Yaong mga Tunay na Nagmamahal sa Diyos ay Yaong mga Ganap na Nakakapagpasakop sa Kanyang Pagiging Praktikal

Ang pagkakaroon ng kaalaman sa realidad at lubos na pagkaunawa sa gawain ng Diyos—parehong nakikita ang mga ito sa Kanyang mga salita, at magkakamit ka lamang ng kaliwanagan sa pamamagitan ng mga salitang ito. Kaya dapat mong sangkapan ang iyong sarili ng higit pang mga salita ng Diyos. Ibahagi mo ang iyong pagkaunawa tungkol sa mga salita ng Diyos, nang sa gayon, sa pamamagitan ng iyong pagbabahaginan, mabibigyang-liwanag ang iba at magkaroon ng daan pasulong—ito ay isang praktikal na landas. Bago maghanda ang Diyos ng isang sitwasyon para sa iyo, bawat isa sa inyo ay kailangan munang sangkapan ang inyong sarili ng Kanyang mga salita. Ito ay isang bagay na dapat gawin ng lahat; isa itong agarang prayoridad. Una, umabot sa punto na marunong ka nang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos. Para sa anumang bagay na hindi mo alam gawin, hanapin sa Kanyang mga salita ang isang landas ng pagsasagawa; para sa anumang isyung hindi mo nauunawaan o anumang suliraning maaaring mayroon ka, bumaling ka sa Kanyang mga salita. Gawing panustos mo ang mga salita ng Diyos, at tulutang tulungan ka ng mga iyon sa paglutas ng iyong mga aktuwal na paghihirap at problema; at tulutan ding maging tulong mo sa buhay ang Kanyang mga salita. Kakailanganin ng mga bagay na ito ang iyong pagsisikap. Sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, kailangan mong magkamit ng mga resulta; kailangan mong mapatahimik ang iyong puso sa Kanyang harapan. Kapag nahaharap ka sa mga isyu, magsagawa alinsunod sa Kanyang mga salita, at kapag wala kang nakakaharap na anumang mga isyu, itutok mo na lang ang iyong sarili sa pagkain at pag-inom ng Kanyang mga salita. Kung minsan ay maaari kang manalangin at magnilay sa pagmamahal ng Diyos, magbahagi tungkol sa iyong pagkaunawa sa Kanyang mga salita, at makipagbahaginan tungkol sa kaliwanagan at pagtanglaw na nararanasan mo sa iyong kalooban at sa iyong naging mga reaksyon habang binabasa mo ang mga salitang ito. Bukod pa riyan, mabibigyan mo ng daan ang mga tao pasulong. Ito lamang ang praktikal. Ang layon sa paggawa nito ay tulutang maging praktikal na panustos mo ang mga salita ng Diyos.

Sa loob ng isang araw, ilang oras kang tunay na nasa harap ng Diyos? Ilang oras ng isang araw ang talagang ibinibigay mo sa Diyos? Ilang oras ang ibinibigay mo sa laman? Ang laging pagbaling ng iyong puso sa Diyos ang unang hakbang sa pagtahak sa tamang landas tungo sa Kanyang pagpeperpekto. Kung kaya mong ilaan ang iyong puso, katawan, at lahat ng iyong tunay na pagmamahal sa Diyos, iharap ang mga iyon sa Kanya, maging lubos na mapagpasakop sa Kanya, at maging lubos na mapagsaalang-alang sa Kanyang mga layunin, at hindi kumilos para sa laman, para sa pamilya, at para sa iyong sariling mga pagnanais, kundi para sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, na itinuturing ang mga salita ng Diyos bilang iyong prinsipyo at pundasyon sa lahat ng bagay, kung gayon, sa paggawa niyon, ang iyong mga motibo at iyong mga perspektiba ay maitutuwid, at magiging isa kang tao na tumatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos sa Kanyang presensiya. Gusto ng Diyos ang mga taong ganap na tapat sa Kanya; gusto Niya ang mga taong kayang maging tapat sa Kanya lamang. Ang mga kinasusuklaman ng Diyos ay yaong mga hindi buong-puso sa Kanya at naghihimagsik laban sa Kanya. Kinasusuklaman Niya yaong mga nananampalataya sa Kanya at laging gustong magtamasa sa Kanya ngunit hindi nagagawang lubos na gugulin ang kanilang sarili para sa Kanyang kapakanan. Kinasusuklaman Niya yaong mga nagsasabi na Siya