at sa masasamang puwersa? Kapag sinasabi mo na ikaw ay nagagawang sakdal, ano ang nagagawang perpekto sa iyo? Hindi ba’t nahuhubad mo na ang tiwaling mala-satanas na disposisyon, kaya’t nakakamit mo ang pinakadakilang pag-ibig sa Diyos? Ang mga gayong bagay ay sinasabi kaugnay sa maruruming bagay sa loob ng tao, at kaugnay kay Satanas; hindi sinasalita ang mga iyon kaugnay sa Diyos.

Sa kasalukuyan, kung hindi mo hinahabol ang pagiging mananagumpay at pagiging ginagawang perpekto, kung gayon sa hinaharap, kapag ang sangkatauhan ay nabubuhay na nang normal sa lupa, wala nang magiging pagkakataon para sa gayong paghahabol. Sa panahong iyon, ang katapusan ng bawat uri ng tao ay nabunyag na. Sa panahong iyon, magiging malinaw kung anong uri ng bagay ka, at kung nagnanais kang maging mananagumpay o nagnanais na magawang perpekto ito ay magiging imposible. Ito lamang ay na dahil sa kanyang pagiging mapaghimagsik ang tao ay mapaparusahan matapos niyang mabunyag. Sa panahong iyon, ang habol ng tao ay hindi na maging may mas mataas na kalagayan kaysa sa iba, para sa ilan ay upang maging mananagumpay at sa mga iba pa ay upang magawang perpekto, o para sa ilan ay upang maging mga panganay na anak ng Diyos at sa mga iba pa ay upang maging mga anak ng Diyos; hindi nila hahabulin ang mga bagay na ito. Ang lahat ay magiging mga nilalang ng Diyos, lahat ay maninirahan sa lupa, at lahat ay maninirahang kasama ng Diyos sa lupa. Ngayon ang panahon ng digmaan sa pagitan ng Diyos at ni Satanas, ito ay isang panahon kung saan ang digmaang ito ay hindi pa natatapos, isang panahon kung saan ang tao ay hindi pa lubos na natatamo, at ito ay isang panahon ng paglipat. At kaya, ang tao ay kinakailangang maghabol na maging mananagumpay o maging isa sa bayan ng Diyos. Sa ngayon ay may mga pagkakaiba sa katayuan, ngunit kapag dumarating ang panahon wala nang magiging gayong mga pagkakaiba: Ang katayuan ng lahat niyaong nagiging matagumpay ay magiging pare-pareho, silang lahat ay magiging karapat-dapat na sangkatauhan, at maninirahang magkakapantay sa lupa, ibig sabihin silang lahat ay magiging karapat-dapat na mga nilalang, at kung ano ang ibinibigay sa kanila ay magkakaparehong lahat. Sapagkat ang mga kapanahunan ng gawain ng Diyos ay magkakaiba, at ang mga layon ng Kanyang gawain ay magkakaiba rin, kung ang gawaing ito ay ginagawa sa inyo, kayo ay karapat-dapat na magawang perpekto at maging mga mananagumpay; kung ito ay ginawa sa ibang bansa, kung gayon sila ay magiging karapat-dapat na maging unang grupo ng mga tao na malulupig, at ang unang grupo ng mga tao na magagawang perpekto. Sa kasalukuyan, ang gawaing ito ay hindi ginagawa sa ibang bansa, kaya hindi sila maaaring hirangin upang magawang perpekto at maging mga mananagumpay, at ito ay imposible para sa kanila na maging unang grupo. Sapagkat ang layon ng gawain ng Diyos ay iba, ang kapanahunan ng gawain ng Diyos ay iba, at ang saklaw nito ay iba, kaya mayroong unang grupo, iyon ay, mayroong mga mananagumpay, at magkakaroon din ng ikalawang grupo na ginagawang perpekto. Sa sandaling nagkakaroon ng unang grupo na nagagawang perpekto, magkakaroon ng isang tularan at uliran, at kaya sa hinaharap ay magkakaroon ng ikalawa at ikatlong grupo niyaong mga ginagawang perpekto, ngunit sa kawalang-hanggan silang lahat ay magkakapareho, at hindi magkakaroon ng pag-uuri sa katayuan. Sila lamang ay nagagawang perpekto sa iba’t ibang mga panahon, at walang magiging mga kaibahan sa katayuan. Kapag sumasapit na ang panahon na ang bawat isa ay nagagawang ganap, at ang gawain sa buong sansinukob ay natatapos na, walang magiging mga pagkakaiba sa katayuan, at lahat ay magkakaroon ng magkakapantay na katayuan. Sa kasalukuyan, ang gawaing ito ay ginagawa sa gitna ninyo upang kayo ay maging mga mananagumpay. Kung ito ay ginawa sa Inglatera, kung gayon ang Inglatera ang magkakaroon ng unang grupo, sa kaparehong paraan na magiging kayo. Ako ay lalo lamang nagiging mapagbigay sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng Aking gawain sa inyo ngayon, at kung hindi Ko ginawa ang gawaing ito sa inyo, kung gayon sa patas na pagtingin kayo naman ang magiging ikalawang grupo, o ang ikatlo, o ang ikaapat, o ang ikalima. Ito ay dahil lamang sa pagkakaiba sa pagkakaayos ng gawain; ang unang grupo at ang ikalawang grupo ay hindi nangangahulugan na ang isa ay mas mataas o mas mababa kaysa isa, ito ay nangangahulugan lamang ng pagkakasunud-sunod kung papaanong ang mga taong ito ay nagagawang perpekto. Sa kasalukuyan ang mga salitang ito ay ipinatatalastas sa inyo, ngunit bakit hindi kayo nasabihan nang mas maaga? Sapagkat, kung walang proseso, nakakagawian ng mga tao ang magmalabis. Gaya halimbawa, sinabi ni Jesus nang panahong iyon: Ako ay umalis, kaya Ako ay darating. Ngayon, marami ang nahuhumaling sa mga salitang ito, at ang gusto lamang nila ay ang magsuot ng mga puting balabal at maghintay sa pagdadala sa kanila sa langit. Kaya, maraming salita ang hindi masasabi nang masyadong maaga; kung ang mga ito ay sinabi nang masyadong maaga ang tao ay magmamalabis. Ang tayog ng tao ay masyadong mababa, at wala siyang kakayahang aninagin ang katotohanan sa mga salitang ito.

