Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Kabanata 34

Minsan ay inanyayahan Ko ang tao bilang panauhin sa Aking bahay, gayunman ay nagparoo’t parito siya dahil sa Aking mga tawag—na parang, sa halip na pag-anyaya sa kanya bilang panauhin, nadálá Ko siya sa dakong bitáyán. Sa gayon, ang Aking bahay ay naiwang walang laman, sapagka’t lagi Akong naiiwasan ng tao, at palaging nakabantay sa sarili niya laban sa Akin. Iniwan nito Ako na walang daan ng pagsasakatuparan ng bahagi ng Aking gawain, na ibig sabihin, binawi Ko ang piging na naíhánda Ko para sa kanya, sapagka’t hindi handa ang tao na tamasahin ang piging na ito, kaya’t hindi Ko siya pipilitin. Gayunman walang anu-ano ay nasusumpungan ng tao ang kanyang sarili na dumaranas ng gutom, kaya lumalapit siya na kumakatok sa Aking pintuan hinihingi ang Aking tulong—at pagkakitang naroon siya sa ganoong katinding pangangailangan, paanong hindi Ko siya maililigtas? Sa gayon, muli Akong naglalatag ng piging para sa tao, upang maaari niya itong tamasahin, at saka lamang niya nararamdaman kung gaano Ako kahanga-hanga, at sa gayon siya ay umaasa sa Akin. At dahil sa Aking pakikitungo sa kanya, unti-unti siyang nagmamahal sa Akin “nang walang mga pasubali,” at hindi na nagsususpetsa na ipadadala Ko siya sa “lupaing pinagsusunugan,” sapagka’t hindi ito ang Aking kalooban. Kaya’t, matapos makita ang Aking puso saka lamang tunay na umaasa ang tao sa Akin, na nagpapakita lamang kung gaano siya “kaingat”. Gayunman Ako ay hindi maingat sa tao dahil sa kanyang panlilinlang, kundi inaantig ang mga puso ng mga tao sa Aking mainit na yakap. Hindi ba ito ang Aking ginagawa sa kasalukuyan? Hindi ba ito ang nahahayag sa mga tao sa kasalukuyang yugto? Bakit nila kayang gumawa ng ganoong mga bagay? Bakit nagtataglay sila ng ganoong saloobin? Dahil ba ito sa tunay nila Akong nakikilala? Dahil tunay na mayroon silang walang-hangganang pag-ibig para sa Akin? Hindi Ko pinipilit ang sinuman na mahalin Ako, kundi binibigyan lamang sila ng malayang pagpapasya na gumawa ng sarili nilang pagpili; dito, hindi Ako nakikialam, ni tinutulungan sila na gumawa ng mga pagpili tungkol sa kanilang kapalaran. Inihaharap ng mga tao ang kanilang paninindigan sa Akin, dinala nila ito sa harap Ko upang Aking suriin, at kapag binuksan Ko na ang bag na naglalaman ng “paninindigan ng tao,” nakakita Ako ng mga bagay-bagay na halu-halo sa loob. Gayunman ang mga bagay-bagay sa loob ay lubhang “masagana,” at tiningnan Ako ng mga tao ng nanlalaking mga mata, lubhang natatakot na lalabnutin Ko ang kanilang paninindigan. Nguni’t dahil sa kahinaan ng tao, hindi Ako gumawa ng paghatol sa simula, at sa halip ay isinara ang bag at nagpatuloy sa paggawa ng dapat Kong gawin. Ang tao, gayunman, ay hindi pumapasok sa Aking paggabay sa harap ng Aking gawain, kundi nagpapatuloy sa pag-aalala kung ang kanyang paninindigan ay napuri Ko. Nakágáwâ na Ako ng napakaraming gawain, nakapagsalita ng napakaraming salita, nguni’t hanggang sa araw na ito, nananatili ang tao na hindi kayang tarukin ang Aking kalooban, at sa gayon ang bawa’t nakalilitong kilos niya ay nag-iiwan sa “Aking ulo na umiikot.” Bakit lagi niyang hindi kayang tarukin ang Aking kalooban, at gumagawa ng mga bagay-bagay nang padalus-dalos basta magustuhan niya? Ang kanya bang utak ay dumanas ng pagkabagok? Maaari kayang hindi niya nauunawaan ang mga salitang Aking sinasabi? Bakit lagi siyang kumikilos na ang mga mata ay nakatingin nang diretso sa unahan, nguni’t hindi kayang umukit ng landas at magpakita ng isang halimbawa para sa mga tao ng hinaharap? Mayroon bang sinuman na nagpakita ng halimbawa kay Pedro? Hindi ba’t sa ilalim ng Aking paggabay kaya nanatiling buháy si Pedro? Bakit ang mga tao sa kasalukuyan ay hindi ito kaya? Bakit, pagkatapos magkaroon ng isang halimbawang susundan, hindi pa rin nila makayang bigyang-kasiyahan ang Aking kalooban? Ipinakikita nito na ang tao ay wala pa ring tiwala sa Akin, na humantong sa mahirap na mga kalagayan sa kasalukuyan.