ay mahal nila ngunit naghihimagsik laban sa Kanya sa kanilang puso; kinasusuklaman Niya yaong mga gumagamit ng magagaling at mabulaklak na salita upang manlinlang. Yaong mga hindi tunay na nakalaan sa Diyos o hindi pa tunay na nagpapasakop sa Kanya ay mga lubhang mapaghimagsik at masyadong likas na mayabang. Sa partikular, yaong mga hindi tunay na makapagpasakop sa harap ng normal at praktikal na Diyos ay mas mayabang pa, at sa partikular, sila ay ang masunuring mga inapo ng arkanghel. Ang mga taong tunay na ginugugol ang kanilang sarili para sa Diyos ay inilalaan ang buo nilang pagkatao sa Kanya at inilalagay ang kanilang sarili sa harapan Niya—kaya nilang magpasakop sa lahat ng Kanyang mga salita at gawain, magsagawa ng Kanyang mga salita at tanggapin ang mga ito bilang pundasyon ng kanilang pag-iral, at taos-pusong maghanap sa loob ng mga salita ng Diyos upang alamin kung aling mga bahagi ang isasagawa. Sila yaong mga tao na tunay na namumuhay sa harap ng Diyos. Kung magsasagawa ka sa ganitong paraan, magiging kapaki-pakinabang ito para sa iyong buhay. Sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng Kanyang mga salita ay makakamit mo ang pagkakilala sa iyong sariling mga tiwaling disposisyon, matutugunan rin ang iyong mga pangangailangan sa buhay at mapupunan ang iyong mga kakulangan, upang magbago ang iyong buhay disposisyon. Matutugunan nito ang mga layunin ng Diyos. Kung kikilos ka alinsunod sa mga hinihingi ng Diyos, at kung hindi mo tinutugunan ang laman kundi sa halip ay tinutugunan mo ang Kanyang mga layunin, dito ay nakapasok ka na sa realidad ng Kanyang mga salita. Ang pagpasok sa realidad ng mga salita ng Diyos ay nangangahulugang kaya mong gampanan ang iyong tungkulin at tugunan ang mga pangangailangan ng gawain ng Diyos. Ang ganitong mga uri lamang ng praktikal na mga kilos ang matatawag na pagpasok sa realidad ng Kanyang mga salita. Kung magagawa mong pumasok sa realidad na ito, tataglayin mo ang katotohanan. Ito ang simula ng pagpasok sa realidad; kailangan mo munang sumailalim sa pagsasanay na ito, at saka ka lamang makakapasok sa mas malalalim na realidad. Pag-isipan kung paano susundin ang mga kautusan at kung paano maging deboto sa harap ng Diyos; huwag mo palaging isipin kung kailan ka makakapasok sa kaharian. Kung hindi magbago ang iyong disposisyon, mawawalan ng silbi ang anumang iniisip mo! Para makapasok sa realidad ng mga salita ng Diyos, kailangan munang maging para sa Diyos ang lahat ng iyong ideya at kaisipan—ito ang pinakabatayang kinakailangan.

Sa kasalukuyan, maraming taong nasa gitna ng mga pagsubok at hindi nauunawaan ang gawain ng Diyos, ngunit sinasabi Ko sa iyo: Kung hindi mo ito nauunawaan, mas mabuti pang huwag mo itong husgahan. Marahil ay darating ang araw na lalabas ang buong katotohanan, at saka mo ito mauunawaan. Makakabuti sa iyo ang hindi manghusga, subalit hindi maaaring maghintay ka lamang nang pasibo. Kailangan mong hangarin na aktibong makapasok; saka ka lamang magiging isang taong may tunay na pagpasok. Dahil sa kanilang paghihimagsik, laging nakakabuo ang mga tao ng mga kuru-kuro tungkol sa praktikal na Diyos. Dahil dito ay kailangang matutuhan ng lahat ng tao kung paano maging mapagpasakop, sapagkat ang praktikal na Diyos ay isang napakalaking pagsubok para sa sangkatauhan. Kung hindi mo kayang manindigan, tapos na ang lahat; kung wala kang pagkaunawa sa pagiging praktikal ng praktikal na Diyos, hindi ka magagawang perpekto ng Diyos. Ang isang napakahalagang hakbang sa kung magagawang perpekto ang mga tao o hindi ay ang kanilang pagkaunawa sa pagiging praktikal ng Diyos. Ang pagiging praktikal ng Diyos na nagkatawang-tao na pumarito sa lupa ay isang