Kapag nakakamit na ng tao ang tunay na buhay ng tao sa lupa at ang buong mga puwersa ni Satanas ay nakagapos, ang tao ay mabubuhay nang walang hirap sa ibabaw ng lupa. Ang mga bagay-bagay ay hindi na magiging mahirap unawain gaya ng sa kasalukuyan: Mga relasyong pantao, mga relasyong panlipunan, magulong relasyong pampamilya…, ang mga iyon ay totoong nakaaabala, masyadong masakit! Ang buhay ng tao rito ay masyadong miserable! Sa sandaling nalupig ang tao, ang kanyang puso at isipan ay magbabago: Magkakaroon siya ng pusong gumagalang sa Diyos at isang pusong umiibig sa Diyos. Sa sandaling ang lahat niyaong nasa loob ng sansinukob na naghahanap na ibigin ang Diyos ay nalupig na, na ang ibig sabihin, sa sandaling natalo na si Satanas, at sa sandaling si Satanas—lahat ng puwersa ng kadiliman—ay nagapos na, kung gayon ang buhay ng tao sa lupa ay magiging hindi-maligalig, at makakapamuhay siya nang malaya sa ibabaw ng lupa. Kung ang buhay ng tao ay walang makalamang mga pakikipagrelasyon, at walang mga suliranin ng laman, sa gayon ito ay magiging lalong napakadali. Ang mga kaugnayan ng laman ng tao ay masyadong magulo, at para sa tao ang magkaroon ng mga ganitong bagay ay patunay na hindi pa niya napapalaya ang kanyang sarili sa impluwensya ni Satanas. Kung ikaw ay nagkaroon ng kaparehong relasyon sa mga kapatid na lalaki at babae, kung ikaw ay nagkaroon ng kaparehong relasyon sa iyong karaniwang pamilya, kung gayon ay wala kang mga alalahanin, at hindi na kailangan pang mag-alala tungkol sa kaninuman. Wala nang magiging mas mabuti pa, at sa ganitong paraan gagaan nang kalahati ang pagdurusa ng tao. Namumuhay ng isang normal na buhay ng tao sa lupa, ang tao ay magiging katulad ng isang anghel; bagaman nasa laman pa rin, siya ay magiging tulad na tulad ng isang anghel. Ito ang panghuling pangako, ito ang huling pangako na ipinagkakaloob sa tao. Sa kasalukuyan ang tao ay sumasailalim sa pagkastigo at paghatol; iniisip mo ba na ang karanasan ng tao sa gayong mga bagay ay walang kabuluhan? Ang gawain ba ng pagkastigo at paghatol ay magagawa nang walang dahilan? Nasasabi na noong nakaraan na upang kastiguhin at hatulan ang tao ay ang ilalagay siya tungo sa walang-hanggang kalaliman, na ibig sabihin ay pag-aalis ng kanyang kapalaran at mga pagkakataon. Ito ay para sa kapakanan ng isang bagay: ang paglilinis sa tao. Ang tao ay hindi inilalagay sa walang-hanggang kalaliman nang sinasadya, at pagkatapos ay tinatalikuran siya ng Diyos. Sa halip, ito ay upang pakitunguhan ang pagiging mapanghimagsik sa loob ng tao, upang sa katapusan ang mga bagay na nasa loob ng tao ay maaaring malinis, upang maaaring magkaroon siya ng tunay na pagkakilala sa Diyos, at maging gaya ng isang banal na tao. Kung ito ay nagagawa, kung gayon ang lahat ay matutupad. Sa katunayan, kapag yaong mga bagay sa loob ng tao na kailangang mapakitunguhan ay napakitunguhan, at ang tao ay matunog na nagpapatotoo, si Satanas ay matatalo rin, at kahit na mayroon pang kaunti sa mga bagay na iyon na dati nang nasa loob ng tao na hindi pa lubos na nalilinis, sa sandaling natalo si Satanas, hindi na ito magsasanhi ng gulo, at sa panahong iyon ang tao ay malilinis na nang lubos. Ang tao ay hindi pa kailanman nakakaranas ng gayong buhay, ngunit kapag natalo si Satanas, ang lahat ay maisasaayos at yaong mga walang kwentang bagay sa loob ng tao ay malulutas lahat; lahat ng iba pang mga kaguluhan ay matatapos sa sandaling yaong pangunahing suliranin ay nalutas. Sa panahon ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa lupa, kapag Kanyang personal na ginagawa ang Kanyang gawain sa gitna ng tao, ang lahat ng gawain na Kanyang ginagawa ay upang talunin si Satanas, at tatalunin Niya si Satanas sa pamamagitan ng paglupig sa tao at ginagawa kayong ganap. Kapag kayo ay matunog na nagpapatotoo, ito, rin, ay magiging palatandaan ng pagkatalo ni Satanas. Sa una ang tao ay nilulupig at sa kahuli-hulihan ay lubos na ginagawang perpekto upang talunin si Satanas. Sa diwa, gayunpaman, kasabay ng pagkatalo ni Satanas ito ang sabay-sabay na pagliligtas ng buong sangkatauhan mula rito sa malalim na dagat ng dalamhati. Hindi alintana kung ang gawain mang ito ay isinasakatuparan sa buong sansinukob o sa Tsina, itong lahat ay upang talunin si Satanas at dalhin ang kaligtasan sa kabuuan ng sangkatauhan nang sa gayon ay maaaring pumasok ang tao sa dako ng kapahingahan. Ang nagkatawang-taong Diyos, itong normal na katawang-tao, ay talagang para sa kapakanan ng pagtalo kay Satanas. Ang gawain ng katawang-tao ng Diyos ay ginagamit upang magdala ng kaligtasan sa lahat niyaong nasa ilalim ng langit na umiibig sa Diyos, ito ay para sa kapakanan ng panlulupig sa buong sangkatauhan, at, higit pa rito, para sa kapakanan ng pagtalo kay Satanas. Ang ubod ng buong gawaing pamamahala ng Diyos ay hindi maihihiwalay mula sa pagkatalo ni Satanas upang dalhin ang kaligtasan sa lahat ng sangkatauhan. Bakit, sa dinami-dami nitong gawain, lagi na lamang sinasabi sa inyo na magpatotoo? At kanino patungkol ang patotoo na ito? Hindi ba ito nakadirekta kay Satanas? Ang patotoo na ito ay ginagawa sa Diyos, at ito ay ginagawa upang patotohanan na nakakamit na ang resulta ng gawain ng Diyos. Ang pagpapatotoo ay may kinalaman sa gawain ng pagtalo kay Satanas; kung wala ang pakikipagdigma kay Satanas, kung gayon ay hindi na kakailanganin sa tao na magpatotoo. Ito ay dahil kailangang matalo si Satanas kaya, kasabay ng pagliligtas sa tao, kinakailangan ng Diyos na magpatotoo sa Kanya ang tao sa harapan ni Satanas, na siyang ginagamit Niya upang iligtas ang tao at makipaglaban kay Satanas. Bilang resulta, ang tao ay parehong ang layon ng pagliligtas at isang kasangkapan sa pagkatalo ni Satanas, at kaya ang tao ay nasa sentro ng gawain ng kabuuang pamamahala ng Diyos, at si Satanas ay ang layon lamang ng pagwasak, ang kalaban. Maaaring nararamdaman mo na wala kang nagagawa, ngunit dahil sa mga pagbabago sa iyong disposisyon, ang patotoo ay natataglay na, at ang patotoong ito ay nakatutok kay Satanas at hindi ginagawa para sa tao. Ang tao ay hindi angkop na magtamasa ng gayong patotoo. Papaano niya mauunawaan ang gawain na ginagawa ng Diyos? Ang layon ng laban ng Diyos ay si Satanas; ang tao, samantala, ay ang tanging layon ng pagliligtas. Ang tao ay may tiwaling mala-satanas na disposisyon, at walang kakayahan na maunawaan ang gawaing ito. Ito ay dahil sa pagtitiwali ni Satanas. Ito ay hindi likas na nasa loob ng tao, kundi pinapatnubayan ni Satanas. Ngayon, ang pangunahing gawain ng Diyos ay upang talunin si Satanas, iyon ay, upang ganap na lupigin ang tao, nang sa gayon ang tao ay maaaring magtaglay ng huling patotoo sa Diyos sa harap ni Satanas. Sa ganitong paraan, ang lahat ng bagay ay matutupad. Sa maraming kaso, sa iyong mata lamang ay mukhang walang nagagawang anuman, ngunit sa katunayan, ang gawain ay natapos na. Kinakailangan ng tao na ang lahat ng gawain ng pagtatapos ay nakikita, ngunit nang hindi ito ipinakikita sa iyo, natatapos Ko na ang Aking gawain, dahil si Satanas ay nagpasakop, na ang ibig sabihin ito ay lubos na natalo, na nadaig si Satanas ng lahat ng karunungan, kapangyarihan at awtoridad ng Diyos. Ito ang eksaktong patotoo na dapat mataglay, at bagaman wala itong malinaw na pagpapahayag sa tao, bagaman hindi ito nakikita ng mata lamang, si Satanas ay natalo na. Ang kabuuan ng gawaing ito ay nakatutok laban kay Satanas, at isinasakatuparan dahil sa digmaan laban kay Satanas. At kaya, maraming bagay na hindi nakikita ng tao bilang nagtatagumpay, ngunit ito, sa mga mata ng Diyos, ay matagal nang matagumpay. Isa ito sa mga panloob na katotohanan tungkol sa lahat ng gawain ng Diyos.