Ako ay nasisiyahang pagmasdan ang maliliit na mga ibong lumilipad sa himpapawid. Bagaman hindi nila naiharap sa Akin ang kanilang paninindigan, at walang mga salita na “maibibigay” sa Akin, nakakasumpong sila ng kasiyahan sa mundong naíbígáy Ko sa kanila. Ang tao, gayunpaman, ay hindi kaya ito, at ang kanyang mukha ay puno ng kalungkutan—maaari kaya na may utang Ako sa kanya na hindi mababayaran? Bakit ang kanyang mukha ay laging may marka ng luha? Hinahangaan Ko ang mga liryong namumukadkad sa mga bulubundukin. Ang mga bulaklak at damo ay nakahilera patawid sa mga bahaging paakyat, nguni’t ang mga liryo ay nagdaragdag ng kislap sa Aking kaluwalhatian sa lupa bago sumapit ang tagsibol—nakakamit ba ng tao ang ganito kaganda? Makakapagpatotoo ba siya sa Akin sa lupa bago ang Aking pagbabalik? Maiaalay ba niya ang kanyang sarili alang-alang sa Aking pangalan sa bansa ng malaking pulang dragon? Para bang ang Aking mga pagbigkas ay puno ng mga kinakailangan sa tao—kinamumuhian niya Ako bilang resulta ng mga kinakailangang ito; dahil ang kanyang katawan ay napakahina, at siya ay pangunahing walang kakayanang abutin ang Aking hinihingi, kinatatakutan niya ang Aking mga salita. Kapag binuksan Ko ang aking bibig, nakikita Ko ang mga tao sa lupa na nagtatakbuhan sa bawa’t direksyon, na parang sinusubukang takasan ang taggutom. Kapag tinakpan Ko ang Aking mukha, kapag ibinaling Ko ang Aking katawan, ang mga tao ay agad na nakakaramdam ng matinding takot, hindi nila alam kung ano ang gagawin, sapagka’t kinatatakutan nila ang Aking pag-alis; sa kanilang mga pagkaintindi, ang araw ng Aking pag-alis ay ang araw kung kailan ang sakuna ay bababa mula sa langit, ang araw ng Aking pag-alis ay ang araw kung kailan magsisimula ang kanilang kaparusahan. Gayunman ang Aking ginagawa ay eksaktong ang kasalungat ng mga pagkaintindi ng tao, kailanman ay hindi Ako kumilos ayon sa mga pagkaintindi ng tao, kailanman ay hindi hinayaan ang kanyang mga pagkaintindi na maging kaayon sa Akin. Ang panahon na Ako ay kumikilos ay eksaktong kung kailan ang tao ay nalalantad. Sa madaling salita, ang Aking mga pagkilos ay hindi maaaring masukat ng pantaong mga pagkaintindi. Mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, walang sinumang nakatuklas kailanman ng “bagong kontinente” sa mga bagay na Aking ginagawa, walang sinumang nakatarok kailanman ng mga batas kung paano Ako kumikilos, walang sinumang nakapagbukas ng bagong daan palabas. Sa gayon, sa kasalukuyan, ang mga tao ay nananatiling walang kakayahang pumasok tungo sa tamang landas—na siyang talagang kulang sa kanila, at kung ano ang dapat nilang pasukin. Mula sa panahon ng paglikha hanggang sa kasalukuyan, hindi pa Ako kailanman sumuong sa ganoong proyekto, nakapagdagdag lamang Ako ng maraming bagong piraso sa Aking gawain sa mga huling araw. Gayunman kahit sa ilalim ng ganoong kitang-kitang mga katayuan, hindi pa rin kaya ng mga taong tarukin ang Aking kalooban—hindi ba ito ang talagang kulang sa kanila?