pagsubok sa bawat tao; kung makakapanindigan ka tungkol dito, magiging isa kang tao na kilala ang Diyos, at magiging isa kang tao na tunay na nagmamahal sa Kanya. Kung hindi ka makapanindigan tungkol dito, at sa Espiritu ka lamang nananampalataya at hindi mo kayang manampalataya sa pagiging praktikal ng Diyos, gaano man kahusay ang ginagawa mo sa iyong pananampalataya sa Diyos, mawawalan iyan ng silbi. Kung hindi mo kayang manampalataya sa Diyos na nakikita, kaya mo bang manampalataya sa Espiritu ng Diyos? Hindi ba tinatangka mo lamang na lokohin ang Diyos? Hindi ka mapagpasakop sa nakikita at nahihipong Diyos, kaya may kakayahan ka bang magpasakop sa Espiritu? Ang Espiritu ay hindi nakikita at hindi nahihipo, kaya kapag sinabi mong nagpapasakop ka sa Espiritu ng Diyos, hindi ba kalokohan lamang ang sinasabi mo? Ang susi sa pagsunod sa mga kautusan ay ang pagkakaroon ng pagkaunawa sa praktikal na Diyos. Kapag nagkaroon ka na ng pagkaunawa sa praktikal na Diyos, magagawa mo nang sundin ang mga kautusan. May dalawang aspekto ang pagsunod sa mga ito: Ang isa ay pagkapit nang mahigpit sa diwa ng Kanyang Espiritu, at sa harap ng Espiritu, ang magawang tanggapin ang pagsisiyasat ng Espiritu; ang isa pa ay ang magawang magkaroon ng tunay na pagkaunawa sa nagkatawang-taong laman, at pagkakamit ng tunay na pagpapasakop. Sa harap man ng katawang-tao o sa harap ng Espiritu, kailangang palaging magkaroon ang isang tao ng isang pusong nagpapasakop sa Diyos at isang pusong may takot sa Kanya. Ganitong tao lamang ang kalipikadong gawing perpekto. Kung mayroon kang pagkaunawa sa pagiging praktikal ng praktikal na Diyos—ibig sabihin, kung nakapanindigan ka na sa pagsubok na ito—walang anumang magiging mahirap para sa iyo.

Sabi ng ilang tao, “Madaling sundin ang mga kautusan; kailangan mo lamang magsalita nang tapat at taimtim sa harap ng Diyos, at huwag kang magkukumpas; ito ang pagsunod sa mga kautusan.” Tama ba iyon? Kaya, kung gagawa ka ng ilang bagay sa likod ng Diyos na lumalaban sa Kanya, maituturing bang pagsunod iyon sa mga kautusan? Kailangan ninyong magkaroon ng lubos na pagkaunawa sa kung ano ang pagsunod sa mga kautusan. May kaugnayan ito sa kung mayroon o wala kang tunay na pagkaunawa sa pagiging praktikal ng Diyos; kung mayroon kang pagkaunawa sa pagiging praktikal at hindi ka nadarapa at nahuhulog habang nagdaraan sa pagsubok na ito, maituturing kang nagtataglay ng matatag na patotoo. Ang magbigay ng matunog na patotoo sa Diyos, sa pangunahin, ay may kaugnayan sa kung mayroon o wala kang pagkaunawa sa praktikal na Diyos, at kung nagagawa mong magpasakop o hindi sa harap ng taong ito na hindi lamang karaniwan, kundi normal, at magpasakop kahit hanggang kamatayan. Kung ikaw, sa pamamagitan ng pagpapasakop na ito, ay tunay na nagpapatotoo para sa Diyos, ibig sabihin niyan ay nakamit ka ng Diyos. Kung makakapagpasakop ka hanggang kamatayan, at sa Kanyang harapan, wala kang mga reklamo, hindi nanghuhusga, hindi naninirang-puri, walang anumang mga kuru-kuro, at walang anumang mga lihim na motibo, sa ganitong paraan ay magtatamo ng kaluwalhatian ang Diyos. Ang pagpapasakop sa harap ng isang karaniwang tao na hinahamak ng tao, at nagagawang magpasakop hanggang kamatayan nang walang anumang mga kuru-kuro—ito ay tunay na patotoo. Ang realidad na hinihingi ng Diyos na pasukin ng mga tao ay na magawa mong magpasakop sa Kanyang mga salita, isagawa ang mga ito, yumuko sa harap ng praktikal na Diyos at makilala ang sarili mong katiwalian, buksan ang iyong puso sa Kanyang harapan, at, sa bandang huli, makamit Niya sa pamamagitan ng mga salita Niyang ito. Nagtatamo ng kaluwalhatian ang Diyos kapag nilulupig ka ng mga salitang ito at