Sa sandaling natalo na si Satanas, ibig sabihin, sa sandaling lubos na nalupig ang tao, mauunawaan ng tao na ang lahat ng gawaing ito ay para sa kapakanan ng pagliligtas, at ang paraan ng pagliligtas na ito ay upang bawiin mula sa mga kamay ni Satanas. Ang 6,000 taong gawain ng pamamahala ng Diyos ay nahahati sa tatlong yugto: ang Kapanahunan ng Kautusan, ang Kapanahunan ng Biyaya, at ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang tatlong yugtong ito ng gawain ay para lahat sa kapakanan ng pagliligtas sa sangkatauhan, na ang ibig sabihin, ang mga iyon ay para sa pagliligtas sa isang sangkatauhan na labis na natiwali ni Satanas. Gayunpaman, kasabay nito, ang mga iyon ay para din maaaring makagawa ang Diyos ng pakikipagdigma kay Satanas. Kaya, kung paanong ang gawain ng pagliligtas ay nahahati sa tatlong yugto, gayundin ang pakikipagdigma kay Satanas ay nahahati rin sa tatlong yugto, at ang dalawang aspetong ito ng gawain ng Diyos ay sabay na pinatatakbo. Ang pakikipagdigma kay Satanas ay talagang para sa kapakanan ng pagliligtas sa sangkatauhan, at dahil sa ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay hindi isang bagay na matagumpay na natatapos sa iisang yugto, ang pakikipagdigma kay Satanas ay hinahati rin sa mga bahagi at yugto, at isinasagawa ang pakikipagdigma kay Satanas alinsunod sa mga pangangailangan ng tao at sa lawak ng pagtiwali ni Satanas sa kanya. Marahil, sa imahinasyon ng tao, siya ay naniniwala na sa digmaang ito ang Diyos ay gagamit ng mga sandata laban kay Satanas, kagaya ng paraan na ang dalawang hukbo ay maglalaban sa isa’t isa. Ito lamang ay isang bagay na kayang guni-gunihin ng talino ng tao, at ito ay sukdulang malabo at di-makatotohanang ideya, ngunit ito ang pinaniniwalaan ng tao. At dahil sinasabi Ko rito na ang paraan ng pagliligtas sa tao ay sa pamamagitan ng pakikipagdigma kay Satanas, iniisip ng tao na sa ganitong paraan isasagawa ang pakikipagdigma. Sa gawain ng pagliligtas sa tao, tatlong yugto ang naisasakatuparan, na ang ibig sabihin na ang pakikipagdigma kay Satanas ay hinati sa tatlong yugto bago ang lubos na pagkatalo ni Satanas. Ngunit ang panloob na katotohanan ng kabuuang gawain ng pakikipagdigma kay Satanas ay yaong ang mga epekto nito ay natatamo sa pamamagitan ng pagkakaloob ng biyaya sa tao, at pagiging handog para sa kasalanan ng tao, pagpapatawad sa mga kasalanan ng tao, paglupig sa tao, at paggawang perpekto sa tao. Bilang katunayan, ang pakikipagdigma kay Satanas ay hindi ang pagsusukbit ng mga armas laban kay Satanas, kundi ang pagliligtas sa tao, ang paggawa sa buhay ng tao, at ang pagbabago sa disposisyon ng tao upang siya ay maaaring magtaglay ng patotoo sa Diyos. Ganito kung paano natatalo si Satanas. Si Satanas ay natatalo sa pamamagitan ng pagbabago sa tiwaling disposisyon ng tao. Kapag natalo na si Satanas, iyan ay, kapag ang tao ay lubos nang naligtas, sa gayon ang napahiyang si Satanas ay tuluyan nang magagapos, at sa ganitong paraan, ang tao ay ganap nang naligtas. At kaya, ang diwa ng pagliligtas sa tao ay ang pakikipagdigma kay Satanas, at ang pakikipagdigma kay Satanas ay unang-unang nasasalamin sa pagliligtas sa tao. Ang yugto ng mga huling araw, kung saan malulupig ang tao, ay ang huling yugto sa pakikipagdigma kay Satanas, at ang gawain din ng ganap na pagliligtas sa tao mula sa sakop ni Satanas. Ang panloob na kahulugan ng paglupig sa tao ay ang pagbabalik ng pagsasakatawan ni Satanas, ang tao na nagawang tiwali ni Satanas, sa Lumikha kasunod ng paglupig sa kanya, kung saan sa pamamagitan nito ay tatalikdan niya si Satanas at lubusang magbabalik sa Diyos. Sa ganitong paraan, ang tao ay ganap nang naligtas. At kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling gawain sa digmaan laban kay Satanas, at ang huling yugto sa pamamahala ng Diyos para sa kapakanan ng pagtalo kay Satanas. Kung wala ang gawaing ito, ang lubos na kaligtasan ng tao sa kahuli-hulihan ay magiging imposible, ang ganap na pagkatalo ni Satanas ay magiging imposible rin, at ang sangkatauhan ay hindi kailanman makakapasok sa kamangha-manghang hantungan, o makakalaya sa impluwensya ni Satanas. Dahil dito, ang gawain ng pagliligtas sa tao ay hindi matatapos bago ang pakikipagdigma kay Satanas ay natatapos, sapagkat ang ubod ng gawain ng pamamahala ng Diyos ay para sa kapakanan ng pagliligtas sa tao. Ang pinakaunang sangkatauhan ay nasa mga kamay ng Diyos, ngunit dahil sa panunukso at pagtiwali ni Satanas, ang tao ay nagapos ni Satanas at nahulog sa mga kamay ng masama. Kaya, si Satanas ay naging ang layon na tatalunin sa gawain ng pamamahala ng Diyos. Sapagkat ang tao ay inangkin ni Satanas, at dahil ang tao ang produkto ng buong pamamahala ng Diyos, kung ililigtas ang tao, kung gayon ay kailangang maagaw siya mula sa mga kamay ni Satanas, ibig sabihin na ang tao ay kailangang mabawi pagkatapos ng pagkabihag ni Satanas. Sa gayon, kailangang matalo si Satanas sa pamamagitan ng mga pagbabago sa dating disposisyon ng tao, mga pagbabagong nagpapanumbalik sa kanyang orihinal na katinuan, at sa ganitong paraan, ang tao, na nabihag, ay maaagaw pang muli mula sa mga kamay ni Satanas. Kung napapalaya ang tao mula sa impluwensya at pagkagapos ni Satanas, mapapahiya si Satanas, ang tao sa kahuli-hulihan ay mababawi, at si Satanas ay magagapi. At dahil ang tao ay napalaya mula sa madilim na impluwensya ni Satanas, ang tao ang magiging samsam ng buong labanang ito, at si Satanas ay magiging ang layon na parurusahan sa sandaling natapos ang labanang ito, kung saan pagkatapos nito ang kabuuang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay makukumpleto na.