Pagkatapos Kong pumasok sa bagong gawain, mayroon Akong bagong mga kinakailangan sa tao. Para sa tao, para bang ang mga kinakailangan ng nakaraan ay hindi nagkaroon ng epekto, na siyang dahilan kung bakit kinakalimutan niya ang mga iyon. Ano ang bagong paraan ng Aking paggawa? Ano ang hinihingi Ko sa tao? Ang mga tao mismo ang makasusukat kung ang ginawa nila sa nakaraan ay naaayon sa Aking kalooban, kung ang kanilang mga pagkilos ay nakapaloob sa kung ano ang Aking hiningi. Hindi na kailangang siyasatin Ko pa ang lahat nang isa-isa; mayroon silang pagtarok sa kanilang sariling tayog, kaya’t sa kanilang mga isipan, sila ay malinaw tungkol sa kung hanggang saan sila makakakilos, at hindi Ko na kailangang sabihin pa sa kanila nang hayagan. Kapag Ako ay nagsasalita, marahil, may mga taong matitisod; sa gayon, iniwasan Ko ang pagsasalita ng bahaging ito ng Aking mga salita upang hadlangan ang mga tao mula sa panghihina bilang resulta. Hindi ba ito may higit na pakinabang para sa paghahabol ng tao? Hindi ba ito mas malaki ang pakinabang sa pag-unlad ng tao? Sinong hindi umaasam na kalimutan ang kanilang nakaraan, at magsikap pasulong? Dahil sa Aking “kawalang konsiderasyon,” hindi Ko alam kung nauunawaan ng mga tao na ang paraan ng Aking pagsasalita ay nakapasok na sa isang bagong kinasasaklawan. Bilang karagdagan, dahil ang Aking gawain ay masyadong “abálá,” hindi Ako nagkaroon ng panahon upang magtanong kung nauunawaan ng mga tao ang tono ng Aking pagsasalita. Sa gayon, hinihingi Ko lamang na ang mga tao ay magkaroon ng higit na pang-unawa sa Akin. Dahil ang Aking gawain ay masyadong “abálá,” hindi Ko kayang personal na bisitahin ang mga himpilan ng Aking gawain upang patnubayan ang mga tao, kaya’t mayroon Akong “kaunting pagkaunawa” tungkol sa mga iyon. Sa kabuuan, anumang iba pa, nakapagsimula Ako ngayon sa pag-aakay sa tao na pormal na pumasok tungo sa isang bagong simula, at tungo sa isang bagong pamamaraan. Sa lahat ng Aking mga pagbigkas, nakita ng mga tao na may nakakatuwa, pagpapatawa, at isang partikular na malakas na tono ng pangungutyâ sa Aking sinasabi. Sa gayon, ang pagkakasundo sa pag-itan Ko at ng tao ay nasira nang hindi namamalayan, nagsasanhi ng isang makapal na takip ng mga ulap sa mga mukha ng mga tao. Ako, gayunpaman, ay hindi nasisikil nito, kundi ipinagpapatuloy ang Aking gawain, sapagka’t lahat ng Aking sinasabi at ginagawa ay mahalagang bahagi ng Aking plano, lahat ng sinasalita mula sa Aking bibig ay tumutulong sa tao, at wala Akong ginagawa na walang-halaga, kundi nakapagpapatatag sa lahat ng mga tao. Ito ay dahil ang tao ay nagkukulang kaya nagpaubaya Ako at nagpatuloy sa pagsasalita. May mga tao, marahil, na desperadong naghihintay para Ako ay gumawa ng bagong mga kinakailangan sa kanila. Kung ganoon, kakatagpuin Ko ang kanilang mga kailangan. Nguni’t may isang bagay na dapat Kong ipaalala sa inyo: Kapag Ako ay nagsasalita, Ako ay umaasa na ang mga tao ay nakatatamo ng mas maraming pananaw, Ako ay umaasa na sila ay maging higit na mapagkilatis, upang sila ay makatamo nang higit mula sa Aking mga salita at sa gayon ay tuparin ang Aking mga kinakailangan. Dati, sa mga iglesia, ang tuon ng mga tao ay nasa pagiging pinakikitunguhan at binabasag. Ang pagkain at pag-inom ng Aking mga salita ay nakasalig sa pundasyon ng pag-unawa sa mga layunin at pinagmumulan ng mga iyon—nguni’t ngayon ay hindi tulad ng nakaraan, ang mga tao ay lubos na hindi kayang tarukin ang pinagmumulan ng Aking mga pagbigkas, at sa gayon sila ay walang pagkakataon na mapakitunguhan at mabasag Ko, sapagka’t ang buong pinagsisikapan nila ay ang pagkain at pag-inom ng Aking mga salita. Nguni’t kahit sa ilalim ng mga kalagayang ito, sila ay nananatiling walang kakayahang katagpuin ang Aking mga hinihingi, kaya’t gumagawa Ako ng bagong mga hinihingi sa kanila: Aking hinihingi na pumasok sila sa mga pagsubok na kasama Ko, na pumasok sila sa pagkastigo. Gayunman ay hayaan mong ipaalala Ko sa iyo ang isang bagay: Ito ay hindi paglalagay sa tao sa kamatayan, kundi kung anong kinakailangan ng Aking gawain, sapagka’t, sa kasalukuyang yugto, ang Aking mga salita ay masyadong hindi malirip ng tao, at hindi kaya ng tao na makipagtulungan sa Akin—walang magagawa! Ang kaya Ko lamang ay gawin ang taong makapasok tungo sa bagong pamamaraan kasama Ko. Anong iba pang gagawin? Dahil sa mga kakulangan ng tao, Ako rin ay dapat pumasok sa daloy na pinapasukan ng tao—hindi ba Ako ang Isa na siyang gagawa sa mga tao na maging ganap? Hindi ba Ako ang Isa na nagkasa ng planong ito? Bagaman ang ibang kailangan ay hindi mahirap, hindi ito pangalawa sa una. Ang Aking gawain sa gitna ng pangkat ng mga tao ng mga huling araw ay isang di-pa-kailanman-nangyayaring proyekto, at sa gayon, upang mapuno ng Aking kaluwalhatian ang kosmos, lahat ng mga tao ay nagdurusa ng huling paghihirap para sa Akin. Nauunawaan mo ba ang Aking kalooban? Ito ang huling kinakailangan Ko sa tao, na ibig sabihin, Ako ay umaasa na lahat ng tao ay magdadala ng malakas at umaalingawngaw na patotoo sa Akin sa harap ng malaking pulang dragon, na kanilang maiaalay ang kanilang mga sarili sa Akin sa huling sandali, at tuparin ang Aking mga kinakailangan sa isang huling pagkakataon. Tunay bang magagawa ninyo ito? Hindi ninyo kinayang bigyang-kasiyahan ang Aking puso sa nakaraan—maaari ba ninyong sirain ang tularang ito sa huling pagkakataon? Binibigyan Ko ang mga tao ng pagkakataong magnilay, hinahayaan Ko silang magbulay-bulay nang maingat bago tuluyang bigyan Ako ng tugon—mali bang gawin ito? Naghihintay Ako para sa tugon ng tao, hinihintay Ko ang kanyang “liham ng pagtugon”—mayroon ba kayong pananampalataya upang tuparin ang Aking mga kinakailangan?

Ika-20 ng Abril, 1992

Sinundan:Kabanata 33

Sumunod:Kabanata 35