idinudulot na lubos kang mapagpasakop sa harapan Niya; sa pamamagitan nito, hinihiya Niya si Satanas at kinukumpleto ang Kanyang gawain. Kapag wala kang anumang mga kuru-kuro tungkol sa pagiging praktikal ng Diyos na nagkatawang-tao—ibig sabihin, kapag nakapanindigan ka sa pagsubok na ito—mahusay kang nagpatotoo rito. Kung dumating ang araw na magkaroon ka ng lubos na pagkilala sa praktikal na Diyos at kaya mong magpasakop hanggang kamatayan kagaya ni Pedro, makakamit ka ng Diyos at magagawa ka Niyang perpekto. Anumang ginagawa ng Diyos na hindi nakaayon sa iyong mga kuru-kuro ay isang pagsubok para sa iyo. Kung ang gawain ng Diyos ay nakaayon sa iyong mga kuru-kuro, hindi ka na kailangang magdusa o mapino. Ito ay dahil ang Kanyang gawain ay napakapraktikal at hindi kaayon sa iyong mga kuru-kuro kaya kailangan mong pakawalan ang mga kuru-kurong iyon. Kaya nga ito ay isang pagsubok para sa iyo. Dahil sa pagiging praktikal ng Diyos kaya lahat ng tao ay nasa gitna ng mga pagsubok; ang Kanyang gawain ay praktikal, hindi sobrenatural. Sa pamamagitan ng lubos na pag-unawa sa Kanyang praktikal na mga salita at Kanyang praktikal na mga pagbigkas nang walang anumang mga kuru-kuro, at magawa Siyang mas mahalin nang tunay habang mas nagiging praktikal ang Kanyang gawain, makakamit ka Niya. Ang grupo ng mga tao na makakamit ng Diyos ay yaong mga nakakikilala sa Diyos; ibig sabihin, yaong mga nakakikilala sa Kanyang pagiging praktikal. Higit pa rito, sila yaong mga nagagawang magpasakop sa praktikal na gawain ng Diyos.

Habang ang Diyos ay nasa katawang-tao, ang pagpapasakop na hinihingi Niya sa mga tao ay hindi nangangahulugan ng pagpipigil na manghusga o lumaban, na tulad ng iniisip nila; sa halip, hinihingi Niya sa mga tao na gamitin ang Kanyang mga salita bilang kanilang prinsipyong pagbabatayan sa buhay at bilang pundasyon ng kanilang pag-iral, na lubos nilang isagawa ang diwa ng Kanyang mga salita, at lubos nilang tugunan ang Kanyang mga layunin. Ang isang aspekto ng hinihingi sa mga tao na magpasakop sa Diyos na nagkatawang-tao ay tumutukoy sa pagsasagawa ng Kanyang mga salita, samantalang ang isa pang aspekto ay tumutukoy sa kakayahang magpasakop sa Kanyang pagiging normal at praktikal. Ang mga ito ay kailangang kapwa absoluto. Yaong mga makakatamo sa dalawang aspektong ito ay lahat ng yaong mayroong tunay na mapagmahal-sa-Diyos na puso. Silang lahat ay mga taong nakamit na ng Diyos, at mahal nilang lahat ang Diyos tulad ng pagmamahal nila sa kanilang sariling buhay. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay may normal at praktikal na pagkatao sa Kanyang gawain. Sa gayon, ang Kanyang panlabas na anyo na kapwa normal at praktikal na pagkatao ay nagiging isang napakalaking pagsubok para sa mga tao; ito ang nagiging pinakamalaki nilang paghihirap. Gayunman, hindi maiiwasan ang pagiging normal at praktikal ng Diyos. Sinubukan Niya ang lahat para makahanap ng solusyon ngunit sa huli ay hindi Niya nagawang alisin sa Kanyang Sarili ang panlabas na anyo ng Kanyang normal na pagkatao. Ito ay dahil Siya, kung tutuusin, ang Diyos na nagkatawang-tao, hindi ang Diyos na Espiritu sa langit. Hindi Siya ang Diyos na hindi nakikita ng mga tao, kundi ang Diyos na nakasuot ng panlabas na anyo ng isang nilikha. Sa gayon, ang pag-aalis sa Kanyang Sarili ng panlabas na anyo ng Kanyang normal na pagkatao ay hindi magiging madali sa anumang paraan. Samakatwid, anuman ang mangyari, ginagawa pa rin Niya ang gawaing nais Niyang gawin mula sa perspektiba ng katawang-tao. Ang gawaing ito ang pagpapahayag ng normal at praktikal na Diyos, kaya paano magiging ayos lang sa mga tao na hindi magpasakop? Ano ba ang magagawa ng mga tao tungkol sa