Ang Diyos ay walang masamang hangarin tungo sa mga nilikha at nagnanais lamang na talunin si Satanas. Lahat ng Kanyang gawain—maging ito man ay pagkastigo o paghatol—ay nakatutok kay Satanas; ito ay isinasakatuparan para sa kapakanan ng kaligtasan ng sangkatauhan, ang lahat ay upang talunin si Satanas, at ito ay mayroong isang layunin: ang makipagdigma kay Satanas hanggang sa katapus-tapusan! At ang Diyos ay hindi kailanman magpapahinga hangga’t hindi Siya nagwawagi kay Satanas! Siya ay magpapahinga lamang sa sandaling natalo na Niya si Satanas. Sapagkat ang lahat ng gawain na ginagawa ng Diyos ay nakatutok kay Satanas, at dahil sa ang lahat ng nagawang tiwali ni Satanas ay nasa ilalim ng kontrol ng sakop ni Satanas at namumuhay lahat sa ilalim ng sakop ni Satanas, kung walang pakikipagdigma laban kay Satanas at pakikipaghiwalay rito, hindi maglulubay si Satanas sa paghawak nito sa mga taong ito, at hindi sila matatamo. Kung hindi sila natamo, patutunayan nito na si Satanas ay hindi pa natatalo, na ito ay hindi pa nadadaig. At kaya, sa 6,000-taong plano ng pamamahala ng Diyos, noong unang yugto ginawa Niya ang gawain ng kautusan, noong ikalawang yugto ginawa Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, iyon ay, ang gawain ng pagpapapako sa krus, at noong ikatlong yugto ginawa Niya ang gawain ng panlulupig sa sangkatauhan. Ang lahat ng gawaing ito ay nakatutok sa lawak ng pagtitiwali ni Satanas sa sangkatauhan, ang lahat ng ito ay upang talunin si Satanas, at walang isa man sa mga yugto ang hindi para sa kapakanan ng pagtalo kay Satanas. Ang diwa ng 6,000-taong gawain ng pamamahala ng Diyos ay ang digmaan laban sa malaking pulang dragon, at ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay ang gawain din ng pagtalo kay Satanas, at ang gawain ng pakikipagdigma kay Satanas. Nakipagdigma ang Diyos sa loob ng 6,000 taon, at sa gayon ay gumawa sa loob ng 6,000 taon, upang sa kahuli-hulihan ay dalhin ang tao tungo sa bagong kinasasaklawan. Kapag si Satanas ay natalo, ang tao ay magiging ganap nang napalaya. Hindi ba ito ang pinatutunguhan ng gawain ng Diyos ngayon? Ito ang eksaktong pinatutunguhan ng gawain sa ngayon: ang lubos na pagpapalaya at pagpapakawala sa tao, at nang hindi na siya sakop ng anumang patakaran, ni nalilimitahan ng anumang mga gapos o mga pagbabawal. Lahat ng gawaing ito ay ginagawa alinsunod sa inyong tayog at alinsunod sa inyong mga pangangailangan, ibig sabihin na kayo ay pinagkakalooban ng kung anuman ang inyong matutupad. Hindi ito kaso ng “pagtataboy sa isang pato sa dapuan,” ng pamimilit sa inyo na gawin ang mga bagay na lampas sa inyong kakayahan; sa halip, ang lahat ng gawaing ito ay isinasakatuparan alinsunod sa inyong aktuwal na mga pangangailangan. Ang bawat yugto ng gawain ay alinsunod sa totoong mga pangangailangan at kinakailangan ng tao, at para sa kapakanan ng pagtalo kay Satanas. Sa katunayan, sa pasimula ay walang mga hadlang sa pagitan ng Lumikha at ng Kanyang mga nilikha. Lahat ng iyon ay dulot ni Satanas. Ang tao ay nawalan na ng kakayahang makita o mahipo ang anuman dahil sa panggugulo at pagtitiwali ni Satanas. Ang biktima ay ang tao, ang siyang nalilinlang. Sa sandaling natalo na si Satanas, mamamasdan ng mga nilikha ang Lumikha, at titingnan ng Lumikha ang mga nilikha at magagawang personal na pangunahan sila. Ito lamang ang dapat na maging buhay ng tao sa lupa. At kaya, ang gawain ng Diyos una sa lahat ay upang talunin si Satanas, at sa sandaling natalo na si Satanas, ang lahat ay malulutas. Ngayon, nakikita mo na totoong mahalagang bagay para sa Diyos na dumating sa gitna ng tao. Hindi siya dumating upang gugulin ang bawat araw sa paghahanap ng mali sa inyo, upang sabihin ang ganito at ganoon, o para lamang hayaan kayong makita kung ano ang Kanyang itsura, at kung paano Siya nagsasalita at namumuhay. Ang Diyos ay hindi naging katawang-tao para lamang hayaan kayo na tingnan Siya, o upang buksan ang inyong mga mata, o upang hayaan kayo na marinig ang mga misteryo na Kanyang sinalita at ang pitong tatak na Kanyang nabuksan. Sa halip, Siya ay naging katawang-tao upang talunin si Satanas. Personal Siyang dumating sa gitna ng tao sa katawang-tao upang iligtas ang tao, upang makipagdigma kay Satanas, at ito ang kahalagahan ng Kanyang pagkakatawang-tao. Kung ito ay hindi upang talunin si Satanas, kung gayon Hindi Niya personal na gagawin ang gawaing ito. Ang Diyos ay nakarating sa lupa upang gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng tao, upang personal na ibunyag sa tao ang Sarili Niya, at tulutan ang tao na mapagmasdan Siya; ito ba ay maliit na bagay? Ito ay tunay na mahalagang bagay! Hindi ito gaya ng iniisip ng tao na ang Diyos ay dumating nang sa gayon ay makita Siya ng tao, nang sa gayon ay maaaring maunawaan ng tao na ang Diyos ay tunay at hindi malabo o hungkag, at na ang Diyos ay mataas ngunit mapagkumbaba rin. Ganoon lang kaya ito kasimple? Tiyak na dahil natiwali na ni Satanas ang laman ng tao, at ang tao ang siyang hinahangad iligtas ng Diyos, kaya kailangang magkatawang-tao ang Diyos upang makipagdigma kay Satanas at upang personal na akayin ang tao. Ito lamang ang kapaki-pakinabang sa Kanyang gawain. Ang dalawang katawang-tao ng Diyos ay umiral upang talunin si Satanas, at umiral din upang mas mabisang iligtas ang tao. Iyon ay dahil ang siyang nakakagawa ng pakikipagdigma kay Satanas ay ang Diyos