Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Ang Ika-limampu’t walong Pagbigkas

Kung nauunawaan mo ang Aking layunin, makakaya mong magkaroon ng pagsaalang-alang para sa Aking pasanin at nakakamtan mo ang liwanag at pahayag, at nakakamtan ang pagpapalaya at kalayaan, pinalulugod ang Aking puso, pinapayagan ang Aking kalooban para sa iyo na maisagawa, dinadalhan lahat ng mga banal ng pagpapalakas, at ginagawang matibay at matatag ang Aking kaharian sa daigdig. Ang maselang bagay ngayon ay unawain ang Aking layunin, ito ang landas na dapat ninyong pasukin at lalo pa ngang ito ang tungkulin na dapat isakatuparan ng bawat tao.

Mabisang gamot ang Aking salita na nagpapagaling ng lahat ng uri ng karamdaman. Hanggat nahahanda ka na lumapit sa harapan Ko, pagagalingin Kita, at hahayaang makita mo ang presensya ng Aking pagka-makapangyarihan sa lahat, makita ang Aking kamangha-manghang mga gawa, makita ang Aking pagkamakatuwiran at kamahalan at higit pa na makita ang inyong sariling mga kasamaan at inyong sariling mga kahinaan. Ganap Kong nauunawaan bawat kalagayang nasa loob mo; palagi mong ginagawa ang mga bagay na nasa loob ng puso mo at hindi ito ipinapakita sa labas. Higit pa ngang malinaw sa Akin ang tungkol sa bawat isang bagay na ginagawa mo. Pero alam mo dapat kung aling mga bagay ang pinupuri Ko, at aling mga bagay ang hindi Ko pinupuri; dapat malinaw mong nakikita ang kaibhan sa pagitan ng dalawang ito at hindi mo dapat itinuturing ito na bale-wala.

Hanggang bibig lang kayo sa pangangailangang magpakita ng pagsaalang-alang sa pasanin ng Diyos, pero kapag nahaharap kayo sa mga katunayan, hindi ninyo ito binibigyan ng anumang pagsasalang-alang kahit malinaw na alam ninyo kung ano ang pasanin ng Diyos. Talagang sukdulan ang pagkalito ninyo, hangal hanggang sa isang tiyak na antas, at higit pa ngang lubusang mangmang. Naipapaliwanag nito kung gaano kahirap pakitunguhan ang tao at ang tanging ginagawa nila ay magagandang hanggang bibig lang, nagsasabi ng isang bagay gaya ng “Hindi ko basta maunawaan ang layunin ng Diyos, pero kapag naunawaan ko ito talagang kikilos ako sa pagtupad nito.” Hindi ba ito ang inyong talagang kalagayan? Kahit alam ninyong lahat ang layunin ng Diyos, at alam ninyo kung ano ang sanhi ng inyong sakit, ang kritikal na bagay ay na ayaw ninyong magsagawa; ito ang pinakamalaking kagipitan. Kung hindi ninyo kaagad na malutas ito, ito ang magiging pinakamalaking balakid sa inyong sariling buhay.

Sinundan:Ang Ika-limangpu’t anim na Pagbigkas

Sumunod:Ang Ika-animnapu’t-limang Pagbigkas

Baka Gusto Mo Rin