Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Kabanata 24

Papalapit na ang oras. Gising! Lahat ng banal! Bibigkas Ako sa inyo. Lahat ng nakikinig ay gigising. Ako ang Diyos na nagkaroon kayo ng pananampalataya sa loob ng maraming taong ito. Ngayon naging tao Ako at dumating sa inyong harapan, at ibinubunyag nito kung sino ang tunay na nagnanais sa Akin, sino ang nahahandang magbayad ng anumang halaga para sa Akin, sino ang tunay na nakikinig sa Aking salita, at sino ang nakahandang isagawa ang katotohanan. Dahil Ako ang Diyos na makapangyarihan sa lahat, makikita Ko ang lahat ng lihim ng tao na nakatago sa kadiliman, kilala Ko kung sino ang tunay na nagnanais sa Akin at kilala Ko kung sino ang tumututol sa Akin; mamamasdan Ko ang lahat ng bagay.

Ngayon ay nais Kong gumawa ng isang grupo ng mga tao na kaayon ng Aking puso sa lalong madaling panahon, yaong mga kayang isaalang-alang ang Aking mga pasanin. Gayunman, hindi Ako maaaring tumigil sa paglilinis at pagdadalisay sa Aking iglesia; ang iglesia ang puso Ko. Kinasusuklaman Ko ang lahat ng masasamang tao na pinipigilan kayo mula sa pagkain at pag-inom ng Aking salita. Ito’y dahil may ilang kaunting tao na hindi Ako tunay na ninanais. Ang mga taong ito ay puno ng panlilinlang, hindi sila lumalapit sa Akin sa kanilang totoong puso, masasama sila, at sila ang mga taong hinahadlangan ang pagsasagawa ng Aking kalooban; hindi sila ang mga taong isinasagawa ang katotohanan. Ang mga taong ito ay puno ng pagmamagaling at pagmamataas, ambisyoso silang walang taros, gusto nilang nanlalait, at ang mga salitang sinasabi nila ay maganda sa pandinig, pero lihim nilang hindi isinasagawa ang katotohanan. Ang masasamang taong ito ay lahat lilipulin at lubusang mapapaalis; manlulupaypay sila sa mga sakuna. Ang mga salitang ito ay upang paalalahanan kayo at upang payuhan kayo para mapanatili ninyo ang inyong mga paa sa landas na kaayon ng puso Ko. Palaging bumalik sa inyong espiritu, dahil minamahal Ko yaong mga minamahal Ako ng kanilang buong puso. Dahil lumalapit kayo sa Akin, pangangalagaan Ko kayo at ilalayo kayo mula sa masasamang iyon, itatayo Ko kayong matatag sa Aking tahanan at babantayan kayo hanggang wakas.

Sinundan:Kabanata 23

Sumunod:Kabanata 25

Baka Gusto Mo Rin