lamang, maging ito man ay ang Espiritu ng Diyos o ang katawang-tao ng Diyos. Sa madaling sabi, ang siyang nakakagawa ng pakikipagdigma kay Satanas ay hindi ang mga anghel, lalong hindi ito ang tao, na nagawa nang tiwali ni Satanas. Walang kapangyarihan ang mga anghel na gawin ito, at ang tao ay lalo pang mas inutil. Sa gayon, kung ninanais ng Diyos na gawaan ang buhay ng tao, kung ninanais Niyang personal na pumunta sa lupa upang gawaan ang tao, kung gayon ay kailangan Niyang personal na maging katawang-tao, iyon ay, kailangan Niyang personal na ibihis ang katawang-tao, at taglay ang Kanyang likas na pagkakakilanlan at ang gawain na kailangan Niyang gawin, pumunta sa gitna ng tao at personal na iligtas ang tao. Kung hindi, kung ang Espiritu ng Diyos o ang tao ang gumawa ng gawaing ito, kung gayon ang digmaang ito ay mabibigo magpakailanman na kamtin ang epekto nito, at hindi matatapos kailanman. Tanging kapag ang Diyos ay nagiging katawang-tao upang personal na makipagdigma laban kay Satanas sa gitna ng tao na nagkakaroon ng pagkakataon ang tao sa kaligtasan. Bilang karagdagan, sa gayon lamang napapahiya si Satanas, at naiiwang walang anumang mga pagkakataon na sasamantalahin o anumang mga plano na isasakatuparan. Ang gawain na ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ay di-nakakamit ng Espiritu ng Diyos, at lalo pang hindi makakayang gawin sa pangalan ng Diyos ng sinumang tao na makalaman, sapagkat ang gawain na Kanyang ginagawa ay para sa kapakanan ng buhay ng tao, at upang baguhin ang tiwaling disposisyon ng tao. Kung ang tao ay makikisali sa digmaang ito, tatakas lamang siya sa kahabag-habag na kaguluhan, at hindi kakayaning basta baguhin ang tiwaling disposisyon ng tao. Hindi Niya kakayaning iligtas ang tao mula sa krus, o lupigin ang lahat ng mapaghimagsik na sangkatauhan, kundi makakaya lamang na gumawa ng kaunting lumang gawain batay sa prinsipyo, o kaya ay anupamang gawain na walang kaugnayan sa pagkatalo ni Satanas. Kaya bakit mag-aabala? Ano ang kabuluhan ng gawain na hindi nakakatamo sa tao, lalong hindi nakakatalo kay Satanas? At kaya, ang digmaan laban kay Satanas ay maisasakatuparan lamang ng Diyos Mismo, at hindi basta nakakayang gawin ng tao. Ang tungkulin ng tao ay tumalima at sumunod, sapagkat hindi kayang gawin ng tao ang gawain ng pagbubukas ng bagong kapanahunan, ni, higit pa rito, naisasakatuparan niya ang gawain ng pakikipagdigma kay Satanas. Mapapasaya lamang ng tao ang Lumikha sa ilalim ng pangunguna ng Diyos Mismo, kung saan sa pamamagitan nito ay natatalo si Satanas; ito lamang ang isang bagay na magagawa ng tao. At kaya, sa tuwing nagsisimula ang isang bagong digmaan, na ang ibig sabihin, sa tuwing nagsisimula ang gawain ng bagong kapanahunan, ang gawaing ito ay personal na ginagawa ng Diyos Mismo, kung saan sa pamamagitan nito ay pinangungunahan Niya ang buong kapanahunan, at nagbubukas ng isang bagong landas para sa kabuuan ng sangkatauhan. Ang bukang-liwayway ng bawat isang bagong kapanahunan ay isang bagong simula sa pakikipagdigma kay Satanas, kung saan sa pamamagitan nito pumapasok ang tao sa mas bago, mas magandang kinasasaklawan at isang bagong kapanahunan na personal na pinangungunahan ng Diyos Mismo. Ang tao ang panginoon ng lahat ng bagay, ngunit yaong mga natatamo ay magiging mga bunga ng lahat ng digmaan laban kay Satanas. Si Satanas ang tagapagtiwali ng lahat ng bagay, ito ang talunan sa katapusan ng lahat ng digmaan, at siya ring maparurusahan kasunod ng mga digmaang ito. Sa gitna ng Diyos, ng tao at ni Satanas, tanging si Satanas ang isang kamumuhian at tatanggihan. Yaong mga natamo ni Satanas ngunit mga hindi nabawing muli ng Diyos, samantala, ay nagiging silang mga makakatanggap ng kaparusahan sa ngalan ni Satanas. Sa tatlong ito, tanging ang Diyos ang dapat sambahin ng lahat ng bagay. Yaong mga natiwali ni Satanas subali’t mga nabawing muli ng Diyos at mga sumusunod sa landas ng Diyos, samantala, ay nagiging sila na makakatanggap ng pangako ng Diyos at hahatol sa masasama para sa Diyos. Ang Diyos ay tiyak na magiging matagumpay at tiyak na matatalo si Satanas, ngunit sa gitna ng tao ay mayroong mga mananalo at mayroong mga matatalo. Yaong mga mananalo ay mapapabilang sa Matagumpay, at yaong mga matatalo ay mapapabilang sa talunan; ito ang pagbubukud-bukod ng bawat isa ayon sa uri, ito ang huling kalalabasan ng buong gawain ng Diyos, ito rin ang layunin ng buong gawain ng Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Ang ubod ng pangunahing gawain sa plano ng pamamahala ng Diyos ay nakatuon sa kaligtasan ng tao, at ang Diyos ay naging katawang-tao para sa kapakanan unang-una ng ubod na ito, para sa kapakanan ng gawaing ito, at upang talunin si Satanas. Ang unang pagkakataon na naging katawang-tao ang Diyos ay dahil din upang talunin si Satanas: Personal Siyang naging katawang-tao, at personal Siyang ipinako sa krus, upang kumpletuhin ang gawain ng unang digmaan, na siyang gawain para sa pagtutubos sa sangkatauhan. Gayundin, ang yugtong ito ng gawain ay personal ding ginagawa ng Diyos, na nagiging katawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng tao, upang personal na sabihin ang Kanyang salita at tulutan ang tao na makita Siya. Mangyari pa, hindi maiiwasan na gumagawa rin Siya ng ilang ibang gawain kasabay niyon, ngunit ang pangunahing dahilan kung kaya personal Niyang isinasakatuparan ang Kanyang