mga gawa ng Diyos? Ginagawa Niya ang anumang nais Niyang gawin; anuman ang nagpapasaya sa Kanya ay iyon ang masusunod. Kung hindi magpapasakop ang mga tao, ano ang iba pang magagandang planong mayroon sila? Hanggang ngayon, pagpapasakop lamang ang nakapagliligtas sa mga tao; wala nang may iba pang matatalinong ideya. Kung nais ng Diyos na subukin ang mga tao, ano ang magagawa nila tungkol dito? Gayunman, wala sa mga ito ang pagnanais ng Diyos sa langit; ito ay pagnanais ng Diyos na nagkatawang-tao. Nais Niyang gawin ito, kaya walang taong makakapagbago nito. Hindi nanghihimasok ang Diyos sa langit sa ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao, kaya hindi ba’t mas lalong dapat magpasakop sa Kanya ang mga tao? Bagama’t Siya ay kapwa praktikal at normal, Siya ang ganap na Diyos na naging tao. Sinusunod Niya ang mga pagnanais Niya na gawin ang anumang nais Niya. Ipinasa na ng Diyos sa langit ang lahat ng gampanin sa Kanya; kailangan mong magpasakop sa anumang Kanyang ginagawa. Bagama’t mayroon Siyang pagkatao at napakanormal, sadya na Niyang isinaayos ang lahat ng ito, kaya paano Siya nagagawang pandilatan ng mga mata ng mga tao nang may pagtutol? Nais Niyang maging normal, kaya Siya ay normal. Nais Niyang mamuhay sa loob ng pagkatao, kaya Siya namumuhay sa loob ng pagkatao. Nais Niyang mamuhay sa loob ng pagka-Diyos, kaya Siya namumuhay sa loob ng pagka-Diyos. Maaari itong tingnan ng mga tao paano man nila naisin, ngunit ang Diyos ay palaging magiging Diyos at ang mga tao ay palaging magiging mga tao. Ang Kanyang diwa ay hindi maitatanggi dahil sa isang maliit na detalye, ni hindi Siya maitutulak palabas ng “persona” ng Diyos dahil sa isang maliit na bagay. Ang mga tao ay may kalayaan ng mga tao, at ang Diyos ay may dignidad ng Diyos; hindi nanghihimasok ang mga ito sa isa’t isa. Hindi ba maaaring bigyan ng mga tao ng kaunting kalayaan ang Diyos? Hindi ba nila mapagbibigyan ang pagiging medyo kaswal ng Diyos? Huwag kayong masyadong mahigpit sa Diyos! Bawat isa ay dapat magparaya sa isa’t isa; kung gayon ay hindi ba malulutas ang lahat? Magkakaroon pa ba ng anumang agwat? Kung hindi makapagpaubaya ang isang tao sa gayon kaliit na bagay, paano pa niya masasabi ang anumang gaya ng “Maaaring maglayag ang isang bangka sa lawak ng puso ng isang punong ministro”? Paano siya magiging isang totoong lalaki? Hindi ang Diyos ang nagpapahirap sa sangkatauhan, kundi ang sangkatauhan ang nagpapahirap sa Diyos. Pinangangasiwaan nila palagi ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng pagpapalaki sa maliliit na bagay. Talagang pinalalaki nila ang maliit na bagay, at ito ay isang bagay na talagang hindi nila dapat gawin! Kapag gumagawa ang Diyos sa loob ng normal at praktikal na pagkatao, ang Kanyang ginagawa ay hindi ang gawain ng tao, kundi ang gawain ng Diyos. Gayunman, hindi nakikita ng mga tao ang diwa ng Kanyang gawain; ang palagi lamang nilang nakikita ay ang panlabas na anyo ng Kanyang pagkatao. Hindi pa sila nakakita ng gayon kadakilang gawain, subalit nakita, sa halip, ang Kanyang karaniwan at normal na pagkatao, at hindi nila ito bibitiwan. Paano ito matatawag na pagpapasakop sa Diyos? Ang Diyos sa langit ay “naging” Diyos na sa lupa ngayon, at ang Diyos sa lupa ay Diyos na sa langit. Hindi mahalaga kung magkapareho ang Kanilang mga panlabas na anyo, ni hindi mahalaga kung paano mismo Sila gumagawa. Sa huli, Siya na gumagawa ng sariling gawain ng Diyos ay ang Diyos Mismo. Kailangan mong magpasakop naisin mo man o hindi—hindi ito isang bagay na may mapagpipilian ka! Ang Diyos ay dapat na pagpasakupan ng mga tao, at kailangang ganap na magpasakop ang mga tao sa Diyos nang wala ni katiting na pagkukunwari.