gawain ay upang talunin si Satanas, upang lupigin ang kabuuan ng sangkatauhan, at upang tamuhin ang mga taong ito. At kaya, ang gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay tunay na mahalaga. Kung ang Kanyang layunin ay upang ipakita lamang sa tao na ang Diyos ay mapagpakumbaba at nakatago, at na ang Diyos ay tunay, kung ito ay para lamang sa kapakanan ng paggawa ng gawaing ito, kung gayon ay hindi na kakailanganin pa na maging katawang-tao. Kahit pa hindi naging katawang-tao ang Diyos, maibubunyag Niya ang Kanyang pagpapakumbaba at pagkatago, ang Kanyang kadakilaan at kabanalan, sa tao nang tuwiran, ngunit ang gayong mga bagay ay walang kinalaman sa gawain ng pamamahala sa tao. Ang mga iyon ay walang kakayahan na iligtas ang tao o gawin siyang ganap, lalong hindi natatalo ng mga iyon si Satanas. Kung ang pagtalo kay Satanas ay kinapapalooban lamang ng pakikipaglaban ng Espiritu laban sa isang espiritu, kung gayon ang ganoong gawain ay magkakaroon nang higit pang mas mababang halagang praktikal; wala itong kakayahang tamuhin ang tao at wawasakin ang kapalaran at mga pagkakataon ng tao. Dahil dito, ang gawain ng Diyos sa kasalukuyan ay may malalim na kabuluhan. Ito ay hindi lamang upang maaaring makita Siya ng tao, o kaya ay upang maaaring mabuksan ang mga mata ng tao, o upang pagkalooban siya ng kaunting pagpapakilos at pampalakas ng loob; ang gayong gawain ay walang kabuluhan. Kung makakapagsalita ka lamang tungkol sa ganitong uri ng kaalaman, kung gayon ay pinatutunayan nito na hindi mo alam ang tunay na kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos.

Ang gawain ng buong plano ng pamamahala ng Diyos ay personal na ginagawa ng Diyos Mismo. Ang unang yugto—ang paglikha ng mundo—ay personal na ginawa ng Diyos Mismo, at kung hindi nangyari ito, walang sinumang may kakayahang likhain ang sangkatauhan; ang ikalawang yugto ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan, at ito ay personal ding ginawa ng Diyos Mismo; ang ikatlong yugto ay malinaw: Mas malaki ang pangangailangan na ang Diyos Mismo ang tumapos sa Kanyang buong gawain. Ang gawain ng pagtubos, panlulupig, pagtamo, at pagpapasakdal sa buong sangkatauhan ay personal na isinasakatuparang lahat ng Diyos Mismo. Kung hindi Niya personal na ginawa ang gawaing ito, kung gayon ang Kanyang pagkakakilanlan ay hindi makakatawan ng tao, o magagawa ng tao ang Kanyang gawain. Upang talunin si Satanas, upang makamit ang sangkatauhan, at upang bigyan ang tao ng isang normal na buhay sa lupa, personal Niyang pinangungunahan ang tao at personal na gumagawa sa gitna ng tao; para sa kapakanan ng Kanyang buong plano ng pamamahala, at para sa lahat ng Kanyang gawain, kailangang personal Niyang gawin ang gawaing ito. Kung naniniwala lamang ang tao na ang Diyos ay dumating upang makita niya at pasayahin siya, kung gayon ang ganoong mga paniniwala ay walang halaga, walang kabuluhan ang mga iyon. Ang kaalaman ng tao ay masyadong mababaw! Sa pamamagitan lamang ng pagsasakatuparan nito nang Sarili Niya na magagawa ng Diyos ang gawaing ito nang lubusan at kumpleto. Walang kakayahan ang tao na gawin ito sa ngalan ng Diyos. Dahil hindi niya taglay ang pagkakakilanlan ng Diyos o ang Kanyang diwa, wala siyang kakayahang gawin ang Kanyang gawain, at kahit nagkaroon man ang tao, hindi ito magkakaroon ng anumang epekto. Ang unang pagkakataon na naging katawang-tao ang Diyos ay para sa kapakanan ng pagtubos, upang tubusin ang buong sangkatauhan mula sa kasalanan, upang bigyang-kakayahan ang tao na maging malinis at mapatawad sa kanyang mga kasalanan. Ang gawain ng panlulupig ay personal ding ginagawa ng Diyos sa gitna ng tao. Kung, sa panahon ng yugtong ito, magsasalita lamang ang Diyos ng propesiya, kung gayon ang isang propeta o sinumang mayroong kaloob ay maaaring matagpuan upang halinhinan Siya; kung propesiya lamang ang sinalita, makakahalili ang tao sa Diyos. Ngunit kung personal na gagawin ng tao ang gawain ng Diyos Mismo at siyang gagawa sa buhay ng tao, magiging imposible para sa kanya na gawin ang gawaing ito. Ito ay kailangang personal na gawin ng Diyos Mismo: kailangang personal na maging katawang-tao ang Diyos upang gawin ang gawaing ito. Sa Kapanahunan ng Salita, kung propesiya lamang ang sinalita, kung gayon si Isaias o Elias na propeta ay maaaring masumpungan upang gawin ang gawaing ito, at hindi na kakailanganin na personal itong gawin ng Diyos Mismo. Dahil ang gawain na ginagawa sa yugtong ito ay hindi basta pagsasalita ng propesiya, at dahil higit na mahalaga na ang gawain ng mga salita ay ginagamit upang lupigin ang tao at talunin si Satanas, ang gawaing ito ay hindi magagawa ng tao, at kailangang personal na gawin ng Diyos Mismo. Sa Kapanahunan ng Kautusan ginawa ni Jehova ang bahagi ng gawain ng Diyos, pagkatapos nito ay nagsalita Siya ng ilang salita at gumawa ng ilang gawain sa pamamagitan ng mga propeta. Iyon ay dahil maaaring humalili ang tao para sa gawain ni Jehova, at mahuhulaan ng mga manghuhula ang mga bagay-bagay at makapagbibigay-kahulugan sa ilang panaginip sa Kanyang ngalan. Ang gawain na ginagawa noong pasimula ay hindi ang gawain ng tuwirang pagbabago sa disposisyon ng tao, at walang kinalaman sa kasalanan ng tao, at ang tao ay kinailangan lamang na sumunod sa kautusan. Kaya si Jehova ay hindi naging katawang-tao at hindi ibinunyag ang Sarili Niya sa tao; sa halip Siya ay nagsalita nang tuwiran kay Moises at sa iba pa, pinagsalita sila at pinagawa sa Kanyang ngalan, at nagsanhi sa kanila upang tuwirang gumawa sa gitna ng sangkatauhan. Ang unang yugto ng gawain ng Diyos ay ang pangunguna sa tao. Ito ang simula ng digmaan laban kay Satanas, ngunit ang digmaang ito ay hindi pa opisyal na nagsisimula. Ang opisyal na pakikipagdigma kay Satanas ay nagsimula sa unang pagkakatawang-tao ng Diyos, at ito ay nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan. Ang unang pagkakataon ng digmaang ito ay nang ang Diyos na nagkatawang-tao ay ipinako sa krus. Ang pagpapako sa krus ng Diyos na nagkatawang-tao ay tinalo si Satanas, at ito ang unang matagumpay na yugto sa digmaan. Kapag nagsisimula ang Diyos na nagkatawang-tao na gawaan ang buhay ng tao, ito ang opisyal na pagsisimula ng gawain ng pagbawi sa tao, at dahil ito ang gawain ng pagbabago ng dating disposisyon ng tao, ito ang gawain ng pakikipagdigma kay Satanas. Ang yugto ng gawaing ginawa ni Jehova noong pasimula ay ang pangunguna lamang sa buhay ng tao sa lupa. Ito ang simula ng gawain ng Diyos, at bagaman hindi pa nakapaloob dito ang anumang digmaan, o anumang pangunahing gawain, inilatag nito ang saligan para sa digmaang darating. Kinalaunan, ang ikalawang yugto ng gawain noong Kapanahunan ng Biyaya ay kinapalooban ng pagpapabago sa dating disposisyon ng tao, ibig sabihin ang Diyos Mismo ang pumanday sa buhay ng tao. Ito ay kinailangang personal na gawin ng Diyos: Kinailangan nito na personal na maging katawang-tao ang Diyos, at kung hindi Siya naging katawang-tao, walang sinuman ang makapapalit sa Kanya sa yugtong ito ng gawain, dahil kinatawan nito ang gawain ng tuwirang pakikipagdigma laban kay Satanas. Kung nagawa ng tao ang gawaing ito para sa Diyos, nang tumayo ang tao sa harapan ni Satanas, hindi sana nagpasakop si Satanas at naging imposible sanang talunin ito. Kinailangan na ang Diyos na nagkatawang-tao ang pumarito upang talunin ito, sapagkat ang diwa ng Diyos na nagkatawang-tao ay Diyos pa rin, Siya pa rin ang buhay ng tao, at Siya pa rin ang Lumikha; anuman ang mangyari, ang Kanyang pagkakakilanlan at diwa ay hindi magbabago. Kaya nga, nagbihis Siya ng katawang-tao at ginawa ang gawain upang ganap na magpasakop si Satanas. Sa panahon ng yugto ng gawain ng mga huling araw, kung ang tao ang gagawa ng gawaing ito at papapagsalitain nang tuwiran sa mga salita, kung gayon ay hindi niya magagawang salitain ang mga iyon, at kung propesiya ang sinalita, kung gayon ay wala itong kakayahan sa panlulupig ng tao. Sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, dumarating ang Diyos upang talunin si Satanas at ganap na magpasakop ito. Kapag lubos Niyang tinalo si Satanas, ganap na nilupig ang tao, at ganap na nakamit ang tao, ang yugtong ito ng gawain ay matatapos at makakamit ang tagumpay. Sa pamamahala ng Diyos, hindi makakahalili ang tao sa Diyos. Sa partikular, ang gawain ng pangunguna sa kapanahunan at paglulunsad ng bagong gawain ay higit pang nangangailangan ng pagiging personal na ginagawa ng Diyos Mismo. Ang pagbibigay sa tao ng pahayag at pagkakaloob sa kanya ng propesiya ay magagawa ng tao, ngunit kung ito ay gawain na kailangang personal na gawin ng Diyos, ang gawain ng digmaan sa pagitan ng Diyos Mismo at ni Satanas, kung gayon ang ganitong gawain ay hindi magagawa ng tao. Noong unang yugto ng gawain, nang wala pang digmaan laban kay Satanas, personal na pinangunahan ni Jehova ang mga tao ng Israel gamit ang propesiyang sinalita ng mga propeta. Pagkatapos, ang ikalawang yugto ng gawain ay ang digmaan laban kay Satanas, at personal na naging katawang-tao ang Diyos Mismo, dumarating tungo sa katawang-tao, upang gawin ang gawaing ito. Ang anumang kinapapalooban ng digmaan laban kay Satanas ay kinapapalooban din ng pagkakatawang-tao ng Diyos, nangangahulugan na ang pakikipagdigmang ito ay hindi magagawa ng tao. Kung ang tao ang makikipagdigma, hindi niya makakayang talunin si Satanas. Paano siyang magkakaroon ng lakas na makipaglaban dito habang nasa ilalim pa rin ng sakop nito? Ang tao ay nasa gitna: Kung ikaw ay hihilig tungo kay Satanas nabibilang ka kay Satanas, ngunit kung iyong napapalugod ang Diyos nabibilang ka sa Diyos. Kung ang tao ay hahalili sa Diyos sa gawain ng digmaang ito, makakaya ba niya? Kung ginawa niya, hindi ba matagal na sana siyang napahamak? Hindi ba matagal na sana siyang nakapasok sa mundo sa ibaba? At kaya, hindi kayang palitan ng tao ang Diyos sa Kanyang gawain, na ang ibig sabihin ay hindi taglay ng tao ang diwa ng Diyos, at kung ikaw ay nakipagdigma kay Satanas hindi mo kakayaning talunin ito. Nakakagawa lamang ng ilang gawain ang tao; makakahalina lamang siya ng ilang tao, ngunit hindi siya makakahalili sa Diyos sa gawain ng Diyos Mismo. Paano makikipagdigma ang tao laban kay Satanas? Ikaw ay kukuning bihag ni Satanas bago ka pa man magsimula. Tanging kapag ang Diyos Mismo ang nakikipagdigma kay Satanas at ang tao ay sumusunod at tumatalima sa Diyos sa batayang ito, makakamit ng Diyos ang tao at makakatakas sa pagkakagapos kay Satanas. Masyadong limitado ang makakamtan ng tao gamit ang kanyang karunungan, at ang mga kakayahan ay masyadong limitado; hindi niya kayang gawing ganap ang tao, pangunahan siya, at, higit pa rito, talunin si Satanas. Hindi kaya ng talino at karunungan ng tao na hadlangan ang mga pakana ni Satanas, kaya papaano makikipagdigma ang tao rito?

Lahat niyaong nagnanais na magawang perpekto ay mayroong pagkakataon na magawang perpekto, kaya ang lahat ay kailangang huminahon: Sa hinaharap papasok kayong lahat sa hantungan. Ngunit kung ayaw mong magawang perpekto, at ayaw mong pumasok sa kamangha-manghang kinasasaklawan, kung gayon sarili mo nang suliranin iyon. Lahat niyaong nagnanais na magawang perpekto at tapat sa Diyos, lahat niyaong sumusunod, at lahat niyaong tumutupad nang tapat sa kanilang tungkulin—lahat ng gayong mga tao ay magagawang perpekto. Ngayon, lahat niyaong hindi gumaganap nang tapat sa kanilang tungkulin, lahat niyaong hindi tapat sa Diyos, lahat niyaong hindi nagpapasakop sa Diyos, lalo na yaong mga nakakatanggap ng kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu ngunit hindi naman isinasagawa ito—ang lahat ng gayong mga tao ay hindi nakakayang magawang perpekto. Lahat niyaong nagnanais na maging tapat at sumunod sa Diyos ay magagawang perpekto, kahit sila ay ignorante nang bahagya; lahat niyaong nagnanais na maghabol ay magagawang sakdal. Hindi na kailangang mag-alala tungkol dito. Hangga’t nagnanais kang magpatuloy sa direksiyon na ito, magagawa kang perpekto. Ayaw Kong pabayaan o alisin ang sinuman sa inyo, ngunit kung hindi nagsusumikap ang tao nang mabuti, kung gayon ay sinisira mo lamang ang iyong sarili; hindi Ako ang nag-aalis sa iyo, kundi ikaw mismo. Kung ikaw mismo ay hindi nagsusumikap nang mabuti—kung ikaw ay tamad, o hindi gumaganap ng iyong tungkulin, o hindi ka tapat, o hindi mo hinahabol ang katotohanan at palaging ginagawa ang anumang iyong maibigan, kung kumikilos ka nang walang-ingat, ipinaglalaban ang sarili mong kasikatan at yaman, at walang prinsipiyo sa iyong pakikitungo sa ibang kasarian, kung gayon dadalhin mo ang pasanin ng sarili mong mga kasalanan; hindi ka karapat-dapat kahabagan ninuman. Ang Aking layunin ay para lahat kayo ay magawang perpekto, at kahit malupig man lamang, nang upang ang yugtong ito ng gawain ay maaaring matagumpay na makumpleto. Ang inaasam ng Diyos ay para ang bawat tao ay magawang perpekto, sa kahuli-hulihan ay matamo Niya, lubos Niyang malinis, at maging siyang Kanyang iniibig. Hindi mahalaga kung sinasabi Ko mang kayo ay paurong o mahina ang kakayahan—ito ay tunay lahat. Ang pagsasabi Ko nito ay hindi nagpapatunay na hinahangad Kong pabayaan ka, na nawalan na Ako ng pag-asa sa inyo, lalong hindi na ayaw Kong iligtas kayo. Naparito Ako ngayon upang gawin ang gawain ng pagliligtas sa inyo, na ang ibig sabihin ay ang gawain na Aking ginagawa ay isang pagpapatuloy ng gawain ng pagliligtas. Ang bawat tao ay may pagkakataon upang magawang perpekto: Ito ay kung ikaw ay nakahanda, ito ay kung ikaw ay naghahabol, sa katapusan magagawa mong makamit ang mga epekto, at walang sinuman sa inyo ang mapapabayaan. Kung mahina ang iyong kakayahan, ang Aking mga kakailanganin sa iyo ay alinsunod sa iyong mahinang kakayahan; kung magaling ang iyong kakayahan, ang Aking mga kakailanganin sa iyo ay alinsunod sa iyong magaling na kakayahan; kung ikaw ay ignorante at mangmang, ang Aking mga kakailanganin sa iyo ay alinsunod sa iyong kamangmangan; kung ikaw ay may pinag-aralan, ang Aking mga kakailanganin sa iyo ay alinsunod sa antas ng iyong pinag-aralan; kung ikaw ay nakatatanda, ang Aking mga kakailanganin sa iyo ay alinsunod sa iyong katandaan; kung ikaw ay may kakayahang magbigay ng kagandahang-loob, ang Aking mga kakailanganin sa iyo ay ibabatay dito; kung sinasabi mong hindi ka makapagbibigay ng kagandahang-loob, at magagampanan mo lamang ang isang partikular na tungkulin, maging ito man ay pagpapalaganap ng ebanghelyo, o pag-aalaga sa iglesia, o pagdalo sa iba’t ibang mga pangkalahatang ugnayan, ang Aking pagpeperpekto sa iyo ay magiging alinsunod sa tungkulin na iyong ginagampanan. Ang pagiging tapat, ang pagsunod hanggang sa katapus-tapusan, at ang paghahabol sa pinakadakilang pag-ibig sa Diyos—ito ang kailangan mong tuparin, at wala nang iba pang mas magandang mga pagsasagawa kaysa sa tatlong bagay na ito. Sa kahuli-hulihan, kinakailangang makamit ng tao ang tatlong bagay na ito, at kung makakamit niya ang mga iyon siya ay gagawing perpekto. Ngunit, sa ibabaw ng lahat, dapat kang talagang maghabol, dapat kang aktibong magpatuloy nang pasulong at pataas, at huwag maging walang-kibo tungo riyan. Aking nasasabi na ang bawat tao ay may pagkakataong magawang perpekto, at may kakayahang magawang perpekto, at ito’y kabilang, ngunit kung hindi mo sinusubukang maging mas mahusay sa iyong paghahabol, kapag hindi mo nakakamit ang tatlong batayang ito, kung gayon sa katapusan, dapat kang maalis. Nais Ko na ang lahat ay makahabol, nais na ang lahat ay magkaroon ng gawain at ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at magawang sumunod hanggang sa katapus-tapusan, sapagkat ito ang tungkulin na dapat gampanan ng bawat isa sa inyo. Kapag nagagampanan na ninyong lahat ang inyong tungkulin, lahat kayo ay magagawang perpekto, magkakaroon din kayo ng matunog na patotoo. Ang lahat niyaong mayroong patotoo ay yaong mga nagiging matagumpay laban kay Satanas at natatamo ang pangako ng Diyos, at sila ay siyang mga mananatili upang manirahan sa kamangha-manghang hantungan.

Talababa:

a. Ang nakasaad sa orihinal na teksto ay “ngayon, ito ay dahil.”

Sinundan:Ang Diwa ni Cristo ay Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan

Sumunod:Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan

Baka Gusto Mo Rin