Ang grupo ng mga taong nais makamit ng Diyos na nagkatawang-tao ngayon ay yaong mga nakaaayon sa Kanyang mga layunin. Kailangan lamang ng mga tao na magpasakop sa Kanyang gawain, at tumigil sa patuloy na pag-aalala sa mga pagnanais ng Diyos sa langit, pamumuhay sa kalabuan, at pagpapahirap ng mga bagay-bagay para sa Diyos na nasa katawang-tao. Yaong mga nagagawang magpasakop sa Kanya ay yaong mga ganap na nakikinig sa Kanyang mga salita at sumusunod sa Kanyang mga pagsasaayos. Ni hindi man lamang pinapansin ng gayong mga tao kung ano talaga ang Diyos sa langit o kung anong klaseng gawain ang maaaring kasalukuyang ginagawa ng Diyos sa langit sa tao; iniaalay nila nang lubusan ang kanilang puso sa Diyos sa lupa at inilalagak ang kanilang buong pagkatao sa Kanyang harapan. Hindi nila isinasaalang-alang kailanman ang kanilang sariling kaligtasan, ni hindi nila binubusisi kailanman ang pagiging normal at praktikal ng Diyos na nasa katawang-tao. Yaong mga nagpapasakop sa Diyos na nasa katawang-tao ay maaari Niyang gawing perpekto. Yaong mga nananampalataya sa Diyos sa langit ay walang mapapala. Ito ay dahil hindi ang Diyos sa langit, kundi ang Diyos sa lupa, ang nagkakaloob ng mga pangako at pagpapala sa mga tao. Hindi dapat palaging dakilain ng mga tao ang Diyos sa langit samantalang itinuturing na ordinaryong tao lamang ang Diyos sa lupa; hindi ito makatarungan. Ang kanilang diyos sa langit ay dakila at kamangha-mangha na may kagila-gilalas na karunungan, subalit hindi talaga siya umiiral. Ang Diyos sa lupa ay masyadong ordinaryo at hamak, at napakanormal din. Wala Siyang di-pangkaraniwang isipan o hindi Siya nagsasagawa ng mga kilos na nakayayanig ng mundo, gumagawa lamang Siya at nagsasalita sa isang napakanormal at praktikal na paraan, at hindi Siya nagsasalita sa pamamagitan ng kulog o nagsusugo ng hangin at ulan. Gayumpaman, Siya talaga ang pagkakatawang-tao ng Diyos sa langit, at Siya talaga ang Diyos na namumuhay sa piling ng mga tao. Hindi dapat ituring ng mga tao ang siyang nagagawa nilang unawain at tumutugma sa kanilang sariling mga imahinasyon bilang Diyos, o dakilain siya, samantalang nakikita bilang aba ang siyang hindi nila matanggap at tiyak na hindi nila maisip. Lahat ng ito ay nagmumula sa paghihimagsik ng mga tao; ito ang lahat ng pinagmumulan ng paglaban ng sangkatauhan sa Diyos.

Sinundan: Ang Lahat ay Naisasakatuparan ng Salita ng Diyos

Sumunod: Iyong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino

Habang patuloy na dumarami ang mga sakuna, nagsisimulang matanto ng parami nang paraming tao na ang mga propesiya sa Bibliya ay hindi mga gawa-gawang kuwento lamang, kundi isang realidad na nangyayari sa mismong harapan natin. Walang nakakaalam kung ano ang mauuna: ang bukas ba, o isang hindi inaasahang sakuna. Kung gusto mong salubungin ang pagbabalik ng Panginoon kasama ng pamilya mo at maging ligtas sa ilalim ng proteksyon ng Diyos, i-click ang WhatsApp para sumali sa aming study group. Huwag mo na itong ipagpabukas.

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito